Chapter 1 - Elites
Lavandeir's POV
"Come with me... follow me"
"S-sino k-ka?"
"Just follow me. And I'll help you."
"Hoy gising! May pasok ka pa," may kumakalabit sa akin.
"Hoy manang gising na. May pasok ka pa," alam ko kung sino to'ng nambulabog sa tulog ko. Ang hudas na kuya ko'ng laging nambwibwisit sa buhay ko. Bahala siya diyan tsk!
Manigas ka kuya hmp! Narinig ko namang parang umalis siya base sa tunog ng footsteps niya. Hay salamat, isip-isip ko.
Maya-maya lang...
Nakaramdam ako ng malamig na tubig sa aking pisngi. Medyo mabaho rin ito kaya... 'Wag mo'ng sabihing...
Napabalikwas ako ng bangon nang mag-rehistro sa akin kung ano ang ginagawa niya. Walang hiya!
"A-ano ba kuya ang baho! Kanal talaga? Di ba pwedeng tubig ulan na lang?!" Nakatingin lang siya sa'kin at nakangisi. Ginagalaw-galaw pa 'yung kilay niya.
"'Daming arte nito, pasalamat ka pa nga ginising kita," sabi niya at umupo pa talaga sa katre at sinipa pa ako.
"Baka nakalimutan mo'ng ito ang way ng pang-gigising ko?"
Tumayo na ako tsaka siya sinamaan ng tingin at inirapan. Siya naman nakangisi lang sa 'kin habang ginagalaw-galaw ang kilay. argh!
Tiningnan ko ang samsung ko'ng cellphone na keypad ay 5:30 pa lang ng umaga at ang una ko'ng klasi ay 8am. Napabuntong-hininga ako sa sobrang aga. Pero no choice, kasi maglalakad pa ako patungong ECU kaya maaga talaga.
Di ako mananalo sa kuya ko'ng 'to, kaya pumasok na ako sa cr. Isa lang ang cr sa amin. 'Di mayaman eh. 'Di tulad nila na bawat kwarto may kanya-kanyang CR. Gusto ko'ng matawa sa ka-dramahan pero okay lang. Ayoko nang magdrama pa.
Pagkatapos ko'ng maligo at magbihis ay pumunta na ako sa kusina. Maliit lang ang kusina namin at iisa lang iyon sa sala. May apat na upuan na white na monoblock at isang square na mesa na nakapwesto sa gitna. Sa gilid nito ay doon kami magluluto at sa right side ang hugasan namin. Nakita ko si lolo at si kuya na kumakain ng tinapay at milo, pero kay lolo tsaa lang.
"Goodmorning po lo."
"Goodmorning din apo, mag-almusal ka na rito baka maubos pa'to ng kuya mo ang tinapay."
Umupo ako at kumuha ng tinapay nang biglang nag-aalburoto si kuya, "kay lolo nag-good morning tas sa'kin wala? Grabi nito," sabi pa niya at binato pa talaga ako ng tinidor. Iyong joke lang na pagbato pero natamaan pa rin ako. Sakit ah!
Nahulog ang salamin ko sa pagbato niya ng tinidor sa akin kasi kahit nag-try akong umilag boplaks pa rin ako at natamaan.
"Kuya ano ba! Buti at nakasalamin ako kundi ang mata ko talaga ang natamaan, ayan tuloy may malaking crack na," sabi ko habang pinapahiran ang salamin ng panyo para malinaw na malinaw.
"Tsk! Di kasi umilag. 'Yaan mo sweldo ko bukas bibilhan na lang kita ng bago," nagtatrabaho kasi siya sa Mcdo.
Xian Black Trinidad, ang dakilang kuyanemy ko. 21 years old na pero kung kumilos parang bata pero sanay na ako sa kanya. Working student siya at nag-aaral sa public school, 3rd year college pa siya ngayon kasi tumigil siya noong last year. Walang pang-tuition eh. Kumpara sa akin sa high class talaga. May nag-sponsor lang sa 'kin at hanggang ngayon hindi ko pa rin kilala ang sponsor ko. Si lolo lang kasi ang nag-process about sa sponsor na iyan. 1st year college pa ako at nag aaral sa Elite College University. 18 years old. Matagal akong nakapag-highschool kasi wala pa akong sponsor noon, dapat sana 3rd year na ako ngayon.
Wala kasing budget si lolo. Si lolo na lang ang magulang namin ni kuya. Basta long story raw sabi niya kaya 'di ko nalang siya tinanong pa kung bakit.
"Ahm nga pala kuya, day off mo ngayon?" tumingin siya sa 'kin at ngumisi. Problema nito?
"Hulaan mo."
Automatic na dumikit ang kaliwang palad ko sa noo. Isip bata talaga 'to!
"Hays makaalis na nga! Umagang-umaga, isip bata agad makaharap ko eh." Tumayo na ako. Kukunin ko na sana ang isa pang tinapay nang maunahan na ako ng magaling kong kuya.
"Aba't aalis na nga lang may gana pang magnakaw. Tsupi!" sabi pa niya at nag-gesture pa na parang isa akong asong tinataboy. Umirap ako sa kanya at nagpaalam na kay lolo.
Napabuntong-hininga ako. Sino ang mga walang kuya diyan? Sa inyo na lang po siya sige na po. At wag mag alala, gwapo po 'yung kuya ko. Kunin niyo na lang.
Sana may makarinig sa dalangin ko tsk!
...
Nandito na ako sa maliit na gate ng ECU pero 'di pa ako pumasok. Dito ako lagi dumaan kasi walang masyadong dumadaan dito. Kasi nga doon sila sa malaking gate. May car eh. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok, kasi 'pag nasa loob na ako, maging famous na ako. Sikat ako rito, 80% ng studyante rito kilala ako.
Bumuntong hininga ako tsaka pumasok. Nakayukong naglalakad tsaka nakasanayan ko na ito, last sem pa lang.
"Hoy loser, buhay ka pa pala? Hahaha," sabi ng isa babae. Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
Kakasimula pa lang ng 2nd semester ngayon kaya 'yun agad ang tanong niya.
Bumuntong hininga ako. Sana...
Sana hindi na ako naging rank 2 rito. Simula noong makalaban ko ang leader ng Elites sa isang competition ay naging miserable na ang buhay ko. Hindi ko naman kasi alam na maging ganito ang trato nila sa akin. Lalong-lalo na nang malaman nilang isa lang akong scholar, mas maraming ayaw sa akin. Hindi ko pa naman kasi kilala ang Elites noon at kung ano ang kaya nilang gawin at ano ang role nila rito.
May bigla naman humarang sa harapan ko, isang babae at tatlong lalaki, di ko kilala sila pero sila kilala ako, iba talaga maging famous. Wala ba silang magawa at ako na naman ang napagtripan?
"Hey los kumusta? Bagong buhay na ba?" natatawang tanong ng isang lalaking ang gulo ng porma ng buhok niya. Yumuko na lang ako at hindi na umimik pa. Ganito ako, mute rito.
"Improving si nerd hahaha, mas lalong naging mute at..." Tiningnan naman ako nung isang babae at he-nead to foot. "... pumanget pft hahahahahah" umalis na sila habang tumatawa. Ginulo pa ng lalaki ang buhok ko tsaka umalis.
Napabuntong-hininga ako at nagpatuloy sa pag-lalakad. Kailan kaya matatapos 'to? Impossible. Tumingala ako at inilibot ang aking paningin sa kabuoan nitong ECU.
Nakikita ko ang malalaking building ng iba't-ibang course sa harapan ko. At ang main building kung saan nasa pinaka-gitna pagkapasok mo pa lang sa entrance. May malaking nakalagay sa itaas ng bahagi nito na 'ELITES COLLEGE UNIVERSITY'. Building 'yan kung saan ang office ng mga teachers at ng mga facilities. Nandiyan din ang room ng student council at ng head nitong school. Pati na rin ang Elites, may room din sila diyan. Iba pa iyan sa room nila sa headquarter.
Mayroong fountain din sa kaliwang bahagi kung saan dadaan ang mga kotse. May napakalaking parking lot sa gilid na bahagi ng main gate.
Maraming estudyante. Lahat puro mayaman. Lahat may magagarang gamit. 'Yong iba naka-headphone at may ibang gumagamit ng napakalaking tablet. Maaliwalas ang University na ito dahil na rin sa mga magagandang halaman na pantay-pantay ang pagkakaayos at uniform pa ang color nila. Hindi rin masyadong mainit since umaga pa lang. At sana maaliwalas din ang aking 1st day.
May isa pa akong pinaka-iniiwasan dito, ang Elites,. Sana lang talaga hindi ko makasalubong ang Elites ngayon.
Kahit ngayon lang. Kakasimula pa lang ng klase at ayokong maalala ulit ang noon.
Iniling ko ang ulo para mawala ang mga iniisip ko. Hindi ko muna dapat isipin iyon. Ang mahalaga ay ang matapos ang first day ng matiwasay.
'Come with me... follow me'
'S-sino k-ka?'
'Just follow me. And I'll help you.'
Weird. Pangatlong beses ko nang napanaginipan iyon. Isang lalaking nasa mid 30 pero hindi ko makita ang mukha. Feel ko'ng mid 30 kasi base sa tindig at panamit niya.
Iniling ko ulit ang ulo para mawala na naman sa isip ko iyon. Bakit ba ang dami ko'ng inaalala ngayon?
Hindi ko na inisip ang napanaginipan ko at pumunta na sa building ng Commerce.
Commerce kinuha kong course and major in Office Administration nga lang. Ito lang kasi ang pinakamurang tuition fee. Hindi kasi ito ang totoong gusto kong course.
Nang marating ko na ang elevator ay pinindot ko ang button at nanalangin na sana walang ibang tao sa loob.
Pagkabukas nito ay nagpapasalamat akong wala ngang tao. Eh kasi bukod sa 7:30am pa at bukod sa dalawa ang elevator, elevator para sa mga studyante at sa kabila ay para sa mga staff rito, ay kunti lang talaga ang kumuha sa course ng Office Administration kasi nga pang-cheap daw.
Tsk grabi. Eh kung ang tuition fee ng Engineering ang pinakamura? Cheap agad?
Pero kahit na kunti lang ang kumukuha rito, hindi pa rin nawawala ang mga bullies.
Tumunog ang elevator. At unti-unti itong bumukas.
Parang nag-slomo ang paningin ko nang pumasok ang tatlong babae at apat na lalaki.
Nanglalaki ang mga mata ko at nakaramdam ng paninindig ng balahibo. Agad akong yumuko. Bakit nandito sila? Bakit napadpad sila sa building na ito? Pinasadahan ko ng tingin ang itaas ng bahagi sa gilid ng pinto. 4th floor. 'Yan ang nakita ko kung anong floor na ako. 732a kasi ang room ko at ilang floor pa bago ako makapunta ro'n.
Nagtataka pa akong pinindot ng isa sa kanila ang 5th, 6th and 7th floor. Kutob ko ay para matagalan kaming makapunta ro'n... Or siguro ako lang.
"Oy loser buhay ka pa pala pagkatapos ng nangyari noon? Grabi tapang ah? Hahaha," sabi ni Clent. Clent Fusteir ang pang apat na rank.
Hindi ako umimik. Mahigpit kong hinawakan ang bagpack ko. Ayaw ko na maalala ang nangyari noon. Sila ang pinaka-iniiwasan ko ngayon pero bakit nakulong ako sa elevator na kasama sila? Yes, para akong kinukulong kapag nasa paligid sila.
Napa-aray ako bigla nang may tumama sa ulo ko. Isang bola ng volleyball. Nakita ko si Mia, nakangisi sa'kin.
Mia Salvador. Hindi siya kasali sa rank 5 pero part siya ng Elites dahil isa ang pamilya niya na may malaking shares sa paaralang ito. Gusto ko umiyak sa sobrang sakit kaso pinipigilan ko lang. Nag-blur ang aking paningin dahil sa luha na pilit lumabas. Ang tagal naman ng elevator.
"Ilabas mo na 'yang luha mo los 'wag ka na mahiya pa," natatawang sabi ni Justine Mae Fusteir. Siya ang kapatid ni Clent at tulad ni Mia hindi rin kasali sa rank 5. May malaking shares rin sila rito sa ECU kaya kasali siya sa Elites, bukod sa siya ang queen bee rito at kasali ng cheering squad.
Tumunog ang elevator at nagpapasalamat ako roon.
Dali-dali akong lumabas ng elevator ng makitang 7th floor na ito. Pinahid ko naman ang kunting luha na tumulo. Di pa nakisabay lumabas talaga.
"And where d'you think you're going?" Wala pang isang segundo, napatigil ako nang nagsalita ang Rank 1 na kahit anong gawin ko noon, hindi ko pa rin nalalamangan. Stuck to rank 2 lang ako. Pero iyon ang pinagsisihan ko, ang nag-try na kalabanin siya sa ranking.
Jax Blaine Wilder. Ang may ari ng university na ito. Ang leader ng Elites at ang hari ng paaralang ito. Siya rin ang student council dito.
Agad akong yumuko nang lumapit siya, I mean sila sa akin.
"Hoy loser 'wag mo kaming tatalikuran kapag 'di pa kami tapos sa'yo." sabi ni Reid Smith. Ang rank 5. Kasama siya sa Elites kasi bukod sa sila ang may-ari ng mga nagbebenta ng mga mamahaling kotse ay siya ang leader ng Elites Basketball Team. Nagsisilbing coach din.
Narinig ko ang tunog ng bubble gum na pumutok. Nakita kong dali-daling kinain iyon ni Kei Tamaki na nakaakbay kay Reid. Isa siyang sikat na model dito sa Pilipinas pati na rin sa Japan. Isa rin siyang varsity rito, isang swimmer. At wala pang nakakatalo na ibang school kapag siya ang representative namin. Gustohin ko ma'ng humanga sa kanya pero 'di ko magawa. Takot ang nararamdaman ko kapag marinig ang pangalan niya, nila.
"Grabi mo Kei," natatawang sabi ni Elayah nang binato sa'kin ni Kei ang kanyang kinain na bubble gum kanina. Nag-apir pa sila. Kinuha ko naman ito tsaka tinapon. Hindi ko na pinansin ang laway nito.
Elayah Mcgraw, half american kaya napakaganda niya. Siya ang leader ng cheering squad. In short ang cheerleader pero may pagkaboyish ewan ang hirap e-explain. Siya naman ang rank 3.
"Hey loser listen to me. Hindi lang iyon ang mangyari sa iyo kapag hindi ka pa umalis sa paaralan ko." Sabi ni Jax na nakakatakot ang boses. Ganyan na talaga ang boses niya, maraming takot sa kanya hindi lang sa boses na iyan. Isa ako sa takot nito at ang boses niya ang pinaka-ayaw kong marinig sa lahat. Parang boses ng satanas.
Hindi ako umimik. Hindi ko alam ang sasabihin. Kung pwede lang na umalis ako rito ay ginawa ko na, kaso nakakahiya naman sa nag-sponsor sa akin at kay lolo. Bahala na. Ayaw kong biguin sila. Ayaw kong umalis dito hangga't, maaari ay kakayanin ko.
"Tsk such a waste of time. A trash," sabi niya at umalis na. Nakasunod naman ang iba pa habang tinatawanan ako. Binatukan pa ako ni Reid at Elayah at nag apir pa.
Ngayon ko na lang namalayan na marami na palang nanunuod sa amin. May taga-ibang course pa ang nakinuod. Iba talaga 'pag famous. Bilis ng balita.
Nagtatawanan naman ang mga nanunuod at pinagbabato pa ako ng kung anu ano bago umalis. Napabuntong hininga ako at lumakad.
Mabuti na lang at iyon lang ang ginawa nila. Nagpapasalamat ako roon.
Pupuntahan ko na sana ang room 732a pero napatigil ako nang may nakita akong lalaki na wagas na makatitig sa akin, nakasandal sa fence na naka-crossed arms tas naka-shade pa. Shade na clear glass 'yung makikita ang mata. Nanindig ang balahibo ko nang bigla siyang nag-smirk at tumalikod, pumatong sa fence at tsaka tumalon.
Unti-unting lumaki ang aking mata nang ma-realize ko kung ano'ng nakita ko.
Anong nangyayari rito? Sino yun? Ano yun? Multo? 7th floor tinalon?
Nababaliw na ba ako?