Chapter 3: Guy
Lavandeir's POV
"Lav? Okay ka lang?" Tanong sa'kin ni Kimberly.
Siya si Kimberly Heir, ang tanging kaibigan ko rito sa campus. Nandito kami ngayon sa greenhouse, nag-text kasi ako sa kanya kasi vacant ko na ngayon.
Napabuntog hininga ako sa tanong niya. Nilibot ko ang tingin sa loob nitong greenhouse. May dalawang set ng lamisa at mahabang upuan na gawa sa kahoy. Naka-arrange rin ng mabuti ang mga halaman sa gilid. Malaki kasi itong greenhouse eh. Inaalagan ito ng mabuti. Buti nga at okay lang na may tumambay rito eh.
"Hey!"
"Ah! Oo okay lang," mahina ko'ng sagot sa kanya. Marami akong inaalala ngayon. Unang-una 'yung sinabi ni Jax na gagawa siya ng paraan, umalis lang ako sa paaralan niya. Alam ko'ng hindi lang simpleng bagay ang gagawin niya katulad noon. Kaya nga hindi talaga ako makampante buong oras kapag nandito ako sa paaralan.
Pangalawa ay 'yung lalaking tumalon. Kung guni-guni ko ba iyon o totoo. At kung taga-rito ba siya sa paaralang ito. Wala kasi kaming uniform kaya hindi ko alam kung estudyante ba siya rito.
"Really?" napatingin ako kay Kim na bigla na lang naging sarcastic 'yung tono at yung mukha na naging sarcastic din. "So? Musta? Musta naman ang mga Elites kanina? binugbog ka na naman ba?" Sabi niya, gano'n pa rin 'yung expression niya, pero ngayon nakataas na 'yung kilay.
Ang bilis talaga ng balita.
Buntong-hininga lang ang sinagot ko sa kanya. Ayaw ko nang pag-usapan pa iyon. Paulit-ulit na lang kasi. Tsaka kakasimula pa lang ng klase, baka madamay na naman siya sa stress na nararamdaman ko.
"Ano ka ba? Gusto mo bang palagi ka na lang nilang inaapi? Gusto mo bang pagtatawanan palagi? Tatawaging loser? Nerd? Boplaks? Kasi kung ako ang nasa side mo hindi. 'Cause as what as I remembered, I am born to be treated as a human not as an animal or a trash or something bullshit!" naiinis na niyang sabi.
Naiiyak na naman ako. Hindi dahil sa naalala ko ang nangyari noon kundi dahil sa alam kong meron pang naawa sa akin at nagtrato nang ganito like tinuring talaga na isang tao.
"Ang drama mo talaga, ayan tuloy naiiyak na ako," sabi ko habang pinapahiran ang mga namumuong luha sa aking mata.
"Tsk! Ang sarap mong iuntog sa pader. Nakakainis na 'yang palaging ganyan mo. Kailan ka ba matutong lumaban? O di kaya'y kahit depensahan man lang ang sarili mo? Hays ewan ko sayo!" ginugulo pa talaga ang buhok niya tsaka nag-cross arms ulit pagkatapos akong irapan. Mahirap naman kasi gawin iyon, lalong-lalo na't alam kong wala talaga akong laban sa kanila. Mayaman sila kumpara sa akin. Mas makapangyarihan sila kumpara sa akin. Wala nga ako sa pwesto para pagkumparahin ang isang 'tulad ko sa kanila.
Pasalamat na lang ako na nandiyan si Kim para sa akin at laging nagpapagaan ng loob ko. Niyakap ko naman siya ng mahigpit na parang nangigigil talaga.
"Huwag ka ngang ganyan, naiiyak ako eh. Alam mo, kundi dahil sa nangyari noon hindi tayo nagkakilala at hindi tayo naging magkaibigan. Sabihin nalang nating let's look on the brighter side. The positive side. Oh diba hahaha ang drama," sabi ko na nakayakap pa rin.
"'Wag mo nga 'kong yakapin tsaka ewan ko sa'yong lampa ka!" bumitaw agad ako sa yakap.
"Thank you haha," bumuntong hininga naman siya at may hinagis sa 'kin na kung ano. Pagtingin ko, isang Vcut. Wow
"Wow thank you Kimmmm sa 'kin na'to ha? Walang bawian," sabi ko at niyakap agad yung chichirya na Vcut, 'yung pinakamalaki talaga. Siya na talaga mayaman na mabait.
"Alam ko namang favorite mo yan. Oh ito pa pantulak." inabot niya sa akin ang paborito ko ring C2. Nanlalaki ang aking mata sa laki nito.
"Para kang tanga. Alam mo? Cute ka naman eh, hindi ka kasi makikinig sa mga payo ko. Tsk. Kailan ka pa ba magpapaganda? For God sake you're now 18 tsk!" Ayan pinapagalitan na naman ho ako ni lola Kim. 'Yan ang way ng pag-care niya.
"Hay! Ewan ko wala akong time sa pagpapaganda. Salamat pala rito. Alam mo na talagang favorite ko ito." Sabi ko at niyayakap ang dalawang snack.
"Really?..." sarcastic na naman niyang tanong. "Snack, pampa-goodvibes mo, kapag na bored ka o kung kahit tanghaling tapat, 'yan ang kinakain mo." Sabi niya pero 'yung expression ng mukha ganoon pa rin. "So sabihin mo sa'kin kung paano ko hindi malalamang 'di mo 'yun favorite?" Nakataas ang kilay niya. Isang ngiti lang ang sinagot ko sa kanya at nag-peace sign. Yep tama nga ang sinabi niya pero yung C2, iyong solo lang ang afford ko. Mahal kaya ng mga ito. Kelangan kasi magtipid. Pang-project lang ang bigay ni kuya sa akin eh.
Bumuntong hininga naman siya at tumingin sa relo niya. "sige una na 'ko sa'yo, may klase pa ako. Ingatan mo 'yang sarili mo at 'wag na 'wag kang magpapakita sa mga Elites," sabi niya at umalis na. Nag-smile naman ako sa kanya at noong nakaalis na siya ay unti-unting naglaho ang mga ngiti ko. Mabuti nalang at nandiyan si Kim.
Tiningnan ko ang relo ko at nakitang may isang oras at kalahati pa bago ang next class ko. Napag-isipan kong dito muna ako magpapalipas ng oras.
Ako lang naman mag-isa rito. Matiwasay at nakakapag-isip ka talaga sa lugar na ito. Nagustuhan ko na itong lugar na ito noon pa kasi walang pumupunta rito, walang istorbo.
Binuksan ko 'yung C2. Mamayang lunch na lang ang Vcut kasi hindi ko nadala ang lunch ko. Ang mahal kaya ng mga pagkain dito.
Habang umiinom, may biglang umupo sa gilid ko. Napatingin ako sa kanya at hindi sinadyang napalaki ang aking mata at maibuga sa harapan ko ang C2. Sayang yun.
K-kailan napunta ang lalaking 'to rito? Ba't hindi ko naramdaman?
Naka-side view siya sa akin, nakatukod 'yung dalawang kamay sa baba niya habang ang siko niya ay nakapatong sa mesa. Nakasuot siya ng polo shirt na maroon at naka-faded blue pants.
Mas lalong lumaki ang aking mata nang humarap siya sa akin at tumitig sa mata ko. Naging conscious naman ako bigla at napalunok.
"I-ikaw," sabi ko at napalunok ulit. Siya naman ganoon pa rin, walang reaction. "Totoo p-pala 'yun. I-ikaw 'yun. Yung tumalon sa 7..." napatigil naman ako sa pagsasalita nang bigla siyang tumayo at lumakad paalis. A-ano yun?
Hindi ako makagalaw ng magrehistro sa utak ko kung sino ang lalaking iyon. S-siya nga ang lalaking tumalon sa 7th floor.
------
*Lav? Hindi muna ako makakasabay sa'yo mmyang lunch.*
Basa ko sa text ni Kim. Nireplyan ko naman siya ng 'okay'.
Ibinulsa ko na lang ang cp ko at naglalakad na patungong canteen. Iyong parang 7eleven style.
Meron kasing ganito rito sa campus, para hindi na dapat lumabas pa kapag may bibilhin ng kung ano-ano. Mayroon ding mga school supply.
Dito ako palagi kasi mahal doon sa cafeteria, kanin palang 30 pesos na? Tas iyong pinakamaliit na bottled water 26 pesos na? Dito na lang ako sa C2 solo, 13 pesos lang. Total meron naman akong Vcut na bigay ni Kim. Ubos na kasi yung C2 na malaki, naubos ko nang hindi ko namalayan.
Pagpasok ko sa loob, nakita ko 'yung lalaki sa greenhouse na umiinom ng kape. Tanghaling tapat ganon? Napansin ko kaagad siya kasi walang ibang nandito kundi siya lang. Kunti lang kasi ang pumunta rito. Mukha naman siyang mayaman eh bakit nandito siya? Afford naman siguro niya ang cafeteria.
Napatingin naman siya sa gawi ko at nag-iwas agad ako ng tingin, tumitingin sa kaliwa't kanan na parang naghahanap ng kung anong mahanap.
Ano ba dapat gawin?
Pinadaanan ko naman siya ng tingin para e-confirm kung nakatingin pa ba siya sa akin.
Nakita kong nakatitig na siya pero hindi sa akin kundi sa likuran ko. Na-curious ako kaya lumingon ako.
At pinagsisihan kong ginawa ko iyon.
"Where do you think you're going loser?"
Nanindig ang balahibo ko at biglang nanginig ang tuhod ko noong narinig ko ang matinis na boses ng babae. Kilala ko kung kanino ang boses na iyon. Kay Justine.
Tiningnan ko ang lalaking umiinom ng kape at nagtama ang paningin namin bago ako humarap sa Elites. Parang tinakasan ako ng sarili kong kaluluwa noong nagtama ang tingin namin ni Jax. Ang mga itim niyang mata na parang kinikilatis ang aking kaluluwa sa titig niya.
Ngumisi naman siya sa akin at alam ko ang meaning ng ngisi na iyon dahil ilang beses ko nang nakita iyon. Bakit sila ang narito at hindi ang mga alagad niyang estudyante?
Ano na naman ba ang gusto nila? Wala naman akong ibang ginagawa.
Hindi ko na inisip kung bakit sila mismo ang narito para sa akin. Nabalutan na ng takot ang buo kong katawan.
"Come with us loser"