Chapter 2 Bar

Huling gabi ko na rito sa Eleana at bukas ng umaga ang alis ko pauwi sa Estancia kaya susulitin ko na ang gabi na ito dahil bukas puro nagtataasang gusali na naman ang makikita ko, hindi na mga puno. Hindi na ganito ka fresh na hangin ang malalanghap ko. Hindi na mga bangka o yacht na nakalutang sa dagat ang aking makikita ko kundi mga sasakyan na.

May kaibahan talaga, 'no? Dito sa San Martin, ang aking nakikita ay dagat. Maraming resorts at mga mangingisda. Sa Estancia kung saan kami nakatira ay mga nagtataasang gusali na sa loob ay mga taong nagtatrabaho. May kaibahan ang dalawa ngunit parehong hanapbuhay.

Nasa loob ako ng cabin habang inaayos ang aking mga gamit ng napaigtad ako sa gulat dahil sa sunod-sunod na malakas na katok. Salubong ang kilay akong tumayo at binuksan ang pinto. Napatigil ako nang matanto kung sino ang kumatok at napigilan ko ang aking hininga.

"What?"

"Good evening!" bati niya sa akin ng nakangiti.

Nakasandal siya sa frame ng pinto habang nakatitig sa akin. Sinuyod ko siya ng tingin mula paa hanggang ulo. He was wearing a white v neck shirt and summer short.

"Ano bang ginawa mo rito?"

"T-to ask you what do you want for dinner?" tanong niya tapos nag-iwas ng tingin.

Hindi agad ako nakasagot sa kanya.

"Chicken fillet." sagot ko. "I want chicken fillet with gravy sauce..." natatakam ako sa tuwing naiisip ko ang pagkain na 'yan.

"That's it?"

I nodded. "Yes, ayoko ng ibang pagkain. At gusto ko sa El Café ako kumain."

"Yes, Madamé, noted!"

Pinakawalan ko ang hininga na kanina ko pa pinigilan nang umalis na siya. Napairap ako sa hangin at napangiti sa naisip ko na ihahanda niya ako ng pagkain. Bumalik ako sa kama at ipinagpatuloy ang ginawa para matapos na agad.

A few moment, nasa loob ako ng El Café at nakaupo sa aking table habang nakangiti na nakatingin sa Chicken Fillet. Hindi ko pa sinimulan kumain dahil hinintay ko pa ang inorder kong orange juice na hindi katagalan ay dumating din. Maingat na binaba ng waitress ang orange juice sa aking harapan at sinimulan ko ng kumain.

"Cadweil, dahan-dahan lang, " ngumunguya akong napatingin sa isang bata na tumatakbo at paikot-ikot sa ilalim ng mga table at may nakasunod sa kanya ang isang babae. "baka makabasag ka at papagalitan ka ng Daddy mo..."

He giggled. "No, yaya. Dada loves me."

Nagpatuloy sa paglalaro at pag-iikot ang bata hanggang makarating ito sa table ko. Napahinto siya at nag-angat ng tingin sa akin. Nawala ang kanyang magandang ngiti nang makita ako tila natatakot siya.

Napatitig ako sa mukha niya dahil kamukha siya ng kapatid kong si Kuya Cadence pa noong bata pa lalo na ang mata nito.

Isang araw na ang nakalipas nang makauwi ako galing sa San Martin at ito ako ngayon, nasa loob ng aking opisina nakaupo sa swivel chair at kausap ang aking kaibigan na si Klea sa cellphone.

"Galing ka daw sa San Martin, totoo?" tanong niya.

Napaikot ang mata ko. Hindi ba niya alam? Siya lang 'yong chismosa na late palagi.

"Yes…."

"Bakit hindi mo ako sinama?"

"Gusto kong mapag-isa, Klea, kaya hindi ako nagpasama." tugon ko. "Sa susunod na lang, isasama na kita."

"Sa Isla Almeria naman. Gusto kong pumunta doon, Estella. Please?"

Natahimik ako ng marinig ko ang pangalan ng Isla at bigla akong nakaramdam ng takot! Ayokong pumunta sa Isla na 'yon dahil pakiramdam ko kapag nakatapak ulit ako doon ay hindi na ako makakaalis. Mananatili doon hanggang sa tumanda ako. Ayokong magaya sa pinsan kong si Seren na hindi na nakaalis ng Isla.

Mahirap pa naman makatakas sa Isla dahil sa dami ng guards ni Senyora. Halos ilang port ng Isla ay may nagbabantay.

"N-no, Klea. Hindi ako pupunta sa Isla na 'yon at kung gusto mo ikaw nalang."

She sighed. "Sige, mag-club nalang tayo mamaya?!"

"Sure, pero mga alas sais pa ang close ko sa shop. Wala kasi si Wen, e."

"Ok! See you tonight."

Tinapos na niya ang tawagan namin. Huminga muna ako ng malalim bago binaba ang cellphone at tinabi sa laptop. At nasa isip ko pa rin ang Isla Almeria. Paano pala kung papuntahin ako ni Senyora doon dahil kailangan ako? Ngunit hindi dapat ako matakot kasi kahit kailan naman ay hindi ako kinakailangan ng mga taong naroon lalo na si Senyora at sa pagkakaalam ko ay kuntento na silang lahat kay Seren na siyang sumalo sa mga gawain na dapat para sa akin.

Alas Siyete ng gabi, nasa loob ako ng aking room habang nakaharap sa vanity mirror at inaayusan ang sarili. Naglagay lang ako ng konting make up sa mukha at lipstick sa aking labi para hindi ako mukhang maputla tingnan. Pagkatapos ay ang buhok naman ang inayos ko. I ponytailed my blonde hair. Natapos ko ng gawin ang pag-aayos at ngayon naman ay magbibihis na ako.

At eight o'clock, I was ready. All I was wearing was a red body-con satin dress that molded the curve of my body and a stiletto that really turns people on every time I walk because of the knocking sound.

Lumabas na ako ng kwarto nang matapos na ako sa lahat. Naglakad ako sa hallway ng tawagin ako ni Mama. Lumingon ako sa kanya at nakita kong nakadungaw siya sa pinto ng silid nila...

"Yes, Ma?"

"We heard your stiletto, sweetie... it's like you're knocking." she said then laughed.

"So I bet this stiletto..."

"By the way, you look so beautiful and expensive. How much are you, sweetie?" She's joking.

"I'm too expensive. No one can afford me. Bye, Ma!"

I saw her wince, "Ingat, anak ko..." aniya at tinaas ang isang kamay para kumaway.

Bumungad sa amin ang CMC na maraming tao. Ang CMClub ay pagmamay-ari ng kapatid ko. Pinatayo niya ito noong nasa edad siyang twenty-two dahil ayaw niyang pumunta sa Isla Almeria para magtrabaho. Kaya nagsumikap siya para makapagtayo ng sarili niyang negosyo.

"So sikip naman here!" reklamo ni Klea habang sumisiksik kami sa mga tao para maghanap ng table.

Napairap ako sa arte ng boses niya!

Nakasunod lang ako sa kanya at nang wala kaming nakita ay tumayo muna kami sa gilid at luminga-linga nang may mahagip ang mata ko. He looks familiar to me, huh? Yes, siya nga.

Bumaling ang tingin ko sa katabi nito ng tawagin si Klea.

"Klea Janelle," tawag nito.

Nagbaba ako ng tingin kay Klea. Gulat siyang nakita ang binata.

"Chandre?" Sambit niya.

"Come here, babe.." kinamayan pa si Klea.

Hinawakan ako sa kamay ni Klea tapos hinila. Naglakad kami patungo sa gawi nila at hindi ko maiwasan napalunok. Nang makarating kami sa grupo nila ay nagtama ang mata namin ng lalaki at agad din akong umiwas.

Tumayo ang dalawang lalaki para bigyan kami ng upuan. Magkatabi at tahimik kaming nakaupo ni Klea at nasa tapat namin sila Chandre na nag-iinuman.

Bumulong ako sa kaibigan ko. "May kailangan kang sasabihin sakin, Klea."

Ngunit hindi niya ako pinapansin at nakatitig lang siya kay Chandre na parang matutunaw na.

Hindi ko alam kung anong meron sa dalawa kung may relasyon ba sila o ano. Tumayo si Chandre at binuhat ang upuan saka tumabi kay Klea. Lumipat ako ng pwesto dahil ayokong magmukhang third wheel sa kanilang dalawa. Tsk! Inakbayan siya ng binata at may binulong na nagpamula sa pisngi ng kaibigan ko.

Tumawa si Chandre sabay kurot sa pisngi ni Klea. Ang landi! Hmmp.

Tumingin sa gawi ko si Chandre habang nakangiti.

"Aris, wag kang masyadong magpahalata. Binabakuran mo naman kaagad."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. What? Lumingon ako sa likod ko, ngayon ko lang napansin na nakatayo na sa aking likuran si Aris na mag kacross ang braso, madilim ang awra at nagtiim ang bagang na nakatingin kay Chandre na parang susugurin na niya ito. Ang suot niya ay itim na polo at nakatupi hanggang siko.

"Hey?" tawag ko sa kanya. Gustong pakalmahin siya at mukhang umepekto naman dahil lumambot ang awra niya. Nagbaba siya ng tingin sa akin, "Thank you sa roba…" mahina kong sabi.

Ngumiti siya. "You're welcome, baby!" he whispered.