Chapter 1 Eye Contact
Eleana Resort ay isa sa pinakamaganda at pinakasikat na resort sa buong San Martin dahil sa ganda at puti ng buhangin, sa preskong hangin, sa malinis at makintab na dagat pati na rin ang magagandang cabin. The view is really breathtaking. It helps to clear our minds, and it also relieves stress. At dahil na rin sa mabait na receptionist at ibang empleyado kaya ito ang napili ko kung saan ako magbabakasyon.
Gusto ko kasi iyong tratuhin ako o ang ibang turista ng maayos. Hindi katulad ng iba na mabubwesit ka dahil sa mga trato nila sa mga turista.
Nakatayo ako ng mag isa sa gitna ng buhangin kahit mainit habang nanonood sa mga taong naliligo at nagjejetski.
"Alone?" may isang lalaki na biglang nagsalita na nagpaigtad sa akin.
Nilingon ko siya. Nakita kong nakatayo siya sa may bandang likuran ko at nakatingin sa dagat.
Sinuyod ko ang buong mukha niya. Napakagat-labi ako kung gaano siya ka gwapo kahit magulo ang kanyang buhok na lumilipad-lipad dahil sa hangin but he even more looks handsome dahil sa suot niyang sunglasses na sumabit sa kanyang matangos na ilong.
Binalik ko ang tingin sa dagat saka siya sinagot.
"Oo, ikaw ba?"
"Mag-isa lang din ako." umusad siya ng kunti para magkatabi kami. "Pasukin mo kaya ang buhay ko para may kasama na ako? At para may kasama ka na rin. Magpasukan tayong dalawa." pagbibiro niya.
Napatawa ako sa sinabi niya. "Paano ba pumasok dyan sa buhay mo?" sakay ko sa kanya
I heard him chuckling. "Kapag sinabi ko kung paano, papasok ka ba?"
"Pag-iisipan ko—" naputol ang sinabi ko dahil may lumapit sa kanyang may edad na babae at may sinabi.
"Boss, tumawag po si Miss Kim sa telepono. Kanina pa daw siya tawag ng tawag sa office mo at walang sumagot." anito. "Ano po ang isasagot ko sa kanya?"
Boss, huh?
Is he the owner of this resort?
Napalingon ako sa kanya at naghihintay na matapos sila sa pag-uusap.
"Sabihin mo umalis ako…." tugon niya. Liar!
"Yes, boss."
"Wow! Ikaw pala ang nagmamay ari ng resort na ito? Kaya pala kanina panay paganda ang receptionist mo dahil ang gwapo naman pala ng boss nila." agad kong sabi sa kanya pagkawala ng babae.
"I take that as a compliment."
"At saka bakit ka nagsinungaling sa girlfriend mo? Hindi ka naman umalis, ah?!"
"She's not my girlfriend."
"Ano mo siya kung ganun?"
"Wala…."
Ilang minuto kaming nag-uusap dalawa at mas nauna siyang nagpaalam dahil may pupuntahan pa siyang importante at ako naman ay nakaupo na ngayon sa isang cottage na mag-isa. Napatingin ako sa kabilang cottage nang mag-tilian ang naroon. Para silang isang buong pamilya na magkasama at nag-eenjoy.
Isa-isa ko silang tinitingnan hanggang sa tumama ang tingin ko sa isang lalaki na nakatingin din sa akin. His face was attractive and I was attracted! His eyes were as colored as a mist that was about to rain. The undercut hair was perfect on him. Slowly I lowered my gaze to his sharp nose, to his kissable lips parted a little. And when I realized my compliment to him, I immediately averted my eyes. Damn!
Bakit ko ba siya pinupuri?
Pasekreto akong sumulyap muli at nakatingin pa rin siya sa akin. Lumipas ang isang oras nagpasya akong umalis sa cottage at kung kanina ay nakatayo lang ako sa buhangin ngayon naman ay gusto kong maglakad-lakad sa tabi ng dagat hanggang sa pinakadulo ng resort. Gusto kong makita kung ano pang meron dito na hindi ko nakita.
Gabi na ng makabalik ako at dumeresto ako dito sa El Café para kumain ng dinner. Habang hinihintay ko ang aking inorder ay may lumapit na babae sa akin.
"Yes, miss?"
"C-can I sit here?" tanong niya na nakaturo sa bakanteng upuan sa aking harapan.
Bakit siya dito uupo? Maraming available na table sa paligid kasi konti lang ang kumain ngayon. Mabait akong tao kaya sinagot ko siya ng maayos. Ayokong maging maldita sa paningin niya.
"Yeah, sure. You can sit there!"
Pinagmasdan ko siyang hinila ang upuan at nang makaupo siya ay ngumiti siya sa akin.
Ngumiti din ako pabalik sa kanya.
Nang dumating na ang pagkain namin ay sabay kaming kumain hanggang sa sabay ring natapos. Hindi muna kami umalis at nanatili pa kami sa lamesa nang tanungin niya ako.
"Are you Estella Carranza?"
Medyo nagulat ako dahil alam niya ang name ko. Sasagutin ko na sana siya nang may tumawag sa kanya.
"Soleil," pamilyar sa akin ang boses na iyon.
Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. Iyong lalaki na kausap ko kanina. I forgot to ask his name.
Nakapamulsa siyang naglalakad patungo sa amin at nang magtama ang aming mga mata ay mabilis siyang tumalikod at umalis.
Kumunot ang noo ko. Anong nangyari sa kanya?
Bumaling ang tingin ko sa babaeng kaharap ko nang tumayo siya. "I have to go, Estella. Thanks!" at nagmamadali siyang lumabas.
Alas otso y media ng umaga ng magising ako at dahil na rin sa sinag ng araw na lumusot sa maputing manipis na kurtina at tumama sa mukha ko. Nag-inat muna ako bago bumangon at pumasok sa banyo para maghilamos.
Plano ko ngayong umaga ay magbilad sa araw. Suot ko ang aking bikini at sunglasses na lumabas ako ng cabin at naghanap ng bakanteng lounge chair saka humiga at pumikit.
Napadilat ako nang may nagsalita kaya binaba ko ang sunglasses. "Ma'am, pinapasuot ni Sir sa'yo." ani ng isang dalagita sabay abot sa akin ng roba.
Hindi ko alam kung sinong Sir ang tinutukoy niya pero wala akong pakialam at hindi ko isusuot 'yan. Sayang lang ang bikini ko.
Salubong ang kilay ko. "Hindi ko isusuot yan," sabi ko habang umiling-iling. "Ibalik mo sa kanya iyan."
"A-ah, ma'am, sabi nya ho kasi sakin kapag hindi nyo raw ito isusuot ay huhubarin daw nya yung bikini na suot mo gamit ang kanyang labi." uminit bigla ang pisngi ko sa sinabi ni Ate.
Mabilis akong tumayo at kinuha ang roba saka isinuot iyon. "Pakisabi sa kanya, nasuot ko na." umirap ako.
Tumango siya saka ako tinalikuran.
Babalik na sana ako sa paghiga nang may nagsalita sa aking kiliran. Mabilis akong lumingon at medyo nagulat pa ako sa nakita ko.
"Good girl......" he said.