Prologue
Cressida Estella Carranza
My heart broke when I saw him kissing someone else. Nanghina at tila parang tumigil sa pag-ikot ang mundo ko at unti-unting tumulo ang luha sa mga mata.
Nakatayo ako na malapit sa kanila habang naghahalikan sila sa ilalim ng puno na may ilaw. Parang ilang beses sinaksak ang puso ko sa sakit nang maputol ang halikan nila ay may magandang ngiti na gumuhit sa labi ni Aris.
Ang ganda ng ngiti mo para kang walang nasaktan na iba. Kung ako kaya siya, ganyan din ba ka ganda ang ngiti na makikita ko sa labi mo?
"Love," umiiyak kong tawag kay Aris.
'Yung sapat lang na silang dalawa lang ang nakarinig. Sabay silang napatingin sa gawi ko at parehong nawala ang magandang ngiti sa kanilang labi.
Dahan-dahan akong naglakad at huminto ako sa harapan nila.
I saw him swallow before he spoke, "W-what are you doing here? You disturbed our date, Estella." aniya. And I didn't expect that.
Hindi ko inaasahan ang salitang iyon na lalabas sa mismong bibig niya. Sinaktan na nga niya ako sa paraan ng paghalik sa pinsan ko pati na rin sa salita.
Patuloy sa pagtulo ang luha na halos lumabo na ang aking paningin at halos hindi na rin ako makahinga dahil sa pagsikip ng aking dibdib.
"L-love—"
"Please leave, Estella. You ruined our date. Nakita mo naman siguro ang ginawa namin dito, right?" she cut me off.
Gusto ko siyang saktan dahil sa ginawa niya. I don't care even if she's my cousin but I just put aside my anger for Aris because I don't want him to get angry because he might leave me.
I looked at Aris and, "L-love, uwi na tayo," pakiusap ko, hahawakan ko pa sana ang kamay niya pero itinago niya 'yun sa likod niya.
My gaze shifted to Aris' hand holding Seren's waist.
"Uuwi lang ako kung si Seren ang kasama ko."
Damn it!
Why is she the one you want to be with? I'm here, your girlfriend, Aris.
"Kaya umalis kana, please lang, Estella. So we can continue what we are doing." sabi niya, "and don't force yourself here because you will only get hurt. Masasaktan ka lang sa makikita mo at ayokong masaktan ka....... d-dahil alam kong walang dadamay sa'yo...."
"N-no," umiiling pa ako. "Aalis tayo rito. Sasama ka sakin kasi akin ka." napahagulgul na ako.
"She is the one I want to be with," napatigil ako at mas lalo akong nasaktan, "I want to be with for the rest of my life. Not you, Estella. I don't see myself being with you. And I don't love you anymore. Now leave!" tinuro niya ang daan palabas.
Naglakad ako ng bigo, nasasaktan, at umiiyak, hinang-hina. Ayaw ko pa sanang umalis doon kaso itinulak na niya ako palayo at ang nagawa ko nalang ay magpaubaya. Nang papalapit na ako sa kotse ay biglang bumagsak ang malakas na ulan tila sinabayan ako sa pag-iyak.
Nakauwi ako ng maayos sa amin na basa ng ulan, tumutulo pa sa sahig ang tubig habang may katulong na sumusunod sa dinadaanan ko para punasan ang tubig na tumulo sa sahig. Tulala akong umaakyat sa hagdan hanggang kwarto ko at dumeresto ako sa banyo.. Itinuloy ko ang pag-iyak dito at lahat ng mahahawakan ko ay aking ibinato dahil sa galit at sakit. Hanggang sa mapagod ako sa kaiiyak at wala ng lumabas na luha. Lumabas ako ng banyo nang naka roba lang saka dumeresto sa kama at humiga hanggang sa dalawin ako ng antok.
Tomorrow is the beginning of a new chapter of my life without him..... without Aris Sandoval.
I smiled bitterly.....