Pito
"Hindi na nga ata siya babalik dito. Kanina pa tayo naghihintay para makita siya,"sambit ng isang babae.
"Bwiset kasi ang mga sasaeng na iyan,"sambit ng isa pa.
"Tss! Hindi na tuloy natin siya makikita."Dagdag pa nito.
Nagpintig ang ulo ako at halo-halo ang nadarama ko. It's all their fault! Hindi kasi nila binibigyan ng privacy si Baymin kung sana hindi sila pumupunta dito. Edi, hindi sana siya stress. Hindi sana siya lumipat ng bahay. Bakit kasi hindi na lang makuntento ang mga sasaeng na iyon na makita si Baymin sa fan meeting at concerts niya? Ako nga kahit gustong-gusto ko na siya sundan maghapon ay pinipigilan ko ang sarili ko, kahit papaano alam ko naman kung paano rumespeto ng privacy ng iba at alam ko rin kung hanggang saan lang ako.
Umalis na ako sa lugar na iyon bago ko pa awayin lahat ng taong nandoon kung hindi sana sila sobrang ganid na makasama si Baymin ay hindi siya lilipat ng bahay. Alam kong halos wala akong pinagkaiba sa kanila pero... Hindi! Hindi ako ganoon dahil kaya kong pigilan ang sarili ko. Ginulo ko ang buhok ko out of frustration. Lahat ng tao ngayon dito sa park ay kunot-noong napapatingin sa'kin. Nababaliw na ata ako sa paningin nila.
Tinignan ko ang cake na pinarequest ko kanina. Tatanggapin kaya niya ito kapag binigay ko sa kanya? This is the only way para ipakita ko na nag-aalala ako sa kanya pero hindi din malabong isipin niya na isa ako sa mga sasaeng na nakakasalamuha niya. Napatingin ako sa kalangitan at muling huminga ng malalim.
Be strong, Baymin Adler.
I wish I can see your smile again.
Kinuha ko na muli ang cake at dumiretso sa Sync Entertainment. I should give it a try. Wala namang masama kong susubukan ko. Kung kukunin niya edi okay, kung hindi edi fine. Katulad ng ibang fans doon ay naghintay ako. Ibibigay ko lang naman ito tapos aalis na ako. Nagsimulang maghiyawan ang mga taong nasa paligid ko ng dumating ang dalawang black na van. Lumabas sa unang van ang SlayKids.
"Waah! Hiro ang cute mo!"Sigaw ng babae sa tabi ko.
"Felix, marry me!"Sigaw naman ng babae sa hindi kalayuan.
Sa pangalawang van naman lumabas ang isang girl group kung kaya ay nagsimula muling maghiyawan ang mga tao.
"Nari of my life!"Sigaw ng lalaki sa kaliwa ko.
"Dana, nakakalimutan kong straight ako dahil sa'yo!"Sigaw naman ng babae sa likod ko.
Maya-maya naman ay may dumating na kotse at lumabas mula doon si Jackson. Bow siya ng bow sa mga fans. Muntik pa ngang himatayin ang kinamayang babae ni Jackson dahil nginitian niya pa ito. May van muling dumating at lumabas doon sila Mark, Yuri, Jiro, Jayvee at Yohan.
"Jiro, I love you!"Sigaw ng isang babae.
"I love myself too,"sagot niya dito sabay tawa na ikinakilig ng mga taong nakakarinig. Ganyan siya ka-sweet. Hahaha.
"I love you, girlfriends but my heart belongs to Kie."Sambit naman ni Yuri.
Ano iyon? Playboy lang ang peg, Yuri ?
Si Jayvee naman ay ginawang photoshoot ang paglalakad gwapong-gwapo pa din habang hinahawi-hawi ang buhok niya. Si Yohan naman ay ngumingiti sa mga tao habang naka-headphone.
"Nasaan si Baymin? Okay lang ba siya?"Tanong ko ng matapat sila sa pwesto ko. Tumigil sa paglalakad si Yuri kaya huminto din sila Jayvee, Yohan at Jiro.
"Hmm... He's fine. Susunod siya after ng photoshoot niya,"sagot namn ni Yuri sa'kin.
"Thanks,"sambit ko at nginitian pa siya.
"Yuri, pwedeng pabi— Ah... Wala, wala…
Hindi bali nalang,"sambit ko saka muling ngumiti sa kanya. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo niya ngunit kalaunan ay ngumiti din siya. Tumango lang siya saka sumunod sa anim.
"Hmm... Mas maganda siguro kung ako nalang ang magbibigay sa kanya,"bulong ko sa sarili habang tinitignan ang papalayong pigura ni Yuri.
Isang oras pa ang lumipas bago may dumating muli na sasakyan kaya nagmadali kaming lumapit doon.
"Waah! Baka si Baymin na iyan,"sabi ng isang babae.
Nakipagsiksikan pa ako sa mga tao dahil baka kasi si Baymin nga ang lumabas sa van.
"Padaan,"sambit ko pa sa babaeng nasa harap ko ngunit malakas niya akong itinulak. Nawalan ako ng balanse at napasalampak sa pader. Hindi ko ininda ang sakit pero…
"Hala? Iyong cake na binake ko..."
Tumayo ako at binuksan ang kahon ng cake na na-deform dahil sa pagkakabagsak ko at natapakan pa ng mga gustong makakita kay Baymin.
"Tsk! Hindi ka man lang ba magso-sorry?"Asik ko sa babaeng tumulak sa'kin.
"Why would I? Kasalanan ko bang tanga-tanga ka?"Mataray na sambit nito kaya nainis ako.
"Wow, ha?! Nakakahiya naman sa'yo. Ikaw na nga ang tumulak at sumira sa cake ko tapos—"
"Sophia, ikaw ang may kasalanan kaya mag-sorry ka."Sabat ng babaeng kasama niya. She rolled her eyes and looked at me.
"I'm sorry,"hinging paumanhin niya ng may pagka-sincere.
"Here. Bayad ko sa cake,"sambit muli niya at inabot sa'kin ang pera.
Napabuntong-hininga naman ako ng malalim dahil sa ginawa niya. Tinanggap ko na rin ang bayad niya dahil nasira niya ang cake na pinaghirapan ko. Umalis na ako doon at itinapon ko na din sa basurahan ang cake na nasira na.
Pagkausi ko sa bahay ay binuksan ko ang tv. Headline sa balita ang paglipat ng bahay ni Baymin at nalaman pa rin nila ang bagong address nito. Tinignan ko naman ang latest video nila at hindi siya ngumingiti doon. Ang tahimik din niya at hindi ako sanay na ganoon siya. Hindi ko na tinapos ang video at agad na in-exit ito.
Keep calm, Jammy. Wala kang magagawa fan ka lang rin niya.
Pinatay ko na ang T. V. at pinilit ipikit ang aking mga mata pero bumungad sa'kin ang mukha ni Baymin kanina na hindi ngumingiti sa video.
----
Late na ako nagising dahil sa kakaisip kung okay lang ba si Baymin pero syempre wala naman akong makukuhang sagot kung hindi ko sa kanya mismo tatanungin. Hindi ba pwedeng hayaan nalang nila si Baymin?
Kinuha ko ang cellphone ko ng makatanggap ako ng text. Galing iyon sa kay Anna fan din ng 'Yobay' at tinext niya ang current location ni Baymin.
Yes, mabilis namin malaman kung nasaan ang Yobay o ang mismong bahay nila pero hindi kami kagaya ng ibang fans na ginagamit iyon para guluhin ang personal na buhay nila. Once na malaman namin iyon ay hanggang doon na lang iyon. Hindi na namin sila guguluhin at tatanawin lang sila mula sa malayo. Matagal akong nakatitig sa screen ng cellphone ko bago ako nakapagdesisyon.
Kinuha ko ang coat ko at lumabas nang bahay. Pinuntahan ko ang address na tinext sa'kin. Alam kong halos wala na akong ipinagkaiba sa mga sasaeng na iyon pero gusto ko na silang tumigil. Ayokong nakikitang malungkot siya dahil isa iyon sa kahinaan ko.
Huminto ang sinasakyan ko sa tapat ng isang magarang bahay. Maraming tao ang nag-aabang sa labas nito at karamihan ay mga kababaihan. Mayroon na nga ding tent doon at mga upuan na para bang matagal na ito doon. Ang iba pa nga ay may mga dalang poster, banner at gifts para kay Baymin at masugid siyang hinihintay.
Ang iba fans naman ay inaakyat na ang gate niya. Seriously? Hindi ba nila alam na trespassing na ang tawag diyan?!