Chapter 6:

Mabilis na lumipas ang dalawang buwan at naging busy na ang Syncers sa kanilang solo activities. Si Baymin ay nasa Thailand ngayon at busy sa kanyang commercial. To be specific sa hotdog niya este sa hotdog commercial niya. Binaba ko na ang cellphone ko nang mapagod na ako sa kaka-scroll down sa mga SNS account ko.

Gusto ko na siyang makitang muli. Alam niya na nga ang pangalan ko, kaso hindi naman niya ako matatawag sa pangalan ko dahil busy na siya. Hindi ko rin alam kung kalian ulit kami magkikita.

Nakakapagpahinga pa kaya siya? Nakakatulog ng maayos? Sana naman okay lang ang health at mental condition niya. Makapunta nga sa kanila at makapagpakilala na sa magulang niya. Nahihiya pa kasi siya ipakilala ako. Char!

Hindi ko naman mapigilang ngumiti dahil sa kalokohang naiisip ko.

Wala akong pakialam kung ma-wierduhan ang mga schoolmates ko sa'kin ngayon, mukha kasi akong ewan na nakangiti ngayon dahil sa nabubuong pantasya sa utak ko na hanggang imagination ko nalang. Kasalukuyan akong nasa ganoong sitwasyon ng may matanggap akong notification galing sa Inspiregram ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nakitang may bagong post si Baymin.

Nagpost siya sa Inspiregram at ang post niyang iyon ay may caption na Thai Language. Wala pang isang minuto mula ng ipost niya iyon ay nasa 10, 000 likes na ito at madami na itong comments. Ang tanging nakaagaw lang nang pansin ko ay ang sariling comment ni Baymin sa post niya na,

'Why you translate it like that?'

Sa sobrang curious ko ay trinanslate ko ang caption niya at ang lumabas ay 'Son of the b! tch'. Natawa ako dahil doon at kung kanina ay nawi-weirduhan lang ang mga taong nasa paligid ko, ngayon naman ay nailing na sila habang nakakunot ang noo.

'Bahala kayo dyan,' sa isip-isip ko.

Gabi na ako nakauwi ng bahay tulad ng dati, kaya agad din akong nakatulog. Nagising ako dahil sa sinag ng araw na dumarampi sa mukha ko.

"Waahh! Ngayon pala ang araw na babalik na si Baymin dito sa pinas!"Masayang sambit ko at bumangon kaagad.

"ARAY KO!" Daing ko ng mauntog ako sa headboard ng kama sa kakamadali ko.

"Ang sakit! Sh! t!" Reklamo ko at hinimas-himas ang noo ko sa sobrang sakit.

"Argh! Hindi pala ako makakapunta sa airport dahil may pasok ako ngayong araw. Hindi naman ako pwede umabsent dahil may quiz naman kami." Napasabunot nalang ako sa sarili ko dahil sa inis na nararamdaman ko.

"I'm sorry, Baymin. I believe in, 'Aral muna, landi later and when the study is done I'll make sure that you'll be mine'. Wewewe, self ane be?" Tumayo na ako sa higaan ko at nagmadali na para pumasok sa school.

"Ang tagal naman ni Sir," bulong ko dahil magte-thirty minutes na siyang late.

Gusto ko sana matapos na ang quiz para makahabol ako sa airport. Kinuha ko naman ang cellphone ko dahil naramdaman ko na nag-vibrate ito sa bulsa ko. Nakita ko na may notification ako galing sa chiztwit kaya agad ko iyong binuksan. Nag-tweet si Baymin ng,

'What's wrong with you 2019?''

Napakunot naman ang kilay ko dahil sa nabasa ko.

"Ano kayang nangyayari kay Baymin?"

"Good morning class. Sorry, I'm late. Let's start our quiz." Sambit ng bagong dating naming prof.

Agad ko namang itinago ang cellphone ko at nakinig sa pinapaliwanag ni Sir tungkol sa sasagutan naming test paper.

"You have thirty minutes to answer your quiz," sambit ni Sir pagkuwan ay inayos ang salamin sa mata niya.

"Pagkatapos po ba ng quiz ay pwede ng umuwi?" Tanong ng isang kaklase ko.

"Yes," Sagot naman ng prof namin at pinamigay ang test paper.

"Yey!" Sambit naman naming lahat.

Nag-start na kami magsagot sa test at ang masasabi ko lang ay wala lahat ng nireview ko sa quiz na tine-take namin ngayon. Hays! Bahala na nga. Kung ano nalang sa tingin ko ang tama ay iyon na kaagad ang pinipili ko ng sagot. Minsan pa nga nag-eenie-minnie na lang ako.

"Tapos na." Sambit ko sa sarili. Naghintay lang muna ako na may maunang magpasa sa'kin saka ako pumunta sa harap para magpasa.

"Madali lang ba ang quiz?" Tanong ng isang estudyante na palagay ko ay susunod na section sa'min.

"Madali lang. Madali hulaan." natatawang sambit ko na ikinasimangot niya.

--

Nakarating ako sa Airport at nakita ang ibang fans doon.

"Dumating na po ba si Baymin?" Tanong ko sa isang babae na may hawak na poster ni Baymin. Lumingon siya sa'kin saka tumango.

"Kanina pang 9:30." sagot niya sa'kin.

"Aww! Sayang thirty minutes na akong late," malungkot kong sambit.

Nagpaalam na ako doon sa pinagtanungan ko at umupo na muna ako upang magpaginga. Nanginginig na kasi ang tuhod ko dahil sa pagmamadali ko papunta dito sa airport.

"Ang gwapo talaga ni Baymin, noh?"

"Kaya nga eh! Ang perfect ng mukha niya." Rinig ko pang sambit ng kasama ng babae.

"Pero bakit parang ang lungkot niya?"

"Kaya nga... tapos may post pa siya na sa chiztwit na, 'Whats wrong with you 2019?'. Ano kaya iyon?" Tanong naman ng babaeng kausap niya.

"Baka bumalik na naman ang mga sasaeng fan niya? Dapat talaga aksyunan na ito ng Sync Entertainment," narinig kong pag-uusap ng dalawang babae na sapalagay ko ay mga fans din niya.

"Nakakainis talaga ang mga sasaeng na iyan," bulong ko saka tumayo.

Sumakay ako ng taxi at pinuntahan ang address si Baymin. Nakatanaw lang ako sa malayo dahil ang daming tao sa harap ng bahay niya. Nakakainis hindi ba nila papatahimikin si Baymin? Pagod siya kailangan niya na magpahinga tapos ayaw magsitahimik ng mga ito.

"Pero ano namang magagawa ko para pigilan sila. Hindi naman nila ako papakinggan," malungkot na sambit ko at napayuko.

Nang mapalingon ako sa gawing gilid ay napaurong ako ng makita ko ang kotse ni Baymin sa 'di kalayuan. Nakikita ko ang lungkot at pagod sa mata niya. Tipid siyang ngumuti bago huminga ng malalim. Lumapit siya sa driver at may sinabi siya dito, matapos iyon ay tumango ang driver saka umandar muli ang kotse papaalis.

"I promise that starting today, I will make you smile. Ilalayo din kita sa mga taong nais manakit sayo." Sambit ko habang tinitignan ang papalayong kotse kung saan siya nakasakay.

Tomorrow will be the day, the day I decided to be part of your life.

-

Pagkauwi ko galing school ay dumiretso ako sa isang bakeshop. Sa bakeshop na pupuntahan ko ay pwedeng ikaw mismo ang magbake ng cake o kaya naman ay magre-request ka kung anong design ang gagawin mo.

"Goodmorning, Ma'am. May I help you?" Bungad na tanongng babae sa'kin sa counter.

"G-Gusto ko sana magpa-customize ng cake," nauutal ko pang sambit sa kanya.

Tumango ang babae saka may kinuhang form at inabit ito sakin. Matapos ko sagutan ang form na binigay ng babae ay iniabot ko na iyon sa kanya. Naupo muna ako sa waiting area at nag-open ng chiztwit app habang hinihintay na matapos ang ni-request kong cake. Napahinto ako sa pag-iiscroll sa app ng mabasa ko ang post ng isang fan na napilitan daw lumipat si Baymin ng bahay dahil sa mga sasaeng fan niya.

"Tsk! Nakakainis naman sila!"

Pumunta ako sa bahay ni Baymin para makita kung wala na ba talaga siya doon. Nakita ko na marami pa ding nakaabang sa labas ng bahay niya na mga fans at naghihintay sa kanya.