Chapter 1:
Nasa Airport kami ngayon at hinihintay ang pagdating ni Tito galing sa Japan kasama ko ngayon ang pinsan kong si Thea. Kukuhanin niya na kasi ang anak niya at isasama na sa Amerika.
Makalipas ang dalawang taon ay magkikita na si Thea at ang tatay niya. It's been two years since my parents died in a car accident. Tanging ako lang ang nakaligtas sa aksidente, sabi nila himala daw na galos lang ang natamo ko samantalang grabe ang nangyari sa parents ko. They thought it was a miracle. My parents protected me, but they die para mabuhay ako.
"Matagal pa po bang darating si Papa?" Tanong ni Thea sa'kin.
"Kalahating oras pa natin hihintayin ang Papa mo. Masiyado ka kasing excited makita si Tito kaya matagal pa tuloy tayong maghihintay dito," sambit ko at ngumiti sa kanya. Anim na taon palang ang pinsan kong ito.
"Miss ko na po siya, eh!" Hinawakan niya naman ang kamay ko at inakay papunta sa upuan.
"Marami kaya siyang pasalubong?" Tanong niyang muli at nilaro ang daliri ko.
Bumaba siya sa pagkakaupo sa lap ko at umupo sa bench. Pinabayaan ko na ang kakulitan niya dahil normal lang naman iyon bilang bata. May pagkakataon pa ngang parang gusto ko iyan isako sa sobrang inis ko. Haha.
"Ano ito?" Narinig kong sambit niya at may kinuha sa gilid niya.
"Ano po ito ate? May pogi pong litrato sa loob nito," sambit niya saka ito binigay sa'kin.
"Isang passport? Kawawa naman ang nakaiwan ni'yan," sambit ko at kinuha sa kanya ito para malaman ang pangalan ng may-ari ng pasaporte.
'Baymin Aisler'
"Ang ganda naman ng pangalan ng may-ari nito pero infairness may itsura si kuya." sambit ko ng nakangiti.
"Tingin nga po, ate. Beymin Ayshyey." bulol na pagbasa ng pinsan ko sa nakasulat na pangalan sa pasaporte.
Sumimangot siya saka tumingin sa'kin saka napakamot sa batok, "Ang hirap naman basahin ate."
Natawa ako sa inasta niya dahil ang cute niya.
"Tara na nga at dalhin natin sa lost and found ito. Baka nahihilo na ang may-ari kakahanap ng pasaporteng ito." sambit ko at muling inakay ang pinsan ko.
Meron pa naman kaming dalawampu't limang minuto bago dumating si Tito dito sa pilipinas. Nang makarating kami sa lost and found ay agad kong sinabi ang tungkol sa passport. Inabot ko ang pasaporte sa babaeng staff at tinignan niya ito.
"Omygosh! Kay Baymin ito!" Kinikilig niyang sambit saka tumingin sa salamin.
"Calling the attention of Baymin Aisler also known as a member of Yobay. Please proceed to the lost and found section."
"Calling the attention of Baymin Aisler also known as a member of Yobay. Please proceed to the lost and found section."
"Calling the attention of Baymin Aisler also known as a member of Yobay. Please proceed to the lost and found section."
Matapos iyon ay parang kinilig pa siya habang tinitignan ang passport na hawak niya. Nagtaka naman ako dahil sa reaksyon niya. Kilalang tao ba ang lalaking iyon at tingin ng tingin ang babaeng ito maya't-maya sa salamin, atsaka titingin sa pintuan?
It's weird dapat kanina pa ko umalis, pero may kung anong pumipigil sa'kin parang gusto ko pa manatili at hintayin ang lalaking may-ari ng pasaporte. Maya-maya lang ay may kumatok at iniluwa nito ang isang matangkad na lalaki. Literal na napanganga ako sa kanya dahil ang tangkad at ang puti niya. Kung ano ang ikinagwapo niya sa picture ay mas double pa sa personal. Napatitig din ako sa matangos niyang ilong at sa mapulang labi niya na naging dahilan ng sunod-sunod kong paglunok.
I'm not the type of person na tinititigan ang isang tao ng matagal pero may magnet ata ang lalaking ito. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya lalo pa akong natulala ng nginitian niya ang babaeng nag-announce kanina para sa passport niya. Humarap naman siya sa'kin at lalong ngumiti habang ako ay parang tangang nakatitig lang sa kanya. Feeling ko nanginginig na ang tuhod ko. Hindi naman ako apektado pagdating sa boys pero bakit ganoon ang epekto niya sa'kin?
Anong meron sa lalaking ito?
"Salamat sa pagbalik mo nito sa'kin," sambit niya pagkalapit sa'kin.
Nalusaw ata ako ng makita ng malapitan ang ngiti niyang iyon. Pinagdikit niya ang dalawang palad niya saka bahagyang yumuko na nagpapakita na nagpapasalamat siya sa'kin. Napaayos ako ng tayo ng marealize ko kung gaano ako kamukhang t*nga sa harap niya
"W-Walang anuman," nauutal kong sambit at napatitig ako sa gwapo niyang mukha. Maya-maya lang ay nagpaalam na siya at noon ko lang napansin na marami pala ang kumukuha ng litrato sa kanya.
"Ang swerte mo naman dahil ikaw ang nakapulot ng pasaporte niya at nakita mo ng malapitan si Baymin," sambit ng babae.
"Bakit artista ba siya?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya na kumakaway sa mga tao
"Isa siyang singer. Member siya ng YoBay duo sila doon. Kilala sila sa iba't-ibang bansa lalo na silang pitong magkakaibigan. Tinawag silang Syncers dahil sa loob ng Sync Entertainment nabuo ang pagkakaibigan nila at pinatatag ang samahab nila." sagot nito sakin.
Napatingin ako sa orasan at nanlaki ang mga mata ko dahil limang minuto nalang ay darating na pala si Tito. Bago pa ako tuluyang makaalis doon ay napansin kong may isa pa siyang kasama na biniyayaan ng ka-gwapuhan.
-----
Iyon ang unang pagkikita namin ni Baymin at simula noon ay hindi na siya nawala pa sa isip ko. Until one day, I found myself searching for his name and their duo, called Yobay. I became their fan and I wanted to know more about them, especially him.
Nalaman ko din na Personal Assistant pala ni Jiro ang kaklase kong si Samantha. Si Baymin kasi ay parte ng tinatawag na Syncers kung saan isa sa kaibigan nila ay si Jackson Sync. They are called Syncers because silang pito ang unang artist sa Sync Entertainment, including Jackson, who is the CEO. Samantha is so lucky, kaya andaming naiinggit sa kanya. Close pa siya kay Hiro na parte din ng isang sikat na grupo.
Model kasi si Samantha kaya kahit iyong ibang artista ay nakakaclose niya. Paano naman ang mga ordinary fan na tulad namin na walang pera pang punta ng concert o kaya ng fanmeet? Hindi nila kami mapapansin. Kinuha ko ang cellphone ko at tinitigan ang larawan ni Baymin.
"Someday, I will meet you in person again," kinikilig na sambit ko.
Tumayo na ako at nag-ayos para pumasok sa eskwelahan. Maaga akong nakarating ngunit tulad ng dati busy sila sa kanya-kanyang buhay nila.
"Kaya pala ilang araw ng weird ang kinikilos ni Samantha buntis pala siya at si Jiro ang ama." Narinig kong sambit ni Jean kaya napalapit ako agad sa kanila.
"Si Jiro nga ba talaga? Edi ba nakita din silang magkasama ni Mark?" Rinig ko namang sambit ni Kia.
"Tangek! Naglabas na ng statement ang Sync Entertainment kahapon at sinagot nila ni Jiro ang mga tanong sa kanila sa isang interview. Si Jiro talaga ang ama ng bata at si Mark lang ang nag-alaga sa kanya dahil wala si Jiro ng mga panahon na iyon." sambit ni Jean sa kanya na ikinatango ng kausap niya
"Aww, ang swerte naman ni Samantha. Si Jiro pa talaga ang nakuha," sambit ni Kia.
"Sus! If I know nilandi niya lang iyan," sambit naman ni Jean at nagkibit-balikat pa.
"Ang aga-aga pinagchichismisan niyo ang buhay ng ibang tao. Why don't you mind your own f*cking business?" sambit ko na ikinagulat nila. Agad naman silang nanahimik at hindi na nag-usap pa ng taasan ko sila ng kilay.
I envy Samantha's life, but at the same time, I pity her dahil sa mga mapanghusgang tao nasasaktan siya sa mga balitang hindi naman totoo.