Chapter 23 | A Day with the Mafia Bosses
Nagising ako nang dahil sa sinag ng araw na tumatama sa 'king mukha. Agad na itinakip ko ang kanang kamay sa 'king mga mata bago dahan-dahang bumangon.
Sa pagkakaalala ko ay naibaba ko naman ang kurtina kagabi. Marahil ay si Stephen—
Muntik na kong mapahiyaw sa gulat nang may biglang pumulupot na braso sa beywang ko. Napalingon ako sa tabi ko at doon ay mahimbing na natutulog si Stephen.
Hindi ko napigilan ang mapangiti. Yesterday, our body become one. I officially become a woman.
Nag-init naman ang pisngi ko nang muling maalala kung paano naglakbay ang kanyang kamay sa katawan ko, maging ang mabilis na paglalabas-masok niya sa loob ko. Pakiramdam ko ay tila naiwan ang bakas ng mga haplos niya sa kabuuan ko at hanggang ngayon ay para kong kinikiliti.
Agad na ipinilig ko ang ulo at pilit na ibinaon sa malalim na parte ng memorya ko ang nangyari, bago muling napatingin sa asawa ko. Bakas ang pagod sa kanyang mukha kaya hindi ko naiwasan ang masuyong haplusin 'to.
Ngunit agad na binawi ko ang kamay nang bigla siyang kumislot. Paniguradong madaling araw na naman siya nakauwi kanina kaya ayoko muna siyang istorbohin.
Dahan-dahan akong bumaba ng kama at mabilis na nag-ayos naman ng sarili nang may bigla kong maisip. Maingat na binuksan ko ang pinto at lumabas. Akmang babatiin sana ko ni Cole pero mabilis na inilagay ko ang daliri sa tapat ng aking labi. Itinikom naman niya ang bibig.
Napangiti ako bago bumaba at dumiretso sa kusina. Doon ay naabutan ko si Manang Belen na mukhang maghahanda ng agahan. Pero natigilan siya nang mapalingon sa direksyon ko.
"Good morning, Mrs. Anderson," magiliw niyang bati sa 'kin.
Tila pumalakpak ang tainga ko nang dahil sa sinabi niya. Magmula ata ng maging mag-asawa kami ni Stephen ay ngayon ko lang nagustuhan sa pandinig ko ang mga salitang Mrs. Anderson.
"Good morning din po." Sinilip ko ang kanyang ginagawa.
Sa totoo lang ay hindi ako masyadong maalam pagdating sa pagluluto at pagbe-bake. Pero mukhang magsisimula na kong mag-aral ngayon.
"Manang Belen," tawag ko sa kanya na kasalukuyang naggagadgad ng patatas.
Napalingon naman siya sa 'kin. "Ano po 'yon?"
"Pwede po bang ako ang magluto at mag-asikaso ng agahan ngayon? Gusto ko po kasi sanang ipagluto si Stephen. Ang kaso lang ay hindi po ako maalam. Kaya..." kinagat ko ang ibabang labi at nanghihingi ng tulong na tumingin sa kanya.
Tila nagningning ang kanyang mga mata at sunod-sunod na napatango. "Oo naman! Walang problema!"
Nakaramdam ako ng magkahalong excitement at kaba nang magsimula kami. Magkasabay kong ginawa ang pagluluto at pagbe-bake, sa gabay na rin ni Manang. Baka kasi magising na bigla si Stephen.
Nang matapos ay masiglang naghain na ko sa mesa. Saktong pagpasok naman ni Stephen sa kusina.
"Manang, have you seen—" natigilan siya nang makita ko.
"Good morning! Breakfast is ready." Inilahad ko ang palad sa mesa. "We have waffles with chocolate drizzle, croissants, grated potato with cheese omelette and pancakes! You choose." I grinned at him.
Napakurap siya bago bumaba ang tingin sa mga nakahaing pagkain. "I-Ikaw ang naghanda niyan lahat?" hindi makapaniwalang tanong niya sa 'kin.
Nahihiyang tumango ako. "Yup. Pero tinuruan at tinulungan naman ako ni Manang. Still, don't expect too much. It's my first time. Nasunog ko pa nga ata 'yong omelette. Habang 'yong waffles at pancakes naman ay medyo na-deform."
Natigilan ako sa pagsasalita nang mapansing nananatili lang siyang nakatayo at nakatulala. Nangingislap din ang kanyang mga mata na para bang maiiyak.
Kumunot ang noo ko. Si Stephen ba talaga ang kaharap ko ngayon? He's acting different since yesterday.
Nagulat na lang ako nang bigla siyang lumapit sa 'kin at hinila ko para yakapin.
"Thank you." Mahihimigan ang kasiyahan sa kanyang boses.
Natawa naman ako at mahina siyang tinapik sa likod. "Ano ka ba? Hindi pa maayos ang pagkakaluto at pagkakagawa ko kaya wag ka munang magpasalamat."
Umiling siya bago dahan-dahang kumalas sa yakap naming dalawa. Nahigit ko ang hininga nang masuyo niyang hawakan ang magkabila kong pisngi.
"Wala kong pakielam kung first time mo lang magluto. Malaman ko lang na ikaw ang nagluto at naghanda ng lahat ng 'to ay perpekto na agad para sa 'kin. Hinding-hindi 'to maikukumpara sa anumang mamahaling pagkain sa kahit na pinakasikat pang resturant," may pagmamalaki niya pang sabi.
Tila hinaplos naman ang puso ko nang dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam na may ganito palang side si Stephen. At masaya ko dahil unti-unti na siyang naglalabas ng iba't ibang emosyon sa 'kin.
Ipinaghila niya ko ng upuan, bago umupo sa tabi ko. Nagsimula na kaming kumain at sa pagkakataong 'to ay hindi ko hinayaan si Manang Belen na hindi sumalo sa 'min. Maging si Cole ay pinatawag din namin.
I guess, being a mafia boss' wife is not that bad at all.
-----
"Saan ba talaga tayo pupunta?"
Humigpit ang pagkakahawak ni Stephen sa kamay ko. "You'll know when we get there."
I rolled my eyes and looked outside the window. Kasalukuyan kaming nasa biyahe na hindi ko alam kung saan ang patutunguhan.
Pagkatapos naming mag-agahan kanina ay mabilis niya kong pinag-asikaso dahil mayroon daw kaming kailangang puntahan. Muntikan ko na siyang mabatukan dahil alam naman niyang may mahapdi pa sa pagitan ng mga hita ko, pagkatapos ay naisipan niya pang mamasyal.
Sinilip ko sa side mirror ang kotseng kinalululanan ni Cole kasama ang tatlo pang tauhan ni Stephen. As usual ay nakabuntot lang sila sa 'min.
"Alam mo, hindi mo naman ako kailangang hawakan dahil wala naman na kong balak tumakas," puna ko sa kanya. Hawak na naman kasi ng kanang kamay niya ang mga kamay ko, habang ang kaliwa naman ay nasa manibela.
He chuckled. "Alam ko naman 'yon. I just want to feel your hand against mine."
Lihim akong napangiti at nanatili lang na nakatingin sa labas.
Ilang minuto pa ang lumipas ay tumigil na ang sinasakyan naming kotse. Mabilis na bumaba si Stephen para umikot sa pwesto ko at pagbuksan ako ng pinto.
Agad na inilibot ko ang tingin sa paligid nang makababa. Sa di-kalayuan ay may naririnig akong sunod-sunod na putok ng baril.
What the hell is this place?
"Where are we?" nagtataka kong tanong sa kanya habang inililibot ang tingin.
This place was being surrounded by tall trees, grass and different kind of flowers. Kaya naman ay presko ang nalalanghap kong hangin. Pakiramdam ko ay nasa isang malawak na hardin ako.
"Roberts Metal Hand Shooting Range." He took my hand and intertwined our fingers.
Natigilan ako. "Roberts? As in, Shantel Roberts?"
"Yup! Welcome to my sanctuary, Nath!"
Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang lumitaw sa harap namin si Shantel. Naguguluhang pinaglipat-lipat ko ang tingin sa kanilang dalawa.
"A-Anong ginagawa natin dito?" kinakabahan kong tanong kay Stephen.
Bahagya naman niyang pinisil ang kamay ko.
"Hindi ko hahayaan na umalis-alis ka ng walang kasama na bodyguard. At nagtalaga ko ng mga tauhan sa bawat sulok ng loob at labas ng mansyon para lang masiguro ang kaligtasan mo. Pero kahit gano'n, dapat ay matutunan mo pa rin ang humawak at gumamit ng baril. You know, just in case, you can protect yourself as well."
Napakurap ako sa kanya. Bigla namang tinambol ng kaba ang dibdib ko. Hindi ko alam kung hanggang saan ba ang nalalaman ni Stephen tungkol sa nakaraan ko bilang kilala niya ang mga tunay kong magulang.
Pero kung alam niya ang tungkol sa tangkang pagpatay sa 'min noon, marahil ay maiintindihan niya ang takot na mararamdaman ko sa paghawak ng baril.
Ilang gabi rin akong hindi pinatahimik ng mga sunod-sunod na putok ng baril ng gabing 'yon. Kaya naman ay gano'n na lang ang takot ko sa tuwing nakakarinig ng putok nito at mas pinili kong matutunan ang tamang paggamit ng kutsilyo para maprotektahan ang sarili.
"Is that really n-neccesary?" Pilit akong tumawa.
Tinapik ni Shantel ang balikat ko. "No worries, Nath. Hindi ka naman namin pababayaan. At kung iniisip mo naman na tatapusin namin ang buhay mo rito ay mas lalong wag mong alalahanin 'yon. Bago ka pa namin masaktan ay baka nakabaon na kami sa lupa," pagbibiro pa niya.
Napangiwi ako. Sa totoo lang ay hindi ko naisip ang tungkol do'n kung hindi lang niya nabanggit.
"Don't let fear overcome you. You must overcome the fear," Stephen whispered as we started to walk.
Tila patalim ang mga salitang 'yon na tumama sa 'kin. Madaling sabihin, pero mahirap gawin.
But he's right. It's been seven years. Besides, I need to fully ready myself when the time comes that I'll meet Aries again.
Habang papalapit kami sa field kung saan ginaganap ang aktwal na target shooting ay agad na namataan ko ang iba pang mga kaibigan ni Stephen na pawang nag-eensayo. Pwera na lang kay Oliver na tulog na naman sa isang tabi.
I wonder how he can manage to sleep with this some kind of noise.
Tumigil kami sa tapat ng isang bakanteng cubicle. Kung saan ay nakatapat ito sa isang target na nasa di-kalayuan. Abala naman sa pagpuntirya sa kanya-kanya nilang target sina Ashter, Rhyz, Ryza, Riley at Ace na hindi man lang kami pinagkaabalahang lingunin. Halos mapatalon ako sa gulat sa tuwing nagpapaputok sila.
Damn! Mukhang pati sa barilan ay kailangan ko na ring masanay.
"Will this be your first time to hold a gun?" tanong ni Shantel sa 'kin. Dahan-dahan akong napatango.
Napangiti naman siya. "Don't worry. I'll guide you. Welcome to the team!" She extended her arms to me, which I accepted hesitantly.
Napangiwi naman ako nang dahil sa sinabi niya. Gusto ko sanang sabihin na hindi ko gustong sumali sa team nila. Mas lalo atang mapapadali ang buhay ko rito.
Binitiwan na ni Stephen ang kamay ko. "You'll be fine. Just follow Shantel's instructions. I'm just here." He winked at me before he positioned himself to the other vacant cubicle.
Si Cole naman at ang ilan pa sa mga tauhan ni Stephen ay nakakalat lang sa paligid. Mayroon silang suot na earphones at tila ro'n sila nag-uusap-usap habang nagmamatyag sa paligid.
Umalis saglit si Shantel. Pagkabalik niya ay may dala-dala na siyang baril at tila isang headset.
"This is a pistol," aniya sa baril na hawak. "And this will serve as your ear protection from the loud noise," paliwanag naman niya sa tila headset niyang hawak.
Napatango lang ako sa kanya.
"Good. Ako muna ang gagawa. Just watch me, okay?"
Muli akong tumango at nagsimula na siyang pumwesto. Isinuot niya 'yong headset bago dahan-dahang itinaas ang kanang kamay na may hawak ng pistol.
"First thing, you need to relax. One of the things that you must learn in target shooting is to remain calm and focus. You need to clear your mind because it might affect your performance."
Tahimik lang akong nakikinig at nakatingin sa kanya. Walang emosyon ang kanyang mukha na tila ba wala siyang buhay.
Pero nakuha ang atensyon ko ni Stephen nang magsimula na siyang magpaputok. Agad na napatingin ako sa main target niya at napasinghap na lang ako nang makitang natamaan niya agad 'to sa unang tira pa lang.
"Wow."
"Nath, focus," walang emosyon na sabi ni Shantel.
Muli ko naman siyang nilingon at pilit na nginitian.
"Now, raised your arm and put all of your strength on it. Then, placed your index finger on the trigger blade and position it. Aim your target and maintain your finger until the breaking point before you release and go through the gunshot."
Muntik na kong mapasigaw nang bigla niyang iputok 'yong baril. But I can't help but to amaze when she hit the main target as well.
"The pistol must not move when discharging. It's what you must maintain with your finger in order to have a good trigger pull and hit the target. Moreover, do not close one of your eyes when aiming for the target. It will reduce the scope of the vicinity in your vision."
Inalis na niya ang suot na headset bago isinuot 'yon sa 'kin. Inabot din niya sa 'kin 'yong baril at nanginginig ang kamay na kinuha ko 'to.
Muli niyang tinapik ang balikat ko. "Relax. Remember, stay calm, then focus," paalala niya sa 'kin.
Nag-aalinlangan akong pumwesto at ginaya 'yong posisyon niya kanina. Gustong-gusto ko panoorin si Stephen pero ni hindi ko magawang isulyap ang mga mata ko sa direksyon niya.
Focus, Nath. Focus!
Ilang buntong hininga pa ang ginawa ko, bago ako tuluyang kumalma at mawala ang panginginig ko.
Slowly, I raised my right arm and aim the target. It took me a while before I finally have the guts to pull the trigger and tried my best not to close one of my eyes.
It feels like everything around me suddenly stop and I hold my breath the moment I pulled the trigger. Pakiramdam ko ay tatalsik ako nang dahil sa impact nito. Pero pinanatili ko lang ang posisyon at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa baril dahil muntikan ko na 'tong mabitiwan.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang bala na tumama malapit sa main target. Halos dalawang linya lang ang pagitan no'n!
"Woah! Not bad for a first timer. Nice one, Nath."
Nagulat na lang ako nang makarinig ng magkakasabay na palakpak. Tila naestatwa naman ako sa kinatatayuan ko nang bigla kong akbayan ni Rhyz.
Inilibot ko ang tingin sa paligid at napaawang na lang ang bibig ko nang mapansin na napapalibutan na pala nila ko. Kahit si Oliver na tila mahimbing ang tulog kanina ay gising na. Ni hindi ko man lang napansin na tumigil na pala sila sa kanya-kanyang ginagawa.
"Back off, Lewis. Kung ayaw mong matanggalan ng kamay at braso." Nagbabanta ang boses ni Stephen at umiigting ang kanyang bagang.
Rhyz held his hands up. "Chill, man. We're here to relax."
"Enough. I still need to train Nath. So all of you, back off," pagpapaalis sa kanila ni Shantel.
Agad na sumimangot si Stephen. "I guess; it will be better if I'll be the one to do that instead."
Sinamaan siya ng tingin ni Shantel. "Magtigil ka! Paniguradong maglalandi ka lang."
Pinigilan ko ang matawa nang mas lalong malukot 'yong mukha ni Stephen. Naghiyawan naman ang mga kaibigan niya na agad bumalik sa dating mga puwesto nang tapunan din sila ng masamang tingin ni Shantel.
Halos isang oras din ang inabot bago ko tuluyang matamaan ang main target.
My eyes widened and I can't help but to jump due to excitement. Pakiramdam ko ay may panibagong achievement akong na-unlock, kahit wala naman talaga sa plano ko ang mag-aral ng ganito.
Nang sa wakas ay makaramdam ng pagod ang lahat ay napagdesisyunan na naming kumain ng tanghalian. At halos hindi kami matapos-tapos sa pagkain nang dahil sa kwentuhan, tawanan at asaran na naganap.
Sa pagkakataong 'to ay mas lalong gumaan ang loob ko sa kanila. Halos makalimutan ko na nga na lahat sila ay leader ng isang mafia group.
Well, except for Rhyz. Dahil ang Kuya niyang si Ashter ang may hawak sa Lewis mafia.
Pagkatapos kumain ay nagpahinga lang kami saglit, bago nagyaya si Ace na mag-horseback riding.
Hindi ko naman maiwasan ang makaramdam ng lungkot. Isa kasi 'yon sa paborito naming libangan ng namayapa kong ama no'ng bata pa ko. He was the one who actually taught me how to ride a horse.
"Hindi ko akalain na mayroon din pala kayong stable rito," manghang sabi ko kay Shantel nang magsimula na naming tahakin ang daan patungo sa stable nila rito.
She shrugged. "Yeah. Bonding kasi ng mga magulang namin ang target shooting at horseback riding. Kaya nagpalagay na rin ng stable rito sina Dad. At habang lumalaki ay nakasanayan na rin namin 'yon."
Hindi ko naiwasan ang makaramdam ng inggit. Bata pa lang kasi sila ay magkakaibigan na sila. At hanggang ngayon ay masasabi kong solid pa rin ang samahan nila.
How I wish, I have experienced the kind of friendship that they have since a child.
Natigilan sila sa paglalakad at sabay-sabay na napalingon sa 'kin.
"W-What did you say?" gulat na tanong ni Shantel.
Natutop ko naman ang bibig. Nasabi ko ba 'yong nasa isip ko?
Napailing naman ako. "Wala. Tara na!" I awkwardly smiled at them.
Nagpalitan naman sila ng tingin, bago nagkibit balikat at nagpatuloy sa paglalakad. Mahina namang tinapik ni Ace 'yong ulo ko nang madaanan niya ko.
I don't know why, but that gesture of him can make me feel calm.
The moment we arrived at the stable, they all made their way on each stall to get their horses. Mukhang may sari-sarili rin silang mga kabayo rito.
"Baby, I want you to meet Nate," pagpapakilala sa 'kin ni Stephen sa kulay puting kabayo na nilapitan namin. Hinimas-himas niya pa ang ulo nito.
Mahina ko siyang sinuntok sa braso. "Bakit parang malapit ata 'yong pangalan niya sa pangalan ko. Nagkataon lang ba 'yon, o ano?" Nagdududa ko siyang tiningnan.
"Baby, you're just overthinking." He chuckled.
"Now, let's start the ride and enjoy the rest of the day." Kinuha niya 'yong kamay ko at inalalayan ako sa pagsampa, bago mahigpit na humawak sa beywang ko at inayos ang pagkakaupo ko.
Halos nahigit ko naman ang hininga nang maramdaman ang pag-upo niya sa likod ko, lalo na ng mas ilapit niya pa ang sarili sa 'kin. Tila kumikiskis tuloy 'yong alaga niya sa likod ko.
Hindi ko alam kung nananadya ba siya o sadyang marumi na ko mag-isip matapos ang nangyari sa 'min kahapon.
Napangiti naman ako nang makitang magkasama sa iisang kabayo sina Shantel at Ace.
"Ayos na ba sila?" tanong ko kay Stephen habang nakatingin pa rin sa dalawa.
I felt he shrugged. "They're still figuring it out."
Napailing na lang ako sa naging sagot niya.
"Ready?" bulong niya pa.
Nakagat ko ang ibabang labi nang tumama ang init ng hininga niya sa batok ko. Kaya naman ay napatango na lang ako.
Ilang sandali pa ay magkakasunod na kaming lumabas ng stable area. Agad na bumungad sa 'king paningin ang malawak na horse race track.
Sabay-sabay na pumwesto sa starting line ang lahat.
"Alright! Game on!" Ashter shouted.
Pakiramdam ko ay maiiwan ang kaluluwa ko sa bilis tumakbo ni Nate nang magsimula ang race. Kaya naman ay napakapit na lang ako nang mahigpit.
Naloka ko bigla. Akala ko naman ay isang simpleng horseback riding lang ang gagawin namin!
"Don't worry. I won't let you fall. Unless, you fall for me," Stephen whispered again that made me shiver.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ata ko sa race aatakihin, eh.
Hindi ko na lang pinansin ang kakaibang nararamdaman ko at inilibot ang tingin sa paligid.
Halos dikit lang ang laban. Pero malaki ang agwat namin kina Ace na nangunguna ngayon.
"No one beats Ace in horseback riding up to this day. Kaya malakas ang loob magyaya ng loko, eh." Stephen tsked.
Natawa na lang ako. Mukhang hindi niya matanggap na nagagawa rin niyang matalo.
Napasinghap naman ako nang makitang nagkasalpukan 'yong kabayo ng magkapatid. Pero si Ashter lang ang nahulog sa kanila at wala man lang tumulong!
"W-Wait! Si Ash!" Sinundan ko siya ng tingin nang malampasan namin siya.
"This is a fucking competition, baby."
Hindi ako makapaniwala sa narinig. "But he's your best friend!"
"He'll live. Trust me," giit pa niya.
Napabuga na lang ako ng hangin. Hindi ako umimik hanggang sa marating namin 'yong finish line. As expected, Ace was the first one to arrive and Ashter was the last one.
"Sto being so grumpy. Let's go." Inilahad ni Stephen ang kamay sa 'kin para alalayan akong bumaba.
I rolled my eyes and swatted his hands away, then go down on my own. Pero biglang kumirot ang ulo ko, dahilan para mawalan ako ng balanse. Mabuti na lang at maagap akong nasalo ni Stephen.
Nasapo ko ang ulo at napatingin kay Stephen. Nakikita kong bumubuka ang bibig niya, pero walang kong marinig na salita mula ro'n. Gano'n din ang mga kaibigan niya na nakapalibot na sa 'kin ngayon. Bakas ang pag-aalala sa kanilang mga mukha.
Mariin naman akong napapikit nang mas lalo pa 'tong sumakit. Ngunit sa pagdilat ko ng aking mga mata ay tila nasa ibang lugar na ko, dahilan para matigilan ako.
Maraming bata sa paligid ang nakasakay sa kani-kanilang pony horses. Ngunit malabo ang kanilang mga mukha na kahit anong aninag ang gawin ko ay hindi ko sila mamukhaan.
Pero isang batang babae ang nakakuha ng atensyon ko. At ang batang 'yon ay walang iba kung hindi ako.
"Nathalia, hawakan mo ang kamay ko. Bumaba ka na riyan," pagkausap sa 'kin ng isang batang lalaki. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha pero pamilyar ang boses niya sa 'kin.
"Ayoko! Hindi mo tinulungan 'yong best friend mo kanina. Paano mo nagawa 'yon?" Humalukipkip pa ang batang ako.
Napapadyak naman 'yong batang lalaki. "Fine! I'm sorry."
"Hindi ka dapat sa 'kin nagso-sorry!" Iwinaksi ko 'yong kamay ng batang lalaki bago mag-isang bumaba.
Pero dahil namali ako ng tapak ay muntik na kong mahulog sa lupa. Mabuti na lang at maagap akong nasalo no'ng batang lalaki.
Agad na umiyak ang batang ako. "Tep-tep!"
Masuyo namang hinaplos no'ng batang lalaki ang buhok ko. "Ssshhh. It's okay. I'm here. I'll always be here for you."
Bigla naman akong naalarma nang unti-unting mawala 'yong batang lalaki, maging ang ilan pang mga bata sa paligid. Tanging ako na lang ang natira.
"Tep-tep!" malakas kong sigaw. Pero napakurap na lang ako nang makita ang gulat na ekspresyon nina Stephen.
"W-What did you just say?" hindi makapaniwalang tanong ni Stepnen.
Unti-unti namang nawala ang sakit ng ulo ko at naguguluhang napatingin sa kanya.
Who the hell is that Tep-tep?