Chapter 15: The Unknown

Third Person's Point Of View

Lumapit ang babaeng iyon ka'y Talia at nag-pakilalang si Justin, ang isa sa mga babaeng kapatid ni Peter. Si Justin ay isa 'din sa mga assassin ni Manolo. Ngunit hindi ito sinasabak sa mabibigat at malalaking misyon dahil sa pagiging malamya nitong kumilos. Nagpakilala si Justin kay Talia at nag-kausap ng kaunti, mabilis silang nag-kapalagayan ng loob. Maya-maya pa ay sunod-sunod na katok ang narinig nila. Sabay silang napalingon dito pag-katapos 'non ay saglit na nag-paalam si Justin upang buksan ang pinto, nag-lakad ito patungo sa kinaroroonan ng pintuan at binuksan nito ang pinto. Pag-bukas nito ng pinto ay tumambad sa kanila ang no'oy mag-kakasamang sina Liam, Peter, Manolo at si Dimitri na nasa wheelchair pa dahil sa nanghihina pa ito. Maingat namang tinutulak Liam ang wheelchair kung saan nakaupo si Dimitri papunta ka'y Talia.

"Hey... How are you feeling? May masakit pa'ba sa'yo? J-Just let me know okay?" bungad ni Dimitri dito, napangiti lamang si Talia ng bahagya sa sinambit na iyon ni Dimitri.

"I'm literally just fine..., saka ikaw yung napuruhan sa ating dalawa 'no... I just can't forget what's that guy have told me." aniya

S-sino sila? dagdag pa nito, saglit na tumingin si Dimitri sa kan'yang mga kasama at itinuon muli ang kan'yang buong atensyon ka'y Talia. Ibubuka n'ya na sana ang kan'yang bibig ngunit pinigil s'ya ni Liam.

"Do we have to introduce ourselves young lady? or you'll let Dimitri do it." pigil ni Liam dito, napayuko si Dimitri at napailing-iling sa ikinilos ng pinsan nitong si Liam. Nasundan naman iyon ng mahihinang tawanan ng mga naroroon.

"So, that one who's wearing a blue shirt was my cousin Liam, and the one who's standing beside him was his brother Peter and that beautiful lady sitting beside you was his sister also, her name is Justin. And this gentleman standing beside me was my Uncle. Simula nang maulila kaming mag-kapatid ay s'ya na ang tumayong ina at ama sa aming mag-kapatid.

"Kamusta ka na Iha, bati naman ni Manolo sa dalaga, ngumiti lamang si Talia dito bilang tugon at saka naging seryoso ang ekspresyon ng muka nito at saka ito nag-salita.

"Ayaw ko na 'hong mag-paligoy-ligoy pa Sir... Alam ho ng lalaking 'yon ang pag-kamatay ng mga magulang ko at inamin n'yang s'ya mismo ang pumatay sa mga magulang ko. Hindi ko alam kung ano kayo? kung ano ang tawag sa inyo? kung ano ang relasyon n'yo sa isa't isa. Kung may alam s'ya sa pag-kamatay ng aking mga magulang paniguradong may alam 'din kayo." mahabang salaysay ni Talia dito, at saka ito tumingin ng deretso ka'y Manolo.

"Dad it's time..." sabat naman ni Liam, napakunot ang noo ni Dimitri sa nasabing iyon ni Liam.

"Huh? What? W-what it's time? What's going on here?" naguguluhang sagot naman ni Dimitri. Huminga ng malalim si Manolo at saka ito nag-salita.

"We are mafias kung tawagin Iha, and we mafias do some illegal doings, even killing people. Matalik kaming mag-kaibigan no'on ni Antonio ngunit ng dahil sa kasakiman nito ay naging mortal kaming mag-kaaway. Dimitri's Dad was the best assassin's I have. Napagkasunduan naming mag-kapatid na patayin ang isa sa mga alagad ni Antonio na si Hugo, nag-tagumpay si Noah sa misyong iyon. Ngunit 'ni minsan ay hindi ko inakalang ang misyon na iyon ang kikitil sa buhay nilang mag-asawa. Pinaimbestigahan ko ang pag-kamatay nilang mag-asawa at napag-alaman 'kong pinatay sila ni Antonio at ang mga tauhan nito, may isang mag-asawang tumulong sa kanila ngunit sa halip na mailigtas sila ng mga ito ay nadamay 'din sila at napatay 'din sila ni Antonio na sa kalauna'y mga magulang ni Talia. mahabang salaysay ni Manolo dito, tumulo ang mga luha ni Talia sa narinig n'yang iyon.

"Pinili 'kong itago ang lahat sa inyong dahil alam 'kong yun ang makakabuti para sa inyo." dagdag pa nito, halos hindi makasagot si Dimitri sa mga narinig n'yang iyon.

"I know Dad did that for purpose Dim, h'wag ka sanang mag-babago-" hindi na naituloy ni Liam ang kan'yang sasabihin dahil pinigil s'ya ni Dimitri.

"No Liam, Sisiguraduhin 'kong ipapalasap ko sa kan'ya ang pag-hihirap na naranasan ng mga magulang ko." tiim-bagang saad ni Dimitri

"Namatay ang mga magulang ko ng walang kalaban-laban." hagulgol naman ni Talia, hinawakan ni Dimitri ang kamay ni Talia at saka ito tumingin dito ng deretso. Nasundan pa ng ibang pag-uusap at tanungan ang sitwasyon hanggang sa pumasok sa isip ni Talia si Dimitri.

Talia's Point Of View

"Hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman ko tungkol sa pag-kamatay ng aking mga magulang. Ang mga taong nasa harapan ko ay ang isa sa mga dahilan ng kanilang pag-kamatay. Isa lang nasisiguro ko, hinding-hindi ko ito palalampasin, pagbabayarin ko ang taong pumatay sa kanila. Hindi ko muna inisip ang mga iyon ng biglang pumasok sa isip ko si Alesia paniguradong nag-aalala na ito sa akin at paniguradong hinahanap na ako nito. Sinabi ko ka'y Dimitri ang tungkol sa aking matalik na kaibigang si Alesia. At nag-pasya itong ihahatid ako kinabukasan, kaya't wala naman na akong nagawa kundi pumayag dito.

Alesia's Point Of View

Nang dahil sa pag-kawala ni Talia ay paminsan-minsan ay binibisita ko pa 'rin ang bahay nito. May'roon ako isang susi ng bahay nito, hindi na ako nag-pasama pa ka'y Mico dahil magiging busy ito ngayun sa trabaho. Sa katandaan ng kan'yang mga magulang ay sa kan'ya na iniwan ang pamamahala ng kanilang kumpanya. Maya-maya pa ay nakarating na 'rin ako sa village kung saan nakatira si Talia. Huminto ako sa gatehouse upang ipakita ang aking lisensya sa gwardya. Nang dahil sa Exclusive village ito ay kailangan mong ipakita ang iyong lisensya bago ka papasukin ng gwardya. Pero ng dahil sa kilala na'ko ng gwardya dito dahil lagi akong bumibisita ka'y Talia ay naging madali nalang iyon para sa akin. Nag-drive ulit ako patungo sa bahay ni Talia, nang malapit na'ko sa bahay nito ay napahinto ako sapagkat isang lalaki ang nakita 'kong nakatayo sa harapan nito. Napakunot-noo ako ng dahil don.

"Who is this guy?" bulong ko sa aking sarili. Nang dahil sa kuryosidad ko ay napagpasyahan 'kong irecord iyon gamit ang aking cellphone. Kinuha ko ang aking cellphone mula sa aking bag at sinimulang i-video 'yon. Halos mabitawan ko ang aking cellphone sa nakita ko. Bigla itong nag-lahong parang bula, ibinaba ko ang aking cellphone at hinanap ng mga mata ko ang lalaki ngunit bigo akong makita ito.