Chapter 14: Alesia's Plan

Trey's Point Of View

Oras na ng pag-gising mo kaibigan, konting panahon nalang at mabubuo kana ulit. Kailangan na kailangan kana ng mga taong naiwan mo. Yan ang paulit ulit na kataga sa aking isipan habang pinagmamasdan ang walang buhay na katawan ni Lucifo habang nakahimlay ito sa isang malaking kama. Nakatayo lamang ako habang pinagmamasdaan s'ya habang iniinom ang isang sariwang dugo na nakalagay sa basong hawak ko. Lumapit ako dito at ipinatong ko sa maliit na mesa ang basong hawak ko. Atsaka ko kinuha ang isang maliit ngunit matalim na kutsilyong nakalagay sa maliit na mesa. Sinugatan ko ang aking pulso o ang aking galang-galangan gamit ang kutsilyong kinuha ko sa maliit na mesa. Atsaka ko itinapat sa kan'yang bibig ang no'oy dugong tumutulo na nag-gagaling sa akin. Napansin ko ang pag-galaw ng kan'yang daliri ngunit wala pa 'rin itong malay. Pag-katapos 'non ay hinayaan ko muna s'yang mag-pahinga sapagkat kailangan n'ya pa ng kaunti 'pang panahon. At 'yun ang hihintay ko.

Dimitri's Point Of View

Dahan-dahan 'kong iminulat ang aking mga mata at iginala ang buo 'kong paningin sa kwartong kinaroroonan ko. Medyo nasilaw pa ako dahil sa liwanag na nanggagaling sa bintanang nasa kanan ko lamang. Nakakaramdam pa 'rin ako ng pag-kirot ng aking mga kasu-kasuan, kahit medyo nanghihina pa ang aking katawan ay pinilit ko pa 'ring ikilos ang aking sarili. Sakto namang bumukas ang pintuan at tumambad do'on sina Ama at ang pinsan 'kong si Liam. Lumapit ang mga ito sa kinaroroonan ko, si Liam ay umupo sa upuang nasa kaliwa ko habang si Ama naman ay sa kanan ko.

"Kamusta ang pakiramdam mo Anak?" bungad sa akin ni Ama.

"Medyo maayos na'po ang pakiramdam ko Ama." tugon ko naman dito.

"Talaga?," paniniguro naman ni Liam, hanggang sa hinawakan nito ng madiim ang tiyan ko na medyo kumikirot pa 'rin, napasigaw ako dahil 'don.

"Puro ka kalokohan," tipid namang banat ni Ama dito na nasundan naman ng mahihina naming mga tawanan. Hanggang sa pumasok bigla sa aking isipan si Talia. Kaya kahit na alam 'kong kakantyawan ako ni Liam ay nag-lakas loob akong itanong s'ya ka'y Ama.

"Kamusta na'po si Talia Ama?" seryoso 'kong tanong dito, naging seryoso naman ang ekspresyon ng muka ni Ama at saka ito nag-salita.

Maayos na s'ya Dim, kailangan n'ya lang ng pahinga ngunit hindi pa s'ya nag-hindi na naituloy ni Ama ang kan'yang sasabihin nang biglang may kumatok sa pinto. Agad namang tumayo si Liam at nag-lakad papunta sa pinto upang pagbuksan ang kumakatok. Pagkabukas nito ng pinto ay do'on tumambad si Peter.

"Ama, gising na po si Talia." bungad nito ibubuka na sana ni Ama ang kan'yang bibig upang mag-salita ngunit pinigil ko s'ya.

"Gusto ko s'yang makita Ama, pigil ko dito." Napansin ko ang medyo pag-hagikgik ni Liam sa aking tabi napatingin kaming pareho ni Ama sa kan'ya. Ngumiti lamang ito sa amin at saka ito nag-salita.

"What? I-I just smell something..." nakangiting sambit nito.

"I just wanna see her..." matigas 'kong sambit dito.

"You're mom is not that crazy, and I'm pretty sure I am not too." nakangising sambit ni Ama sa kan'yang anak na si Liam.

"Okay.. Fine, go ahead Dim. But Dad,! I am your son you don't have to rude you know." sagot naman ni Liam sa kan'yang ama.

"You know, j-just help Peter put Dim here." utos naman ni Ama kina Liam at Peter. Walang nagawa si Liam kundi sumunod dito nasundan naman ito ng mahihinang tawanan naming lahat. Maingat nila akong inupo sa wheelchair, at pag-katapos 'non ay agad na kaming nag-tungo sa kwartong kinaroroonan ni Talia.

Talia's Point Of View

Isang masamang panaginip ang gumising sa akin. Pag-kagising ko ay nasa isang malaking kama ako. Medyo maliwanag sa kabuuan ng kwartong kinaroroonan ko dahil sa liwanag na nang-gagaling sa labas ng bintana. Malinis sa paningin ang buong kwarto at magaganda 'din ang mga gamit na nanduduon. Hanggang sa maalala ko muli ang mga binitawang kataga sa akin ng lalaking iyon. Babalikan ko s'ya at papatayin ko s'ya. S'ya ang pumatay sa mga magulang ko. Napansin ko ang isang babaeng nakatayo sa pintuan ng kwartong kinaroroonan ko. Ikinilos ko ang katawan ko at agad naman n'ya iyong napansin. Bago ito lumapit sa akin ay parang may kinausap muna ito sa maliit na bluetooth speaker sa kan'yang tenga. Pag-katapos 'non ay nag-lakad ito papalapit sa akin.

Miko's Point Of View

Napagpasyahan 'kong ilabas at dalin si Alesia sa aming paboritong kainan. Sa isang Chinese restaurant sa manila na lagi naming pinupuntahan. Maraming mga customer ang kumakain 'din duon pag-karating namin. Agad naman kaming um-order ng pag-kain. She's been so stressed lately especially when Talia got missing. So I decided to take her out. Habang kumakain kami ay bakas pa 'rin sa ekspresyon ng muka nito ang lungkot. Maya-maya pa ay binatawan nito ang kutsara't kyubertos na ginagamit nito sa pag-kain, pinunasan nito ng tissue ang kan'yang bibig at saka ito tumingin sa akin. Napakunot-noo lamang ako dito saka ako nag-salita.

"You don't like the food?" bungad ko dito, at saka ko 'rin pinunasan ng tissue ang aking bibig at itinuon ang buo 'kong atensyon sa kan'ya.

"I love them, I love the food baby." nakangiting sagot nito.

"It's just that.. I have something in mind." tugon nito sa akin.

"Spill it baby," tipid ko namang sagot dito.

"It's about that Rico guy, I feel like there is something suspicious about him, g-gusto ko s'yang ipaimbestigahan." deretsong saad nito sa akin. Napakunot-noo lamang ako dito at saka ako muling nag-salita.

"What? Why?" tanong ko naman dito.

"I don't know, I can't really explain that right now." Can you help me baby?" pakiusap nito, at saka nito hinawakan ang aking kamay.

"Please..." pag-mamakaawa nito, ngumiti lamang ako dito at saka ako nag-salita.

Ofcourse baby, you don't have to ask for it. You're the love of my life always remember that." sagot ko dito.

"Great, that's why I love you, you're so thoughtful baby and you're so nice to me." nakangiting saad nito sa akin.

"I love you too." tugon ko naman dito. Ngumiti lamang ito sa akin at saka nito muling kinuha ang kutsara't kyubertos na binatawan n'ya kanina at ipinagpatuloy ang kan'yang pag-kain. Masaya ako na kahit papaano ay nababawasan ang kan'yang mga iniisip.