Chapter 1
"Hahh, hah, ahhh… Oh, yeah, give it to me. Oh, yes! Ahhh! Fuck!"
Umaga pa lamang… Yes, early morning sunshine. Dapat ay painat-inat pa akong nagtatanggal ng mga muta ko. O kaya ay pahikab-hikab habang tinatakpan nang mahinhin ang bibig ko.
Pero heto ako ngayon. Matulis ang nguso habang nakatitig sa puting kisame. Nanlalaki ang mga mata at gusto kong manaksak ng tao. O kaya ay manakal. O kaya ay mang-chop-chop ng halimaw!
‘Nyetang buhay 'to! Tuwing gigising na lang ako sa umaga, ganito na lang nang ganito ang naririnig ko.
Bumalikwas ako. Ibinalibag ko ang nalamukos kong kumot sa sahig. Pati mga unan ay pinagbabato ko.
Naiinis akong sinabunutan ang mukhang luka-luka kong buhok. Saka ako padabog na tumayo at nanggigigil na kinatok ang kabilang kuwarto.
"Hoy! Mga baboy! Mga bastos! Mga balahura! Mga dugyot kayo!!!" sigaw ko habang panay ang malalakas na katok sa kabila.
"Ahhh... Shit! Oh, ang sarap talaga!” ungol na naman mula sa naging motel na katabing silid ko.
“Hayop! Manahimik ka!” hiyaw ko ulit. Nasipa ko pa nga ang dingding sa sobrang kabuwisitan na nararamdaman ko.
“Come on, Kara! Alam kong gusto mo rin 'to..." sagot sa kabilang kuwarto. At saka siya umungol ulit.
Napanganga ako at mas nanlaki ang mga mata. Lalo kong nilakasan ang pagkalampag sa dingding na walang butas. Kung may butas kasi, makikita ko ang kahalayan nilang ginagawa, este, susumpitan ko sila ng bato sa mga bunganga para mabulunan sila!
"Manyak ka talaga, Gabriel!” bulyaw ko. “Huwag mo 'kong idamay sa kalandian mong hayop ka!" Galit na galit akong naglakad at umikot mula sa kama ko. Kumuha ako ng mineral water mula sa mini-ref habang pabulong-bulong ng mga makamundong salita kahit alam ko naman na hindi iyon maririnig ng damuhong si Gabriel.
Hindi ko pa nangangalahati ang tubig na iniinom ko ay narinig ko na naman ang halinghing ng babae niya.
"Gaaab... Oh my ghad Gab! You're so good in bed! Ahhh... ahhhh!" nababaliw na yata na sabi ng babae.
Tinakpan ko ng aking mga palad ang dalawa kong tainga. Kung hindi lang ako nakapangako kay Susana na babantayan ko ang hinayupak niyang kapatid —at kung hindi lang libre ang upa ko rito— malamang matagal na 'kong bumalik sa mga magulang ko! As if naman gusto kong bumalik ng probinsya, 'no! Duh! Uminom na lang ulit ako ng tubig
"Kara! Kara, heto na 'ko!”
Nabulunan ako at napaubo dahil sa narinig ko. Hinayupak talagang Gabriel! Pati ako ay idinadamay niya sa kalibugan niyang malandi siya.
“Oh shit, Kara... ahhh..."
Mariin na lang akong napapikit habang nagtatayuan ang mga balahibo sa balat ko.
Ilang gabi na akong binabastos ng Gabriel na iyon! Tuwing nakikipagjugjugan siya sa mga babae niya, pangalan ko ang tinatawag niya. Nang-aasar siya talaga! Nananadya siya dahil isinumbong ko ang kadugyutan niya. Sobra na kasi siya. Sinabi ko kay Susana na may mga babaeng dinadala rito sa bahay si Gabriel at nagkukulong sila sa kuwarto.
Kaya hayun! Bawas ang allowance ni Gabriel. Galit na galit ang ate niya sa kanya. Wala pa naman siyang permanenteng trabaho.
Sabi nga niya...
"Ang mga guwapong katulad ko ay hindi dapat pinagtatrabaho. Ang mga babaeng nagkakandarapa sa akin ang dapat magsilbi at magpaligaya sa akin. Katulad mo, Kara. Dahil maganda ka, dapat ang mga lalaking nagkakandarapa sa ‘yo ang magsisilbi at magpaligaya sa ‘yo. Hihiga ka na lang ng nakabuka ang mga paa at papatungan—"
Buwisit! Ah… Napasigaw na lang ako, "Gabriel Ballaraaaaat! Bangungutin ka sanang manyak kaaah! Hayuuuup!"