Chapter 43: Come

Vanessa

“No calls from him? Why don’t you call your friends?”

It’s been one month. One month na kami sa Spain at bukas… bukas na ang aming wedding. Wedding namin ni Alejandro.

Paulit-ulit na bumabalik si Ate rito sa aking kwarto, nagaalala at paulit-ulit na nagtatanong kung may paramdam na raw mula kay Haines at sa mga kaibigan ko sa Pilipinas. It has come to her knowledge that they would help me.

I want to call them and ask how are they doing but there is something telling me that I should just wait for them. Bakit hanggang ngayon, wala pa rin? They told me na magtiwala ako sa kanila lalo na si Haines pero mukhang aasa lang ako sa wala. Hindi kaya ah dahil sa pakiki-alam nila ay nadamay sila? No! Huwag naman sana.

I haven’t seen Alejandro for the past weeks. Ang huling kita ko sa kaniya ay noong unang linggo na dumating kami rito tapos hindi na ulit nagpakita. I can remember how ate’s husband has been occassionaly visiting her before their marriage but Alejandro did not. Kahit noong nagsusukat ako, wala rin siyang paramdam.

Mukhang napa-paranoid lang ako. Maybe I am just really over thinking. Hindi naman sa gusto kong nasa tabi ko si Alejandro na walang ibang ginawa sa akin kung hindi ang dumikit-dikit noong pagdating namin. Salamat na lang at missing in action siya ngayon.

Or maybe they are waiting for the wedding before he would see me. May mga ganitong pamahiin. Uso ba sa kanila iyon?

This is it. I won’t ever wish for Alejandro’s sudden emergency situation or disappearance because, I never wanted or prayed for someone’s bad luck and would never dare if it is about death of other people, just because I never wanted something to happen or I hate that person. I won’t and I would never. Marami man akong nagagawang kasalanan o kalokohan sa buhay ko, pero ang kamatayan ng ibang tao, hindi ko magagawa.

My family were all silent as we ate our dinner. Nagpapakiramdaman.

Nang matapos kaming kumain ay bigla na lamang nabagsak ang baso ng mommy.

Napatayo kaming lahat at balak lapitan si mommy nang bigla na lamang itong humagulgol ng pag-iyak sa kaniyang kinauupuan habang nakatitig sa akin. “I am so sorry, Anak. As much as we want to, we can’t cut ties with them. I can’t stand seeing you marry the person whom you never wanted to be. Baka hindi ko kayanin na umattend bukas ng kasal ninyo. Hindi ko masisikmura na… na… I can’t even say it…” And her voice croaks.

Agad na tumulo ang luha ko habang nakatitig lamang sa akin si mommy.

Agad akong lumapit sa kaniya, balak pang pigilan ni daddy dahil sa mga bubog na makakalat sa sahig. “I am fine, Mom. I will be fine so please, bukas, huwag kayong magpapakita sa akin nang ganiyan na emosyon. Baka, bigla akong maging runaway bride niyan.” I tried to kid around but no one laughs at that.

We hugged each other. Si ate, sa kwarto ko natulog. Naramdaman siguro niya na hindi ko kaya ang mag-isa.

Bukas, ikakasal na ako.

Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog, basta nagising na lamang ako sa mga yugyog ni Ate sa akin. Mukhang natagalan ako sa paggising dahil tatlong oras na lamang at ikakasal na talaga ako.

Sa lahat ng ikakasal, ako itong pinakamalungkot. Ako itong wala man lang kagana-gana.

“Sis, I am just here. Hindi kita pababayaan.”

At least, hinddi ako iniiwan ng pamilya ko. Hindi kagaya ng isang tao na iyon na pagkatiwalaan daw siya pero hanggang ngayon, wala pa.

Habang sinusuot sa akin ang wedding gown, ito iyong paborito kong gown. I don’t know if it is a coincidence but, this is also the one that I told Haines. Baka nananadya talaga ang tadhana at gusto akong saktan pa.

Even the bouquet that I wished to hold, hawak-hawak ko na siya.

Ang nagkaiba lamang ay sa mga accessories. From the necklace, earings and bracelet, mukhang mas mamahalin ang nga ito.

Truth is, I never decided for this. The one in charge would just made me see after everything has been finalized. Hindi naman ako nagreklamo dahil magaganda at type ko naman lahat.

“You look so fabulous," Ate said.

Kung si Haines, baka umiiyak na ako sa tuwa. Pero hindi, hindi talaga. This is the reality, I won’t ever marry the love of my life.

Hinalikan ako ni ate sa pisngi at saka nagpaalam para bisitahin ang kaniyang mga anak.

“Youa re so beautiful, Lady Vanessa.”

Nagbow ako saglit at saka tumango-tango na lang kahit na hindi ko magawang ngumiti sa salamin. It would be nicer if Haines is the one who would say that to me.

Last look on the mirror, and everything is fixed. It’s time to go to the most popular place that Salazar weddings happen. They have a so-called arena like place that would accommodate thousands of visitors for wedding and reception. Exclusive lang siya sa mga Salazar at binubuksan lang ay kapag may wedding na magaganap.

I have a big van that would send me to that place. Ang mga assistants at saka si Ate ang kasama ko. Mom chose to be with dad because she can’t stand the sight of me. Kahit sabihin ko na okay lang ako ay hindi siya mapilit.

Hawak-hawak lang ni ate ang kamay ko hanggang sa tumigil ang van sa napakalaking gate. Ang alam ko, mayroong Salazar na nakalagay rito dati o baka inayos na nila. Nagbago na rin ang lugar o baka, dahil ilang taon na rin, nagbago na ang mag infrastructures sa tabi nito.

“Ate, namali ba tayo ng lugar? Parang hindi ito iyong dati na pinagkasalan sa iyo?”

nagtataka kong tanong sa kaniya. Inilibot niya rin ang paningin, tahimik at maya-maya ay kumunot ang noo.

Nagkibit-balikat na lamang siya at saka muling hinawakan ang kamay ko. Mayroon ding naka-alalay sa aking gown.

I am supposed to walk in the red carpet, wearing my wedding gown dream.

Pagkatapak ko sa carpet, agad na tumunog ang tugtog na pangarap ko ring tugtog sa aking kasal. Hindi rin ako ang pumili rito at baka si Alejandro. I just don’t know if he likes that song also.

Hindi ko alam pero tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha ko at ang pagkabog ng dibdib ko habang naglalakad. Hindi ko pa makita ang mga bisita dahil sa style nito na papasok. Nang makita kung gaano karami ang mga tao ay halos hindi na ako makatayo at makahinga. Nakatalikod silang lahat sa akin at wala akong ibag ginawa kung hindi ang maiyak.

I saw Alejandro’s family on the seat, next to my parents and... shit! Why are they here?!

Hindi ko makita ang mukha ni Alejandro dahil sa natatabunan ito ng bulaklak.

Nasa dulo na ako ng carpet nang biglang sumigla ang tugtog at lahat ay nagsisayawan na at nagsipalakpakan. Pagkalingon sa akin ng mga naroon ay halos mawalan na ako ng malay.

In the row are my friends. Napalingon ako sa kabilang row nang sumigaw ang mga lalaki. Napakagaganda ng mga ayos nila. Paglingon ko sa likod ay ang nakangising mukha ni Ate ang aking nakikita. Kumpleto silang lahat at ang mga magulang ni Haines na napakagaganda ng mga ngiti.

The girls were all crying as well.

“Tangina, Haines, mukhang nagdadalawang-isip si Vanessa. Hindi na makalapit sa iyo. Magbigti ka na pre! Ang lubid natin, ilabas!”

Tuloy-tuloy lang ang pag-agos ng luha ko lalo na nang humarap siya sa akin, lumuluha rin habang tumatawa.

I think I am rooted on the floor that I can’t stand up even on my own.

“Oka, uwian na! Iinom na lang natin ito, bro!”

Isa pa si Dalton. Why are they all so energetic?

Pero totoo ba talaga ito? Na si Haines ang naroon sa unahan, nakatitig sa akin ng may mga ngiti sa labi.

“Teka, where is Alejandro and why-"

“Can you just come to me and marry me immediately before I answer all your questions, honey?”

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko nang magtama ang paningin ni Haines.

Daig ko pa ang isang bata na tanging nakatitig lamang sa isang kamangha-manghang bagay o tanawin pero mas nagulat ako nang magsilapitan sa akin ang mga lalaki.

"Bro, mukhang ayaw na talaga ni Vanessa. Inom na lang tayo pag-uwi," malokong saad ni Lothaire, inakbayan si Killian.

And now, it has sink in in my mind. Si Haines Gian ang naghihintay sa akin kasama si Father. Siya ang pakakasalan ko!

Siya, si Haines Gian at hindi si Alejandro!

Shemay, pwede na yata akong mamatay sa saya.