Chapter 42: Trust

Vanessa

It’s been almost a month. Matapos ng gabing iyon ay hindi na muling nagpakita sa akin si Haines at maging ang mga kaibigan ko ay hindi ko na ma-contact. I’ve been worrying on how they are doing and if they are okay.

Malungkot kong isinara ang aking maleta. Aalis na kami mamaya.

Sabi ni Haines, they will do everything... but why aren’t they contacting me? Or at least visit me again when my family are not here.

Lisa’s phone is off and I gave back the phone to manang. I trust him. I trust them but I am losing my hope. Hope that I could be with him and not marry Alejandro.

“Mam, ready na po ba kayo?” Manang asked me, loneliness is flashed on her face.

Tumango ako at saka humarap sa salamin. I saw her repeatedly glancing at me.

“Mag-iingat po kayo roon at maraming salamat po sa lahat.”

Inayos ko ang buhok ko at saka humarap sa kaniya. “Pwede ko po bang mahiram ang cellphone ninyo saglit?”

Agad naman niyang kinuha sa bulsa niya at saka inabot sa akin. “Wala pa rin pong text mula sa numerong inyong sinabi sa akin.”

Malungkot akong ngumiti sa kaniya at nag-focus sa cellphone. Nagpaalam siya muna at dinala na sa baba ang aking gamit. Isang maleta lamang dahil mas marami ang mga gamit ko roon sa Spain.

We will be leaving now. If you are reading this, thank you so much, Lisa. Send my regards to our friends especially Haines. Tell him how much I love him and how thankful I am that I met him. I will be contacting you soon when everything were all settled and when I have adjusted to what my life would be.

Agad kong pinahid ang luhang pumatak sa mata ko.

I got my aviator and wear it. I don’t want them to see how my eyes wanted to cry. Sa ilang linggo na nakasama ko ang pamilya ko, pakiramdam ko ay hiyang-hiya sila sa akin at nako-konsensya sa mangyayari. I know, Dad has been blaming himself, wanting to stop the agreement yet he hasn’t the power to do that.

Ate has been occasionally visiting me on my room, bringing his son and we watch and play. It somehow, made me forgot all the worries that I have.

Alam kong hindi lang ako ang nalulungkot at maging sila rin. Dad has done this so that no one in our family would be in danger. And I completely understand that.

Wala na akong galit sa kaniya, even to my mom. Nakuha ko na ring tanggapin ang aking kapalaran.

Ano pang silbi kung sisisihin ko sila? Eh, sila na nga itong nakiusap na kung pwedeng huwag ng ituloy pero hindi pumayag si Alejandro at ang pamilya niya. As long as I know na hindi naman nila ako basta na lang ipakakasal, at gumawa ng paraan para makawala sa kasunduan, ayos na iyon sa akin.

Natutunan ko na, hindi makatutulong sa isang tao ang pagtatanim ng sama ng loob lalo na sa mga magulang mo na hindi kailanman pinangarap an mapahamak ka at walang ibang ginawa kung hindi ang ibigay ang makapagpapabuti sa iyo. Sadyang may mga pagkakataon lamang na hindi inaasahan. Pagkakataon na susubok sa katatagan ng isang tao at ng inyong samahan. I’ve seen how my parents are having a hard time in talking to me.

Conscience is always flashed on their faces. May isang araw na sumama ang pakiramdam nilang dalawa, nilagnat sila nang sabay, dahil hindi ko sila kinakausap.

Pero nang bisitahin ko sila sa kanilang kwarto at makita kung gaano sila kalungkot at nahihirapan para sa akin, hindi ko iyon kinaya. Nag-iyakan kaming tatlo sa kwarto na iyon, they’ve been apologizing to me especially Dad. Doon na rin ako nakatulog dahil sa walang katapusan nilang paghingi ng tawad sa akin. Doon ko rin nalaman na gustong-gusto nila si Haines para sa akin. Sinabi rin nila nakapag nasa Spain na kami, kakausapin nila si Alejandro. They will try to convince him and his family. Tumango na lamang ako dahil alam ko na hindi kami makakatakas.

Kung ito ang nakatadhana na mangyari sa akin, isa lang ang masasabi ko… bahala na si Batman.

Umakyat na muli si Manang at ibinalik ko na ang cellphone niya. Ipinalibot ko ang aking paningin sa loob ng aking kwarto.

Memories of me and Haines is still fresh. Hindi niya ako tinantanan ng gabing iyon. Hindi ko alam kung nagkataon lang pero hindi umuwi sina Daddy at kinaumaghan na bumalik. Ang masama lang, hindi ko na siya nadatnan nang magising ako at tanging sulat lamang ang nandoon at ang naka-kahong bagay na iyon.

Kinapa ko ang pendant ng aking kwintas. Naramdaman ko ang bilog na naroon.

It is our engagement ring.

Grabe ang niluha ko nang mga panahon na iyon nang suotin ko ito sa aking daliri at kasyang-kasya talaga. Bwisit na lalaking iyon, sana nag-propose siya noong gabi pero puro paglabas-pasok ang ginawa sa akin.

Siya lang yata ang nag-propose ng nasa sulat ang sasabihin. Kainis!

My Vanessa,

I know, you’ve been worrying a lot but please, have faith in me. I love you so much and no man can marry you other than me.

Inside that box is a ring that symbolizes my love for you. I know, and I won’t ask if you want to marry because I am confident that you will marry me. Please wear this always. We are now engaged and in no time, we will be exchanging our wedding vows. Never let that Alejandro touch and get near you until I settled things.

-Fafa Haines

One last look and I closed my room.

Lahat kami ay tahimik sa biyahe. Our driver has sent us to the airport. Naghihintay pa kami sa time namin.

I have been praying that Haines would surprise me and will try to stop me from leaving. I am hoping that… that he would come to me running. Na baka iyon ang sinabi niya na magtiwala ako sa kaniya.

Pero tinawag na ang flight namin pero wala talagang Haines Gian na humabol sa akin. Iniisip ko na papasakay kami ng eroplano at naroon siya, humahangos na tinatawag ang pangalan ko at sasabihin na okay na ang lahat.

Kahit ng nasa eroplano na, iniisip ko na baka naroon din siya, su-surpresahin ako at doon sa akin magpo-propose pero wala talaga.

Inayos ko ang aviators ko at pasimpleng pinunasan ang luhang pumatak sa aking mga mata.

Nababaliw na yata ako.