Chapter 35: Arranged

Vanessa

Haines held my hand when we got out from the car. Narito kami sa loob ng bahay. Pinagbuksan kami kanina ng aming katulong at ang sasakyan naman ng kasama ko ay ipinarada rito sa bakanteng lote sa harap ng bahay.

Puno na kasi sa parking area at okay lang din na maipit ang bermuda grass rito sa frontyard dahil babalik naman iyon sa dati.

I gave him a reassuring smile. I trust my family. I can’t remember that we had a conflict with the Medallons. Ni hindi pa nga namin sila nakaksagupa sa business eh kaya imposible na dahil doon kaya ganon na lamanga ng reaction nila kahapon.

Naalala ko ang sinabi ni Haines kahapon. Naramdaman din pala niya ang kakaibang aura sa pamilya ko at iniisip niya na baka hindi siya gusto pero pagkatapos niyon ay nangako siya na kung anuman ang problema ng mag ito sa kaniya ay babaguhin niya. He will make them like him.

Sinabi ko naman sa kaniya na hindi naman niya kailangan na magpa-impress sa pamilya at agad naman niyang ipinagtanggol ang sarili na hindi iyon ang punto niya.

“I love you so much,” he said and kissed the back of my hand.

Mahal na mahal ko nag lalaking ito.

Ipinagbukas kami ng pinto ni Manang at tumango naman siya sa akin. Namiss ko sila bigla. Kahit ako ang nauna rito sa Pinas ay hindi ko pa tinangkang pumunta rito. Na-busy na kasi sa trabaho at siyempre, sa Fafa Haines ko.

“Good morning po,” agad na bati ni Haines nang salubungin kami nina dad at mom sa sala. Naka-upo sila roon, expecting our arrival. Unlike yesterday, their mood today is different. Napakunot ang noo ko. So, they are back?

“Hello, Hijo. Good morning. How are you today?”

Sinagot naman iyon ni Haines nang may malaking ngiti sa labi. Maging ang mata niya ay nagsusumigaw ng kasiyahan. Napangiti na rin ako at saka yumakap kay daddy. Nagpalitan naman kami at si Haines naman ang nagmano kay dad. I don’t usually use this mano thing. I prefer beso, handshake or a hug. But when I am seeing it with Haines, it makes my heart melts. Nakakataba ng puso na makita siyang nagbibigay galang at sa harap iyon ng mga magulang ko.

Nagpatawag na rin sina dad ng tito at tita.

Baka nga nagulat lang sila kahapon dahil nag hindi nila inaasahan na may boyfriend ako.

“Nag-abala ka pa. Thank you, Gian,” sabi ni dad sa isang kinikilig na boses nang iabot ni Haines ang isang paper bag na may lamang wines. Mahilig kasi ang pamilya kong uminom at siyempre, kasama na ako roon.

Gian. They prefer calling him that. Mas gusto ko pa rin ang Haines. Kung pwede lang na ako ang tumawag sa kaniya non at pagbawalan ang iba ay nagawa ko na.

Hinawakan ko ang kamay ni Haines at hinila siya sa aming dining area. Nakasunod lang kami kina mommy na tuwang-tuwa sa mga mamahaling wines na binili namin kanina matapos maihatid si Nicca kina Lisa.

“So, how is your company, hijo? I am hearing good things about ME and I am glad our daughter is your new model.”

Pinunasan saglit ni Haines ng tissue ang gildi ng bibig niya bago sumagot. “Our company as of now... is running smoothly. As for your daughter, she is doing a very good job in our company. In fact, we are thinking that she is one of the reasons why our latest game application is producing very high profit among the others.”

I almost flip my hair and got proud to my family. Gusto ko sana silang yabangan pero agad na umasim ang mukha nila nang titigan ako ng may panghuhusga. Here they are again…

“Oh, don’t say that, Gian. I don’t think that is the case. With her face? No way!”

Ibinaba ko ang hawak na kutsar at tinidor at masamang tiningan ang ate ko. Sinasabi ko na nga ba, eh.

Si mommy naman ang nagbaba ng hawak niya bago tumingin sa amin. “Did she do something with you? How did you two ended up together anyway?”

Napalunok ako sa tanong ni mommy. Isinubo ko po ang t*t* niya. Baka itakwil na nila akong anak nito. Gusto kong pagalitan ang sarili pero may nagsasabi sa akin na okay nga na ganoon ang ginawa ko.

“Before the ME’s encounter po, we are schoolmates back when we were in college. I saw her and I already got attracted to her and maybe God made way for us. Honestly, I am not aware that she is the model that our team is pursuing and I got shocked on the contract signing. At doon po nagsimula ang pagkikita namin.”

Halos mabilaukan ako sa kaniyang pinagsasabi. Hindi niya ako nilaglag! Parang nag-init bigla ang puso ko.

“Really? What did you like about our daughter?” Dad asked and got his glass of water.

Napainom na rin saglit si Haines kaya napagaya ako sa kanila. Lumingon muna sa akin si Haines, hinawakan ang kamay kong nasa ibabaw ng lamesa at saka humarap muli sa kanila.

“I know, it’s obvious that she is gorgeous, had that sexy body that us, men would die for but… that is not the first thing that I liked about her. It is here boldness, honesty, craziness and passion that I first fell in love with. I want to thank you po for raising a very wonderful woman.”

Ang sarap niyang sumagot sa mga tanong ng magulang ko. Napaisip tuloy ako. Ano nga ba ang una kong nagustuhan sa kaniya?

Nang makita ko siya, agad na tumibok ang tingg*l ko... I mean - puso ko. Aware ang mga mata ko na hindi siya ang pinaka-gwapo sa grupo na iyon pero itong puso ko ay tumibok para sa kaniya.

Kaya kung may magtatanong, baka ang isagot ko na lamang ay ang masarap niyang talong. Talong na nagpapa-adik sa akin na paulit-ulit siyang tikman at isubo.

Teka, bakit mukhang nalalayo na ako sa paglalakbay ng aking isipan.

Natapos ang aming tanghalian na napakarami nang napag-usapan. Lumipat kami sa sala at nagkwentuhan muli roon bago nagpaalam si Haines.

Hindi kasi ako makakasama sa kaniya ngayon dahil quality time naman para sa pamilya ko and he understands that. Siya pa nga ang nagsabi na magpaiwan na muna ako dahil mabu-busy siya ngayong araw.

Pagkasara ko ng pintuan ay nasa sala pa rin sina dad at mom. Pinaypayan ako ni dad kaya lumapit ako agad.

“We need to talk, Vanessa,” seryosong saad niya.

Napalingon ako kay mommy na ngayon ay seryoso na rin at mukhang tensyonado pa.

Bigla akong nakaramdam ng kaba at takot kaya huminga ako nang malalim.

Binasag ko ang tahimik na paligid sa pekeng pagtawa pero seryoso pa rin sila. Wala na akong choice kung hindi ang magseryoso at maupo sa katapat nilang upuan.

“Remember your sister’s case?”

Bigla akong napakagat-labi at napatungo. I thought it won’t happen anymore. Akala ko ay okay na… Paulit-ulit ang pagtambol sa dibdib ko hanggang sa hindi na ako makahinga.

I clenched my fist secretly. “Humarap ka sa amin, Vanessa,” ma-otoridad na wika ni daddy kaya agad akong napaharap sa kanila. I know when he is mad. Even if I am old enough, naroon pa rin iyong takot kapag ganoon ang tono niya.

“Anak naman, we let you flirt with so many guys but this one… this one would be harder for you and for us.” He looks so stressed.

Napatungo muli ako at ang mga luha sa mga mata ko ay unti-unti nang nagsipatakan.

Alam ko. Alam ko naman pero bakit hindi na rin ba ako pwedeng maging masaya?

Pagak akong ngumiti sa kanila habang pinupunasan ang luhang patuloy na pumapatak sa mga mata ko.

“I thought we are free now from them, Dad, Mom…”Hindi ko napigilan ang mapahikbi.

“That is why we came here. Para sunduin ka,” dugtong ni mommy.

Nagmamakaawa akong tumingin sa kaniya pero agad siyang nag-iwas at humawak sa hita ni daddy.

“You need to marry Alejandro Salazar, Vanessa. You need to leave your boyfriend, by hook or by crook.”

Napapadyak ako at nagmamakaawang tumingin sa mga magulang ko na seryoso lamang ngayong nakatitig sa akin.

I know, I look hopeless now. Who wouldn’t?

Bata pa lamang, dahil sa kultura ng daddy, nakatadhana kaming ipakasal sa makapangyarihang pamilya sa Espanya. Ganoon ang nangyari sa ate ko at akala ko, hindi ganoon ang mangyayari sa akin.

I love Haines. I would never leave him!

“But, daddy! I love hi-”

“Yes, we know that but, Vanessa, ikaw ang iniisip namin! Alam mo naman ang ibig sabihin namin diba? Your life might be in danger if you run away from Alejandro. Magiging maayos ang buhay mo sa kaniya.”

Napatayo ako at saka masamang tumingin sa kanila. Si Alejandro ay anak ng isang makapangyarihang pamilya, kamag-anakan ng asawa ni ate. Masaya sila ngayon dahil natutunan nilang mahalin ang isa't isa pero ako? Isa lang ang mahal ko.

“I really hate your culture, Dad! I hate it so much!” Mas lalo akong napaiyak.

Nanlalaki ang mga mata ni mommy nang sabihin ko iyon at agad akong ginapangan ng kaba nang masamang tumingin sa akin si daddy, nakakuyom ang mga kamay.

“What did you just say? You hate our culture? It sounds like you also hate me.”

Mas lalong kumirot ang puso ko. Ayaw kong makasal sa kaniya.

“I would never marry Alejandro. Hindi siya, hindi ang ibang tao! Si Haines lang, Daddy!”

“Pwes, I don’t have a choice but to lock you here on our house!” Napapikit ako sa napakalakas na sigaw ni daddy. Narinig ko pa ang pagkabasag ng kung ano sa kusina namin, marahil sa gulat sa sigaw niya.

Ito iyong sigaw niya na halos maihi na ako dati pero ngayon, hindi ko na magawa.

Galit ang namumuo sa loob ko. I don’t want to end up like my sister, marrying a guy who you never wanted to live with.

“You can’t do that to me, Dad!”

Tumawa siya nang nakakaloko at saka tinawag ang aming mga kasambahay.

“Walang magpapalabas sa babaeng ito, naiintindihan ninyo?!” Agad silang nagsitanguan bago umalis nang may mabibigat na yabag si daddy.

“Mom!” paghingi ko nang saklolo sa kaniya pero ngumiti lang siya nang malungkot at saka sumunod sa itaas.

Nanghihina akong napaupo sa sahig. Gustuhin man akong lapitan ng mga katulong ay hindi magawa at isa-isa na silang nagsi-alisan.

Ang mga luha ko ay mabibilis na nagsipatakan ngayon, nag-uunahan.

This is not happening to me.