Special Chapter

✨ PRE-ORDER✨

Hello, Mga Mhie! Open na ulit tayo for batch 2!

(Reservation and payment will start this July 15, 2022 to August 30, 2022)

BLURB

Masaya ang buhay ni Celeste Fay. Perpekto ang lahat para sa kaniya kasama ang boyfriend na si Lyle.

She was so happy.

Ngunit isang pangyayari ang dudurog sa masayang buhay na mayroon siya. Isang aksidente na magiging dahilan ng pagbabago ng lahat.

Paano niya magagawang ayusin ang lahat kung sa kaniyang pagbabalik ay iba na siya sa dati—may buntot, tumatahol, at alagang aso ng boyfriend niyang si Lyle?

Title: I Reincarnated as my Boyfriendʼs Pet

Genre: Fantasy

Author: Wrongkilo

Book Details:

- Matte

- 5x8 Size

- White Paper

- Price: PHP 440 + Shipping Fee

Inclusion/s:

-Bookmarks

-Postcard, and

-Exclusive freebies from TDP

-2 special chapters that will be exclusively in the book

Here are the details you must send to our page, to Ms. Jenina Llagas, or the author herself (Pm me, through messenger which named WrongKilo WP)

Name of Book:

Facebook Name:

Receiver:

Contact no.:

Address:

Mode of Payment:

For Payment:

GCASH

PAYMAYA

PALAWAN EXPRESS

JENINA LLAGAS

09275403036

VALENZUELA CITY

Note: Please send a screenshot of the receipt including your information to Ms. Jenina Llagas or the above-mentioned name. This will serve as your proof of purchase. Thank you ❤️

Special Chapter

Zen’s POV

“Good morning, Hon.” Naramdaman ko ang pagyakap ni Presley mula sa likod ko. Hindi ko naman maiwasan ang pagngiti dahil sa panlalambing nito.

“Good morning, Mommy!” Mas lalo naman akong napangiti dahil naramdaman ang nahigpit na pagyakap ng bunso ko. Ganoon din ang panganay ko.

“Happy mother’s day to the most beautiful girl I’ve ever seen.” Hinalikan pa ako ni Presley sa pisngi bago niya inilahad ang bulaklak na mukhang binili pa nilang mag-aama.

“I love you, Mommy!” sabay na saad ni Celia at Leslia.

“I love you three,” nakangiti kong sambit bago sila niyakap tatlo.

“But hindi ibig sabihin na mother’s day, hindi na tayo magliligpit ngayon,” ani ko kaya pare-parehas silang napasimangot. Napatawa naman ako roon bago sila inayang kumain. Kakalipat lang kasi namin sa bagong bahay kaya marami-rami pa ang aayusin. Ayos ko naman na may nakatambak pa. Gusto ko na matapos na agad ang trabaho.

“Hindi ba pupwedeng rest day ngayon, Hon? Mother’s day.”

“Mother’s day kaya pagbigyan niyo ako,” natatawa kong saad. Sa huli’y pinagbigyan nga ako ng mga ‘to. Nagpahinga lang kami sandali pagkatapos kumain bago kami nagtungo sa kwarto para mag-ayos.

Habang naglilinis ako, naghahalungkat lang naman ang mga anak at pati na rin si Presley. Nailing na lang ako dahil do’n. Dagdag trabaho lang pala ang mga ‘to.

Umupo rin ako sa tabi nila para mag-punas ng ilang gamit sa baba.

“Daddy, who’s this?” tanong ni Celia kay Presley nang makita ang litrato ng isang babae. Nagkatinginan naman kami ni Presley dahil do’n. It’s Ma’am Celes, his ex.

“Is it Mom? She’s pretty,” ani Leslia.

It’s not me but she really is. She’s pretty inside and out.

“That’s Daddy’s great love,” nakangiti kong saad. Napaawang naman ang mga labi nina Celia at Leslia dahil do’n.

“What about Mommy, Dad?” Napanguso pa sila habang nakatingin kay Presley. Agad nila itong pinagkaguluhan para lang itanong ‘yon.

Hindi ko naman maiwasang matawa ng mahina bago ko kinuha ang box. Nahinto ako nang makita ang letter ni Ma’am Celes sa kaniya.

Years have passed but I can still vividly remember what happened when Heaven died.

“Get out, I don’t want to see anyone right now,” ani Boss nang makita niya akong papasok sa loob ng opisina niya.

Madalas namin ‘tong nakatulala lang sa isang tabi. I felt like it was my fault, kung hindi lang ako iniligtas ni Heaven, siya sana ang nandito ngayon. He became okay nang dumating si Heaven sa buhay niya.

Napakagat na lang ako sa aking mga labi bago pinalis ang luha mula sa aking mga mata. Dala-dala ng konsensiya ko araw-araw ang pagkamatay ni Heaven. Gabi-gabi bago ako matulog nakikita ko ang mukha nitong naliligo sa sariling dugo. Siya ‘yong kauna-unahang kaibigan na mayroon ako. Hindi ko maintindihan kung bakit pati siya?

She became source of happiness to all of us kaya hindi na ako magtataka kung bakit ganito ang epekto niya kay Boss.

“Boss, uwian na ho,” ani ko subalit nanatili lang siyang nakatingin sa screen ng kaniyang desktop. Nilululong nanaman ang sarili sa trabaho.

“Go home,” malamig na saad niya.

Kahit anong taboy sa akin ni Boss, hindi ako umalis. Oo siguro nga nakokonsensiya ako subalit hindi maitatanggi na sa isang parte’y gusto ko rin talaga siyang alagaan. I wanted to be there for him… to take care of him…

Kapag katapos niyang magpakababad sa trabaho? Aalis siya para uminom. Lagi kong inaayos ang gamit sa opisina dahil alam kong dito ang diretso niya. Nang maayos pati ang damit ay umuwi na ako sa amin.

“Boss, kain na po kayo,” ani ko na dinala ang niluto. Umuwi lang sandali sa bahay para magluto at bumalik dito sa opisina para makakain siya. Ang payat niya na. Hindi niya ako pinansin kaya lumapit pa ako para ilapag sa table niya ang paperbag. Nakita ko sa gilid ang isang lukot-lukot na papel na madalas niyang titigan. Probably Ma’am Celes letter.

“Boss, huwag po kayong magpalipas ng gutom,” ani ko nang iniwas ang tingin doon.

“Boss—” Bago ko pa matuloy ang sasabihin ay nasa sahig na ang paperbag.

“Can’t you hear me? I said I don’t want anyone to go into my office without me knowing,” malamig niyang saad.

“Boss, nalilipasan na po kayo ng gutom,” ani ko na napatungo lang.

“Just fucking get out, I don’t need your pity. Huwag kang makialam dahil hindi ko kailangan ng kahit ano galing sa’yo.” Napakuyom ang kamao ko roon. Kalmado lang siya ng sambitin ‘yon subalit ang mga salita’y matalim.

“Hindi kita ako naaawa sa’yo. Boss, alam mo ‘yong gusto ko? Gusto ko lang na alagaan ka!” Hindi ko mapigilan ang magsalita.

“Just go away! I don’t want your care! Buti sana kung si Celes ka, malugod kong tatanggapin ‘yang aruga galing sa’yo. But you’re not… kaya umalis ka na…” Nangilid ang luha ko subalit hindi pa rin ako humakbang palayo. Alam ko naman na kahit anong gawin ko, hindi ako magiging si Ma’an Celeste but I’ll stay. Kahit anong gawin niyang pananaboy, mananatili ako. Kahit ilang beses niya pa akong saktan, aalagaan ko siya kahit madurog ako.

I stay that way, sasalubungin siya kapag lasing na lasing na uuwi sa opisina niya. Maghihintay sa labas ng pinto kahit hindi niya pa pagbuksan, mahatiran ko lang siya ng makakain. Maghihintay na siya na mismo ang magbukas no’n.

Masakit. Masakit na kapag nakikita ko ang mata niya punong-puno ng hinanakit, sakit, at galit. He doesn’t want to keep on living. Maybe, I was too selfish, I want him to live…

Then that one night came, nagkaroon ng awang ang pinto… he open the door for me… unti-unti niya akong pinapasok… sa buhay niya.

“Awwe, feels like the one that got away!” ani Leslia nang ikwento ko ang mga natatandaan kay Presley at Celes. Noon siguro nasasaktan ako kapag pinagkukumpara kaming dalawa. Isa pa nahihiya ako, she’s too great oara lang ikumpara sa akin. Now, hindi naman na, she became part of Presley. Hindi naman na magbabago ‘yon.

“Ikaw na bata ka, saan mo naman natutunan ‘yan?” tanong ko na pinaningkitan pa siya ng mata.

“Awwe, cute!” Napatingin naman kami kay Leslia nang makita ang picture ni Heaven. Hindi ko rin maiwasang mapangiti roon. Ikinuwentuhan lang naman sila tungkol sa kaniya.

Nagkatuwaan kami habang naglilinis. Halos inabot nga kami ng gabi dahil do’n. Lumabas na lang kaming mag-anak para magdinner.

I was too happy habang pinagmamasdan sila, hindi ko nga lang maiwasang isipin ngayong nakita ulit ang litrato ni Ma’am Celes na kung nabubuhay pa kaya ito, mayroon kaya akong pamilyang ganito kasaya ngayon? Hindi ko rin maiwasang maalala si Heaven, if she’s here, she’s probably happy playing with Leslia and Celia.

“Good night, Mommy, Daddy.” Hinalikan kami ng dalawang bata sa pisngi nang makarating sa bahay. Parehas silang nagtungo na sa kanilang kwarto.

“Our day won’t here, Hon. Let’s have a date,” nakangising saad ni Presley na iginiya ako sa gazebo sa labas ng bahay. Napaawang naman ang labi ko ng makitang may pa-set up talaga siya.

“I love you. Thank you for being a great mother to our children,” aniya na hinalikan ako sa labi.

“I love you too, Presley…” bulong ko sa kaniya. Nagsimula naman na kaming uminom ng wine habang nakatingin lang sa kalangitan. Hindi ko naman maiwasang mapatitig sa kaniya kaya pinagtaasan niya ako ng kilay.

“What?” tanong niya.

“I can’t help but to wonder…”

“Hmm?” patanong na saad niya.

“If you were given a second life, do you want to marry Ma’am Celes?” Napakunot naman ang noo niya dahil sa naging tanong ko. Tumawa naman ako dahil ayaw niyang sagutin.

“Hindi ako masasaktan, matagal na ‘yon, curious lang!” ani ko. Napailing na lang siya sa akin. Talagang kuryoso ako roon. Kami kaya ang nagkatuluyan kung hindi siya nawala?

“Celes become a great part of me. She became my home, my friend and partner in crime. I felt like I would cross the whole universe just to meet her. She’s the type of person that will make you feel love kahit na gaano pa kababa ‘yong tingin mo sa sarili. Kahit na hindi kami magkasundo sa ibang bagay, nagkakasundo naman kami sa iisang bagay, ‘yon ay piliin manatili sa tabi ng isa’t isa despite all those differences and of course I thought that she’s the one…” They’re really that great.

“But everything happened for a reason, if I we ended up together I won’t met you so stop asking that questions. We are almost together for 20 years now, so anong klaseng tanong ‘yan, Hon?” natatatawa niyang tanong sa akin.

“Kung may susunod mang habambuhay, it’s you who I want to spend my future with…”