Epilogue
Celeste’s POV
“Heaven, Heaven, Heaven, kung ano ano naman ang pinagkakalat mo.”sermon sa akin ni Lyle at napailing na lang sa akin habang tinitignan niya ang mga papel na siyang kinalkal ko mula sa basurahan.
Pinulot niya ‘yon habang sinesermonan pa rin ako. Napailing na lang siya habang nakatingin sa akin. Maski ang laruan ko sa sala ay kalat kalat din. Patuloy lang siya sa pagsermon habang nililinis niya rin ‘yon.
“Imbis na papasok na lang tayo ng wala ng kung ano pang dapat na gawin.”sabi niya na napailing pa.
Hindi ko naman siya pinansin at nilagay sa tapat ng ref ang huling pahina ng diary ko. Ang tagal ko rin kasing nakapasok sa loob ng kwarto dahil nahirapan akong buksan ang pinto. Mabuti na lang ay nahanap ko na..
“What? Do you want to eat again?”tanong niya sa akin ngunit hindi ko siya pinansin at lumabas na sa kusina.
Ang clingy talaga nito this past few days. Lagi na lang akong kinukulit. Pati ngayon ay gusto nanaman akong isama sa office niya. Hinayaan ko na lang.
“Let’s go!”nakangiti niyang saad na niyakap pa ako at pinanggigilan ng halik. Napailing na lang ako sa kanya at hinayaan na lang ito. Pakanta kanta pa siya habang sumasakay sa kotse.
Para bang may nakain itong hindi maganda at ganito ang asta ngayon. Hindi ko alam kung matatawa o maiirita ako sa kanya. Nang makarating kami sa building ay bumaba na kami sa kotse niya.
Sa hindi ko malamang dahilan. Napatingin ako sa kalsada. Agad kong nakita si Zen na patawid dito at kitang kita ko rin ang umaandar na truck patungo sa kanya. Nagkatinginan kami ni Lyle. Patakbo na siya ngunit agad agad akong tumakbo at sa takot na mabangga ito ay agad ko siyang tinulak.
Hindi ko na namalayan ang pagsalpok ko dito ngunit ni hindi ko maramdaman ang sakit. That’s when I realize that I died... again.
Atleast, I died beautifully now. I saved Zen, I saved someone. Napatingin ako sa kanya habang umiiyak ito ng nakatingin sa akin. Nagkakagulo ang paligid while I was just looking at them. I was her first friend, masaya ako na nakilala ko siya.
Sa hindi ko malamang dahilan, masaya ako. Walang kahit anong pagsisisi sa akin dahil nagawa ko ang lahat ng dapat gawin.
Napatingin naman ako kay Lyle na siyang natulala lang sa isang gilid. Patuloy ang pagtulo ng luha nito ngunit alam kong matutulungan siya ni Zen.
Now, I can finally go to heaven. I was happy that I was given a chance to be with them even just for a short time. It was as if a short trip for me but it was really a meaningful one.
I was happy that in my second life, it’s still you that I love, Lyle.
Kahit hindi na ako, I want you to fullfill your dream to make your own family. Tuparin mo ‘yong mga bagay na hindi natin nagawa kahit hindi na ako ang kasama.
I want you step forward and create another dream na magagawa mo sa ibang tao, Lyle.
Ngayon, tinatanggap ko na na hindi talaga tayo ang para sa isa’t isa. Sana sa susunod na habang buhay, pwede na. Tayo naman. Sa susunod na habang buhay tutuparin ko ang pangako ko sayong buoin ang pamilyang para sa atin.
Maybe in our next life, you could be mine. If we crossed our path again, I’ll choose you 100 billion times. Hintayin mo ako, ha?
“Kung hindi man tayo ang para sa isa’t isa, I really wish you to be happy. Kung mababasa mo man ‘to at hindi na ako, I want you to find someone who can truly love you. I’m now setting you free. I love you”-Celeste Fay.