Chapter 50

Celeste’s POV

“Hey, aren’t you sleepy yet?”tanong sa akin ni Zen habang nagluluto na ngayon nang soup para sa hang over ni Lyle bukas.

Abala rin ito sa paghuhugas ng ilang plato at naglilinis na rin. Inaantok na rin naman ako kaya lang ay ayaw ko naman itong iwanan lalo na’t ako itong tumawag sa kanya.

Nang matapos siya ay pinunasan naman nito ang litrato ko na siyang napuno ng luha ni Lyle. Napatitig lang siya dito at maya-maya ay kusa na lang na napangiti.

“Ang ganda niya talaga no?”tanong niya sa akin. Hindi ko naman alam kung anong isasagot ko kaya napatitig lang ako sa kanya.

“8 years ago, she helped my brother. She’s my brother savior.”sabi niya kaya agad akong napatingin sa kanya. Agad naman napakunot ang noo ko dahil dito. Hindi ko alam ang sinasabi nito.

“Siya ‘yong kauna-unahang donor ng kapatid ko. Wala kaming pera no’n dahil iniwan nanaman kasi ng asawa ni Mama si Mama kaya ‘yon, halos mawalan na kami ng pag-asa dahil wala kaming pera pampaopera para sa kapatid ko but then they said na may nagdonate daw and her name is Celeste Fay Cruz. She’s a blessing in the sky.”sabi niya at napangiti pa. Nagulat naman ako dahil mayroon pala talagang taong nakakaalala ng kabutihang nagawa mo.

“Tumatak na ‘yong pangalan niya sa aking isipan. Naging instrumento siya ng panginoon para matulungan kami.”sabi pa niya at ngumiti ng malapad. Mahilig akong magdonate noon sa hospital, ganoon kasi ang turo ni Mommy sa akin.

“She’s actually the reason kung bakit ako nagtrabaho sa kompanya ni Sir Presley, hindi kasi nakapasa sa kompanya niya, I want to thank her because of her, Del is now healthy.”hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil dito.

“Araw araw nagsisisi ako na lagi akong nahihiya sa harapan niya na hindi ko na siya nagawa pang pasalamatan.”mahinang saad niya habang nakatingin pa rin sa litrato ko.

“Nasaksihan ko rin ‘yong pagmamahalan nila ni Sir Presley, hangang hanga ako sa kanilang dalawa dahil parehas silang tumutulong sa kapwa not until she died. Parang pati si Boss namatay na rin.”sabi niya na napangiti ng mapait.

“At first, I just want to say thank you to Ma’am Celes by letting Sir Presley alive, pakiramdam ko kasi mawawasak din si Ma’am kapag nakikita niyang ganoon ‘yong boyfriend niya. Na para bang wala ng ganang mabuhay. I just want to help katulad ng pagtulong niya sa akin not until now, hindi ko inexpect na mahuhulog pala ako. Ang sakit pala.”natatawa niyang saad at napatingin na sa akin. Hindi ko namam maiwasang mapatitig sa kanya.

Ngayong alam ko na ang dahilan niya, alam kong hindi ito nagsisinungaling.

“Gusto ko na lang itigil ang lahat, nahihiya ako sa kanya. Nakakahiyang harapin siya.”sabi niya pa. Napatahol naman ako sa kanya dahil dito. Gusto kong sabihin sa kanya na tinatanggap ko na ang pasasalamat niya at quits na kami. Now, kalimutan niya na ang lahat ng ‘yon at kung gusto niya talaga si Lyle, ipagpatuloy niya na. Ayaw ko ng pumagitna pa sa kanila. I want them to move on.

Mukha namang hindi niya nagegets ang gusto kong sabihin kaya napaisip ako kung ano bang dapat kong gawin.

Napatakbo naman ako sa loob ng kwarto ko. Agad kong kinalkal ang memory box na pinaglalagyan ko ng kung ano anong kabalbalan noong high school.

Agad kong nahanap ang mga card na pinamimigay ko kapag new year sa mga kaklase ko.

“Happy New Year! Forget the past and celebrate a new start.”

Tumakbo ako pabalik kay Zen na siyang nagtataka sa akin. Pasunod na rin dapat ito.

Kagat kagat ko ang card at nilalapit sa kanya. Nagtataka naman siyang napatingin sa akin at unti-unting kinuha sa kamay ko.

“What’s this?”tanong niya sa akin at maya-maya ay binuklat niya iyon. Kitang kita ang pagtataka sa mukha niya na habang nakatingin sa akin ngunit makikita ring tila ba nakahinga ito ng maluwag na wari’y naghihintay lamang ng sign.

Tumahol pa ako at tumalikod na tinuturo ang bulsa ng damit ko para ilagay niya rin ‘yon. I want my Ate Loxy to move forward. I want them to move on. Nagtaka naman siya at kalaunan ay nilagay niya rin ito sa akin. Hindi niya naman maiwasang magtaka sa kinikilog ko.

Nakatulog naman na ako pagkatapos naming mag-usap. Umalis na rin naman siya pagkatapos niyang gawin ang mga dapat na gawin.

Nagising ako sa katok mula sa labas. Napatingin naman ako kay Lyle na hindi pa ata gaanong gising dahil pagewang gewang pa habang binubuksan ang pinto.

“Hey—“nabitin naman sa ere ang bati ni Michael nang makitang hindi pa nakabihis si Lyle.

“You’re not yet ready?”nanlalaki ang mga matang tanong ni Michael sa kanya.

“Tita’s already waiting in Celes’s grave. Tara na.”sabi ni Michael na napakamot pa sa kanyang ulo.

“Ahh, yeah. Susunod ako.”sabi niya. Kung hindi ko lang ‘to nakitang umiyak kagabi, iisipin kong wala itong pakialam. Tumahol naman ako kay Michael nang paalis na siya. Agad akong humabol dito para sana sumunod.

“Hey?”nagtatakang tanong ni Michael sa akin. Tumahol naman ako sa kanya at agad na tumalon.

“What? Do you want to come with me?”tanong niya pa. Tumahol pa ulit ako at kumawag kawag pa ang buntot.

“Alright, let’s go.”sabi niya sa akin at nginitian ako ng malapad. Sinubukan naman akong kunin ni Lyle.

“Change your clothes first.”sabi niya sa akin ngunit agad ko siyang inangilan at tinignan ng masama kaya wala na siyang nagawa kung hindi ang hayaan akong sumama kay Michael.

Pagkasakay namin sa kotse. Nandito na si Judy at mukhang tinatamad lang na bumababa ngunit nang makita niya ako ay agad siyang kumaway sa akin.

“Heaven!”nakangiti niyang sambit at agad akong niyakap ng mahigpit.

“What are you doing here? Where’s Presley?”tanong niya kay Michael at napakunot ng noo ng kaunti.

“Kagigising. Mukhang naglasing nanaman kagabi.”sabi ni Michael na napakibit ng balikat.

“Oh... pinasama na si Heaven?”tanong niya. Umiling naman si Michael.

“Siya ang kusang sumama.”sabi nito na napakibit ng balikat.

“Why? Miss me?”natutuwang saad ni Judy na siyang hinaplos ang ulo ko.

Maya-maya ay nag-usap na silang mag-asawa.

“Do you think Lew will come again?”tanong ni Michael kay Judy kaya agad akong napatingin sa kanya. That Kuya Lew, Ate’s ex. Matagal ding naging sila at aabot na rin sana sa puntong magpapakasal kaya lang ay hindi ko alam kung bakit nga ba sila naghiwalay.

“I think so, alam mo naman na laging nandoon si Kuya Lew para kay Ate lalo na kapag death anniversary o ano mang may kinalaman kay Celes kahit na hindi na sila.”sabi pa ni Judy.

“But I think just like the usual, hindi nanaman ito magpapakita kay Ate Loxy.”sabi ni Judy.

Napaisip naman ako doon, bakit nga ba lagi na lang na sarili ko ang iniisip ko? I never even tried to understand their sides. Ni hindi ko man lang naisip na nahihirapan na rin pala ang mga ito.

Nang makarating kami sa sementeryo ay agad kong nakita sina Ate at Mama na nagtitirik na ng kandila. Mayroon na ring bulaklak na nakalagay doon. Marami pa silang pagkain na dala tila ba balak manatili dito maghapon.

Agad naman silang napatingin sa amin nang makitang nakarating na kami. They seems lively na akala mo’y nagpipicnic lang sa parke. Parang kabaliktaran naman ang sinasabi nina Judy. Mukhang ayos na ayos naman sina Mommy.

“Where’s Presley?”tanong ni Mommy. Sasagot na sana si Michael kaya lang ay biglang nagsalita si Ate.

“Nasaan pa ba, My? Edi nasa bago niyang girlfriend. Nakalimutan na siguro ang death anniversary ni Celes.”masungit na saad nito. Tinahulan ko naman siya dahil dito. I want them to support Lyle dahil deserve niya rin namang maging masaya.

“Oh! Heaven!”nakangiting saad ni Mommy at agad na naglahad ng kamay kaya agad akong tumakbo sa kanya para yumakap. Tuwang tuwa naman siya sa akin. Ganoon din naman ako.

Parehas na malalapad ang ngiti nila at nagsimula na ring magbigay ng nga pagkain.

“Here, eat this, luto ko ‘yan.”sabi pa ni Mommy na nagbibigay ng sandwich.

“Thank you, Tita!”nakangiting saad ni Judy kay Mommy.

“See this, Celes? If you were here, edi sana kumakain ka rin ng masarap na sandwich na dala ko?”natatawang tanong ni Mommy sa harap ng puntod. Bakit pakiramdam ko kahit na tumatawa ito, nababakasan ko pa rin ng lungkot ang kanyang mga mata?

Well, I’m actually here, Mom, sinusubuan mo pa ng sandwich.

“Come on, eat this, Heaven.”nakangiti pa niyang saad na ang daming sinusubo sa akin. Mabuti pala ay hindi na ako kumain sa penthouse.

“Alam mo ba, Celes, ang cute ng inaanak mo, wala ka kasi e, ako tuloy ang naging ninang.”natatawang saad ni Ate habang nakatingin sa puntod. They were all smiling habang nakatingin lang sa puntod.

“Ang cute pa ni Diego. Ang sarap sarap panggigilan.”tuwang tuwa na saad ni Mommy.

I know, My. Napangiti na lang ako sa aking sarili habang pinakikinggan ang mga kwento ng mga ito. Maaga pa lang ngunit ang kulimlim na ng paligid. Mukhang may balak pang bumuhos ng malakas na ulan.

Ang dami lang nilang kwento. Nagulat na lang ako na ang masayang pagkukwentuhan namin ay agad napalitan ng lungkot nang maiyak si Ate habang nagkukwento sa puntod ko. Mas lalo pang lumakas ang hagulgol nito.

“If you’re edi sana naranasan mo lahat ng ito. I miss you so damn much.”paputol putol pa ang bawat pagbanggit nito ng mga salita hanggang sa maski sina Mommy ay napapahid na lang din ng luha. Si Judy naman ay umiiyak na rin. I’m thankful na nandito na si Michael para alagaan siya. Na siyang sandalan niya.

Hindi ko naman mapigilang malungkot habang pinagmamasdan ko sila. Kung noon siguro natutuwa pa akong nakikita silang iniiyakan ako but now? Damn, I just want them to be happy dahil wala na ako para pasayahin sila.

Tinahulan ko sila ngunit hindi pa rij humihinto ang mga luha ng mga ito. Sinubukan ko namang magoagulong gulong para tuluyan ng lumabas ang card na pinalagay ko kay Zen kaya lang ay hindi ko talaga ito magawang mailabas hanggang sa pare-parehas kaming napahinto nang makitang pumapatak na ang ulan.

Napatakbo naman kami sa may silong dito sa loob ng sementeryo ngunit agad akong napatingin kay Ate na tila walang pakialam sa ulan. She’s still talking to me. Umiiyak pa rin ito.

“Loxy!”sigaw ni Daddy sa kanya ngunit hindi niya ito pinapansin. Napaikot naman ako para makuha ang card ko sa loob ng damit ko.

“What are you doing, Heaven?”tanong ni Mommy na nagpapahid na ng pinaghalong luha at ulan.

Tumahol naman ako at sinusubukang ituro ang damit ngunit hindi nila ‘yon nagegets kaya pinagpatuloy ko na lang ang pag-ikot. Napatingin sila sa akin at pare-parehas na nagtataka.

“What’s wrong?”tanong pa ni Judy sa akin.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paggulong hanggang sa tuluyan ng lumabas ang card. Tinulak ko naman sa tabi nila ‘yon ng tuluyan ng lumabas ang card.

“What’s that?”tanong nila sa akin ngunit tinignan din naman ang card. Binasa nila ‘yon at sabay sabay din na natigilan. Hindi naman na ako nag-aksaya ng oras dahil basang basa na si Ate Loxy. Agad kong kinagat ang card at tumakbo patungo sa kanya.

Hindi ko alam kung mababasa niya pa ito pero sana mabasa niya. Hindi niya pa ako napapansin at parehas lang kaming basang basa na ng ulan.

Napatahol pa ako sa kanya at nilagay sa legs niya ang card kaya agad siyang napatingin doon. Habang binabasa niya naman ay agad kong nakita si Kuya Lew mula sa malayo. He was holding some flower na tila para sa akin. He was just watching Ate Loxy crying. Kita ko ang paghigpit ng hawak niya sa bulaklak na tila nilalabanan ang sarili na lumapit.

Agad naman akong tumakbo patungo sa kanya. Tinahulan ko siya nang tuluyan na akong makalapit. Takot si Kuya Lew sa aso kaya napaatras siya sa akin ngunit mas lalo ko lang siyang nilapitan at hinila siya papunta kay Ate Loxy.

Noong una ay hindi siya nagpapahila ngunit nang makita niyang nakatingin si Ate ay wala siyang nagawa kung hindi ang tuluyan ng lumapit dito.

“Hey,”kaswal niya pang saad kay Ate na natulala lang sa kanya.

“What are you doing here?”tanong ni Ate sa kanya.

“Hmm, trying to court you again?”tanong ni Kuya. Napangiwi pa ako sa kanya ng ibigay niya ang bulalak na pangpatay. Hindi ko alam kung matatawa ba ako dito o ano.

Magang maga ang mga mata ni Ate ngunit napatawa na lang siya kay Kuya Lew.