Chapter 43
Celeste’s POV
“Good morning, Heaven!”nakangiting bati sa akin ni Zen nang makita akong kasama si Lyle. Kumaway pa ito sa akin.
Dala dala kasi ako ngayon ni Lyle sa office niya dahil hindi pa naman nagbubukas ng pet house si Michael dahil inaalagaan pa rin ang mag-ina hanggang ngayon.
Nilakad niya muna sina Miah na magtrabaho kay Doc Travis. Pumayag din naman ang mga ito.
“Good morning, Zen, what’s my schedule for today?”tanong ni Lyle kay Zen habang inaalis nito ang kanyang coat.
“Hmm, may meeting kayo this 10, Boss, saka sa afternoon.”sagot naman ni Zen na inaayos ang kanyang salamin. Pabalik balik lang ang tingin ko sa kanila habang nag-uusap. Halos hindi nga ako makarelate habang tinitignan sila dahil patungkol lang sa trabaho ang pinag-uusapan ng mga ito.
“Alright.”sabi ni Lyle at tumango kay Zen. Bumalik naman na si Lyle sa upuan niya. Pumwesto na lang ako sa sofa na para dapat sa kanyang mga bisita.
Maya-maya ay pumasok ulit si Zen na may dala naman ngayong kape. Nakasanayan naman na niya ito.
“Thanks, Zen.”sabi ni Lyle na hindi man lang tinignan si Zen.
“How about you, Big one? What do you want?”tanong niya sa akin at ngumiting tumapat sa sofa na inuupuan ko.
“Let’s buy you some Ice cream.”bulong niya pa sa akin. Ang aga-aga, Ice cream na agad ang gusto nito. Napatayo naman ako dahil dito.
“Where are you two planning to go?”tanong ni Lyle nang makita niyang nagbubulungan kami ni Zen. Napatikhim namam si Zen at napaiwas ng tingin.
“I’ll buy her vanilla ice cream sana, Boss.”sabi nito at alanganing ngumiti kay Lyle. Pinanliitan niya naman kami ng mga mata.
“Later.”sabi ni Lyle na binalik na ang tingin sa kanyang ginagawa pero kita ko rin ang pasimpleng tingin niya sa amin.
“Later daw, okay?”tanong ni Zen at nginitian ako. Tumango na lang ako at nahiga dito sa sofa. Bumalik na rin naman si Zen sa kanyang ginagawa samantalang ako naman ay nanatili na lang na nagmumuni muni dito sa opisina ni Lyle.
Busy’ng busy naman ito, may mga tinitipa sa kanyang laptop at kung minsan ay abala sa pagpirma ng kung ano ano. Napapangiti na lang ako habang pinagmamasdan ko siya. Seryosong seryoso ito, binaba niya lang ang kanyang salamin nang makitang titig na titig ako sa kanya.
“What is it, Heaven?”nakangiti niyang tanong ngunit napailing na lang at bumalik na ulit sa kanyang ginagawa. Hindi ko naman siya tinigilan katitig, noon, pinapanalangin ko na sana magkaroon ako ng oras para titigan lang ito buong araw at ngayong nabigyan na ako ng pagkakataon, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o dapat ko na itong sulitin.
Hindi ko naman maipagkakaila na gwapo talaga ito sa kahit na anong gawin ngunit mas gwapo nga lang talaga para sa akin kapag nakangiti.
“Sir, nandito na si Mrs. Laxamana for today’s interview.”sabi ni Zen pagkapasok niya.
“Tell her to come in.”sabi ni Lyle.
“What about Heaven, Sir?”tanong ni Zen na tinignan akong prenteng prente lang na nakaupo sa sofa. Mukhang kabado nanaman ito. Hindi na ata nawawala sa kanya ang ugali niyang ‘to.
“Let her.. Hindi rin ‘yan aalis diyan.”sabi ni Lyle at sinenyasan na ito na papasukin ang journalist na mag-iknterview sa kanya.
Maya-maya ay pumasok naman ang nakangiti na si Mrs. Laxamana, she’s pretty at siya rin ang madalas na mag-interview sa akin ngunit hindi naman kami close para batiin ko siya kaya nanatili lang ako sa aking pagkakahiga.
May inayos naman na upuan para sa kanya kaya hindi na kailangan pang paalisin ako.
“Good morning, Mr. Fuentes.”sabi nito nang nakangiti at nakipagkamay kay Lyle. Mukha naman ‘tong propesiyonal na propesiyonal. May camera man din siyang kasama.
Napatingin naman sila sa akin dahil dito, napangiti na lang siya habang nakatingin.
“How lucky are you to be Mr. Fuentes’s dog.”nakangiti nitong saad sa akin ngunit hindi ko siya pinansin. Swerte rin naman siya sa akin ahh? Kahit na alagain lang ako sa buhay niya.
“Oh.. It’s other way around, Mrs. Laxamana.”sabi ni Lyle dito.
“Have a sit.”anyaya niya pa dito.
Hindi naman ako nag-ingay o gumawa ng kung anong kalokohan dahil parehas silang seryoso lang. Paminsan ay nagbibiro rin naman si Mrs. Laxamana, magaan lang naman ang naging interview nila.
Napatingin naman ako kay Zen na siyang nagbibigay ng mga pagkain para sa iilang staff na kasama ni Mrs. Laxamana, flexible na flexible naman ito kaya lang sa hindi inaasahang pagkakataon.
Nabasag niya ang isang mug ng kape. Sa sobrang taranta nito ay pinulot na lang ang tasa gamit ang kamay niya. Napailing na lang akong napatalon patungo sa kanya.
“Fuck..”rinig kong bulong ni Lyle. Akala ko’y ako na ang pupuntahan nito, hindi ko alam kung dismaya ba ang nararamdaman ko o ano pero hindi ko malaman kung bakit parang nakaramdam ako ng kakaiba habang pinagmamasdan ko si Lyle na nag-aalala kay Zen.
“What the heck, Zen? Don’t fucking touch it! You’re bleeding.”natataranta nitong saad na hinila si Zen patungo sa sofa.
Napasunod na lang naman ako sa kanila. Pinagaan ko naman ang loob dahil nakakaramdam nanaman ng kung ano. Natural lang na si Zen ang lapitan niya, Celes. She’s bleeding and she’s wounded.
“I think there’s an unfortunate event..”sabi ni Mrs. Laxamana nang hindi na sila balingan ni Lyle saka lang naman natauhan si Lyle nang makitang may mga tao pa pala dito sa office.
“May I request to cancel the interview today, Mrs. Laxamana?”tanong ni Lyle dito.
“Hmm, it’s fine.”sabi naman nito at ngumiti. Mukhang ayos lang din naman sa kanila.
“I’ll promise that I’ll contact you right away.”sabi ni Lyle.
“Sure. Aasahan ko ‘yan.”nakangiti nitong saad. Ngumiti at tumango nanan si Lyle sa kanya.
Maya-maya ay umalis naman na ang mga ito. Mabuti ay pumayag na lang na icancel bigla ang interview. Nabaling naman ang atensiyon ko kina Lyle at Zen.
Nakatingin lang ako kay Lyle nang makitaan ko ‘to ng pag-aalala sa mukha. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Natataranta nitong kinukuha ang first aid kit.
“Ayos lang ako, Boss, lilinisin ko na ‘yon at baka si Heaven pa ang mabubog.”sabi ni Zen na mukhang nag-aalala pa sa akin kaysa sa kanyang sarili na mukhang malalim ang pagkakabubog.
Bago pa siya makatayo ay hinila na siya ni Lyle paupo. Pinapanood ko lang naman sila. Isinawalang bahala ko naman ang naiisip dahil malabong mangyari ‘yon.
“Sir, Baka mabubog nga si Heaven saka malayo naman ‘to sa bituka no!”natatawang saad ni Zen. Napatingin naman sa akin si Lyle dahil sa sinabi nito.
“Fine, stay here and you, Heaven, stay there, okay?”tanong nito at nginitian ako. Tumawag naman na siya ng maintenance at bumalik din ako sa tabi ni Zen na siyang naglilinis na ng sariling sugat.
“Give that to me.”sabi ni Lyle na naglahad na ng kamay. Iniabot naman na rin ni Zen ito dahil sa bossy’ng tingin mula kay Lyle.
“Kaya ko naman po.”sabi niya na masama ang loob na inabot.
“Alam ko.”sabi ni Lyle na nakataas ang kilay. May ugali talaga itong ganito. Hindi ko naman maiwang mapairap sa aking isipan dahil sa kanya.
Kita ko pa ang pagnguso ni Zen dahil hindi makapanglaban sa amo. Pinapanood ko lang naman silang dalawa. Seryosong seryoso si Lyle sa paglilinis ng sugat ni Zen habang si Zen naman ay nakatingin lang sa ibang parte ng kwarto.
Nang tignan niya ako ay nginitian lang ako nito. She’s really nice. Wala akong masabi sa mabait na ugali ni Zen kaya hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng kakaibang pakiramdam dito sa puso ko.
“Sir..”napatingin naman sina Lyle nang may pumasok na maintenance. Napatingin pa siya sa kamay ni Lyle na nakahawak kay Zen. Aba, malisosya ito.
Sinubukan namang alisin ‘yon ni Zen ngunit hindi hinayaan ni Lyle.
“Can you please clean that up, Mrs. Lastimoza?”tanong ni Lyle dito. Tumango naman ito at patay malisya na nag-iwas ng tingin.
Para akong nanonood ng teleserye ngunit wala lang naman ito, ‘di ba? Lyle is just concerned with Zen wound. Walang kahit na ano. Ayaw kong tubuan ng selos dito sa dibdib ko dahil alam kong wala lang naman ‘yon.
Napapatingin pa rin ang matanda kina Lyle ngunit agad din namang nag-iiwas ng tingin kapag nakikitang napapatingin si Zen sa kanya.
“Ayos na ‘yan, Boss.”sabi ni Zen na kanina pa nahihiya. Inayos na rin naman ni Lyle ang kit nang matapos siya sa paggamot ng sugat ni Zen.
“Thanks, Mrs. Lastimoza.”sabi ni Lyle nang matapos na ang paglilinis nito. Tumango naman ito at ngumiti na lang bago umalis.
Si Zen naman ay ginulo gulo muna ang balahibo ko bago bumalik sa kanyang upuan. Napapasulyap naman sa akin si Lyle at pinagtataasan ako ng kilay nang makita ang pagtitig ko sa kanya.
“What? I’m just trying to treat her wound.”sabi niya na hindi naman defensive ang tono kaya hinayaan ko na lang. Ganoon naman kasi talaga si Lyle. He’s nice to everyone na siyang madalas naming pag-awayan.
Well, mabait lang kasi talaga ang mokong kaya hayaan ko na lang. Mukhang wala rin namang malisya sa akin ‘yon.
Hinintay ko na lang siyang matapos sa ginagawa at bumalik sa pwesto ko. Maya-maya naman ay pumasok na ulit si Zen nang magbreak na.
“Aba, arte talaga, ayaw mahiga sa sahig.”natatawa niyang biro sa akin habang nakaupo sa tapat ko.
“Let’s buy Ice cream na.”bulong niya pa sa akin.
“Kung pwede lang kitang kidnappin sa amo mo, inuwi na kita sa bahay.”natatawa niyang saad sa akin. Napailing na lang ako sa kanya.
“Come on, itatakas na kita sa amo mong busy.”sabi niya pa. Akala mo naman ay hindi niya amo ‘yon. Reklamo reklamo pa ako ngunit susunod din naman sa kaniya. Tumayo na ako para lumabas ng office, vanilla ice cream ‘yon, palalagpasin ko pa ba?
Akala ko’y tatakas talaga kami ngunit mukhang hindi rin namin ‘yon magagawa dahil nakasubaybay sa galaw namin si Lyle.
“Where are you two going?”nakataas ang kilay na tanong nito.
“Ice cream, Boss.”sabi ni Zen na alanganin pang ngumiti.
“Alright.”mabilis ang pagpayag ni Lyle kaya agad kaming nagkatinginan ni Zen.
“Let’s go.”sabi nito at hindi na sinuot pa ang kanyang coat dahil mainit sa labas. Kaya naman pala madaling napapayag dahil balak sumama ng mokong.
Hinayaan naman na niya na si Zen ang siyang maghawak sa akin. Kinakausap lang ako ni Zen at kinukwentuhan nanaman ng kung ano. Imbis na ako ang maop ay si Lyle pa ang op sa tabi namin ngunit mukhang wala rin naman ‘tong pakialam saka hindi rin naman kasi ito nagmumukhang lonely o ano e.
Habang naglalakad kami pababa, kitang kita ko naman ang bulungan ng mga kaopisina ni Zen. Pakiramdam ko ay pinag-uusapan nanaman nila ito katulad noong nakaraan. Napairap na lang ako sa aking isipan. Masiyado kasing mabait si Zen at ayaw patulan ang mga ito.
Sumakay na kami sa elevator. Maya-maya ay may pumasok na dalawang babae, hindi naman nila kami napansin dahil busy sa nirereview-ing portfolio at busy sa pagkukwentuhan. Hindi rin naman kasi ako tumatahol o ‘di naman kaya ay nag-iingay. Hindi na rin nagsasalita sina Zen kaya rinig na rinig ang usapan ng dalawang babae.
“Totoo ba ang sinabi ni Reshiel? Anak talaga sa labas ‘yong secretary ni Boss?”natatawang saad ng isa habang nagbabasa sa kanyang porfolio.
“Oo, gaga, si Zen pa, kaya nga mukhang pokpok din e, siguro hinaharot no’n si boss.”humagalpak pa na parang demonyo ang isa.
Napatingin naman ako kay Zen na siyang hindi pa rin nagsasalita at kinakagat lang ang ilalim na bahagi ng kanyang labi habang may tumutulo ng luha mula sa kanyang mga mata.
Napaangil naman ako dahil dito at mabilis na hinarap ang mga babae. Agad kong pinagkakagat ang ilalim ng mga dress na suot ng mga ito. Aangal na sana ang mga ito ngunit nang mapagtanto na may aso sa elevator saka lang nanlaki ang kani-kanilang mga mata.
“Boss!”malakas nilang saad.