Chapter 43

Celeste’s POV

“Are you excited, Heaven?”tanong ni Lyle sa akin pagkatapos niya akong bihisan.

“I bet not.”sabi niya.

“It’s really loud later.”sabi pa nito at binuhat na ako palabas ng penthouse.

Pupunta na kami ngayon sa bahay nina Mommy para icelebrate ang bagong taon. May mga dala dala ng prutas si Lyle at may niluto pa siyang carbonara ngunit napagpasiyahan niya pa ring bumili ng dessert.

Dumaan pa tuloy kami sandali sa bilihan ng sweets. Akala mo manliligaw sa bahay sa dami ng dala. Iilan lang naman kaming kakain kung sakali.

“What do you want, Heaven?”tanong ni Lyle. Nagturo naman ako ng chocolate ngunit agad siyang umiling.

“Nah, hindi pwede.”sabi nito at namili na lang ng iba. Tatanong tanong tapos hindi rin naman pala papayag. Napailing na lang ako dahil sa kanya.

Ang tagal ko na ring hindi nakakakain ng chocolates kaya gustong gusto ko ng kumain. Naiintindihan ko rin naman na hindi pwede.

Nang matapos na siya sa mga pinagbibili niya, nagtungo na kami sa bahay. Pagkarating namin doon ay busy’ng busy na sina Mommy sa pag-aayos, sila sila lang kasi ngayon ang narito dahil ang ibang katulong ay umuwi sa kani-kanilang tahanan.

“Heaven!”nakangiting sambit sa akin ni Mommy ngunit hindi niya rin ako hinawakan dahil nga may mga hawak siyang pagkain.

Sa labas kami ngayon, may ihawan na rin na nakalatag doon.

“Jusmiyo, ang dami mo namang dala, Presley, hindi natin mauubos ‘yan.”sabi ni Mommy kay Lyle. Ngumiti lang naman ito sa kanya at iniabot na lang ang mga dala.

Hindi ko naman maiwasang mapangiti nang makita na welcome pa rin naman pala si Lyle dito sa bahay kahit na wala na ako. Mas welcome pa nga siya ngayon e.

Napatingin naman ako kay Ate nang makita ko itong may dala-dalang pusa habang papalapit sa amin. Pakiramdam ko tuloy ay tatanda na lang ang Ate na walang asawa at nag-aalalaga na lang ng mga alagang hayop.

Inangilan naman ako ng pusa niya kaya agad akong napaatras. Aba, ang pusa niya ang nakadali sa akin noon.

Mukhang pinayagan na talaga siya ng tuluyan ni Mommy na mag-alaga ng hayop.

“Loxy, I told you not to bring Ellie here, nandito sabi si Heaven.”sabi ni Mommy kay Ate. Inirapan at nginiwian lang naman ako ng Ate.

“Mom! Ellie wants to play lang din naman! Saka bakit ba mas gusto mo pa ‘yang aso na ‘yan kaysa kay Ellie?”tanong pa ni Ate at padabog na umupo sa kanyang upuan.

“I like Ellie, okay? I just like Heaven better.”natatawang saad naman ni Mommy na nilalagay na ang barbeque sa may ihawan. Si Lyle naman ay nakaupo na sa table kasama si Daddy. Nag-iinuman na agad ang mga ito.

“Ilayo mo nga si Ellie kay Heaven, Loxy, natatakot siya oh!”sermon ni Mommy kay Ate na hindi pa rin nakikinig. Ibinaba niya pa lalo si Ellie, hindi ko alam kung para ba takutin ako o ano.

Napaatras naman ako at napatago kay Mommy dahil dito.

“Ellie! Loxy!”suway ni Mommy sa kanya ngunit napanguso na lang si Ate at kinuha ang pusa niya. Napangisi naman ako sa aking isipan nang mapagtanto na ako naman ang kinakampihan ni Mommy ngayon.

Kumpara kasi kay Ate, mas sutil ako kaya mas madalas kampihan ito.

Agad akong napatingin kay Ate Loxy nang makita ko siyang nagvivideo kasama si Ellie. So tinutuloy pa rin pala niya ito?

Hindi ko alam kung maiiyak o matutuwa ako habang pinagmamasdan siya, nakasanayan na kasi namin na kapag bagong taon ay gumawa ng videos kasama ang pamilya. Kaming dalawa ang pasimuno no’n.

“It’s new year and I’m with Ellie!”nakangiting saad ni Ate sa camera.

“That’s Presley dog, the ugly one.”sabi pa niya na tinapat ang camera sa akin. Agad ko naman siyang inangilan at tinahulan dahil dito.

“See that? Ugly no?”sabi pa niya na tinapat na ang camera sa mukha at natawa pa dahil dito.

“Mom, say hi!”sabi ni Ate kay Mommy na busy’ng busy sa pag-iihaw. Natawa na lang ako sa aking isipan nang makita ko ang pag-irap ni Mommy dahil dito.

Kada video ata na ginagawa namin ni Ate, walang ni isang video na hindi nagsusungit ang Mommy.

“And here’s my Dad with my sister’s boyfriend.”sabi pa nito at pinakita sina Daddy.

“See that, Celes? Kung hindi mo kami iniwan edi sana nakikita mo kung paanong nagkakasundo ‘tong boyfriend mo?”tanong pa ni Ate na nakangiti sa camera. Napatingin naman si Mommy kay Ate at ngumiti na lang sa kanya.

Nakangiti mga ito ngunit bakit parang ang kanyang mga mata ay kabaliktaran ang sinasabi?

“We’ll just wait for midnight for now let’s go to my room.”sabi ni Ate na kumindat pa. Parang alam ko naman na kung anong gagawin nito sa kanyang kwarto.

Kukunin ang timeline album na ibibigay kay Mommy. It’s an album na kumpleto lahat ng events sa buhay namin. Hindi ko naman maiwasang mapangiti nang malamang ginagawa pa rin naman pala ni Ate ‘yong mga bagay na kaming dalawa ang gumagawa noon.

Hindi ko maiwasang malungkot kahit na dapat ay masaya ako ngayon. Hindi ko lang maiwasang malungkot na iniwan ko si Ate sa mga gawaing dapat kaming dalawa ang gumagawa.

Maya-maya ay lumabas ito ng bahay at lumapit kay Mommy.

“Hapoy new year, Mom.”sabi ni Ate na hinalikan sa pisngi si Mommy.

“Thank you, Anak.”sabi naman ni Mommy na hinalikan din sa ulo si Ate. Nakita ko naman si Daddy na nakangiti habang pinagmamasdan ang kanyang mag-ina. Si Lyle naman ay tipid lang din ang ngiti.

Sumingit naman ako kay Mommy at Ate nagyayakapan ngayon. Aba, hindi naman pwedeng sila lang.

“Attention seeker.”sabi ni Ate sa akin at pabiro akong inirapan. Natawa lang naman sa akin si Mommy at hinalikan din ako.

“Let’s play jengga, Dad, mamaya na kayo mag-inuman ni Presley diyan.”sabi ni Ate na dala dala na ang laruang jengga namin.

Kahit dalawa lang kaming magkapatid, it never got boring dahil alam namin kung paano pasayahin ang isa’t isa.

“Alright.”sabi naman ni Daddy at ngumiti kay Ate.

“My, mamaya ka na magluto diyan, let’s play muna.”yaya ni Ate kay Mommy. Hindi pa sana ito papayag kung hindi lang hinila ni Daddy at Mommy. Napapangiti na lang si Lyle sa kanya.

I hope he doesn’t feel left out. Nilapitan ko ito dahil pakiramdam ko nararamdaman niyang hindi siya belong ngunit agad niya naman akong nginitian at ginulo rin ang balahibo.

“Why?”natatawa niyang tanong sa akin dahil tinititigan ko siya.

“Don’t worry about me, kay?”tanong niya kaya napatahol na lang ako.

“Heaven, huwag ka ng epal diyan, we’re going to play with your Dad.”tukoy niya kay Lyle. Dad amp.

Hindi ko siya pinansin at naupo na lang sa dapat na upuan niya.

“Aba, that’s my seat no! You’re not going to play. Alis.”sabi niya pa sa akin ngunit si Mommy ang sumuway.

“Hayaan mo na si Heaven, gusto nga akong katabi e.”natatawang saad ni Mommy at nginitian pa ako.

“Fine.”sabi na lang ni Ate na walang nagawa kung hindi ang kumuha na lang ng sarili niyang upuan.

Nagsimula naman na sila maglaro habang ako ay nanonood lang. Ang tagal din bumagsak ng mga ito. Natawa naman ako sa aking isipan ng si Ate na ang titira. Seryosong seryoso pa ang mukha nito.

“Arf!”malakas kong tahol kaya nagulat siya sa akin at bumagsak ang mga ito.

“What the heck, Celes!”reklamo nito ngunit natigilan din. Maski sina Mommy ay natigilan sa reklamo niya.

Alam kong madalas ko siyang gulatin ng ganito kapag naglalaro kami kaya nakakailang sabunot siya sa akin na nauuwi sa sabunutan naming dalawa.

Naalala ko tuloy noong wala sina Mommy at kaming dalawa lang ang tao dito sa bahay. ‘Yong paglalaro naming dalawa, nauuwi na lang sa sabunutan o ‘di naman kaya ay kurutan. Ang sakit sakit pa ng kurot niya kaya pagkauwi nina Mommy ay unahan ng sumbong, ang ending ay dalawa rin naman kaming mapapagalitan ngunit mas lamang lang ang galit sa akin dahil mas malala ang nangyayari sa kanya.

“I mean Heaven.”sabi niya na inirapan ako. Hindi na lang nila pinansin ang sinabi ni Ate at naglaro na lang ulit.

“Ellie!”sigaw nilang lahat ng tumalon si Ellie at nagbagsakan ang mga ito.

“Isa pang pasaway.”sabi ni Ate na kinandong si Ellie habang sinesermonan. Busy’ng busy naman na sila sa paglalaro.

Napatingin naman ako sa camera ni Ate nang maalala na may mga video greetings ako ng bagong taon diyan sa camera na ‘yan.

Agad akong tumalon sa aking upuan at lumapit kay Ate. Dahan dahan kong kinuha ‘yon. Hindi naman na nila ako napansin dahil busy’ng busy sila sa paglalaro.

Hirap na hirap pa ang kalikutin dahil sa paa. Mabuti na lang ay marunong pa naman akong gumamit nito.

“What are you doing, Heaven?!”tanong ni Ate na tumayo sa upuan nang makitang kinakalikot ko ang camera niya. Maski sina Mommy ay napatingin din sa amin. Mabuti na lang ay naplay ko na agad ‘yon.

“Happy new year, Fam!”sabay sabay silang napatingin sa camera nang makitang may nagplay doon.

“Celes..”mahinang bulong ni Ate sa sarili. Napatingin naman ako kina Mommy na natigilan dahil doon.

“Is that Celes?”tanong ni Mommy na medyo nangingilid na ang luha.

“Yes, Mom..”sabi ni Ate na dinala ang camera sa kanila. Inulit niya naman ‘yon.

“Happy new year, Fam! May this year filled us with happiness and joy! I love you, you love me, we have a happy family!”napatawa pa ako sa huling bahagi ng video habang kumakanta.

Napatingin naman ako kina Mommy na imbis matuwa ay umiiyak pa ngayon. Tinahulan ko sila dahil dito kaya naman nilingon nila ako at nginitian.

“My, stop crying.”sabi ni Ate Loxy at napairap pa kahit maski siya ay sira na ang mascara.

Natahimik naman kaming lahat, nabasag lang ‘yon ng magsimula ng mag-ingay. Agad naman akong nilapitan ni Lyle dahil nga medyo malalakas ang paputok at nakakatakot ‘yon.

“Happy new year!”malakas na sigaw ni Mommy at nakangiti na ngayon. Hinalikan niya sina Ate at Daddy. Ginulo niya naman ang buhok ni Lyle at nginitian ito.

Maya-maya ay saka lang ako kumalma ng humupa na ang ingay ngunit marami pa ring fireworks ang pumuputok kaya napasulyap ako sa itaas habang nakatingin doon.

Napangiti naman ako nang mapagtanto na cinecelebrate ko pa rin ang bagong taon kasama ang mga taong bumuo ng buong buhay ko bilang si Celes.

Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan ko ang pamilya ko na nagkakatuwaan. Maya-maya ay nilapitan ako ni Mommy at binuhat pa.

“Happy new year, Heaven.”sabi niya at pinanggigilan ako.

“My! Hindi mo ba ako babatiin?”sabi ni Ate na pabiro akong hinihiwalay kay Mommy. Hindi ko naman maiwasang maalala na ganitong ganito kami noon. Napatawa na lang ako sa aking isipan.

Tumalon naman ako kay Lyle nang matapos batiin si Mommy. Binati ko ito ng malakas na tahol.

“Happy new year, my Heaven.”sabi niya at hinalikan ako sa ulo. Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan ang ngiti nito. Atleast he wasn’t lonely at all.

“Come on, let’s eat!”sabi ni Mommy nang humupa na ang malakas na ingay mula sa labas.

Lahat naman kami ay nagsiupuan na. Halos ako ang pinagtutuunan ng pansin ni Mommy kaya ang pusa ni Ate ay inaangilan ako. Mas lalo ko lang ‘tong iniinggit habang sinusubo ang mga binibigay sa akin ni Mommy at Lyle.

Nang matapos kaming kumain ay umupo lang kami sa gilid. Nagkukwentuhan sina Lyle at Mommy kasama si Daddy samantalang si Ate ay kasama ang pusa niya sa gilid.

“Another year without you.. I miss you, Celes..”rinig kong bulong ni Ate Loxy habang nakatingin sa kalangitan. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil dito.

“What?”masungit na tanong ni Ate nang makita niya akong nakatingin sa kanya.

“Don’t look at me like that you ugly dog!”sabi ni Ate kaya inangilan ko siya at tinahulan. Pagbigyan tutal ay miss niya naman ako.