Chapter 41
Celeste’s POV
“Diego!”natutuwang saad na ni Judy nang makita ang anak na pababa na. Nandito rin pala si Tita, siya ‘tong nay buhat buhat kay Diego habang pababa ng hagdan.
Napatahol naman ako at excited na lumapit kina Tita, ngayon ko lang kasi makikita sa personal si Diego kung sakali.
“Hey, Judy, alisin mo si Heaven.”sabi ni Tita kay Judy ngunit hindi siya pinansin nito.
“She won’t hurt him, My, trust me.”sabi ni Judy at napailing pa kay Tita.
Umupo naman sila sa may sofa. Sumunod lang ako at napatitig kay Diego. Katulad ng sabi ni Lyle napakaliit nga talaga nito at talaga namang ang gwapong bata.
Hindi ko naman ‘to sinubukang lapitan o ano, nakatayo lang ako mula sa malayo habang pinagmamasdan siya. Parang nakakatakot ‘tong hawakan at parang mababasag kung hahawakan.
Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan siya. Sinubukan naman ‘tong ilapit ni Tita at natawa siya ng mahina nang makita niyang napaatras ako.
“Are you scared with my Diego, Heaven?”natatawang saad sa akin ni Judy at hinaplos ang balahibo ko. Mas lalo pa akong napaatras nang marinig ang iyak ni Diego.
Ano kayang reaksiyon ng mga ito nang marinig ang unang iyak ni Diego? Sana nandoon din ako. Napangiti na lang ako sa aking sarili habang tinitignan ang anak ni Judy.
“Is this your first time seeing a little smurf?”natatawang saad ni Judy na tinignan pa ako mula sa aking mga mata.
Hindi ko naman maalis ang tingin ko kay Diego na umiiyak pa rin hanggang ngayon. Ang cute ng bilugan nitong mga mata.
“Cute ba ng baby ko, Heaven?”tanong ni Judy na kinuha na ang anak kay Tita at inuga ito. Natawa pa ‘to nang makita niyang sinusundan ko sila ng tingin.
“Ohh, bakit naman umiiyak ang baby na ‘yan?”napatingin naman ako sa kakapasok na sina Mommy kasama sina Daddy. Kusa naman akong napangiti nang makita ko ang mga ito, atleast kasama ko sila ngayong pasko, ‘di ba?
“Can I carry him?”tanong ni Ate nang makita si Diego.
“He’s so cute!”sabi nito na malapad na malapad ang ngiti habang tinitignan si Diego. Binuhat ‘to ni Ate kaya lang ay mas lalo pa siyang umiyak.
Natawa naman ako sa aking isipan ang makita ang reaksiyon ni Ate.
“Heaven! You’re here!”nakangiti namang saad sa akin ni Mommy at agad ako nitong niyakap.
“Presley!”nakangiting saad ni Mommy nang makita si Lyle na papalapit sa amin.
“Good evening, Madame.”bati ni Lyle sa kaniya at binati rin sina Daddy. Tumango lang naman ang mga ito. Pinagtaasan naman ako ng kilay ni Ate Loxy nang mapagtanto na nandito rin ako.
Hanggang ngayon ata ay may sama pa rin ito ng loob sa akin. Hindi ko alam kung matatawa ako doon o ano.
Nagbabatian na sila ngunit si Judy ay hindi pa rin napapatahan si Diego sa kakaiyak.
“Hey, Lil boy, why are you crying again?”tanong ni Lyle kay Diego nang nakangiti at marahan na hinawakan ang pisngi nito. Napahinto naman si Diego sa pag-iyak at nakatitig lang kay Lyle.
“Aba, ang baby nagpapabebe sa Ninong.”natatawang saad ni Michael. Natigilan naman dahil do’n si Lyle, mukhang ngayon lang nalaman na ninong siya.
“Kunin ka naming Ninong, Pres.”natatawang saad ni Judy na kukhang nagpaplano na sa binyag.
Napatahol naman ako. Aba, gusto ko ring maging Ninang no!
“May nagpaparinig.”natatawang saad sa akin ni Judy ngunit mas lalo pa akong tumahol para naman kaming nagduet ni Diego dahil umiyak nanaman ito.
Nilaro naman siya ni Lyle napatawa naman siya. Napangiti naman ako habang pinagmamasdan si Lyle.
“Carry him, Pres.”sabi ni Judy at nilahad si Diego sa kanya. Nataranta naman si Lyle dahil doon ngunit dahan dahan niya ring binuhat ang bata.
“Hindi ko ba siya mahuhulog? Hala, paano?”tanong pa ni Lyle na natataranta. Napatawa naman tuloy sa kanya ang lahat. Halatang hindi rin ito makapagmura dahil may bata.
Napatingin naman kami kay Mommy dahil sa malakas nitong paghikbi.
“Tita, why are you crying again?”tanong ni Judy kay Mommy na bigla bigla na lang umiiyak dito. Napatitig naman ako sa kanya. Maya-maya ay pati sina Judy at Ate ay umiiyak na rin. Napakunot naman ako ng noo habang pinagmamasdan sila. Ano nanaman ang dinadrama ng mga ito?
“Tita, stop crying..”sabi ni Judy ngunit maski siya ay patuloy din sa paghikbi. Hindi naman huminto si Mommy at mas lalo pang napaiyak.
“Hey,”nakangiti nitong saad nang makitang naka tapat na ako sa kanya. Magang maga pa rin ang mga mata nito habang tinitignan ako.
“If she’s still here, she probably have a child or married now kung hindi lang sana ako humarang sa pagmamahalan nila ni Presley edi sana nakita ko siyang kinasal.”umiiyak nitong saad. So it’s about me again?
Napatingin naman ako kay Lyle na nawala na ang ngiti habang nakatingin kay Diego. Hindi na ito umiiyak ngunit nakatingin pa rin sa kanya. Seryoso na ang mukha nito at hindi ko mabasa kung ano ba ang kanyang iniisip.
“I didn’t even support her with the guy he love edi sana--”hindi na nito natuloy pa ang sasabihin dahil mismong si Daddy na ang pumapit sa kanya at hinagod ang likod nito. Alam kong pati si Daddy ay nasasaktan din ngayon ngunit pilit lang pinapatatag ang sarili.
“It’s Christmas, My, we should be happy right now, hindi dapat tayo nagdadrama ngayon.”sabi ni Ate Loxy at napanguso pa ngunit isa rin siya sa humihikbi ngayon.
“Yeah, let’s just celebrate Diego’s birth happily, My.”sabi naman ni Daddy na hinalikan ‘to sa pisngi. Maya-maya ay huminto na rin ang mga ito kaiiyak.
“If she’s still here, she’s probably happy carrying Diego.”sabi pa ni Mommy at ngumiti na lang sa kawalan. Huminto na rin sa pag-iyak.
“Yeah, baka isa pa ‘yon sa nagpapaiyak kay Diego, Tita.”natatawang saad naman ni Judy na kahit tumatawa may luha pa ring bumabagsak.
“Hey, Babe, stop crying.”bulong ni Michael sa kanya.
“I’m not.”sabi naman ng kaibigan ko at umiling pa.
“Come on, let’s have dinner. Hindi ‘yong nag-iiyakan tayo dito.”natatawa pa niyang saad.
Nagtungo naman na kami sa kung saan kami kakain. Ibinigay na rin ni Lyle si Baby Diego kay Judy dahil huminto na rin naman ‘to sa pag-iyak.
“You already saw him, Heaven? He’s cute, right?”tanong ni Lyle sa akin nang tabihan niya ako. Agad naman akong napatahol at kumawag kawag pa ang buntot.
“I told you.”sabi niya at nginitian ako.
Nagsimula naman na kaming kumain. Nagkatuwaan lang sila. Tuwang tuwa rin ang mga ‘to habang tinitignan si Diego. Maski rin ako ay tuwang tuwa dito. Napakacute naman kasi talaga ng bata.
Maraming handa sina Judy at kain lang kami ng kain habang nagkukwentuhan. Napapangiti na lang din ako habang pinagmamasdan sila.
“I have a gift for that baby boy.”sabi ni Ate Loxy nang matapos na kaming kumain. Nandito na kami sa sala ngayon.
Napatingin naman ako sa christmas tree nina Judy na punong puno ng gift para kay Diego. If I’m still Celes baka sa akin pa lang puno na ang kwarto nito.
“Ninang ako, Judy, ahh?”sabi ni Ate kay Judy. Napatango naman si Judy at ngumiti kay Ate.
“Wow, Thank you, Ninang.”sabi ni Judy nang buksan ang regalo mula kay Ate.
Pinakita niya naman ‘to sa anak na mukhang inaantok nanaman.
“Hey, here’s Heaven’s gift to that little boy.”sabi naman ni Lyle at iniabot ang regalo niya kay Diego. Napangiti naman ako nang makitang nakangiti si Diego sa kanya.
“Aba, ‘tong anak ko, mahilig sa pogi, kaya pala ayaw sa papa.”natatawang saad ni Judy. Napasimangot naman si Michael dahil dito ngunit napatawa lang si Judy at hinalikan sa pisngi ang asawa.
“Joke lang, Babe.”natatawa nitong saad hinalikan pa sa pisngi si Michael. Ang mga ito talaga hindi na nahiya sa mga nakakanood sa kanila.
“Wait, terno pala ang dalawa.”natutuwang saad ni Tita habang pinagmamasdan kaming dalawa ni Baby Diego. Parehas kasi kaming nakasuot ng elf na damit.
“They should take a picture tigether, dali!”excited na saad ni Mommy. Tinabi nila sa akin si Diego ngunit napaatras ako sa takot na baka masaktan ko ‘to at baka biglang umandar ang katawang aso ko.
Napatawa naman sila sa akin dahil dito. Napahinto naman ako nang nakangiti si Diego habang sinusubukan niya akong hawakan. Halos maestatwa naman ako habang nakatingin sa kanya. He was smiling at me like he knows me.
Sinubukan niya pa akong hawakan kaya naman nilapit ko ang ulo ko sa kanya.
“Omg!”natutuwang saad nina Judy nang makita ang ngiti ni Diego.
“Our Diego likes our Heaven, ha?”tanong pa ni Judy na nakangiti akong tinitignan. Kinuha naman na ni Tita si Diego habang pinanggigigilan ako ni Judy.
“Awwe.. cute.”nakangiting saad ni Mommy habang tinitignan ang litrato namin ni Diego. Napapunta naman ako sa kanya para tignan ‘yon.
“Who’s this?”tanong ni Mommy na tinuturo ako.
“It’s Heaven.”natutuwa niyang saad. Kinakausap lang ako nito habang nakikinig lang ako sa kanya.
“Kailan kaya ako magkakaapo?”natatawang tanong ni Mommy na pinaparinggan na si Ate.
“Boyfriend nga wala, My, anak pa kaya.”natatawang saad ni Daddy.
“Pinaparinggan na kita, Ate.”sabi ni Mommy kay Ate na natatawa na lang sa biro ni Mommy.
Tawanan at kwentuhan lang ang naganap nang mapansin namin na pahikab hikab na si Diego.
“He’s sleepy na, iaakyat ko na sa taas.”sabi ni Tita na mukhang tuwang tuwa talaga sa apo, ni hindi na nga pinapansin ang harutan ng mga anak. Mukhang nababaling na ang atensiyon sa apo.
“Mauuna na rin kami, Judy, may bisita pa ‘tong Tito mo e, saka ‘tong si Loxy, hinuhunting na ng mga inaanak.”natatawang saad ni Mommy. Napatawa naman ako sa aking isipan dahil dito.
“By the way, Presley, imbitahan ko sana kayo ni Heaven sa bahay this new year kung wala kayong pupuntahan.”sabi ni Mommy kay Lyle. Bahagya namang nagulat si Lyle sa biglaan ding imbitasiyon ni Mommy.
“Po?”gulat na tanong ni Lyle.
“But it’s okay if you don’t want to come.”sabi niya kay Lyle.
“We’ll go, Madame.”sabi ni Lyle kay Mommy. Napangiti naman ang Momny ko dahil dito.
“Alright, we’ll wait for the both of you. We’ll go na, Heaven.”sabi ni Mommy na pinaghahalikan ako.
“Mom!”reklamo ni Ate na may sama pa rin ng loob sa akin. Hindi ko alam kung matatawa ako dahil dito o ano. Tinawanan lang naman siya ni Mommy.
“Bye, Judy, take care, Anak.”sabi ni Mommy na hinalikan din sa pisngi si Judy.
Nang makaalis sila ay kami na lang nina Michael ang natira dito sa baba.
“Huwag mong sabihing aalis na din kayo, Presley? Mamaya na!”sabi ni Michael.
“Hindi pa naman.”sabi ni Presley at napakibit na lang ng balikat.
“Do you want to open some gifts, Heaven?”nakangiting saad ni Judy. Excited din ako nitong tinignan.
“Let’s go!”sabi niya pa at inaya ako patungo sa christmas tree nila.
Kapag ako nakasira ng gamit, si Judy ang may kasalanan, siya ‘tong yaya ng yaya sa akin sa mga kung ano ano.
Tuwang tuwa naman akong bukas ng bukas ng mga regalo para kay Diego, well, kung nandito rin ako bilang si Celes paniguradong ganito rin ang ganap naming dalawa ni Judy. Parehas kaming mahilig na magbukas ng mga regalo e.
Naalala ko noong mga bata kami, paramihan pa ng mga regalong natatanggap namin.
“Wow, it’s cute!”tuwang tuwa niyang saad nang makita ang regalo para kay Diego. Mas tuwang tuwa pa ata ang ina kaysa sa anak. Natatawa na lang ako sa aking isipan dahil dito.
Nang matapos kami doon ay bumalik na kami sa lamesa kung nasaan sina Lyle. Nagulat naman ako nang may panibagong mga regalo doon.
Ang akala ko’y para rin ito kay Diego ngunit laking gulat ko nang sa akin nakapangalan ang mga ito. Mukhang galing kina Mommy at Tita pati sa kasama namin dito sa dinner.
Malapad naman ang ngiti nila sa aking tatlo habang tinitignan ako na pabalik balik ang tingin sa kanila.
“Merry Christmas, Heaven.”sabay sabay pa nilang saad at nginitian ako.