Chapter 34

Celeste’s POV

“What the fuck is this?”tanong ni Lyle nang may hinahawakan sa likod ko, agad niyang hinawi ang mga balahibo ko para makita ‘yon. Agad ko siyang inangilan dahil dito. Ano ba kasi ‘yon?

“Is that a wound?”tanong ni Lyle.

“Who did this, Heaven? Is it the guy who bring you home or what?”tanong niya na mukhang galit na galit.

Agad ko naman napagtanto ang sugat na sinasabi nito, ito ‘yong sugat na tinamo ko kahapon dahil sa lakas ng pagkakahagis sa akin ni Pia, tumama ako sa gilid ng lamesa niya. Matulis ‘yon.

“What the heck?”tanong niya pa. Agad niyang kinuha ang kanyang susi at tumungo kami sa clinic ni Michael.

“Hey, are you going to work? I bet not.”sabi ni Michael na tinignan pa ang itsura ni Lyle.

“Shut up, Heaven has a wound.”sabi ni Lyle na mukha pang natataranta. Dahil ‘to kay Pia, for your information lang, ha?

“Hello, Pia? Huh? Alright. I’ll be there. Okay.”sabi ni Lyle. Speaking of the devil nga naman.

Napatingin naman si Michael kay Lyle dahil dito.

“I need to go, Michael, I’ll be back in a half.”sabi ni Lyle sa kanya. Tumango lang si Michael sa kanya.

“What really happened, Heaven? Did you really do that to Pia’s face? Para namang hindi mo ‘yon magagawa.”sabi niya sa akin.

Sana lahat, ‘di ba? Sana lahat may tiwala sa akin. Mabuti pa ‘tong si Michael kahit paano ay pinagkakatiwalaan ako samantalang si Lyle ay imbis na bantayan ako dito, ibang tao pa ang pinuntahan. Napangisi naman ako sa aking isipan.

Bakit? Tao ka pa rin ba, Heaven? Hindi na. Isa ka na lang lapastangan na asong pwedeng abandonahin kahit kailan gusto ng amo mo.

Siguro ganito ang pakiramdam ng iba kapag inaabando ng mga amo nila, nakakatakot pala.

“Did you really do that with Ms. Ramirez, Heaven?”tanong ni Miah na lumapit sa akin katabi niya si Leslie.

“No, she can’t do that, Miah. She won’t. Selosa lang ‘yan pagdating kay Lyle pero hindi naman siya ‘yong tipong idadaan sa pisikalan ang galit, ‘di ba?”tanong naman ni Leslie habang nakangitingin hinaplos ang balahibo ko.

Mabuti pa talaga sila alam na hindi ko ‘yon kayang gawin. Mas lalo pa akong nainis kay Lyle nang maisip ‘yon.

Maya-maya ay dumating na si Lyle, katulad ng sabi niya, hindi rin siya nagtagal kay Pia, dapat sinulit niya na. Hindi na sana niya ako binalikan.

“What? Is she okay or what?”tanong niya kay Michael.

“She’s fine, it’s just a wound. You can apply this in her wound para mabilis humilom.”nagbigay pa ‘to ng gamot. Napatango na lang si Lyle at kumalma na.

Nag-usap lang sila ni Michael na hindi ko naririnig dahil pumasok pa sila sa office nito.

Napagpasiyahan na rin naman naming umuwi pagkatapos no’n. Hindi ko na siya pinansin pa simula ng ibaba niya ako. Sa sobrang pagod na rin siguro namin ay parehas na lang kaming nakatulog dalawa.

Nagising na lang ako na nandito sa kwarto ni Lyle. Napatingin ako sa kanya nang makitang wala atang balak pumasok ngayon, dahil nakaboxer lang siyang palakad lakad dito sa penthouse.

“Hey, let’s eat.”sabi niya. Suplada naman akong naglakad papalapit sa kanya, hindi ko kinakain ang inilalahad niya sa aking pagkain, pinagtitiyagaan ang dog food na nandito sa tapat ko.

“Aba, attitude ka pa rin hanggang ngayon.”turan niya ngunit hindi ko pa rin siya pinansin.

Lolo mo, attitude.

Hindi niya pa rin inaalis ang pagkakalahad ng kamay niya, hinihintay na kainin ko ‘yon. Paki ko sayo.

“Ikaw pa ‘tong galit, ikaw na nga ang may kasalanan.”sermon niya ngunit suplada ko siyang iniwanan na nanenermon. Bakit hindi mo sermonan ang baliw na si Pia?

“Aba, aba, tinatalikuran mo na ako ngayon, ha?”tanong niya, nababakasan ko ba ang pagkamangha sa kanyang tinig ngunit hindi ko na ‘yon pinansin pa at bumalik sa sala para manood ng tv.

Maya-maya ay sumunod nanaman ito sa akin.

“Aba, Heaven, napakakalat mo nanaman.”sabi niya na humarang pa sa tapat ng tv. Kung normal na araw lang ‘to at hindi ako naiirita sa kanya. Tatahulan ko lang siya ng tatahulan at tatawanan niya lang ako.

Saka kung normal na araw ito, makokonsensiya ako na marami akong kalat ngunit paki ko sa kanya?

Hindi ako tumahol o ano pa man. Lumipat na lang ako ng pwesto para makapanood pa rin. Para namang gago itong mas lalo pang humarang sa tapat ko. Papansin ang pucha.

Sinubukan ko na lang humiga at matulog na lang para pakalmahin ang sarili dahil sa nakakainis na si Lyle. Narinig ko pa ang mahinang pagtawa nito.

Pagkatapos niya akong sigaw-sigawan kahapon, tatawanan niya lang ako ngayon? Mas lalong hindi ko siya pinansin.

Nang matapos siyang magligpit dito sa sala ay pumwesto naman ako sa sofa para doon mahiga. Ang sarap na ng panonood at paghiga ko nang bigla niya akong tabihan.

Hindi naman sana ako magrereact doon at mananatili lang sa pwesto ko kaya lang ay nilingon niya ako.

“Hindi mo pa rin ako papansinin, ha?”tanong niya sa akin.

“Hindi ka ba magsosorry ngayon?”tanong pa nito at tinignan ako nang nakataas ang kilay. Kung nakakairap lang ako, kanina pa ako umirap sa kanya. Hindi ko siya pinansin.

Aba, bakit ako magsosorry? Narinig ko nanaman ang mahinang pagtawa nito kaya sinamaan ko siya ng tingin.

“Sungit naman.”natatawa niyang saad.

“Ako pa ba dapat ‘tong magsosorry sayo, ha?”tanong niya na pinagtaasan ako ng kilay. Sinubukan niya pang tusukin ang tagiliran ko para pansinin ko na siya ng tuluyan ngunit mas nagalit lang ako sa kanya.

Sa sobrang iritasiyon ay umalis na lang ako sa sala at tumungo sa guest room kung saan ang kwarto ko kaya lang ay nakalock ito. Napatingin naman ako kay Lyle na natawa sa itsura ko ngunit pinanatili pa rin ang kanyang tingin sa tv. Napairap na lang ako sa aking isipan at sinubukang mahiga dito.

Dapat ngayon siya nagtrabaho, ngayong ayaw ko siyang makita saka naman siya nakatambay dito sa bahay niya.

Saka bakit hindi niya dalawin ang baliw na Pia na ‘yon? Baka nasa hospital pa rin sa sobrang lalim ng pagkakakalmot niya sa kanyang sarili. Handang handa atang sirain ang mukha para lang mukha si Lyle. Napailing na lang ako ngayong naalala ko siya.

Tumagal lang kaming dalawa na hindi pa rin nagpapansinan, umabot ‘yon hanggang sa maghapon na. Napatingin lang ako sa kanya nang lumabas siya ng penthouse dala dala ang susi niya. Mukhang nagsawa na rin sa pananatili dito. Ni hindi man lang nagpaalam sa akin, hindi katulad ng madalas niyang gawin noon.

Sa hindi ko naman malamang dahilan, bigla na lang akong nalungkot. Wala pa ata itong limang minuto sa labas ng bumalik siya.

“Fuck..”bulong niya sa sarili na rinig na rinig ko naman.

“Sorry na.”sabi niya pa na nilapitan ako. Hindi ko pa rin siya pinansin. Napangisi naman ako sa aking isapan. Magsosorry din pala. Pinatagal tagal pa.

“Aba, suplada pa rin.”bulong bulong niya ngunit halatang pinaparinig sa akin.

“Lalabas muna ako, bibilhan kitang pagkain.”sabi niya at nginitian ako. Alam na alam talaga kung anong kahinaan ng katawang aso ko. Nanatili lang naman ako sa pwesto ko. Pinagod niya lang ang kanyang sarili.

Napahiga na lang ako sa sofa at hinayaan siyang umalis. Kung normal na araw lang ‘to, tatakbo at susunod ako ngayon sa kanya.

Nang makarating siya ay may dala dala na nga itong pagkain para ngayong hapon. Tinawag niya ako kaya kumuha lang ako ng isa at tahimik na kumain. Hinayaan ko siyang mang-inggit diyan habang tahimik lang akong nakaupo dito.

Maya-maya ay lumapit nanaman ito. Tatayo na sana ako nang agad niya akong nakuha.

“Hindi pa rin ba tayo bati, ha?”tanong niya sa akin na pinanliliitan ako ng mga mata. Parang gago na hindi nagalit sa akin kahapon.

“Sorry na kung iniwan kita sa bahay nina Pia.”sabi niya at napanguso pa.

“Bakit ka ba kasi umalis do’n, ha? Babalikan naman kita e.”sabi pa ulit niya na sinusubukang guluhin ang balahibo ko ngunit agad ko siyang ingalin. Mas lalo pa akong nainis nang sabihin nanaman nitong umalis ako, tinaboy ako, hoy.

Hanggang sa maggabi ay hindi ko pa rin siya pinapansin kahit na anong suyo niya.

“Hindi pa rin kayo bati ni Sir, Heaven?”tanong ni Zen sa akin konabukasan habang kinukuha ang ilang gamit ni Lyle dito.

“Let’s go.”sabi ni Lyle. May business trip ito overseas at baka katulad dati ay iwan niya na lang ako kina Michael.

Mas ayos naman ‘yon kung gayon, baka kapag tapos nito’y mapapakalma ko na rin ang sarili at makikipag-ayos na ako sa kanya.

Sumakay naman na kami sa kotse niya habang si Manong ang nagmamaneho. Katabi ko siya ngayon sa backseat habang si Zen ay nasa passenger seat.

Akala ko’y ibaba na nila ako sa pet house nang madaanan namin ‘yon ngunit laking pagtataka ko nang dire-diretso lang kami. Napatingin naman ako kay Lyle na busy habanh may binabasang papeles sa tabi. Agad naman akong napatahol kaya napatingin siya sa akin at agad akong pinagtaasan ng kilay.

“Why?”tanong niya na binaling na sa akin ang atensiyon.

“You’ll come with me.”simpleng saaad niya na binalik sa mga papeles ang tingin. Napatahimik naman ako dahil dito. Hinayaan na lang siya sa ginagawa.

Nang makarating kami sa airport, iginiya na agad kami ng mga staff patungo sa private jet.

Bago niya pa ako itabi sa kanya, agad na akong sumunod kay Zen at kumandong pa dito. Napatingin naman sa akin si Lyle at pinanliitan niya ako ng mga mata bago irapan. Kusa na lang din akong napairap dahil dito.

Nang umandar ang private jet, agad akong tumungo sa tapat ng bintana. Ngayon lang ulit ako makakasakay sa eroplano pagkatapos ng ilang buwan, I mean ilang taon.

Napasilip ako sa bintana at hindi ko naman inaasahang matatakot ako kaya agad akong napaatras dahil dito. Narinig ko naman ang pagtawa ni Lyle ngunit nang tignan ko siya ng masama, pinanatili niya ang tingin sa papel ngunit hindi nawawala ang ngisi. Sinamaan ko siya nang tingin habang nasa kanya pa rin ang mga mata.

Nang tignan niya ako ay agad ako nitong pinagtaasan ng kilay nang makitang nakatingin ako sa kanya. Natawa pa siya maya-maya dahil dito.

Hindi ko na lang siya pinansin tutal ay mukhang busy’ng busy naman siya sa pagbabasa sa papeles niya.

Dinalhan naman na rin kami ng pagkain. Sabay pa silang naglahad sa akin ni Zen, hindi ko pinansin ang kanya at tumabi pa ako kay Zen habang nakangiti.

“Wow, good girl.”natatawang saad ni Zen na ginulo gulo pa ang balahibo ko habang nakangiti. Tuwang tuwa ito habang nakatingin sa akin.

“What do you want pa? This? Hmm?”tanong pa ni Zen at nagturo. Masigla naman akong tumahol sa kanya. Sabay kaming napatingin nang tumikhim si Lyle ngunit hindi namin siya pinansin parehas.

“Aba..”rinig kong bulong nito at nang lingunin ko siya ay nakanguso lang siya sa isang tabi at ang talim ng tingin sa aming dalawa ni Zen.

Nagpatuloy na lang kami ni Zen sa pagkain na hindi siya pinapansin. Nginiwian niya lang kami bago nagpatuloy sa ginagawa.

Parehas kaming walang magawa ni Zen kaya binabrush na lang nito ang buhok ko. Napatahol naman ako nang matamaan niya ang sugat dahil sa ginagawa.

“Dahan dahan, Zen.”sabi ni Lyle sa kanya.

“Saan kaya niya nakuha ang sugat, Sir? Sa tingin mo?”tanong ni Zen kay Lyle.

Napatingin naman si Lyle sa akin at tinignan akong mabuti. Hindi siya nagsalita.

“And do you think na siya talaga ang kumalmot kay Pia, Sir? Parang hindi naman kayang gawin ‘yon ni Heaven.”sabi pa ni Zen.

Nakatitig lang naman sa akin si Lyle, hindi pa rin magawang magsalita. Binalik ko rin naman sa kanya ang kanyang tingin.

How can’t you trust me, ha? Bakit kay Pia parang ang dali dali mo lang ‘yon naibigay? Bakit hindi niya ako mapagkatiwalaan kung gayong halos lahat ng nasa paligid niya ay naniniwala sa akin? Bakit siya pa?