Chapter 34
Celeste’s POV
“What did you do, Heaven?!”parang kulog ang boses ni Lyle na tanong sa akin nang mapagtanto ang nangyari.
“This is too much! You’re too much!”malakas na sigaw niya pa ulit habang nakatingin sa akin. Galit na galit ito.
“She’s bleeding! Fuck!”natataranta niyang saad. Kitang kita ko pa ang panginginig mula sa mga kamay nito habang nilalapitan si Pia.
Napatingin naman ako sa mga katulong ni Pia, naghihintay na may umamin sa kanila ngunit lahat sila’y nakayuko lang.
“She hurted me, she’s really bad.
!”sabi ni Pia habang nakatingin sa akin. Nakita ko pa ang nakakatakot nitong ngisi.
Napatingin pa ako sa buong paligid. Kalat kalat ang mga gamit dahil sa pagwawala nito.
Tinignan ako ng masama ni Lyle na para bang paniwalang paniwala siya sa bintang ni Pia sa akin.
“Let’s go to the hospital.”hindi mapakaling saad ni Lyle. Hindi ko alam kung nag-aalala ba siya dito o ano.
Pinakiramdaman ko naman ang aking sarili, ramdam ko ang kirot ng puso dahil sa pangyayari.
Akala mo naman ay hindi nakakapaglakad si Pia dahil nagpabuhat pa ang puta kay Lyle. Nakatingin lang naman ako sa kanila habang paalis ang mga ito. Pakiramdam ko ay inabando ako ng sarili kong amo at inabando ng boyfriend ko. Hindi ko alam kung bilang si Celes ba o bilang si Heaven, basta ang alam ko, masakit pa lang panoorin si Lyle na naglalakad palayo sa akin.
Napangiti na lang ako ng mapait sa aking isipan. Rinig ko ang pag-alis nila mula sa bahay ni Pia. Ni hindi man lang ako sinubukang tignan nito.
Napatingin naman ako dito sa nakakatandang katulong nang sumigaw siya na parang reyna sa loob.
“Palayasin niyo na ‘yang asong ‘yan! Hindi gugustuhin ni Ma’am Pia na makita pa ‘yan dito sa bahay.”sabi niya na tinuro ako. Si Frankie naman ay takot na takot din sa may gilid dahil sa nasaksihan.
Napatingin naman sa akin ang mga katulong nina Pia. Nakayuko ang mga ito nang mapatingin sa akin. Alam kong labag sa kanilang mga kalooban na hilain ako pabalas.
“Umalis ka na bago ka pa saktan ng mga mangkukulam na ‘yon.”bulong ng isang babaeng katulong nila.
“Go! Huwag ka ng babalik dito at baka hindi lang ‘yan ang gawin nila sayo.”sabi nito na tinulak pa ako ngunit marahan lang ‘yon. Mukhang natatakot lang talaga sa mga tao sa loob ng bahay nila.
“Baliw talaga ang mag-inang ‘yon, alis na, umuwi ka sa bahay niyo.”sabi pa nito na pilit akong tinutulak, palihim niya muna akong binigyan ng makakakain.
Napaisip naman ako sa sinabi nitong mag-ina, sinong mag-ina? ‘Yong ‘Manang’ na tinatawag ni Pia at siya?
Hindi na sana ako aalis dito at iniisip na babalikan ako ni Lyle kahit na pa iniwan niya ako para lang kay Pia ngunit nang lumabas ang pinagmanahan ng bruhilda. Binato pa ako nito ng bato para lang paalisin sa tapat. Ngayon, sigurado na ako kung saan ba talaga siya nagmana.
Naglakad ako paalis, I was really scared that someone will take me, pilit kong inaalala ang daan patungo sa bahay ni Lyle ngunit dahil sa matatapang na aso ay napapatakbo ako at nagkandaligaw ligaw.
Sa totoo lang, nakakatakot, sobrang nakakatakot na baka habang naglalakad ako, may biglang humampas sa akin kahit wala naman akong ginagawang masama. Those are humans, malakas mantrip para lang sa ikatutuwa nila.
Agad akong napatago nang may makitang mga lalaking may hawak na baseball bat. Pinaghahampas pa nila ‘yon sa pader kaya gulat na gulat ako at pinipigilan ang sariling mapatahol.
Nagpatuloy pa ulit akong maglakad. Inisip ng mabuti kung saan ako dumaan kanina at kung paano ako makakabalik sa bahay ni Lyle.
Bago pa ako tuluyang makaalis sa eskinita, napatingin ako sa mga lalaking nag-iinuman. Napatakbo ako sa takot na gawing pulutan ng mga ito.
Parang gusto ko na lang umiyak at matulog sa kalsada dahil maggagabi na at hindi ko pa alam kung ano ang gagawin ko.
Nang tuluyan nang makaalis doon ay rinig ko naman na ang malalakas na busina mula sa paligid. Napangiti ako nang makitang wala na ako doon. Hindi ko naman namalayang nakatulog na rin pala ako sa kalsada sa sobrang pagod sa pagtakbo sa kung saan saan kanina pa.
Malayo pa ang bahay ni Lyle dito, kabisado ko na ang daan, madali na lang akong makakabalik. Matutulog na lang muna sandali.
Nagising naman ako sa isang hindi pamilyar na lugar ngunit may maayos din naman na tahanan.
Naamoy ko na agad ang mapanghing ihi ng aso, hindi naman ako napapaihi kapag tulog kaya imposibleng ako ‘yon.
“Hey, Good morning, Frosty.”nakangiti nitong bati sa akin. Frosty? Who’s that?
Tinignan ko naman ang lalaking bumati sa akin. Ito ‘yong lalaki noong unang araw ko sa pet house ni Michael. Siya ‘yong mag-aadopt dapat sa akin.
Huwag mong sabihing dinognap niya ako? Aba, nagbayad si Lyle ng limang milyon dito no!
“Iniwan ka ba ng amo mo? Limang milyon ka pa niyang binayaran sa akin.”sabi niya na tila tandang tanda pa ako.
“Here, you should eat, mukha kang gutom na gutom.”sabi niya at nginitian ako habang inaabot ang dog food. Kinain ko na lang dahil saka ko lang naramdaman ang gutom ko.
“I’ll bring you at the pet house kung sakaling hinahanap ka ng amo mo isasauli kita, pero kung hindi aampunin na kita, okay ba ‘yon?”tanong niya at ngumiti. Mukha namang kontento na siya sa limang milyon niya at wala ng iniisip na masama pang gawin.
May mga tao pa rin naman pa lang marunong makuntento. Napatahol na lang ako sa kanya.
“Sayang ang cute mo pa naman, pwede ka kay Spam.”natatawa niyang sambit ngunit agad ko siyang inangilan sa takot na ipabreed niya ako dito.
“Just wait here, I’ll get ready.”sabi niya sa akin at ngumiti pa.
Tahimik lang naman ako na nakahiga dito sa mini bed niya na para ata talaga sa mga aso. Agad naman akong nagulat nang mapatingin sa gilid ko. May mga aso rin pala dito at nakatingin sila sa akin. Sa takot ay agad akong napaiwas ng tingin.
Napakunot naman ako ng noo nang makarinig ng malakas na katok mula sa labas. Napatayo naman ako sa pagkakahiga ko nang makaamoy ng pamilyar na amoy. Agad akong lumabas sa kwarto na tinutulugan ko.
Maganda rin ang bahay na ito, mukhang mayroon din namang kaya ang may-ari. Well, baka ginamit na ang limang milyon. Napakibit na lang ako ng balikat at tumapat sa pintuan.
Napalabas din itong lalaki sa kanyang kwarto habang nagt-tshirt, sa sobrang lakas ba naman kasi ng pagkatok parang magigiba niya na ang pintuan.
Napatingin naman kami nang masira na nga ng tuluyan ang pintuan.
“What the heck, Dude?”galit na tanong nitong lalaki dahil sirang sira ang pinto.
“Heaven!”malakas na sigaw ni Lyle na siya pa lang nanira nito. Mabilis niya akong niyakap. Para naman akong maiiyak sa sobrang tuwa na nandito siya ngayon ngunit agad kong naalala na siya rin nga pala ang may kasalanan kung bakit ko dinanas ang mga dinananas ko ngayong araw. Aba, nagtatampo ako sa kanya.
“Heaven, fuck I thought I’ll lose you.”sabi nito na sobrang higpit ng pagkakayakap.
Nang matapos siya sa pagyakap sa akin ay agad siyang tumayo para kwelyuhan ang lalaki.
“Gago ka! You kidnapped my dog!”galit na sambit ni Lyle na agad sinapak ang lalaki. Agad naman akong humarang kay Lyle nang makitang sasapak pa ulit ito, parang hindi pa nakuntento sa suntok niya.
Napatingin naman sa akin si Lyle nang humarang ako sa kanya. Nagtataka naman ako nitong tinignan ngunit susubukan pa ulit na sumapak.
“Presley, I think he had his reason.”sabi ni Michael kay Lyle.
“Fuck you, Bro, I didn’t kidnap your dog. I saw her sleeping in the street.”sabi ng lalaki.
“Dinala ko sa pet house pero wala ng tao doon, what do you expect me to do? Iwan ko sa kalsada katulad ng ginawa mo?”inis na sambit ng lalaki. Natahimik naman si Lyle habang nakatingin sa akin.
“I’m sorry, Heaven.”sabi ni Lyle na binuhat na ako para iuwi.
“Thanks about that, I’m sorry about the mess that I did.”sabi ni Lyle dito.
“Sobrang mess nga, Pre, grabe, winasak mo ba naman pintuan ko.”sabi ng lalaki kay Lyle at napailing pa sa kanya.
“We’ll get going now, just tell me about the price.”sabi ni Lyle.
“Hindi na, may milyon pa naman ako.”natatawang saad ng lalaki at napailing pa kay Lyle.
“Alis na kami.”paalam pa ni Lyle.
“Salamat ulit.”ulit pa nitong si Lyle. Tumango lang ang lalaki sa kanya.
“Wait lang pala, Pre, kung may oras ka bisita ka sa dog shop ko.”pahabol pa nito at nagbigay ng card.
“Nagtitinda kami ng mga damit at mga iba pang kailangan ng mga aso.”sabi nito. Aba, nagnegosiyo pa ang lolo mo. Mabait naman ‘to kaya palagpasin na natin ‘yon.
“Yeah, sure. Just tell me if you need something, thanks for taking good care of my Heaven, una na kami.”sabi ni Lyle sa kanya. Ngumiti naman ito at tumango.
“Gago ka, Presley, kung gugustuhin ni Mr. Port, ang dami mo ng kaso ngayon.”sabi ni Michael sa kanya.
“And about you, Little grumpy, bakit ka naman tumakas sa bahay nina Ms. Ramirez, ha? Natakot ka ba sa ginawa mo?”natatawa nitong tanong.
Hindi ko naman siya ingalin sa pang-aasar nito dahil napaisip ako sa sinabi niya. So, ano? Pinalabas nila na tumakas ako sa bahay? At naniwala naman ang mga ito?
Mas lalo naman akong nagtampo kay Lyle, alam kong alaga niya lang ako pero ang bilis niya naman atang magtiwala kay Pia. Kahit paano naman ay marami na rin kaming pinagsamahan at kilala niya na rin naman ako kahit paano.
Hindi naman ako mananakit na aabot sa puntong ‘yon. Saka tumakas? Haler? Ang dami dami nilang katulong doon at ang higpit pa ng security nila sa bahay.
Well, sino nga bang maniniwala sa side ko kung hindi ko naman alam kung paano ako magpapaliwanag at kung paano ko sasabihin ang totoo.
“Sige na, Pres, una na ‘ko sa pet house, pahinga na kayo parehas.”sabi ni Michael sa amin.
Sumakay naman na siya sa kotse niya, ganoon din naman kami ni Lyle. Parehas naman kaming walang kibong dalawa. Aba, kung galit siya, mas galit ako, hindi naman ako ang may kasalanan, ha?
Tahimik lang ako habang nasa passenger seat, ganoon din naman siya habang nagmamaneho. Mukhang may malalim na iniisip. Napairap na lang ako sa aking isipan, kung iniisip niya pala si Pia, hindi na sana siya nag-abalang hanapin ako.
Maya-maya ay nakarating kami sa may penthouse, wala naman siyang kasalita salita na dinala ako sa cr para paliguan. Hindi naman ako nagreklamo o ano. Hindi rin katulad ng dati na kumakawag kawag pa ang buntot kapag naliligo.
Para kaming may Lq’ng dalawa kahit na POQ lang naman ang mayroon. Seryosong seryoso ang mukha niya samantalang ganoon na ganoon din naman ang mukha ko. Hindi ako mukhang nakokonsensiya dahil wala naman akong dapat na ikaguilty sa nangyari.
Kung may dapat na maguilty ay sila ‘yon, ang dami ko ring pinagdaanan kahapon dahil sa kanila.
Ni hindi ko iniling iling ang ulo para madaling maalis ang tubig sa katawan. Hinayaan ko lang siya na punasan ako. Tinignan niya naman ako sa mga mata. Suplada naman akong nag-iwas ng tingin sa kanya.
Ramdam ko pa rin ang titig niya habang pinupunasan ako ngunit hindi ko hinayaan ang sarili na ibalik ang tingin dito. Kahit na aso na ako ngayon, maninindigan pa rin ako sa alam kong tama at tama ako ngayon.
“You know how to make the table turn now, ha? Ikaw na ang galit?”tanong niya sa akin at pinagtaasan pa ako ng kilay. Hindi ko pinansin ang sinabi nito.
Aba, kapag ako naman ang may kasalanan, nakokonsensiya ako at kung ano anong ginagawa ko para lang humingi ng tawad sa kanya. Ngayon, alam kong hindi ko kasalanan kaya manigas siya diyan. Magsama sila ng siraulong si Pia.