CHAPTER 8

YOU'RE a fool, Dax! Five hundred thousand for a damned virginity na isinuko naman sa'yo nang kusa! Hindi mo man lang muna ako kinonsulta bago mo ibinigay ang pera mo! If I am to be your wife, Dax.. may karapatan na rin akong magdesisyon sa pera mo!" Galit na galit ang mapapangasawa ni Dax na si Almira Vergara.

Katulad ni Dax ay middle class ang pamilya nila. Parehong may negosyo ang kanilang mga magulang pero wala pa sa top 1000 corporations ang mga ito. Kaya nga para kay Almira ay hindi madaling magpakawala ng kalahating milyong piso. Lalo na kung hindi negosyo ang pinuntahan kundi isang kabataang babae daw na taga-karaoke bar. Hindi naman natitinag si Dax sa pagtataray ng mapapangasawa.

"Hindi ko inilihim sa iyo ito dahil ayokong wala kang hindi alam. But it doesn't mean na payag akong kuwestiyunin mo ang naging desisyon ko. You can have your own Opinion, Pero huwag mo iyang ipilit sa akin, Almira."

Tumaas ang kilay ni Almira at tinitigan si Dax.

"Masyado bang masarap ang babaing iyon at worth it bayaran ng limang daang libong piso?"

"Hindi iyon bayad sa kanyang katawan. That amount was meant to stop her from getting ruined. Nasimulan ko ang pagdumi sa kanya kung hindi ako gagawa ng paraan, tuluy-tuloy na iyon. Madadagdagan ang mga GRO na nagbebenta ng aliw. Paano ako magiging tahimik as your husband kung alam ko ilang gabi bago tayo ikinasal ay may kaluluwa akong naitulak sa impiyerno? Alam kong matagal kitain ang kalahating milyon. Equivalent din 'yon ng ibang transaksiyon sa aking maliit na Export business. But it doesn't matter. I just want a clean slate. Gusto kong magsimula ng buhay na may asawa na walang kargo sa konsensiya. I want to blame my friends dahil pakana nila iyon. Pero hahaba lamang ang kuwento, e. Ang inaasahan ko, maiintindihan mo. It's just a money. Maaari mo rin naman sigurong ipalagay iyon na pagtulong sa Isang taong madilim ang kinaroroonan."

Nagwawala pa rin si Almira.

“Dalawang taon tayong mag-on pero ngayon ko lang natuklasan na hindi ka pala marunong magdesisyon pagdating sa pera. lyang ginawa mong 'yan ay maaaring maulit sa iba namang paraan. Paano ako makatitiyak na maganda ang kinabukasan ko sa piling mo kung ganyan ka kautu-uto? Hindi naman siguro magpaparegalo sa iyo ang babaing 'yon kung hindi ka niya natipuhan!"

Dumilim ang anyo ni Dax.

"Hindi ako sanay mainsulto. Hindi ako sanay na sinisigawan. At lalong hindi ako sanay na minamaliit ang pagkatao ko. Hindi ko kasalanan kung ngayon mo lang natuklasan na madali akong magbitiw ng pera para sa mga dahilan at katwiran na pinaniniwalaan ko. Wala akong magagawa kung magkaiba tayo ng prinsipyo, Almira. Mabuti na nga sigurong habang hindi pa tayo kasal nakilala na natin nang husto ang isa't isa.

Nasaling ang pride ng babae.

"Hinahamon mo ba ako? Ano ang gusto mo, huwag nang ituloy ang kasal?"

"Ang alam ko, three hundred invitations lang naman ang naipadala natin. Hindi naman siguro mahirap abisuhan ang tatlong daan na iyan para sa panibago nating desisyon."

"You got it, Dax! Hindi ako magmamakaawa sa iyo! Pero ang sasabihin kong dahilan ng pag-urong ko sa pagpapakasal sa iyo ay ang natuklasan kong immaturity mo: Or shall I call it a psychologicial incapacity?" umiiyak sa poot ang babae, nanunuya.

Nagkibit-balikat naman si Dax.

"It won't bother me at all. Kahit pa ano ang sabihin mong dahilan. Kahit pa ako ang idiin mo."

"Susunugin ko ang trahe de boda na binayaran mo ng dalawang daang libong piso!" banta ni Almira.

"Ikaw naman ang ganda-ganda mo sa gown na 'yon. Come to think of it, halos kalahati na iyon sa ibinayad ko sa dangal ng babaeng iniregalo sa akin. Ano ba ang halaga ng isang tela kung ikukumpara sa pagkatao ng isang kabaro mo. But you cannot see it my way, right? Dahil para sa'yo, ang kapritso ng isang may pera ay hindi dapat panghinayangan."

Nagtaas ng noo ang babae.

"Dapat ay nakinig ako sa mga bumulung-bulong sa akin noon tungkol sa iyo, Dax. Pati nga ang ilan sa mga kamag-anak mo ay hindi ka maiintindihan. Eccentric ka raw. Iba ka talaga. Katulad na lamang ng pagkahilig mo sa mumurahing karaoke bar! Marami namang class diyan na club! Tingnan mo ang nangyari, nagkasira tayo dahil sa isang mumurahing babae!"

"What's the difference between a cheap karaoker bar and classy club? Parehong may mga babae ro'n na nakasadlak pero hindi nila gusto. Ang kaibahan lamang siguro, mabango at malinis ang comfort rooms doon sa mga classy clubs." Bahagyang ngumiti si Dax pero nasa mga mata nito ang katotohanan ng mga sinabi.

"Oh, yes! Your humor also stinks! Hindi nakakatawa ang sinabi mo, damn it, Dax!"

"The problem with you, Almira! Hindi mo alam kung kailan ako nagpapatawa. Maaaring isa 'yang dahilan para nga hindi dapat matuloy ang kasal natin. You hardly know me."