Chapter 20
Lance Damian' Pov
"Hannah, ako 'to si Lance . Ung bestfriend mo . Remember" pagpapaalala ko sa kanya habang dahan dahan ko syang nilalapitan pero patuloy parin sya sa kanyang pag-urong . Kinakaban na ako sa ginagawa nya . Baka mahulog sya , masyadong maliit lang ang rooftop at may posibilidad na mahulog sya .
"Lance ? Wala akong kilalang Lance ? Wala akong bestfriend ! Layuan mo ako. Wag kang lalapit sakin" halos isigaw na nya ang mga salita 'yon .
Hindi ko alam pero nung narinig ko mula sa mga labi nya ang mga salitang 'yon parang unti unti ng nababasak itong tipak ng yelong nakaharang sa puso ko at unti unti nga nawawasak itong puso ko .
Hindi na nya ako kilala. It's such that I don't exist anymore in her world .
"Be my boyfriend." Bigla kong naalala ung sinabi nya . Ang aliwalas ng mukha nya non . Parang wala syang problema , nakangiti nya pero ngayon nagbago na ang lahat .
Hindi na sya ang dating Hannah Mikaella Gonzales na kaibigan kong minahal ko ng higit pa sa kaibigan .
Masyado akong tanga para pabayaan ang sarili kong kainin ng galit para hindi ko mapansin ang pag-ibig na noon ay yumayakap sakin .
"Hannah ..." napabitaw ako sa alaala ng bigla kong nakitang nakakapit na si Hannah sa may raillings. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap na sya ng mahigpit .
Nagsimula na ring bumagsak ang mga luha ko habang yakap yakap ko sya pero hindi sya nanatiling tahimik dahil nagpupumiglas sya .
"Bitiwan mo ako. Ayoko sayo . Baka rape-in mo ako . Bitiwan mo ako" and there she goes . She kept on repeating those words that even made me cry alot more . I know this is my fault . This is all my fault .
"K-kuya , maaawa ka na sakin . Maaawa ka naman sa mga magulang ko . " napalingon ako sa kanya ng naramdaman kong nanginginig na sya sa takot kaya dahan dahan ko syang binitawan .
Nung binitawan ko sya ay nakita kong umiiyak sya . Sinubukan kong lapitan sya pero kagaya kanina ay layo lang sya ng layo sakin pero this time binabato na nya ako ng mga bagay na nakakapitan ng kamay nya .
Kaya naglabas na lang ako ng isang buntong hininga at umupo na lang sa bench na malayo sa kanya at tahimik ko na lang syang pinanuod dito habang tahimik lang syang nakatulala sa kawalan .
"Hannah, Clare ngayong nakagraduate na tayo , saan tayo magka-college?" Tanong ko sa kanila . Masaya ako at naka-graduate na kami .
"Hindi ko alam . Pero kung makakapasa ako sa scholar. I'll go with Crown Academy" nakangiting tugon ni Clare. Napalingon naman ako kay Hannah na hindi makatingin sakin ng diretso .
"Ikaw , Hannah?" Tanong ko sa kanya pero nakita ko lang syang nagblush .
"Ha ? Ano?"
"Sabi ng boyfriend mo , saan ka daw magka-college?" Pang-aasar pa ni Clare dahilan para mapahiyan si Hannah . Peeo dahil nga sa mang-aasar ako sumali na rin ako .
"Oo nga babe , saan ka magkaka-college" pang-aasar ko at pagkatapos ay tumawa .
"Nakakainis kayo . " at pagkatapos ay nagwalk out na sya dahilan para magtawanan kami ni Clare .
"Seryoso . Puntahan mo na sya"
"Mama, miss na miss na kita" nakita ko syang umiiyak na naman . Kaya kinuha ko ng phone ko at tinawagan si Jether.
Nakilala ko sya sa laguna , dun sa may resort namin .
Jonelle's Pov
Maya maya pa ay dumating na si Jether kasama ang girlfriend na si Alissa. Agad naman pinuntahan ni Alissa si Hannah pero basta na lang 'tong umiyak .
"Alissa, there is someone who wants to rape me" at humihikbi pa nitong pagsusumbong . Naluluha lang syang tiningnan ni Alissa at pagkatapos ay niyakap ng mahigpit .
"Shh . Tapos na 'yon . Wala ng magbabalik ng ganun"
Nakinig naman si Hannah sa sinabi ni Alissa kaya hindi na sya nahirapan pang isakay ito sa kotse. Pinasama na rin ni Lance sina Alissa para hindi na naman magwala si Hannah .
Pagdating nila sa psychiatrist ay sandaling kinausap ni Lance ung sa may desk at pagkatapos ay pinapasok na si Hannah dun sa isang kwarto kung saan nandun yung psychiatrist . Nung una ay nagpupumiglas si Hannah pero kalaunan ay pumayag din sya .
ILANG mga araw ang lumipas at lagi ng dinadala ni Lance sa psychiarist si Hannah . Sinabi na rin nya sa mga magulang ng dalaga ang ginawa nya at lubos namang natuwa ang mga ito dahil sa ginawa ng binata .
Sinabi pa nilang hindi nila kaya ang gastos kung ipapagamot pa si Hannah kaya kung walang pera ay pababayaan na lang nila si Hannah kahit mahirap para sa kanila .
Sinabi na rin ng psychiatrist na kaya after 1 week lumabas ang results ng traumatic experience nya ay sa kadahilang inaabsorb pa ng utak nya ang mga pangyayari kaya nung pumasok sya ng school after 1 week ay syang naglabasan ang mga takot at kaba nya na baka maulit ung nangyari sa kanya .
Lance Damian's Pov
"Hannah ..." bigkas ko sa pangalan nya . Nung oras na maitungtong ko ang mga paa ko sa loob ng bahay nila . Nakita ko ang mga nakangiting mukha ng mga magulang nya dahilan para mapangiti rin ako .
"Lance .." narinig kong bigkas nya sa pangalan ko . Nakita kong nakangiti sya at nakatingin sya sa direksyon ko .
Unti unti kong hinakbang ang mga paa ko papalapit sa kanya habang suot suot saking mukha ang mga ngiting nagpapahiwatig na sobra kong sayang makita sya .
"Hannah .." bigkas ko sa pangalan nya nung katapat ko na sya . Tiningnan ko sya sa mga mata nya at nanghingi ng permiso kung pwede ko ba syang kayakapin .
Sabi kasi ng psychiatrist, huwag daw syang bibiglain dahil baka magwala at matakot .
Nakita ko naman sa mga mata nya na pumayag sya kaya niyakap ko sya ng mahigpit at hindi ko na namalayan na isa isa na palang bumabagsak 'tong mga luha ko .
"Hannah , alam ko huli na ako para aminin sayo ang totoo pero kahit ganun gusto ko parin sabihin sayo ang laman nitong puso ko . Hannah Mikaella Gonzales , mahal na mahal kita at pangako ko sayo . Pangako , pagkagaling mo yayayain agad kitang magpakasal. Mahal na mahal kita" sandali akong bumitaw sa yakap at hinarap ko sya at unti unti kong nilapit ang aking mukha sa kanya . Akala ko lalayo sya pero hindi dahil nilapit din nya ang mukha nya sakin .
Ginamit ko na ang pagkakataong 'to para halikan sya . Isang mariing halik . Unti unti kong pinikit ang mga mata ko at gayun din sya .
I'll treasure this moment forever . The love I feel for her . The kiss we shared . This moment .
Oh , how I love this girl . And I promise I'll marry this girl .