Chapter 19

Jonelle's Pov

Hindi matanggap ni Zake ang lahat ng sinabi ng kapatid. Instead na matakot ay tumawa pa sya ng malakas nung nakalabas ng condo nya ang kapatid nya.

Hindi nya inaasahan na early in the morning ay papasukin sya sa condo ng kapatid nya at basta na lang syang gugulpin. Mabuti na lang at wala syang inuwing babae dahil kagabi ay hindi sya naglasing. Tanging nag-ubos lang sya ng gasolina sa paggagala at para na rin makadiscover ng mga bagong bar nagsasawa na rin kasi sya sa mga babae dun.

"Anong ginagawa mo dito ---" hindi pa natatapos ni Zake ang kanyang sinasabi ng bigla na lang syang bugbugin ng kapatid .

Patuloy lang sya sa pagtawa nung maalala nya ang nangyari kanina. Isang kahihiyan kung malalaman ng barkada nya ang nangyari sa kanya kung ikukuwento pa nya ito sa kanila.

Sandali nyang pinunasan ang mga dugo sa may gilid ng labi nya. At natatawa nya pang sabi ...

"Mukhang hindi na sya mahina. Dahil lang sa babaeng 'yon ..." at nagsimula na naman syang tumawa.

Nagpalipas muna sya ng ilang minuto para linisin ang mga sugat sa mukha at sa katawanan nya. Hindi nya inaasahan na ganun na ang galit sa kanya ng kapatid.

At nung nalinis na nya ang mga sugat ay tumawag sya sa airline company para magpabook ng flight. Mahirap na , baka magsampa ng kaso sa kanya si Hannah hindi pa sya makalabas ng bansa.

At nung naconfirm na ang pagpapa-book nya ng flight at nakahinga naman sya ng maluwag dahil bukas na bukas lilipad na sya papuntang paris.

Lance Damian's Pov

Nakarating din ako ng school . Lahat ng mga mata ay nakatingin sakin , marahil nalaman na ng lahat ang nangyari nung tatlong araw na walang pasok. Pero pinagwalang bahala ko na lang ang mga tingin nilang 'yon.

Ang mahalaga sakin ngayon ay makausap ko si Hannah.

Pinuntahan ko sya sa may room nila pero .. ang weird . Bakit nandun sya sa may dulo ? Bakit parang nanginginig sya at yakap yakap lang ang mga tuhod nya habang nakatungo .

Lalapitan ko na sana sya ng bigla akong pigilan ng isa nyang kaklaseng lalaki .

"Bro, hindi ko gagawin yang gagawin mo , if I were you" napakunot naman ako ng noo dun sa sinabi nya .

"Bakit ? Anong meron dito?" Nagtataka kong tanong habang inililipat ang tingin kay Hannah na ngayon ay nananatili paring nanginginig sa may dulo.

"Bro, halos lahat kami dito binato nya ng kung ano na lang mahawakam nya . Maski nga ako tatamaan na , buti na lang nakailag ako. Marahil bunga na rin yan nung panghahalay ng kapatid mo dito kay Hannah. Traumatic experience" saad nya habang nakatingin na kay Hannah .

"Sinong nagpakalat ng balitang 'yan?"

Napangiti pa sya at medyo napakamot ng ulo . "Si Fancy , ung sa school editorial staff . Sabi nila , hindi daw nya napigilan ang bibig kaya nagkwento --" hindi ko na pinatapos ang pagkukwento nya ng basta na lang akong umalis ng room at nagdire-diretsong pumunta sa opisina ng editorial staff .

Basta ko na lang binuksan ang pinto , without knocking . Bakit ba ako kakatok diba , kung sinia na nya ang buhay ni Hannah dahil sa pagiging tsismosa nya .

Nadatnan ko syang nakataas ang kanyang dalawang paa sa may table habang nagbabasa ng isang libro .

Basta ko na lang hinablot sa kamay nya ang libro dahilan para malipat sakin ang atensyon nya .

"Oh, guess you visited me today ?" She has that grin in her face and I hate it to the core.

"What is this?" I said through gritted teeth . Kung hindi lang talaga 'to babae baka kanina pa namamaga at dumudugo ang pagmumukha nito .

"What?" Nagmamaang-maangan pang tugon nito dahilan para mas lalo akong manggigil sa galit .

"O, you know what i mean" matalim ko syang tiningnan . Well, ganun din ang ginawa nya . Parang matagal na syang nakasali sa away at parang sanay na sanay na sya .

"C'mon Lance . I'm not a fortune teller to guess what you're saying" nakangisi nya pang saad .

Napakuyom na ako ng kamao . Pilit kong pinipigilan ang sarili kong saktan sya . Ayokong manakit ng babae pero kung sasagarin nya ako makikita nya ang hinahanap nya .

"You will open your mouth or I'll skin you alive" nangingigil na saad habang hawak hawak ko ng mahigpit ang pulso nya . Napangiwi naman sya sa sakit kaya mas lalo ko pang hinigpitan .

"Okay . Okay . Please, pakawalan mo na ako. Promise , I'll tell you everything as in everything" hindi ako seryoso sa sagot nya dahilan para mas lalo ko pang higpitan ang pagkakakapit sa pulsp nya dahilan para mahina syang mapahiyaw sa sakit .

"Please . Nasasaktan na ako . Please. Let go of me ." Umiiyak na nyang pagmamakaawa kaya wala na akong nagawa kaya basta ko na lang syang pinakawalan .

Para naman syang nakahinga ng maluwag nung pinalaya ko sya at sandali nyang hinilot ang namumulang pulso nya . Halata sa itsura ng pulso nya na masakit ito at alam kong nasasaktan sya .

I don't do this kind of this pero kailangan . For the sake of love .

"For love .." saad nya habang hinihilot parin ang pulso nya .

"What?" Naiinis na naman ako. Pinagtitripan ba ako ng isang 'to ?

"I always loved Zake. I was his girlfriend a year ago pero nakipagbreak sya kaya simula ng araw na 'yon gagawin ko ang lahat para makipagbalikan sya"

"I want to ask you . You do know that Zake is not into serious relationships , right?" Natatawa ko pang saad .

The look in her face. Priceless . I wonder kung bakit ayaw ng makipagbalikan sa kanya ni Zake . This girl loved to assume something that is unrealistic .

"Yeah . Pero , I'll do everything --" hindi ko na sya pinatapos sa pagkukwento nya ng basta na lang akong nagpaalam sa kanyang aalis ako. Akala ko pa naman kanina seryoso na . Yun pala , isa lang sa mga ex ni Zake ang makikita ko rito .

Sobra na syang obsessed sa lalaking 'yon kaya gumagawa ng mga walang kwentang bagay at kung gagawa man ako ng paraan para linisin ang pangalan ni Hannah , ako naman ang madadawit . Seriously ! Why is life so complicated ?

Bumalik na ako sa may room nila Hannah perp ang sani ng mga kaklase nya na umalia daw sya at hindi sinabi kung saan nagpunta .

Kaya bawat sulok ng school ay pinuntahan ko, umaasang nandun sya . Sa may gym, sa may library, computer lab, laboratory , sa 4th floor roons , 3rd floor room , 2nd floor room at sa 1st floor rooms . Lahat ng department pinuntahan ko para lang hanapin sya . May nagalit pa nga saking nga professors dahil hindi ko naman daw department 'yon pero nandun ako . Pinaliwanag ko sa kanila lahat pero hindi nila ako naintindihan kaya nauwi na lang ako sa takbuhan hanggang sa nakarating ako dito sa rooftop .

Kung saan ko sya nakita . Na may luha sa kanyang mga mata .

"Hannah .." tinawag ko sya pero imbis na tumakbo sya papalapit sakin ay nakita ko sa kanyang mga mata ang takot .

"Please . Wag lang lalapit sakin" pagmamakaawa nya habang patuloy lang sa kanyang pag-urong .