Chapter 14
Pumunta na lang ako sa kwarto namin ni Alissa at matutulog na lang ako dun . Tutal hindi naman ako natulog sa byahe dahil masyado akong abala sa pakikinig sa lovers quarrel ng Jelissa. Ung si Jether at Alissa.
Baka pagtapos ng vacation na'to gagawa na ako ng group sa facebook entitled 'Jelissa: A promise of forever' Oh ! Diba may dating hahaha.
Pagkarating ko ng kwarto ay nadatnan ko si Alissa na nagta-type sa laptop nya . Nag 'hi' ako sa kanya pero tinaas nya lang ang kamay nya . Siguro nga ay busy sya , sabagay writer sya at ano namang alam ko sa pagiging writer?
Sila ba ung taga sulat sa board nung elementary? At dahil sa sobrang minahal na nila ang pagsusulat ay wala na silang ginawa kundi magsulat ng napakahabang essay na sa sobrang haba ay tinatamad ng basahin.
Sabagay, iba iba naman ang klase ng tao. Sila mahilig magsulat , meron namang bookworm at wala ng ginawa kundi magbasa ng magbasa at meron namang mga taong kagaya ko. Ayokong magsulat at ayokong magbasa . Haha, Sarap itapon sa ilog pasig nuh !
Habang nakahinga ay napatulala ako sa kisame. Aminin ko man o sa hindi , may takot akong nararamdaman kanina nung sinabi ni Alissa ung tungkol sa discernment ni Jether na baka may mangyari daw saking masama.
Natatakot ako pero kailangan kong magtiwala sa Lord na walang mangyayaring masama sakin dahil ang lahat ng tumatakbo sa Kanya ay hindi mabibingo at hindi mapapahiya.
At marahil ay dahil na rin sa sobrang pag-iisip ay natulog na ako at nung nagising ako ay alas syete na ng gabi.
Agad akong napaupo sa kama . "Grabe. Napasarap ako ng tulog" Nilagay ko ang kamay ko sa may noo ko . Pero pagkatapos din ng ilang segundo ay muli akong pumikit para manalangin at para rin magpasalamat sa Diyos dahil muli akong nagising.
Pagkatapos kong manalangin ay nag-ayos na ako ng sarili. Nagtooth brush. Naghilamos. At nagpalit ng damit at sinuot ko ung swim wear ko.
Simple lang naman ang swim wear ko dahil hindi namn sya malaswa. Sa katunayan, two piece sya tapos nakasuot pa ako ng white see through na kasama nung two piece.
Pagkatapos kong magsuot ng light makeup at ayusin ang buhok ko ay nagpunta na ako dun sa lugar kung nasaan sila.
Halos lahat ng sumasayaw ay tumigil at napatingin sakin. Nakaramdam naman ako ng pagkailang. Ito kasi ang unang beses na tingnan nila ako ng ganyan.
Hindi naman malaswa ang mga tingin nila sakin. Sa katunayan, nakikita ko sa mga mata nilang matutuwa sila dahil nakita nilang maganda ko.
Hindi kasi ako nag-aayos . At sa totoo lang , nabigla rin ako sa sarili ko kanina dahil nag-ayos ako . Well, baka siguro dahil sa gusto ko ng makalimot.
Sabi kasi nila, pag daw ang isang babae ay nabroken hearted ay nagpapaganda daw sila para daw ipamukha dun sa nanakit sa kanilang hindi sila kawalan.
Kaya kahit naiilang ay pinagpatuloy ko lang ang aking paglalakad hanggang sa umupo ako sa pinakamalapit na upuan. Nagpalinga linga ako pero hindi ko makita sila Jether at Alissa, asan naman kaya ang mga yun . Ang sabi nila wag daw lalayo sa kanila pero tingnan mo sila 'tong wala ngayon.
Naglabas na lang ako ng isang buntong hininga at masaya ko na lang pinanuod ang mga tao dun sa dance floor. Sumasayaw na uli sila . Baka siguro ay nabigla lang sila sa presensya ko kanina kaya ganun.
"Hannah, pwede ba kitang maisayaw?" napalingon naman ako dito sa kalapit ko. Teka, tama ba ang narinig ko ? Inaaya ako nitong sumayaw ?
Gusto ko sanang umuoo kaso nakakahiya. Pero pramis , ang cute cute ng isang tao. Kaya sige na , pumayag na ako.
At pagkatapos nya akong maisayaw ay bumalik na ako sa pwesto ko kanina at umorder na lang ako ng isang mango juice, hindi kasi ako mahilig uminom ng liquior.
At hindi ko pa nalalapit ang labi ko dun sa mango juice ay may nang-alok na naman saking sumayaw. Tinanggihan ko sya. Masakit na rin kasi ang paa ko at kailangan ko munang magpahinga , katatapos ko lang sumayaw. Sasayaw na naman, hindi ba baka mas lalo akong pumayat nyan ?
Pagkatapos ng rejection kong 'yon at may mga sumunod pang nag-ayang sumayaw pero kagaya ng nauna sa kanila ay nireject ko rin sila.
Ayoko ng sumayaw. Parang gusto ko munang magpahinga at pagkatapos ay mamaya ay lalangoy na akong parang sirena.
I laughed on that thought on my head when suddenly he offers his hands to me and invited me to dance. Para akong natigilan. Diba ang sabi ko magmo-move on na ako pero bakit nakatingin lang ako sa kanya ngayon ay ganun parin kabilis ang tibok nitong puso ko kagaya nung unang beses ko syang mahalin.
Nagpalipat lipat ang tingin ko sa mukha ni Lance at sa kamay nyang inoofer sakin.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Papayag ba ako ? Kasi kung papayag ako handa na muli akong masaktan at dapat isipin ko ring hindi nya ako mahal. Pero kung tatanggihan ko naman sya ay masasaktan din ako dahil kahit papaano ay mahal ko ang lalaking 'to at hindi kayang masaktan sya.
Okay lang sana kung ako ang masaktan , wag lang sya.
Napalunok na ako. Grabe . Diretso lang syang nakatingin sakin. Tapos nakangiti pa sya. Ung mga ngiting suot suot nya nung sinabi nya saking magkakaroon daw kami ng apat na anak at dito nya ako pakakasalan.
Hindi ko alam sa sarili ko kung maniniwala pa ba ako sa ngiting 'yon pero dahil nga sa mahal ko ang lalaking 'to ay pumayag na ako.
Nilagay ko ang kamay ko dun sa kamay nya at nakita kong mas lumaki ang ngiti nyang 'yon.
Hindi ko alam sa sarili ko kung matutuwa ba ako o masasaktan . Matutuwa dahil ang lalaking matagal ko ng gusto, mahal ay nandito kahawak ko ang kamay at kasayaw ko . Malulungkot dahil isa na namang kapalpakan itong ginawa ko. Alam ko na naman sa sarili kong hindi ako mahal ng isang 'to pinagpipilitan ko pa ang sarili ko sa kanya.
Idagdag mo pa ang mga nanlilisik na mga matang nakatingin sakin na para akong pusa na pinaliligiran ng mga aso at sa isang maling pagkakamali ay malalapa nila ako ng buhay.
Nanatili lang kami sa ganung posisyon hanggang sa maging romantic na ang sumunod na tugtog. Natigilan ako at sandaling pinagmasdan ang mga couple na halos nakayakap na sa isa't isa.
At pagkatapos ay ibinalik ko kay Lance ang aking tingin. Hindi kaya 'to. Isa ng walang kwentang desisyon itong ginawa ko na pumayag na isayaw nya ako at hindi na ako makakapayag na dagdagan ko pa ang koleksyon desisyon kong 'yon.
Umalis ako at iniwan ko sya sa dance floor. Masakit man sakin pero kailangan kong gawin. Masakit man saking iwan ang taong mahal kong magmumukhang kahiya hiya sa gitna ng mga couples sa dancefloor pero kailangan kong magmove on.
Ayoko namang paasahin ang sarili kong magmo-move on ako kahit hindi ko naman ginagawa.
Kaya pagkatapos ko syang iwan na nag-iisa dun sa dance floor ay umupo na lang ako dun sa pwesto ko kanina at hindi ko na namalayan na umiiyak na naman pala ako.