Chapter 16
◀Jonelle's Note :▶
As you can see that ang update ngayong araw. But this update (chapter 15) ay hahabol ngayong araw. Un lang . God bless
Lance Damian's Pov
Parang naging slow motion ang lahat. Ang babaeng inamin sakin na mahal nya daw ako na basta na lang akong iniwan dito sa may dancefloor.
Iniwan nya ako habang ang mga taong nasa dancefloor ay sweet na sumasayaw samantalang ako ay naiwan dito sa may gitna at umaasang muli akong lilingunin ni Hannah at pupuntahan nya ako at makikita ko muli ang mga ngiting 'yon sa kanyang mga labi.
Dahil ang totoo kanina, alam kong napilitan lang syang makipagsayaw sakin. At sa bahagi ng puso ko , nasaktan ako. Minsan hindi ko maipaliwanag sa sarili ko kung bakit dumarating na lang ang oras na natatagpuan ko na lang ang sarili kong napapangiti kapag naaalala ko sya at minsan naman akala ko sya ung kahalikan kong babae pero pagkamulat ko ng mga mata ko , hindi pala sya.
Parang naging mabilis lang sa kanya ang lahat. Ganun na ba kabilis para sa isang taong makalimot ? Ako kasi, may parte ng puso ko na umaasang hindi nya ako malimutan dahil sa parte ng puso kong 'yon ay nasasaktan ito kapag nalaman na lang na tuluyan na pala akong nalimutan ni Hannah.
At maaaring sa napahiya na rin ako dahil sa biglang pag-iwan sakin ni Hannah ay umalis na lang din ako sa dancefloor at naupo na lang . Natahimik lang akong pinagmamasdan sya ng mapansin kong parang pinupunasan nya ang mga luhang patuloy lang sa pagbagsak.
At nung nakita ko syang ginagawa 'yon ay parang may kung ano dito sa puso ko na nasaktan. Alam kong umiiyak sya dahil sakin.
"Lil brother .." sigang saad ni Zake dahilan para malipat sa kanya ang atensyon ko. Inakbayan nya lang ako na parang hindi nya ako sinuntok nung nasa condo nya ako.
"Zake ..." nadiing bigkas ko ng pangalan nya. Sa totoo lang, hindi ko gusto ang kinikilos nya ngayon , para kasing may mali , parang may mangyayaring masama.
"Whoa ! Easy. Galit ka na agad bro ?" inosente nya pang tanong . Pero hindi ko na lang pinansin 'yon at tiningnan ko sya ng matalim.
"Anong balak mo Zake?" madiin kong tanong sa kanya habang hindi ko inaalis ang mga matatalim kong tingin sa kanya.
"Remember what I've said .." biglang sumeryoso ang tono ng pananalita nya. This time, medyo nakaramdam na ako ng kaba. Something's not right. He's planning something and I know it. Base pa lang sa pananalita at pagkilos nya.
"Hindi mo magagawa ang balak mo, Zake"
Pero imbis na matakot sya sa sinabi ko ay nakita ko pa syang ngumisi at tumawa . "Watch me lil brother. Hindi mo ako mapipigilan"at pagkatapos nun ay iniwan nya akong natigilan.
Sabi na nga ba eh, tama ang pakiramdam ko.
Pero paano ko 'to masasabi kay Hannah?
Hannah Mikaella's Pov
Patuloy ko lang pinapahid ang mga luha ko ng bigla kong narealize na kung ipagpapatuloy ko ang pag-iyak ay lalong hindi ko malilimutan si Lance.
Kaya umorder na lang ako ng juice at pagkabigay sakin ay sinimulan ko na 'tong inumin. Nagpalinga linga lang ako sa paligid ng matigil ang mga mata kay Lance na ngayon ay may kakwentuhan ng mga babae.
Ito ang dahilan kung bakit ilang beses kong sinasabi sa sarili ko na hindi talaga tama na minahal ko ang ganyang klaseng lalaki. Dati, nakakasama ko pa sya sa church service, sa bible study at kapag Friday sa prayer meeting pero ngayon para hindi na sya ang Lance na nakasama ko dati.
Parang hindi na sya ang Lance na ideal man ko dati.
Naglabas na lang ako ng isang buntong hininga. Siguro, mas lalong magiging malala pa ang lahat samin ni Lance kung pati ang kuya Zake nya ay magugustuhan ko. Hindi naman tama 'yon at alam kong hindi magugustuhan ng Lord ung balak kong 'yon.
Kaya sige, dahil attraction lang naman ang nararamdaman ko kay Zake ay sige na. Sige na , hindi na lang sya. Ayoko ng mas mahirapan pa si Lance dahil makakaaway nya pa ang kapatid nya.
Kinuha ko na lang ung baso ko at pinagmasdan ko na lang ang tatlong yelong nandun ng bigla akong lapitan ni Zake. Nakita kong may ngiti ito sa kanyang labi at mukhang may sasabihin sya ata sakin.
"Oh ! Nag-iisa ka ata Hannah" paunang tanong nya. Pero nginitian ko muna sya bago ko sagutin ang katanungan nya.
"Oy, Hindi ha . Bakit ako mag-iisa kung nandito ka kumakausap sakin diba?" natawa ko pang saad pero ang totoo , gusto ko ng palayasin ang isang 'to. Dahil natatanaw ko ng nakatingin samin si Lance at ang tatalim ng tingin nya sa kapatid nya . Ung mga mata nyang parang kutsilyo na nakahanda ng saksakin ang kalaban.
"Oo nga naman" at nagtawanan kami. Sandali kaming nabalot ng katahimikan. At alam mo ung feeling na ang awkward na. Gusto ko ng paalisin 'tong lalaking 'to pero hindi ko mahagilap ang tamang salita , ung mga salitang hindi naman masyadong nakakasakit.
"Ahh, Zake"
"Hannah" sabay pa naming sabi. Hannah, wag kang mahiya ang sasabihin mo lang naman ay 'Zake, mawalang galang na . Pwede bang umalis alis ka dyan ! Nakaharang ka sa view eh. Ang gwapo gwapo ni Lance humaharang ka dyan'
Gosh ! Hindi ko naman pwedeng sabihin 'yon . Masyadong harsh. Baka ang sabihin nya. Nakikipagkaibigan lang sya sakin tapos ang arte arte ko.
Anu ba ? Ano ba ang magandang pwedeng sabihin ?
"Hannah .." nahihiya nyang saad. Nacurious naman ako at nilingon ko sya.
"Bakit?"
"Can I get you a drink?" para akong nabingi? Un lang ang tanong nya ? Kung pwede nya akong ikuha ng maiinom ?
"Ah, Yeah! Sure" at syempre . Nakakahiya naman kung tanggihan ko sya diba kaya kahit nakakahiya ay pumayag na rin ako.
Sandali syang nagpaalam sakin dahil oorder lang daw sya. Pumayag naman ako . Naghintay ako dito ng ilang minuto bago sya dumating dala dala ang dalawang drinks.
Isa isa na nyang nilapag ang dalawang drink. Isa para sa kanya at isa para sakin. Pero infairness , galing ng taste nya. Red Tea ang binigay nya sakin. Tinikman ko naman 'to at ang sarap sarap ng lasa.
"Wow ! Infairness. Nakuha mo ang taste ko. Pero tanong lang paano mo nalaman na hindi ako umiinom?" tanong ko bago ko muling inumin ung Red Tea.
"I look closely." nakangiti nya pang sabi at pagkatapos ay ininom na rin nya ung drink nya.
At dahil na rin sa wala na kaming masyadong pinausapan ay tinuon ko na lang ang sarili ko sa panunuod ng mga kaklase kong nagswi-swimming habang patuloy na iniinom itong red tea.
Pero bakit parang habang tumatagal ay nagsisimula na akong mahilo? Bakit parang unti unting umiikot ang mundo ? Ang lahat ng tao parang umiikot na rin.
"Zake.." i still manage to say his name kahit umiikot na ang paningin ko.
"Yeah!" sagot nya habang nakatingin dun sa wide screen tv na nagpapalabas ng movie.
"Umiikot ba ang mundo?"
"Yeah" magtatanong pa sana ako kaso mukhang huli na ang lahat dahil nagdilim na ang paligid.