Chapter 41
"Wag magpa gabi ah?" bilin ni mama sakin matapos kung kunin yung diary tsaka dali daling pumasok sa kotse nila rex.
Pupuntahan namin yung school kung saan nagtratrabaho yung mama ni axel.
Di na kami pumasok, bilang kaibigan na rin nitong mokong, kailan ko siyang tulungan makita yung mama niya bago pa siya kunin ng papa nito papuntang states.
"Ilang hours ba papunta dun?"
tanong ni axel kay Kuya Exur na kapatid ni Rex.
Wala pa kasing license tong tatlo kaya sya muna yung naatasang magdrive.
"Mga five or 6 yata, depende pagdi traffic"
*Phone Ringing
Tiningnan ko kung sinong tumawag.
*Nega Calling
"Hon asan ka naba?"
Agad napalingon yung tatlong zubiri nung nakalimutan kong e mute tong phone kagabi.
Nakakahiya!
"Uy, di ako papasok." mahina kong sabi dito.
"Ha? Eh miss na kita!" napapikit nalang ako sa kalandian ni patrick.
"Bukas ko na ipapaliwanag!" sagot ko dito tsaka inend yung phone.
Tiningnan ko yung kasama ko sa loob.
Si Kuya Exur na busy kakadrive, si Axel na parang may iniisip, tong si Rex na katabi ko nakangiti habang nakatuon yung atensiyon sa phone at Si Max naman nakangiting tumingin sakin kaya umiwas ako.
*Beep beep
1 New Message
From: Cheesy Cake
Ba't di ka pumasok? Parang tanga tong si pogi kakaisip sayo. Ayiieee
Napangiti nalang ako nung mabasa ang text ng babaeng to.
To: Cheesy Cake
Pupuntahan namin yung mama ni axel. Wag mong sabihin kay patrick, hayaan mo na akong mag explain.
"Mukha yatang may inlove ngayon!" rinig kong wika ni Max.
"Oo nga eh, kilala mo pre?" sagot naman ni rex.
*Beep beep
1 New Message
From: Nega
I hate you Hon😟
Hayss bat ba ganto to mag txt?
To: Nega
Explain ko nga kasi sayo, wag ka ng magalit🙏
"Ang tamis naman nun!" agad na wika ni rex ng maabotan ko siyang nagbabasa ng txt.
"Hoy, bat mo binasa?" inis kong wika dito na ngayoy tawang tawa na.
"Si patrick ba yun?" natatawa nitong tanong.
"Ba't naman nasali si patrick?" wika ko pabalik.
*Beep beep
1 New Message
Tiningnan ko muna yung katabi kong tsismoso baka makisali na naman sa txt ng iba.
From: Nega
I really miss you😟
Di ko alam, pero nakaramdam ako ng lungkot.
Kung pwede ko lang sabihin, para di siya nahihirapan ng ganito.
To: Nega
Me too😟
Tinago ko nalang yung phone baka ayaw tumigil yung negang yun.
Ewan ko ba, siguro nasanay narin ako sa kanya.
Mukhang namiss ko na rin yata siya.