Chapter 39
Pagdating ko ng bahay agad akong hinanap si papa.
Mabuti na nga lang din at nanood lang ito ng tv.
"Oh kaimee, andito ka na pla" bungad nito sakin pagkatapos kong mag mano.
"Pa, san ba yung diary mo nung college?"
"Yung may pangalan mo? " agad ko ring tango.
"Yun? Nasa cabinet sa may ila--" di ko na pinatapos yung paliwanag ni papa at tinahak ko na yung cabinet nito.
San ba yun?
Sabi raw sa baba.
Tiningnan ko yung may ilalim.
Ito! Oo tama! Ito yun!
Agad akong napaupo sa kama at agad binuklat yung lumang notebook a. k. a diary dw ni papa nung college.
Tiningnan ko agad yung sa may panghulihan.
Maxwell Boom Zubiri
Reham Rose Jalandoni
Diba na hinanap na namin to sa facebook?
Baka may asawa na rin?
Agad kong linabas yung phone at nag log in sa facebook.
Search: Reham Rose Jalandoni
Results not found.
Alam kong walang results nito pero baka may nabago lang, gaya nung kay axel.
Pano naman makikita yung Axel Boom Zubiri sa Zub Axel Boom?
Search: Reham Rose
Results not found
Related searches
Reham Rose Apostol
Reham Abrenica
Reham Rosales
Sa tatlong to mukhang may kutob ako sa pinakauna.
Reham Rose Apostol , tiningnan ko yung abouts nito.
High School Teacher at *** National High School
Live in ***
Birthday: January 24, 1979
Religion: Roman Catholic
Wala akong masyadong nakuha pero tiningnan ko yung relatives
Ranz Alexander Apostol= Son
Alexa Rachelle Apostol= Daughter
Lucas Apostol= Husband
Ruth Jalandoni= Sister
Wella Jalandoni Lopez = Cousin
Well, mukhang siya nga to!
Mukhang okay naman yung pamilya niya.
Pero ba't niya kaya iniwan si Axel?
Wait! Baka kilala niya si axel?
Tingnan mo naman yung pangalan ng mga anak nito.
Ranz Alexander at Alexa Rachelle.
Hmm, kailangan kong makausap yung mokong na yun!
(Tawag yun ni nega sa kanya)
Hayys, naalala ko na naman yung negang yun. Kung di lang sya seloso at matanong edi sana walang away away ngayon.
Nakakapagod na makipag away!
Pero kahit ganun yun. Mahal ko na yun!
Oo na, noon gusto pa lang pero nung tumagal. Natanong ko na din kay God kung ano kayang mangyari pag wala si patrick?.
Pero di pa talaga kami!
Di naman kasi mahalaga para sakin yun!
Ang importante alam mong mahalaga ka sa kanya.
Wait nga! Ba't ba napunta sa min yung usapan?
Maibalik ko na nga lang tong diary, ipakita ko pa to kay axel.
Kinabukasan
Pagdating ko ng room, buti wala pa yung teacher namin.
Agad kong napansin si cheesy na may sunflower sa ulo.
Bigla nalang kumunot yung kilay ko, ano na namang nakain nito?
Linibot ko yung tingin sa buong room.
Marami rami nga silang may sunflower.
Late na ba ako? Ayoko nga masabihan pa kong flower pot.
"Uy kaym, napano kaba kahapon?" agad na tanong ni cheesy.
"Wala!" seryoso kong sabi.
"Ah wala, kaya pala sabi ni babe galit na naman si pogi?" Tiningnan ko siya ng masama , ewan ko ba kung saan ako maiinis sa sinabi niyang babe? Sanay nako sa pogi , o sa pagiging tsismosa nito.
"Ito, maniniwala ka bang, may nakasabayan kang pinanganak sa iisang hospital, same room, doctor, nurses, ward basta lahat maliban lang sa time , weight at gender?" seryosong tanong ko sa kanya na mukhang nalito.
Di pa ito umimik kaya di nako nagsalita pero lumapit na naman.
Napairap nalang ako.
"Ano yan? mara clara?" bigla ko syang nabatokan dahil sa sinabi nito.
"Totoo nga kasi!" inis kong sabi.
"Pano naging totoo?" hayss ang kulit naman nito.
"College student pa si papa nun ng pinanganak ako. May requirements silang diary kaya naisulat niya bigla ang mga information ko nung araw na yun" paliwanag ko sa kanya na sana na gets naman.
"Totoo? Tapos anong sinabi mong kasabayan mo?"
"Di lang ako yung naisulat niya, may isang bata pa" walang gana kong sagot na ikinatuwa ni cheesy.
"Tapos , tapos, sino daw yun? " excited nitong sabi, parang tanga!
"Si Axel!"
"Ano??" gulat niyang sagot kaya napalingon yung ilan naming kaklase , agad rin itong umupo nung na realized ang katangahang nagawa.
"Pano? Pano? Totoo?"
"Oo nga ang kulit!" irita kong sagot.
"Ganun? Ang astig nun kaym! Sayang nga lang may patrick na!" agad ko siyang nabatokan sa sinabi nito.
"Agay ah! Tapos ano pang pinoproblema mo? Alam naba niya?"
"Yun na nga kahapon, gusto na raw siyang kunin ng papa niya kasama yung ibang pamilya matapos mamatay ng lola nito.
Kaya lang ayaw niyang sumama, bukod sa ayaw niyang iwan yung dalawang zubiri, di pa niya nakilala yung mama niya." mahaba kong kwento kay cheesy na mukhang naguguluhan.
"Andrama naman pala ng buhay ng zubiring yun, tapos?"
"Di niya kilala yung mama niya, pero nasali sa diary ang pangalan nito"
"Ano??" Gulat niyang reaksyon pero natakpan ko agad yung bunganga, bago pa siya pag initan ng mga kaklase namin.
Sabay kaming kumain nung lunch pero nung nega di parin ako pinapansin.
Hanggang sa uwian na deadma parin.
"Uy, patrick" tawag ko dito nung sinimulan na naming maglakad pauwi.
Yung dalawang babe este sina cheesy umuna na rin maglakad.
Sunod parin ako ng sunod kay patrick.
"Uy patrick, humarap ka na kasi" pilit kong hawak sa uniporme nito pero di parin nakinig.
Ito na, for the third time. Sure akong lilingon na sya dito. Kilala ko na tong nega na to.
"Patrick liligawan na kita, sagutin mo lang ako" tawag ko dito.
Lumingon ka. Lumingon ka.
Lumingon nga.