Chapter 6

Maya-maya ay may tumawag sa cellphone ni Shad. Gusto ko man siyang lingunin ngunit hindi ko na ginawa.

"Dad, I'm going home. Wait me there," ani nito.

Si Tito ang kausap niya at mukhang pinapauwi na ito.

"Tito, bababa na lang po ako diyan sa tapat ng convenience store."

"Malakas pa ang ulan, Shad. Pwede ka naman naming ihatid sa inyo," ani ni Mama.

"Hindi na po, Tita. Pupuntahan na lang ako ni Papa dito."

Hindi ko inaasahan na lilingon siya sa gawi ko. Tinanguan ako nito ngunit nawala ang ngiti niya sa labi ng makita akong nakangiti.

Pagbaba niya ay inabot ni Mama ang payong na ginamit niya kanina ng magtungo kami sa van. Isang kaway ang kaniyang binitawan bago isara ang pinto at muling umandar ang sasakyan.

Kahit isang ngiti ay hindi na niya magawa sa akin. Nasasaktan ako. Kung kaninang hindi ako nito pinapansin ay masakit na, sobra-sobra na ngayon.

Sumandal ako sa upuan at binalot ang tuwalya sa aking katawan. Ang lamig. Naulanan ako kanina. Maliit ang payong na dala niya at pang-isanh tao lang iyon kaya medyo nabasa rin ako.

Napahawak ako sa ulo ng maramdaman ang pagkirot. Ito na naman tayo sa ganitong sakit.

Ayaw ko mang isipin pero patuloy na bumabagabag sa akin ang nangyari dati.

"Anak, ayos ka lang? Ang tamlay mo."

"Ma, ayos lang ako. Pagod lang po siguro."

"Fort, dumudugo ang ilong mo," sabi ng katabi ko, si Jason.

Napahawak ako sa ilong at tinignan ang kamay, may pulang likido dito. Ramdam ko ang pagtuloy-tuloy ng daloy ng dugo sa aking ilong.

"M-Ma..." Nanginginig ang boses kong tinatawag siya.

Alam kong nakahinto ang sasakyan pero ang paningin ko'y magulo. Nahihilo ako.

—

Nagising ako sa maliwanag na silid. Nalingon ako sa bintana, madilim ang labas at mula dito ay matatanaw ang nagkikintabang mga bituin. Ang buwan ay kalahati lamang at talaga namang nagbibigay liwanag sa kapaligiran.

Nagbalik ako ng tingin sa paligid. Natuon ang aking pansin sa bilog na orasan na nakasabit sa pader, alas dose na ng gabi. Nasaan ako?

Ang sakit ng braso ko!

“M-Mama?” Mahinang bulong ko nang makita si Mama na nakayuko sa gilid ng kama at mahimbing na natutulog.

Pansin ko rin ang iilang gamit sa itaas ng kabinet, may bag sa sofa at alam kong sa amin iyon.

Patuloy na dumadaloy ang dugo mula sa dextrose tungo sa aking katawan. Parang pumipintig ang mga ugat ko sa tuwing papasok ang ilang patas ng dugo sa akin.

Kahit anong pilit kong bumalik sa pagtulog ay hindi ko na magawa. Mahapdi ang mata ko pero ang kaluluwa ko ay buhay na buhay at alam kong hindi na ako muli pang makakatulog ngayong gabi.

Ilang oras ang nagdaan, wala akong magawa kun'di ang pakinggan ang mga hilik na mama. Napakasarap ng tulog niya. Parang nasa disco kung magsayaw ang kaluluwa ko, ayaw talaga akong patulugin!

—

“Let‘s see, Misis.” Nagmulat ako ng mata sa boses na aking narinig. Bumungad sa akin ang isang Doctor at si Mama na kaharap nito.

Bakas sa mukha niya ang pag-aalala na nagpakaba sa akin. Ngayon na lamang siya muling nagkaroon ng ganiyang ekspresyon sa mukha. Base sa pagkakaalala ko ay ang huli nang ma-comatose si Papa.

“Mabuti at gising ka na, anong gusto mong kainin?”

“Anong nangyari, Ma?”

Nagpaalam ang Doctor na mauuna na kaya‘t sa kaniya nabaling ang atensyon namin ni Mama.

“Ang sabi ng Doctor na dengue ka kaya dumugo ang ilong mo, at the same time naulanan kaya mabigat ang pakiramdam mo,” Tinulungan ako nitong maupo. “Ang mabuti pa, kumain ka na tapos uminom ng vitamins.”

She helped me on everything. Maski sa pagpunta sa banyo ay nakaantabay siya. She gave water and glass of medicine when I'm done eating my food. I'm so glad that I have a mother like her.

"Ma, dumaan ba si Shad?" I licked my finger after eating the last chip. She look at me with her disappointed face, I pout. Hindi na ako umaasa.

Matapos ang lahat ng nangyari, ang mga sanabi ko sa kaniya. Dapat pa ba akong umasa na magiging maayos ang pakikitungo niya sa akin? No, I should not. Hindi na dapat.

Pero hindi maalis sa akin na mag-assume na pumunta siya. Dapat nga pumunta siya, ayaw man niya ako o may sama man siya ng loob sa akin dapat sana'y pinuntahan ako nito dahil kaibigan niya ako.

Hindi naman siguro nagbago ang relasyon namin iyon, 'no?

Inantabayanan ako ni Mama na makasakay sa tricycle na pinara niya. Pagpasok ko ay saka naman niya inilapag ang bagahe sa aking paanan bago siya pumasok.

Isinuot ko ang head set at nagplay ng kanta. Shuffle lang ang pinindot ko mula sa itaas ng music at saktong unang umugong sa aking tainga ang intro ng kantang Blue Sky ng Hale.

—

Magdamag akong nasa bahay, walang ginawa kun'di ang manood ng balita. Linggo ngayon at bukas na ang laban ng university namin.

Mabuti na lang talaga at maayos na ako. Ilang araw rin ang ginugol ko sa hospital, ang sabi sa akin ni Mama ay dalawang araw akong tulog. Mabuti na lang hindi ako namatay sa gutom.

"Bakit ka napatawag?" tanong ko kay Shobe mula sa kabilang linya.

"Ayos ka na? Keri mo bang gumala today?"

Kahapon pa ako nakalabas ng Hospital at masasabi kong maayos na ako. Medyo malakas na pero alam kong hindi ako papayagan ni Mama. Kumilos nga para maghugas ng pinggan ay hindi niya pinapagawa sa 'kin.

"Madadale tayo kay Mama, para saan ba?"

"Celebration lang, inom tayo, gan'on!"

"Ulol ka ba? Binabangungot ka 'ata." Pagbibiro ko.

Alam naman niyang hindi ako nag-iinom, yayayain pa talaga ako.

"Ikaw na lang ang pumunta dito, libre foods."

"Sure, basta may soju ha? Babye, on the way na ako."

Bago naputol ang linya ay narinig ko pang umugong ang sasakyan nila. Balak talaga niyang magpunta dito, sure ako doon. Ang gusto lang naman niya'y makalibre ng food. Palusot pa!

Nag-order ako ng pagkain sa online, nauna nga lang dumating si Shobe kaysa delivery.

"Hindi pumasok si Tita?" Iyan kaagad ang tanong niya.

I nodded. I grab one slice of pizza and put it on my plate. "Ilang araw na rin, she's with me for almost a week. Hindi nga siya pumapasok sa trabaho pero pagod naman siya araw-araw dahil sa 'kin."

"Halata nga, ano ba kaseng nangyari sa 'yo?"

"Dengue, iyon ang sabi sa akin ni Mama. Matapos kase naming magpunta sa libingan ni Papa saka naman dumugo ang ilong ko," Parang hangin na muling nanumbalik sa aking isipan ang nangyari ng araw na iyon. "N-Nakita mo ba si Shad?"

Ang ngiti niya, kung paano ako nito hindi pansinin, ang itsura n'ya ng malaman ang nararamdaman ko at ang mga katagang binitawan nito.

After that, I never meet him anymore. Maybe his mad? Kahit naman siguro sa 'kin mangyari iyon ay mabibigla rin ako. I hope he's okay after all.

"Hindi pa, last na kita ko sa kaniya nang friday. He's with his band, bakit mo natanong?"

Nilingon ko si Mama na abala sa paglalagay ng mga pinggan sa lagayan. Katatapos lang niya itong hugasan.

"W-Wala, hindi ko rin kase siya nakita katapos ng death anniversary ni Papa."

"Magkasama naman pala kayo, bakit hindi mo siya tinanong? Text him, miss mo kaagad e."

Natawa siya at pabiro akong kiniliti sa tagiliran. Hindi ko masabi sa kaniya pero oo, miss ko na nga siya.

Hindi ko na lang siya sinagot. Bagkus ay kinuha ko ang cellphone ko at nagtungo sa message.

Wed, 23:45 pa ang huling conversation namin. Hindi man niya ako tinext o tinawagan kung nakauwi ba siya ng ligtas. Maulan pa man rin ng nakaraang araw.

"I-text mo na!" Hirit ni Shobe.

"Nagdadalawang-isip ako e. Hindi ako sure," ani ko.

Napahilamos siya ng mukha. Dinaklot niya ang cellphone ko at mabilis na tumayo. Hindi ko siya nasundan dahil lumabas ito ng bahay at ako nama'y hindi makatayo dahil nakapatong sa aking hita ang box ng pizza.

Pagbalik ni Shobe ay nakababa na ang cellphone ko. Pinanliitan ko siya ng mata pero tinawanan lang niya ako. Hindi na ako nag-abala pang tignan ang message dahil dumating si Mama bibit ang cake na binigay ni Shobe kanina.

“Kumusta ang study? Nabanggit na ba sa 'yo ni Fort ang nangyari?”

“Opo, Tita. Medicak certificate na lang niyan ang kailangan niya para mabigyan siya ng special activity.”

Alam ko namang kailangan iyon. Hindi na niya dapat pang ipaalala.

“Bukas nga pala ang papasok na ako, nakakahiya na rin kase sa group mates ko.”

“Actually walang pasok bukas, since tapos na ‘yong contest at bukas na din iyong laban nila Shad, pwede namang hindi pumasok kung hindi ka manonood,” Kumuha siya ng pinggan na may cake saka tinidor. “Papasok ka pa?”

“Oo naman!” Walang pag-aalinlangan kong sagot. Inirapan ako nito at itinuon ang pansin sa kinakain. “Matagal ko ng hinihintay to e, ikaw ba papasok ka?”

Muli kaming iniwan ni Mama. Sumilip si Shobe sa pinto sa kusina at bumalik sa akin. Tinignan si Mama kung abala ito sa ginagawa! Ayaw magpahuli.

“Syempre! Kasama ko si Anthony bukas.”

Anthony? “Siya? Akala ko ba may something wrong?”

“Wala na iyon, uso magmove on.” May pagka-maharot na sabi niya.

Kung ako ang nasa posisyon niya, hindi ko na babalikan ang lalaking iyon. After all that happened, nakaya pa niya? Psh. Sabagay, I don‘t really know what happened to them but I know my friend gets a pain that she don‘t deserve.

“Marupok ka lang kamo, totoo ba talaga iyan?” Inginuso ko ang dibdib nito.

“Totoo itong boobs ko! Hindi naman ito kalakihan, atleast hindi silicon.”

“Iyang nararamdaman mo, Shobe. Iyang feelings mo. Pake ko sa dede mo.”

“Tse!” Inirapan niya ako ulit. “Siguro? Ewan ko. Kailan mo ba malalaman kung totoo ang nararamdaman mo?”

Napaisip rin ako sa tanong ni Shobe.

Nang mga nakaraang araw, alam kong totoong nagugustuhan ko na si Shad. Hindi ako mapakali sa bawat araw na magdaan na hindi ko siya makausap o makita man lang. Sa bawat minuto na magdaan ay para akong napupugutan ng pag-asa dahil sa nauubos ang oras ko para makasama siya.

Hindi ko alam kung iyon na ba ang love na sinasabi nila. May iba pa bang feelings na dapat maramdaman?

“Hoy! Na-in love ka na ba?” Natatawa niyang tanong.

Umayos ako ng upo. Hindi ko masabi ang totoo. Natatakot akong pagtawanan niya ako pero kilala ko si Shobe, she knows me, isang maling kilos ko lang mabubuking ako kaagad.

“O my god! D-Dahil ba... Gosh!” Nanginginig pa ang boses niya habang pinipilit akong sabihin ang totoo. Niyuyogyog ako nito kaya nagkunwari akong naiinis at bahagyang lumayo sa kaniya.

“Sabihin mo na kase, totoo ba?”

“Totoo ang alin?”

“Ang hinala ko!” Mababakasan ang inis sa boses niya ngunit mas nangibabaw ang saya. “So anong nangyari?”

Mukhanh nahuli na nga talaga ako! Para akong nakapaloob sa isang itlog, walang pinto o bintana na pwedeng labasan sa mga tanong na hindi inaasahang lalabas kaniyang bibig.

“Hindi niyo pa nauubos iyan? Nakapagluto na ako ng hapunan.” Si Mama, pawisan na kalalabas lang sa kusina. May suot pa itong apron na may iilang dumi. “Nako, ang bagal niyo ‘atang kumain ngayon o mas nauuna ang chika kaysa pagkain ha?”

Nagpamewang siya. “Mamaya n‘yo na ituloy iyan, maligo ka na Fort at nangangamoy ka na.”

“Ma!”

Inamoy ko ang magkabilang kilikili ko. Wala namang kakaibang amoy.

Tinawanan ako ng dalawa bago iniwan sa sala. Mas mukha pa silang mag-ina kaya sa amin.

Inamoy ko ulit ang kilikili ko, pinahid ko pa ang kamay ko saka iyon inamoy. May something wrong nga! Pero hindi iyon bulkan, I swear, pawis lang iyon.

I take a bath and fix myself. I know they‘re waiting for me so I do my things faster than before. Nang makababa ay pareho na silang naka-upo sa kanya-kanyanh upuan.

Adobong manok ang nakahain at may pritong manok din. Maraming kanin ang nakahapag kahit na tatlo lang naman kami.

“Dinamihan ko talaga, minsan lang kase magpunta si Shobe dito kaya dapat sulitin na.” Sumandok siya ng kanin bago i-abot sa akin ng lagayan. “H‘wag kang mahihiya, Shobe. Kain lang ng kain.”

“Sus, hindi talaga iyan mahihiya. Mas makapal pa sa kawali ang mukha niyan e, ” Pagbibiro ko.

"Wow ha, taasan mo confidence mo next time para hindi ka nafe-friendzone.”

“Friendzone? Kanino?”

Pinanliitan ko ng mata si Shobe. Sa dinami-rami ng oras, ngayon pa talaga niya napiling sabihin iyon.

Alam ni Mama na gusto ko si Shad, but she didn‘t what happened last time. Ayaw kong sabihin. Hindi pa ako handa na sabihin sa iba, itong si Shobe kase masyadong malakas ang pang-amoy.

“W-Wala, Tita. Siya ‘yong nangfi-friendzone, hindi s‘ya yung na friendzone.”

Nako! Sa lahat ng palusot, dito ‘ata ako gugusot.