Chapter 50
SERENA's POV
Nanghihina akong tumayo at hilong-hilo akong pumasok papuntang banyo. Maaga akong nagising dahil kailangan kong maghanda ng agahan namin Renzo, hindi dahil buntis akoay magiging tamad na ako. Sa mga nabasa kong mga pregnancy books, nalaman ko na kailangan din na gumalaw galaw para meron akong exercise kahit kaunti.
Napalingon siya ng marinig ko ang pagkatok sa pintuan kaya naman ay mabilis akong naghilamos at agad kong pinunasan ng towel ang mukha ko
"Baby, ok ka lang ba dyan?" May bahid ng pag-aalala sa boses ni Renzo kaya naman di ko mapigilan ang mapangiti. Siguro napapansin niya ang pagiging haggard niya these days, kailangan ko na talagang sabihin sa kanya ang pagbubuntis ko. Naghahanap lang talaga ako ng magandang timing.
Huminga ako ng malalim ng malalim habang nakahawak sa tiyan ko, hindi pa iyon malaki pero nararamdaman ko na ang muntik na umbok. Tumingin muna ako sa salamin at tignan kung maayos na ang mukha ko bago lumabas ng banyo.
"I'm fine, inaantok pa siguro ako." Ngumiti ako sa kanya at bigla akong napasubsob sa dibdib niya ng niyakap niya ako.
"I'm glad, I'm really glad Mahal." Naramdaman ko ang paghinga niya ng malalim habang kayakap ako. Sobrang pawisan niya at basang-basa ang hubad niyang katawan kahit malamig naman sa kwarto namin.
Anong nangyari sa kanya at parang alalang-alala siya sa akin?
"Hey, nandito ako at hindi ako aalis." Sabi ko sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Maya-maya lang ay humiwalay na rin ako ng yakap sa kanyaat ngumiti. "Anong nangyari bakit pawis na pawis ka?"
"Nothing, just a bad dream. I'm glad your safe and sound Mahal." He kissed me in my temple and smiled softly. Napansin kong mahigpit pa rin ang pagkakahawak niya niya sa braso ko kaya tumikhim ako.
"Ehem, pwede pakibitawan na po ang braso ko para makababa na ako at makapagready ng breakfast nating dalawa." Agad din naman niya akong binitawan pero hahakbang pa lang ako ay naramdaman ko na lang ang pag-angat ko sa ere. Napatili ako sa ginawa niya sa pagkabigla kaya ng tumingin ako kay Renzo ay nakangiti ito.
"You're not feeling well, you look paler than usual so let me do this. Ako na rin magpre-prepare ng breakfast ngayon, don't try to complain just comply, my Queen." Hindi na ako makapagsalita dahil pinigilan ko ang sarili ko. Oh well, it feels good to be pampered.
"Are you sure?" tanong ko habang nakataas ang kilay pero nakangiti ako.
Alam ko kasing masyado siyang busy sa trabaho kaya dito sa bahay ay ako na sana ang gagalaw kasi di naman mahirap ang trabaho ko kumpara kay Renzo.
"Yes and I said do not worry. Ano ba naman ang magluto ng egg and hotdog? Its as easy as counting 1 2 3." Kindat pa siya sa akin.
"Pero kung naguguilty ka naman pwede mo naman akong bayaran at mura lang akong maningil. No money needed." Nakangiting aso siya habang ako ay nag aantay sa idudugtong niya.
"No money needed? Paano kita mababayaran niyan?" Maangmangan kong sagot habang sinasadya niyang ipout ang lips niya harapan ko. Hindi niya alam kung matatawa ako ng malakas sa pagmumukha niya.
"A kiss will do." Sabi niya at lalo pang lumapit sa mukha ko. "Torrid." Napatitig ako sa sa gwapo niyang mukha, hindi ko talagang pagsasawaan ang mukha niyang napaka gwapo.
"Mahal I know I'm too handsome, hot, and desirable but where is my kiss?" Nagpout uli siya na parang batang na parang di nasunod iyong gusto. Natawa akong malakas.
"Mura ba tawag mo dyan? Aba ang mahal kaya ng halik ko. Hmpf." Sabay taas kilay rito. Natutuwa ako pag nagiging childish mode si Renzo kasi parati ko na lang nakikita siyang seryoso at kinakatakutan ng lahat. Parating nag-aabot ang kilay niya at parating may kunot ang noo niya sa opisina.
"Mahal nga ang halik mo eh mahal mo naman ako kaya tabla lang. Dali na oh nakahanda na lips ko." Aba umagang-umaga eh naglalandian kaming dalawa pero gusto ko naman. Mabilis ko siyang hinalikan sa labi.
"Halik ba tawag mo don eh parang dumikit lang sandali ang labi mo, ni hindi nga umabot ng 5 seconds." reklamo niya pa. Habang ako naman ay natutuwa habang tinitignan siyang nagpapacute.
"Kiss kaya iyon, dali na ibaba mo na ako." Hindi ko man lang napansin na nakarating na pala kami sa kitchen.
"Hindi iyon kiss, ni wala ngang laway sa bibig ko." Sabi pa niya na agad ko namang kinapula. Ang bibig ni Renzo takaga walang pigil. "After all the adventures in bed we did, you're still shy about this. How cute." He whispered in my ears using his seductive voice. Mas lalo ata akong namula ang sinabi niya at parang nag-init akong bigla dahil naalala ko ang mga 'adventures namin sa kama' ika nga ni Renzo.
Dinaosdos ko ang mukha ko sa dibdib ni Renzo. Ganito ba talaga kapag buntis? Ganito kabilis maturn-on?
"Stop it, your turning me on." Mahina kong sabi sa kanya. Gusto kong iumpog ang ulo ko ng pumasok sa utak ko dahil sa sinabi niya sa akin na naturn on siya sa sinabi ko! Kapag ba buntis sobrang honest din? Narinig ko ang pagtawa niya. Pinaupo niya ako sa mesa habang nakahawak ang pareho kong kamay sa leeg niya at ang mga kamay naman niya ang nakapulupot na sa bewang ko.
"Don't worry Mahal parati akong turn on sayo. Kaya pantay lang tayo." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay mabilis niyang akong niyapos at hinalikan ng mariin sa bibig. Hinalikan niya ako ng buong alab, pakiramdam ko ay lalo akong nag-iinit. Sa bawat hagod ng dilaw niya sa dila ko at sa paglalaro niya sa bibig ko ay napapungol ako. Mabilis akong lumayo sa kanya dahil baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko
"Baby I hate to say this but you have to cook breakfast now. We have work remember?" Panunukso ko sa kanya. Naalala ko kasing nagtatagal na ang landian namin at baka mauwi pa ito sa di pagpasok pag nagkasubuan na.
"Urgh but Mahal we still have time." Pagpipilit ni Renzo ngunit umiling lang ako. Gusto kong makatawa sa mukha niya na parang isang tutang nagpapacute.
"We still have many time later. Kaya move, you sexy butt." Sabay sampal sa pwet niya na kinaungol niya.
"Everything you do turns me on." He whispered at the same time bit my earlobe to tease me even more. Tinulak na ko siya at pinagluto ng agahan namin. Gusto-gusto ko mang makipaglandian kay Renzo buong araw ay hindi pwede dahil may oras dyan. Napansin kong maganda ang mood ni Renzo ngayong umaga kaya napagdesisyonan kong sabihin na sa kanya na buntis ako.
Pero dahil sa naglalandian pa din kami habang kumakain ay nagmadali na kaming dalawa lalo na si Renzo na may meeting pa. Hindi talaga siya nagmamadali kasi sabi niya siya naman daw ang boss kaya okay lang kung malate siya kaso ayokong malate siya kaya wala siyang nagawa.
"Let's have lunch later. Are you free?" Tanong ko sa kanya habang nasa kotse na kaming dalawa. Tumingin si Renzo sa akin at umiling.
"I want to but I can't. I'm sorry mahal, Kiailangan ko kasing pumunta sa Cebu to look at the location for the factories to be built." Sagot ko naman sa kanya habang nakatutok sa daan ang tingin.
"Will you still be back in the evening?" Tanong ko sa kanya. I deliberately need to tell him that I am pregnant dahil ayaw ko ng itago iyon.
"Yes, let's have dinner later at the Gold State Hotel. I'll reserve the table and so you will just have to wait for me there." Tumango ako at binalik ang pagngiti sa kanya. Tama ngang sabihin ko na na lang mamaya sa kanya ang magandang balita.
Dumaan ang araw na iyon na parang bula, as usual nasa opisina lang ako buong araw at gumagawa ng paper works dahil hindi ako pumasok nong nakaraang araw kaya nag-piled up ang mga kailangan kong tignang papeles. Sobrang bilis ng oras na napansin ko na lang na nasa hotel na ako at nakapagpalit na ng mgandang damit. Ang hinihintay ko na lang ay si Renzo.
Napatingin ako sa aking relo, hindi pa rin dumadating si Renzo sampung minuto na ang nakalipas. Hindi ko alam ngunit parang bigat ang pakiramdam ko at parang bumibilis ang tibok ng puso ko sa bawat minutong hindi pa dumadating si Renzo. Nag-aalala na ako sa kanya kahit sampung minuto pa lang ang lumilipas.
Hindi kasi ang tipo ng tao si Renzo na nahuhuli kapag siya ang nag-aaya at minsan lang siya mahuli sa lakad naming dalawa. Sobrang bihira lang na nahuhuli si Renzo kaya sobra na akong nag-aalala. Paano na lang kung may nangyaring masama sa kanya?
Napalingon ako ng mapansin kong kanina pa pala nagriring ang cellphone ko. Ang daddy ko ang tumatawag at hindi ko man lang napansin. Agad ko namang sinagot ang tawag.
"I'm sorry Dad hindi ko napansin na tumatawag ka pala." Sabi ko sa kanya.
"Where are you Serena?" Malumanay niyang tanong sa akin, may halong pag-aalala sa boses niya
"I'm at the Gold State Hotel right now Dad. I'm waiting for Renzo because we will have our dinner here tonight. Why?" Sagot ko pero hindi ko narinig ang sagot ni Daddy dahil tahimik ang kabilang linya.
"Serena may sasabihin ako and its about Devon.." Bigla akong kinabahan sa tono na ginagamit ni Dad sa pagsasalita ngunit mas kinabahan ako ng sabihin nito ang pangalan ni Renzo.
"What about Renzo Dad? May nangyari ba kay Renzo?" Agad kong tanong rito. Hindi ko pa naman naririnig ang sagot ng Daddy ay nanginginig na ang mga kamay ko. Kanina palang ay iba na ang nararamdaman ko na parang may mali.
"The plane that he used to visit Cebu this morning crashed. Hindi malocate kung nasaan ang plane dahil nasa gitna sila ng karagatan nga mga oras na iyon. Hija are you still there? Serena?" Nahulog na ang phone sa kamay ko.
Pakiramdam niya ay tumigil ang mundo sa mga narinig ko. Para akong nalantang gulay sa oras na ito, wala ng pumapasok sa sistema ko kundi ang kaalamang nawawala si Renzo and he is possibly died.
Naramdaman ko ang pag-ikot ng mundo. Maya maya lang ay rinig ko na ang pagtawag sa akin hanggang sa nilamon na ako ng dilim.