Chapter 46
SERENA's POV
Nag-iinit ang ulo ko. Sobrang nag-iinit ang ulo ko na kulang na lang ay may lumabas na usok sa tenga at ilong ko. Naiisip ko lang ang nakita ko kanina ay gusto ko ng ihambalos sa dingding si Renzo at ang babae niyang kasama. Aba't nagsinungaling na nga sa akin ay may mukha pang makipagkita sa babaeng iyon.
Hindi na nakangiti ang mukha ko ngayon kundi mukha ng toro na handang handa sumungag ng tao. Napatingin ako sa wrist watch ko at umalis na. Uuwi ma lang muna ako sa bahay.
Gusto kong harapin si Renzo, gusto kong tanungin at gusto kong marinig sa bibig niya mismo ang sagot sa tanong ko dahil ayaw ko ng tumakbo katulad ng dati. Gusto kong marinig ang kung ano mang sasabihin sa akin ni Renzo at dapat gandahan niya ang sasabihin niya, iyong magugustuhan ng tenga ko dahil kung hindi ay hindi ko alam ang gagawin ko sa kanya.
Napaupo ako sa living room, limang minuto na lang. Iyang mga minuto na yan ang basehan niya kung sisiputin nga siya ni Renzo dito. Nagngingitngit talaga siya, nako Renzo sinasabi ko sayo gandahan mo iyang rason mo mamaya dahil tatadtarin kita ng sampung libong beses.
Bigla akong napatayo ng marinig ko ang pagtunog ng door bell sa labas. Napakunot ang noo ko dahil bakit kailangan pang magdoor bell ni Renzo eh paniguradong may susi siyang dala. Naglakad ako papunta sa pintuan at nakita ko ang isang lalaki na nakauniform at may dala na box.
Binuksan ko ang gate at napatingin sa box na dala ng lalaking nakauniporme. Tinanong ko kung para kanino ito at sinabi na para daw akin. Nagsign na ako sa isang papel at kinuha ang box na hindi naman ganon kabigat at ganoon kalaki.
"Teka hindi ko natanong kung kanino galing ito." Sabi ko doon sa lalaki.
"Maam may nakaattached po na papel sa box, nakalagay po dyan kung sino po ang sender. Sige po maam." Umalis na ang lalaki ngunit hindi muna siya pumasok dahil hindi siya sigurado kung safe ba ang dala dala niyang box paano na lang kung bomba ito o kung ano ang nasa loob niyon.
Kinuha niya ang papel at napatingin siya roon habang hinahanap ang sender. Devon Lorenzo Yan. Hindi naman niya inaasahan na pangalan ni Renzo ang mababasa niya roon. Bakit kaya may ganito pang anik-anik si Renzo? Ano bang laman nito?
Pumasok na siya sa loob ng bahay habang dala-dala ang box. Umupo ako sa couch at binuksan ang box. Gusto kong malaman kung anong meron doon at kailangan pang ipadala ni Renzo sa ganitong paraan.
Kinuha ko sa loob ang isang pink tube dress at nasa itaas ay isang pair ng flat sandals. The dress was beauitiful as well as the cute sandals, pero naiisip ko kung para saan ang mga ito. Bigla kong narinig ang pagkahulog ng isang cd sa baba kaya naman ay pinulot ko iyon
Play the video.
Nakasulat iyon sa isang sticky note na nakaattach sa cd. Tumayo na ako at nilapag sa player ang cd. Napaupo ako sa couch habang nasa tabi ang box, damit at sandals. Napatutok ang mga mata ko ng biglang mag play ang video. Biglang lumabas ang mukha ni Renzo sa screen na nag-aayos sa camera ng maayos na iyon ay upo siya sa harapan ng camera.
"Ehem, hi Mahal ko. Teka parang ang pangit ng boses ko." Umubo-ubo pa ito na parang may nag-iba sa boses niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa pinaggagawa niya o ano. "Mahal, hi uli. Ahm, I-shit oh.. I am sorry I am not suppose to curse in front of the camera. I wanted to tell you to wear that colored pink dress and that sandals. I bought that for you because I kknow you will like it and the dress will definitely suit you. Pero alam ko naman kahit na ano pang suot mo o kahit na wala kang suot ay magandang maganda ka pa din para sa paningin ko." Sabay kindat pahabang ako ay iiling-iling lang habang pinapanood ang video.
"Anyway through this video gusto kong sabihin sayo ang lahat. Through this video masasabi ko ang hindi ko kayang sabihin sayo ng harapan, ang mga pangyayari noon na nakasira sa atin. Kaya mahal kailangan mong manood at makinig ng maayos. Pero bago ang lahat gusto kong batiin ka ng happy birthday at happy valentines day! Happy birthday Mahal, I am truly blessed to have you as my wife and I am truly thankful to God that he saved me from darkness and give hope and light which is you my love." Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa napapanood ko ngayon.
Nakalimutan kong birthday ko na pala ngayon at kasabay din ng birthday ko ay valentines day. At parati na lang si Renzo ang nakakaalala sa birthday ko, pinipigilan ko ang maiyak katulad ni Renzo na nasa video na namumungay na din ang mga mata. Nagfocus ang tingin ko sa video.
"Alam mo ba noong mga bata pa tayo ay nakontrata na kita kay Grandma. I said that I will marry you when we grow up and here we are married. Noong mga bata pa tayo, kapag kasama kita sa probinsya sa mansyon niyo ay nakakalaya ako sa hawla ko at nagiging masaya ako panandalian. When I am with you and Grandma, I feel happy and comforted. I don't feel alone and isolated. Hindi mo ba napapansin na parati akong sumasama sayo dati alam mo kung bakit? Dahil sa sobrang inosente mong mga tawa at ngiti. For me your laughter and smile were a light in my dark world." Nabigla ako sa mga sinabi niya, sobrang seryoso ni Renzo habang sinasabi nito ang mga ito ngayon. Binubuksan niya ang sarili niya sa akin through this video.
"Noong bata pa ako parating pumapasok sa utak ko kung ano ang nangyayari sa paligid ko, si Dad parating may kasamang ibang babae na minsan dinadala niya sa bahay kaya naman parati silang nagsisigawan sa bahay, parating may-away, parating may mga nagbabasagang mga gamit. Parati akong mag-isa sa isang gilid minsan nagtatago o kaya minsan nakatingin lang ako sa kanila. Dahil sa palagi silang nag-aaway o kaya parati silang wala ay nasanay na akong mag-isa and I was actually thankful kung parati silang wala dahil wala akong nakikitang ganoong eksena. Habang lumalaki ako ay nagiging malinaw na sa akin ang lahat, my dad was a womanizer and my Mom actually doesn't care if my dad have many girls as long as she doesn't see them and the people around us never know." Renzo smiled bitterly in the video. Nakita ko ang pagkuyom niya ang palad niya sa video, She wants to cry because she can imagine the young Renzo suffering. If she just knew all of this maybe she could make a difference.
"My parents never saw me as their son but only as a heir of Yan Group of Companies, hindi ako masyadong close sa mga relatives ko dahil ayaw ni Mom at naniniwala siyang may gagawin silang masama sa akin para maagaw lang ang kung anong meron kami. As you know si George lang ang close kong pinsan dahil pinagtiyagaan niya ako sa ugali ko. I grew up getting what I want in just a snap of my fingers except the love and the recognition of my parents. I did everything in my best at school to excel but my efforts was not still enough for me to get their attention and love. One dreadful day I was kidnapped in our own mansion and I was a high school student that time kaya natatandaan ko lahat ng nangyari. Tumatak sa utak ko lahat, sa harapan ko ay pinatay ng mga lalaking hindi ko kilala ang mga maids sa bahay in front of my face, blood was everywhere the house. Hindi ko alam kung paano ako nakaligtas noon siguro dinaan nila sa pera para makuha ako. Nakaligtas ako pero simula ng araw na iyon ay hindi na ako nakakatulog ng maayos and I have this nightmare every now and then, I was traumatized big time. My parents never knew because they never cared about me. Sa kanila parang walang nangyari sa akin dahil ligtas naman ako nilang nakuha. I finally understood that they were just simply my parents and I was just their son for the sake of our empire."
Tumutulo na ang luha sa mga mata niya dahil hindi na niya talaga mapigilan habang nakatitig sa mukha ni Renzo sa video. Nahihirapan itong ilathala sa kanya ang lahat pero pinipilit pa rin nito kahit nakikita niyang nahihirapan itong sabihin sa kanya. She was hurting seeing him like this, seeing him in pain.
"Simula ng araw na iyon ay sinabi ko sa sarili kong hindi ako magiging mahina, magiging malakas ako na kakatakutan ng mga tao. So I became strong, I studied gun shooting, martial arts, judo, boxing and all I can think of to protect myself. Simula ng mangyari iyon ay hindi na ayoko tumira sa bahay namin dahil bumabalik lang sa akin ang mga nangyari, nagcondo na lang ako. I became ruthless and fearless. Ni hindi na nga ako natakot mamatay dahil pakiramdam ko walang patutunguhan ang buhay ko. In my world it was so dark, i feel so alone at alam kung habang buhay na ako ganoon."
"I became a playboy, babae dito babae doon ni hindi ko na nga sila kailangan hanapin pa dahil agad na silang lumalapit sa akin. I played with girls, no string attached dahil ayokong magkaroon ng attachment sa kahit na sinong babae. Ng mga panahong iyon ay nakalimutan kita, hindi na kita nilalapitan o kinakausap because your too inocent for me but you were persistent that you even offered yourself to me. Your too young and naive but still you have this determination in you, you look like an angel in my eyes. Your too beautiful to be true, naiisip kong hindi ka bagay na makasama ako. I look and act like a devil while your an angel, malayo ang difference natin sa isa't-isa. But your too irresistible and I can't get myself reject your offer. I took it and got you." Huminga si Renzo ng malalim sa video at medyo tumahimik habang titig na titig sa camera na parang nakatitig talaga siya sa akin. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa mga sinabi niya and I was really flattered that he thinks I was beautiful back then. Sa ayos ko na iyon noon ay nagagandahan na siya sa akin.
"Aaminin ko na sobra akong nabigla dahil sa pagbigay mo ng sarili mo sa akin. Sobra akong nabigla dahil binibigay mo ang katawan mo sa akin at ang kinabigla ko ang sinabi mong mahal mo ako. Nabigla ako na may babaeng nagmamahal sa isang katulad ko na walang puso, I believe that I am not worthy to be loved and be cared about because even my parents don't have those kind of feelings for me. I am worthless, alam ko iyan pero nandyan ka. Your perfect in every way at alam ko iyon sa sarili ko. I like how you move and your voice and everything about you when we're 'doing it'. Sa tuwing ginagawa natin ang bagay iyon ay may iba akong nararamdamn, pleasure? Maybe but then unti-unti kong narerealize na sumasaya ako sa piling mo."
"I was starting to get scared when I realize the fact that I started caring about you. Natatakot ako dahil nagsisimula na akong maattach sayo, your too good to be true, your too good for me. I was fucked up big time, hindi ka nababagay sa isang katulad ko. I was heartless and my life sucks. Pero alam mo mahal kahit anong pakikipagsex ang gawin ko sa iba't-ibang babae ay hindi ako makontento dahil ikaw ang hinahanap ng katawan ko, ng buong pagkatao ko. I was sure na hindi lang ang katawan ko dahil narealize ko na nahuhulog na ako sayo sa mga oras na iyon pero tanga lang ako na hindi ko iyon narealize agad."
"Noong kinasal tayo hindi naman talaga ako galit sayo kundi galit ako sa sarili ko. Galit ako dahil pumayag kang makasal sa isang katulad ko, galit ako dahil matatali ka sa akin ng ganoon-ganoon na lang. Galit ako dahil sa ginawa ng mga magulang ko na ipakasal ka sa akin. Galit ako dahil hindi kita nailayo sa akin, galit ako dahil wala akong nagawa. I was also afraid that this marriage will only give you pain. Natatakot ako sa sarili ko dahil alam ko masasaktan lang kita but at the same time I also want you big time. I want you to be mine at wala ng iba kaya hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. I tried to be mean to you, I tried not to care. I tried everything to bring you down, every possible way para lumayo ka sa akin pero sa huli nananaig pa din sa akin ang kagustuhang wag kang malayo."
"Do you remember Heidi? She was the one who tried to kidnapped you. She was too obsessed with me that she tried to kill you. Ginawa ko ang lahat para mapalayo ka sa kanya, alam niya kasing nahuhulog na ang loob ko sayo at ikaw lang ang gusto ko . Alam niya ang lahat ng ito samantalang sa sarili ko ay hindi ko alam. She wanted to have me badly na gagawin niya ang lahat para makuha lang ako, sinabi niya iyon sa akin. Naaalala mo ba iyong gabi ng birthday party ko? She was there and I actually planned it para matulungan siya. I talked to her parents, they told me she is suffering from a mental illness aside from having an obsession with me. Noong gabing iyon ang nakatakda siyang dalhin sa ospital dahil hindi siya mahagilap ng mga magulang niya, she was the who planned the whole kidnapping thing." Nagiging malinaw na sa kanya ang lahat ng nangyari. Para pala iyon tulungan si Heidi na may sakit sa ulo. Bakit hindi man lang niya nagawang tanungin si Renzo? Napa-iling na lang siya.
"Do you still remember the time where I told you that you should always remember me and love me? Hindi ko alam kung bakit nasabi ko pa iyon sayo kung papalayuin rin naman kita. I gave you annulment papers for you to be free, I swear to God that I will give you the freedom to live your life that time. Noong mga oras na iyon ay malalim na ang nararamdaman ko sayo pero mas nananaig sa akin ang bitawan ka dahil alam kong makukulong ka lang sa relasyon natin. Parating nanganganib ang buhay mo dahil sa akin, parating merong masamang nangyayari sayo dahil sa akin. Letting you go was a big mistake for me dahil dapat mas gumawa pa ako ng paraan para maprotektahan ka, na mahalin ka ng buo na alagaan ka hindi iyong palayuin ka."
"Nagpatalo ako sa sarili kong takot at pangamba. And again destiny played along, the annulment papers were never processed dahil hinarang iyon ni Grandma sinabi niyang kinausap niya ang mga magulang ko na hindi ibibigay ang mana ko kung maghihiwalay tayo. She warned me about my inheretance pero alam mo hindi naman ako natakot na mawala ang mana ko. I was actually thankful sa pangingialam ni Grandma dahil nabigyan ako ng rason na hanapin ka at ibalik dito sa tabi ko. It was not just about the inheretance dahil alam kong hindi ko rin talagang makakayang mawala ka Mahal."
"Alam mo ba muntik na akong mabaliw ng hindi kita mahagilap, mabaliw-baliw na ako sa mga panahon na iyon. Parating mainit ang ulo ko sa lahat ng tao pati ang pagtratrabaho ko ay naapektuhan na din. Naisip kong hindi na kita makikita kailanman, gusto kong saktan ang sarili ko noong malaman kong may nangyari sayong masama. Iniisip ko pa lang ang iyong mga pinagdaanan mo ay nasasaktan na ako. You had a memory loss and had this guy who has the same nickname as mine. Alam mo iyong selos na nararamdaman ko binuhos ko sa opisina, sira lahat ng gamit at kailangan pang ipaayos lahat. Sobrang natakot ang sekretarya ko sa mga inasta ko, sino ba naman ang hindi?" Hindi ko alam kung matatawa ako o maiiyak dahil humahalo ang nararamdaman ko ngayon. Renzo? Nagseselos? Urgh that sounded new to her but she was happy to hear that he felt that kind of feeling.
"And lastly the girl you saw in my office kissing me. Oh God, I swear mamatay na ako ngayon pero totoo talagang wala lang iyon. That woman was trying to seduce me, ayaw niya talaga akong tigilan. Sinabi kong may asawa na ako but still she is pursuing me. I swear mahal sinabi kong tigilan na niya ako pero sabi niya hahalikan niya daw ako tapos kung hindi ako magrerespond ay titigilan na niya ako. At iyon mismo ang nakita mo, alam kong ang lame ng rason na iyan pero iyan talaga ang totoo. I just want to stop her and you know I will not do anything to jeopardize our relationship again."
Hindi ko mapigilang ngumiti dahil sa sinabi ni Renzo, he opened himself like an open book in the video kahit hindi man nito sinabi sa kanya ng harap harapan ay tama na ito para sa kanya. This was more than enough for her to see that all of this was true. Nakita niya bumuntong hininga si Renzo at ngumiti muli sa video.
"I love you. I love you so much that I will give up everything for you, I will give everything you want just to be with me again. Hindi ko alam kung nararamdaman mo ang pagmamahal ko pero sisiguraduhin kong mararamdaman mo ngayon kung gaano kita kamahal, mahal. Even if this will take a life time then I will surely do it. I lay down my everything for you, no pride or anything else. Hindi ko alam na kaya ko palang magmahal na ganito ka extent. My love for you can't be measured because loving you forever is not even enough to describe how I feel for you. I will not hide anything from you anymore, I really want to work things out between us. If ever you feel like things are not right please tell me as soon as possible for us to solve it. I really want to hear you say I love you too pero hindi kita mamadaliin dahil alam kong darating din tayo dyan. I want you to say it when you feel the time is right, I will wait Mahal. Mahal na mahal kita Serena. Happy birthday again, Love. I'll see you later with the dress and sandals on, a driver will pick you up at 6pm sharp. Take care because I care hehe, i'll see you later and again I love you Mahal." Nagflying kiss pa siya sa video habang tatawa-tawa na medyo namumungay ang mga mata at nagstop na ang video.
I can't contain my feelings because of the video Renzo made. Gusto ko ng makita si Renzo ngayon at yakapin siya ng mahigpit pero wala naman siya ngayon at mamaya pa kami magkikita. Gusto na talaga siyang makita at masabihang mahal na mahal ko din siya.