Chapter 47
SERENA's POV
Pinagbuksan na ako ng pintuan sa mercedes benz ng driver na si Manong. Ngumiti sa akin ang driver at gumanti naman ako ng ngiti rito. Pumasok na ako sa kotse at hindi ko maitago sa sarili ko ang sobrang pagkakangiti dahil sobra akong excited sa kung anong mangyayari sa gabing ito.
Kanina pa sa bahay aligaga na ako kung ano ba ang nasa utak ni Renzo ngayon. Gusto ko na talaga siya makita para mayakap ng mahigpit, muli na namang bumabalik sa utak ko ang mga sinabi niya sa video. Gusto kong makausap siya mismo ng harap harapan at hindi ko na siya mahintay pa.
Huminga ako ng malalim at napalingon sa kanang direksyon, napatitig ako sa labas ng bigla may maalala. Bigla akong suminghot sa sarili ko. Wala akong amoy? Wala man lang akong nilagay na pabango sa katawan? Biglang bumusangot ang mukha ko dahil naalala kong hindi ko gusto ang amoy ng pabango ko samantalang dati favorite ko pa ang amoy na iyon.
Siguro okay na rin ito dahil may natural smell naman ako, at least siguro hindi naman ako mahabo dahil kakaligo ko lang din naman. Aba minabuti kong magkuskos ng buong katawan at nagshave pa talaga ako para lang paghandaan ang pagkikita namin Renzo dahil gusto kong magandang-maganda ako sa paningin niya.
"Manong malayo po ba ang pupuntahan natin?" Bigla kong tanong sa driver medyo naiinip na siguro fifteen minutes na silang nasa daan pa din.
"Malapit na po tayo Maam wag po kayong mag-alala makikita niyo na po talaga si Sir Devon." Sabi naman ng driver na kinapula ng pisngi ko. Ganoon ba ako ka transparent? Iyon tipong pati driver namin alam na excited na akong makita si Renzo?
Hayok na hayok Serena? Yan talaga ang term na ginamit ko sa sarili ko. Naipaling na lang ako dahil kahit anong deny sa sarili ko ay gustong-gusto na niya talagang makita si Renzo.
Tumingin ako uli sa labas at pinagmasdaan ang mga nadaanan nila. Ilang sandali lang ay napansin ko ang pagtigil ng sasakyan kaya naman ay napatingin ako sa labas at nakuha agad ng tingin sa gate ng isang malaking mansyon na tinigilan nila.
"Manong ito na po ba ang lugar?" Tanong ko sa driver ngunit hindi niya ako sinagot ng driver. Siguro alam niyang magtatanong pa ako lalo kaya di na niya sinagot ang tanong ko.
Maya-maya lamang ay pinagbuksan na ako ni Manong ng pintuan sa kotse. Kitang kita sa mukha kong ngiting-ngiti kaya naman ay napangiti na rin ako. Nagpaalam na sa akin ang driver at agad itong sumakay ng kotse papalabas na ito ng gate ng mansyon habang ako ay patuloy lang nakatingin sa malaking pintuan ng mansyon.
Nag-iisa lang ba ako rito? Nasaan na si Renzo?
Ramdam na ramdam ko ang laaks ng tibok ng puso ko dahil sa excitement. Hindi ko alam kung anong ginagawa ko rito pero alam kong may magandang mangyayari ngayon. Ano kayang nakahandang surprisa sa akin ni Renzo?
Unti-unti kong binubuksan ang pintuan at agad na nakuha ng atensyon niya ang magagandang furniture sa loob ng mansyon, alam kong nagniningning na ang mga mata ko dahil ganitong-ganito mismo ang gusto ko kung may sarili akong bahay. Malaki itong mansyon ngunit nararamdaman ko ang homey feeling sa paglilibot ng mata ko, dahil siguro kahit napakalaki ng mansyon ay simple lang ang mga kagamitan na mga dekalidad naman.
Nabigla ako ng makuha ng mata ko sa isang gilid ng living room ang isang mesa ang marami naming pictures na magkasama ni Renzo. Meron noong kinasal kami, noong mga bata pa kami, iyong iba ay random shots lang. Bigla akong nakagat sa labi ko dahil sa halo-halong emosyon. Pumasok na kasi sa kukote ko kung bakit nandito ako sa masyon na ito.
Napalingon sa paligid ngunit wala pa ring Renzo ang lumalabas at lumalapit sa akin. Where is he? Na pababa ang mga mata ko at doon niya lang napansin ang ilang mga petals na nasa sahig na parang nagsisilbing direksyon niya papunta sa lalaking kanina ko pa hinahanap.
Unti-unti akong naglalakad at sinundan ang mga petals, napangiti ako dahil naalala ko dati ang surpresa nito noong birthday niya. Maya-maya lang ay lumantad na sa kanya ang kadiliman sa labas ng likod bahay. Medyo napahawak siya sa sarili niya dahil naramdaman ko ang lamig ng simoy ng hangin.
Napalinga-linga ako ng biglang nag-ilaw ang buong paligid at narinig ko ang isang magandang boses na kanina ko pa gustong marinig ng live. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakikita ko ngayon, she was awed because of the scenery plus the guy who stood far away from her who started singing with those god-like voice.
You know you're everything to me and I could never see
The two of us apart
And you know I give myself to you and no matter what you do
I promise you my heart
Napako ang mga paa ko sa kinakatayuan dahil sa pagkabigla, tuwa at kung ano-ano pang feelings na nararamdaman ko ngayon. Iyong garden na tinititigan ko ay sobrang ganda na puno ng iba't-ibang rosas at mga nagliliparang mga paru-paro. Punong puno din ang paligid ng ilaw. Pero hindi lang ang paligid ang nakakuha ng buong atensyon ko ngayon kundi ang lalaking nasa malayo sa kanya ngayon.
I've built my world around you and I want you to know
I need you like I've never needed anyone before
Kung kanina ay nakuha ng magandang paligid ang atensyon ko ngayon ay 100 percent na nasa kay Renzo lang ang mga mata ko. Pakiramdam ko ay one year kaming hindi nagkita at nagkalayo, I want to run to him right now to hug him and kiss him. Pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil nananaig pa rin ang isang parte sa akin na makita pa kung ano ang inihanda niya pa asa akin.
I live my life for you
I wanna be by your side in everything that you do
And if there's only one thing you can believe is true
I live my life for you
Nakatutok lang ang mga mata ko sa kanya na parang wala akong ibang nakikita kundi siya lang. Napakagat ako sa labi ko dahil sobrang saya ko ngayon, sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatitig sa kanya.
I dedicate my life to you, you know that I would die for you
But our love would last forever
And I will always be with you and there is nothing we can't do
As long as we're together
He sand the song without any musical instrument, ni wala ang guitar na dati ay parati nitong ginagamit pag kumakanta ito. Hindi naman kawalan sa boses niya dahil para akin ay maganda talaga ang boses ni Renzo. His stare is piercing through me, his song is like an arrow hitting directly to my heart.
I've built my world around you and I want you to know
I need you live I never needed anyone before
Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala si Renzo ngayon na pinagpapatuloy ang pagkanta. Isang metro na lang ang layo namin sa isa't-isa ngayon at lalong umaariba ang lakas ng pintig ng puso ko. Dinidilaan ko ang labi ko dahil ramdam na ramdam niya ang panunuyot ng labi ko.
I live my life for you
I live my life for you
Unti-unting tinasaan ni Renzo ang mukha ko. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas na makatayo pa rin ngayon dahil pakiramdam ko ay naging jelly na ang paa ko. Iyong huling lyrics kasi sa kanta na "I live my life for you" ay diretso lang niyang sinabi sa akin. Mangingisay na ako sa kilig.
Hindi ako humahawak sa braso niya kahit gustong gusto ko dahil pakiramdam ko ay hindi totoo itong nangyari ngayon. Na pawang panaginip lang ang lahat, isang sobrang gandang panaginip. If this is just a dream then she'll wish to just stay like this forever. He touched my cheeks with so much tenderness, na pakiramdam ko ay isa isang babasaging porcelain doll na iningat-ingatan niya.
Sobrang lapit namin sa isa't-isa na konting lapit ng mukha ay mahahalikan na niya ako. Walang gumagalaw sa amign dalawa, ngayon ay amoy na amoy ko ang pabango niya. God, I missed smelling him.
"I miss you so much Mahal. Iyong kantang kinanta ko lang ngayon ay ang mismong nararamdaman ko para sayo. Now I know why I exist in this world, I used to view the world as a cruel place. Pero mali pala ako dahil sa lugar na ito ay nandyan ka. You made everything beautiful to me, I exist because your here. I live because of you."
Hindi na ko napagilan ang sarili ko ay ako na mismo ang umabot sa labi niya. Alam kong tumutulo na ang mga luha ko hindi dahil sa nasasaktan ako kundi dahil sa sobrang saya na nararamdaman ko ngayon. My lips are trembling but soon she didn't feeling anything but only the blissful kiss they're sharing.
Naramdaman ko ang init na nanggagaling kay Renzo, nakakapit na ako sa batok niya at naramdaman ko na ang pagpulupot ng kamay niya sa bewang ko. She wants to devour him because of the time they have missed. Naghiwalay na ang mga labi namin ng matapos ang halik na pinagsaluhan naming dalawa.
Pinahiran niya ang luha ko sa aking pisngi habang nakangiti sa akin. Nakikita ko sa mga mata niya ang pagmamahal niya sa akin at sa gentleness niya sa bawat hawak niya sa akin. Nagkatitigan muli kaming dalawa ngunit hindi pa rin ako makapagsalita dahil hindi ko alam kung anong tamang sabihin kay Renzo.
She is too overwhelmed with the events, and right now she is too happy that words can't even describe them. Hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan niya akong maglakad papasok ng mansyon.
Hindi ko namalayan na nasa dining table na kaming dalawa at pinaupo niya ako. Parang lutang pa rin ako ngayon habang nakatingin lang kay Renzo.
Si Renzo na ang kumikilos habang ako naman ay nakatingin lang sa bawat galaw niya. Sinabihan niya akong umupo lang daw ako dhail pagsisilbihan niya ako.
Tamihik lang kami pareho sa pagkain, siya din mismo ang nagprepare ng food. Nasarapan ako sa lahat ng niluto niya ngayon, sobrang dami nga pero parang mauubos naming dalawa. Hindi ko expected na ginawa itong lahat ni Renzo para sa akin, this is just to good to be true.
Pagkatapos ng dinner namin ay inalalayan niya ako maglakad papanhik sa itaas. Hindi niya sinabi kung saan kami papunta ngunit sumunod lang siya rito. Ginala ko ang aking paningin sa paligid, napakaganda talaga ng desenyo ng bahay na ito.
What if this all is just a dream? Ayaw niya talagang matapos ang lahat ng ito. She is too afraid to ruin this moment.
Bigla akong namangha sa pinasukan naming kwarto, siguro ito na ang entertainment room dahil sa may malaking tv na parang nasa sinihan kami. May mga sound system din sa gilid, sa gitna ay ang malaking couch na pwede ata ang 10-15 katao. Pinapaupo niya ako roon at pansin na pansin niya ang ngiti sa mga mata niya.
"We'll be watching the movie serendipity. Napansin ko kasi ang pagkahilig mo this past few weeks sa romance movies kaya naisip kong gawin ito. Sigurado akong magugustuhan mo ang papanuorin natin." Sabi niya sa akin habang nakangiti.
Nakaupo kaming pareho sa couch, iyong tipo ng upo na nakadantay ang likuran ko sa dibdib niya. Sabihin na nating nakayakap ako sa kanya, nakataas din ang legs at paa namin kaya komportable talaga masyado. Hindi ko maibigay ang buong atensyon ko sa movie dahil kay Renzo na nasa likuran ko. Iyong utak ko ay di makamove on sa mga nangyari ngayong araw.
"Its a great movie right. Alam mo iyong word na serendipity means finding something good without looking for it. In the movie John Cusack found the girl at the end, it is because they are destined to be together. Like us, now I actually believe in destiny. Why? Because your my destiny, and destination." Unti-unti niya akong hinarap sa kanya at hinawakan sa magkabilang pisngi ko habang nagkakatitigan kami. Sobrang napuno ang puso ko dahil sa mga sinabi niya.
Ngumiti ako at alam ko ngayon na ang tamang panahon para sabihin ko uli ang salitang gusto niyang marinig mula sa labi ko.
"I love you so much, Renzo." Sambit ko sa kanya at ako na mismo ang humila sa mukha ni Renzo para gawaran ko ng halik.