Chapter 44
SERENA's POV
For the past two weeks ay naging mas malapit kami ni Renzo sa isa't-isa. Nakikita ko ang mga effort niya para mapasaya ako. Minsan nga gusto kong maglupasay sa sahig dahil sa sobrang kilig sa mga sinabi niya. Katulad na lang ng sinabi niya last week bago niya ako pinababa para makapasok na sa trabaho.
"Wag mo na akong ihatid dito at nalalate ka lang sa meeting mo besides may kotse po ako." Turan ko, syempre gusto ko naman ang ginagawa niyang paghatid at sundo sa akin. Kailangan naman na dapat na pa hard to get ako.
Hindi ka pa easy to get sa lagay na ito Serena? Kastigo ko sa sarili pero di ko na pinansin ang naiisip.
"No, gusto kong nasisiguradong ligtas ka, ayokong may mangyari sayong masama dahil mag-isa ka lang." Seryosong-seryoso niyang saad habang ako ay napatulala lang. Sobrang vocal ni Renzo mula ng sinabi niyang mahal niya ako, hindi talaga ako masasanay na ganito siya.
"Kaya kong magdrive Renzo. Dati naman nagdridrive na ako ng kotse ko at maayos akong magdrive." Singhal ko kunwari kahit parang mangingisay na talaga ako sa kilig.
"This is not just about the car, Serena. Kung pumayag ka na lang about my suggestions edi sana hindi na tayo nag-uusap ng ganito." He sounded so defeated na parang siya pa ang talo sa aming dalawa.
"Suggestion? Iyon ba iyong ikukuha mo ako ng driver plus body guard na magbabantay sa akin all day sa trabaho." Nakacross arms kong sabi sa kanya. Tinignan ko ang mukha niya kaya naman ay nagkatitigan kami.
"Yes and--"
"And your other suggestion na mag-oopisina ako sa opisina mo. What a very nice suggestion Mr. Devon Lorenzo Yan." Sinamaan ko na siya ng tingin ng bigla siyang tumawa ng malakas.
"What? My suggestion is brilliant. Nakapagsave pa tayo dahil iisang office lang ang magagamit natin, hindi tayo nag-aaksaya ng kuryente kasi iisang aircon lang ang gagamitin natin, pati kuryente makakasave tayo." Biglang pinanlakihan ko siya ng mga mata habang siya naman ay tawa lang ng tawa. Urgh, dumudumi na talaga ang utak pag kasama ko ang lalaking ito. Kung ano-ano na lang ang pinapasok niya sa utak ko at nagustuhan ko naman.
Hindot ka talaga, Serena. Kastigo ko sa sarili.
"Ay nakakahiya naman dyan sa masasave natin. Naku, tigil-tigilan mo ako Renzo sa mga ganyan mo. Malandi ka ha." Sabi ko naman na natatawa na rin, si Renzo ay nakabungisngis pa din. He looked hundred times hotter when he laugh like this.
"Ano bang iniisip mo sa suggestion ko, Mahal? Ikaw talaga pwede mo namang sabihin na gusto mo din." Napalunok ako dahil unti-unti na siyang lumapit sa kinakaupuan ko sa kotse niya. Nasa parking lot kami ngayon. Tinted naman ang kotse niya kaya di nakikita ang mga milagrong gagawin namin dito.
Teka ano bang milagro ang gagawin namin? Wala naman. Kastigo ko uli sa sarili ngunit kahit anong pigil ko ay hindi ko maialis ang tingin kay Renzo. Tila isa itong magneto na hindi ko maialis ang tingin ko.
Parang gusto ko tuloy niyang kumanta ng 'you got me in chains, you got me in chains for your love..' Pakiramdam ko ay may nakasabit ng kadina sa leeg ko na nakakonekta kay Renzo dahil wala na talaga akong kawala sa kanya.
"A-ang kapal mo R-Renzo. Tsaka b-bumaba na nga tayo at baka malalate na ka na niyan.." Sunod-sunod ang lunok ko kasi sobrang lapit na niya sa aking mukha. Pakiramdam ko ay pinagpapawisan na ako ng malami. Bet na bet ko talaga ang ginagawa niya, urgh pareho kaming malandi kaya bagay na bagay kami.
"Why are you stuttering? I love you Mahal." Bigla akong napasinghap ng marinig ko ang sinabi niya. Nagkatitigan kaming pareho, amoy na amoy ko ang mabango hininga niya dahil isang dangkal na lang ay maglalapat na ang aming mga labi.
Naramdaman ko ang pagtulo ng isang butil ng luha sa aking mga mata habang nakatitig sa mga mata niya. Sobrang natouch ako sa sinabi niya dahil nararamdaman ko ang sinsiredad sa mga salitang iyon. Pakiramdam ko nananaginip pa rin ako.
"Why are you crying?" Pinahiran niya ang mga luha ko gamit ang panyo niya. Hinalikan niya ang mata ko, ilong at huli ang labi ko. "I love this eyes, this pointed cute nose and this kissable lips that's always begging to be kissed." He murmured while kissing me.
Lumayo ng kaunti si Renzo sa akin at tinitigan ako, maya maya lang ay niyakap niya ako ng mahigpit kaya naman pinulupot ko. Sinubsob niya ang mukha niya sa leeg ko at may sinasabi pa siya sa akin ngunit hindi ko na narinig dahil ang hina ng boses niya. Tinanong ko siya kung ano iyon pero wala daw siya sinabi.
"Ano nga iyon?" Pangungulit ko sa kanya sabay tusok sa tagiliran niya na akala ko ay pader dahil naramdaman ko ang muscles nito roon. Hindi man lang siguro niya naramdaman ang pagtusok ko sa katawan niya.
"Wala nga, Mahal." Sabay kagat niya sa tenga ko. Napangiti ako dahil sa endearment niya sa akin. 'Mahal' kahit medyo korni iyon pakinggan ay hindi ako magsasawang pakinggan ang salitang iyon basta't galing lang sa bibig niya .
"Dali na Renzomahalko.." Sabi ko sa mahinahg boses, dahil nahihiya akong marinig niya. Hindi ba nangangawit ang lalaking ito sa posisyon sa pagkakaupo niya?
"I heard that." Mabilis siyang humarap sa akin na ngiting-ngiti, akala mo nanalo sa lotto. "Pakiulit muna bago ko sabihin iyong sinabi ko kanina."
"Ayoko nga." Nakanguso kong sabi. Sumimangot siya, ang cute parang bata.
"Dali na mahal, oyy mahal ko." Tawa ako ng tawa dahil sa kinikiliti na niya ang tagiliran ko.
"Renzo tigil na, teka haha sobrang kiliti na iyan teka ano sasabihin ko na." Hingal na hingal kong sabi sa kanya. Tumigil na rin siya sa kakakiliti sa akin, natawa ako dahil umaasta kaming teenager. At talagang tumambay na kami dito sa kotse na parang walang trabahong nag-aantay sa aming dalawa.
"Sige na ano nga uli iyong sinabi mo?" Nakangisi naman siya sa akin. Geez, he just looks so hot in the morning. Aircon please. "Wag kang tumitig ng ganyan dahil iba ang pumapasok sa utak ko."
"Renzo umagang-umaga ha. Tara na nga, bumaba na tayo dito. Late na tayo pareho." Sabi ko ngunit pinigilan niya ang kamay ko at hinila ako kaya ngayon malapit na naman ang mukha naming dalawa. Kunwari, sinamaan ko siya ng tingin.
"Hindi mo ako mauutakan, mahal. Gusto kong marinig uli iyong sinabi mo galing dyan sa bibig mo." Sabay kagat sa ibabang labi ko. Napalunok ako dahil sa ginawa niya ngayon lang, gustong gusto ko ang amoy ng hininga niya, mint na akala mo parating ngumunguya ng bubblegum.
"Are you trying to seduce me?" Hindi ko mapigilang sambit.
"Gumagana naman." He caressed my cheeks with his other free hand. Nakahawak pa din ang isang kamay niya sa isa kong kamay. Sinara ko ang bibig ko dahil baka marape ko na si Renzo gamit ang labi ko.
Humaygad Serena! Saan galing iyan?
Hindi ko alam minsan pero this past week ay pinagnanasaan ko masyado si Renzo. Oo kahit pangit pakinggan ay ganoon ang nararamdaman ko. Minsan nakita ko lang ang bared back niya ay nag-iinit na agad ang pakiramdam ko. Ang weird lang pero natuturn on na ako agad lalo na pag nakikita ko ang matambok niyang pwet.
"Gumagana kaya wag kang ganyan dahil baka marape kita ng hindi oras." Pareho kaming nabigla dahil halata din sa mukha ni Renzo na nabigla siya sa narinig mula sa akin. Simaan ko ng tingin si Renzo ng bigla siyang tumawa, alam kong pulang pula na ako ngayon dahil sa kahihiyan.
Ang pinakahuling nangyari sa aming dalawa ay iyong sa hotel pa sa Singapore, pagkatapos no'n ay wala ng naganap sa amin. Puro halikan lang at yakap ang nagaganap. Katulad noong nakaraan umasa na akong may mangyayari noong patulog na kami ng biglang lumayo si Renzo sa akin at niyakap na lang ako pagkatapos niyang ngatngatin ang labi ko. Nakakagil lang at nakakaasar, paasa si Renzo.
"Gusto kong marinig uli iyong sinabi mo kanina. May kapalit." Sabay dugtong sa sinabi niya sa akin. At may kapalit pa talaga?
"Ayoko nga. Teka anong kapalit iyan?" Oo na, curious ako sa offer niya. Baka kasi iyong offer niya, iyong matagal ko ng inaantay.
"Kiss. Torrid. 5 minutes." Sabi niya na pinadaan talaga ang labi niya sa labi niya. Such a tease!
"Deal!" Aba sayang iyong offer kaya di na ko na napigilan na tanggapin baka bawiin pa e.
"Ano na Mahal? Magsalita ka na." Natahimik ako dahil nahihiya talaga akong sabihin ang endearment na 'mahal'. Lumunok ako at inisip ang kapalit nito.
"Renzomahalko.." Mabilis kong sambit, alam kong pulang pula na ang mukha ko. Bakit ba kasi nahihiya ako? Ang dali lang naman ng salitang 'mahal' na sambitin.
"Ano? Pakiayos po at dapat iyong maririnig ko ang bawat salita." NIlapit niya lalo ang mukha sa akin pati ang tenga niya
"Reenzomahalako" mabilis niyang sabi rito. Pinaglakihan niya ito ng mata dahil tawa tawa ito.
"Louder and speak clearly MAHAL KO." Lalo siyang tumawa habang nakatingin sa mukha ko. Umakyat na ata lahat ng dugo sa mukha ko.
"Ayoko na, ayoko na sayo na iyang kiss na iyan." Hindi ko na talaga kaya, nakakahiya talaga.
"Love naman." Nagmamaktol pa niya.
"Che tigilan mo ako." Nakanguso na siya na parang bata. Shete, napakapogi na nilalang.
"Mahal kita, sobra. Na kahit sobrang korni kong pakinggan ay hindi ako magsasawang sabihan kang mahal kita at hindi ako mahihiyang tawagin kang 'mahal'. Naiintidihan ko kung di mo kayang sabihin na mahal mo ako. " Hinalikan niya ang noo ko at lumabas na ng kotse, binuksan niya ang pintuan ng kotse para makalabas na ako.
Halata sa mukha niya na medyo disappointed siya sa akin kasi di niya narinig mula sa labi ko ang gusto niyang sabihin ko. Lumabas na ako ng kotse at humarap sa kanya. Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay bago magsalita.
"Thank you, Renzo, mahal ko."