Chapter 43
DEVON's POV
(Before the confession)
Napatayo ako sa swiwel chair na inuupuan ko ngayon. Narinig ko ang isang katok at sigurado akong ang sekretarya ko lang ang naglalakas ng loob na gambalain ako ngayon. Nag-init ang ulo ko simula kanina, nang manggaling ako sa meeting na kasama pala si Serena.
"Sir, nandito na po ang coffee na pinapahanda ko sa inyo and here is your schedule until 7 in the evening.." Madami pa itong sinabi pero hindi ko na naintindihan ang sinabi niya dahil paulit-paulit pa ring tumatakbo sa isipan ko ang pinag-usapan namin ni Serena kanina. Inaamin kong nasaktan ako sa mga nasabi niya na parang tinusok ang ang puso ko ng isang libong beses pero alam kong hindi ko siya masisisi kung kamuhiyan man niya ako ng ganoon katindi.
"You can leave, cancel all my appointments today and reschedule all of it for another day." Mabilis kong utos at agad naman itong tumango sa sinabi ko.
Bumuntong hininga ako at napahilamos ko ang kamay sa mukha ko. I'm so frustrated and depressed. Hindi ko matanggap na ganito ang nangyayari sa akin ngayon pero alam kong kasalanan ko din naman ang lahat. Kung di lang ako nagpakagago sa simula edi sana mahal pa rin ako ni Serena ngayon.
Napatayo ako sa kinauupuan ko at humurap sa salamin. Napatingin ako sa buong siyudad ng Makati na kitang-kita ang naglalaking mga buildings sa paligid. Dati kapag wala ako sa mood o kung mainit ang ulo ko ay tumitigin lang ako sa labas ay gumagaan na ang pakiramdam ko kaya nga lahat ng opisina ko sa dito sa Pilipinas at ibang bansa ay magkakahawig ang ayos. Sinisigurado kong nasa pinakatop floor ang opisina ko.
Pero ngayon ay hindi man lang gumaan ang pakiramdam ko, paulit-ulit pa rin tumatakbo ang pinag-usapan namin ni Serena sa utak ko na parang sirang plaka. Nag-iinit ang ulo ko at sobrang bad trip ko ngayon dahil hindi ko alam ang gagawin kung paano maibalik ang pagmamahal ni Serena sa akin. Gusto kong higpitan ang pagkakahawak ko sa kanya pero kahit anong hawak ko ay unti-unti na siyang kumakawala sa akin.
Pero hindi ako makakapayag sa makawala uli si Serena sa akin, hindi ko hahayaang mawala uli si Serena. I don't want to sound gay but Serena is my life now. For me, she is everything. Mawala na ang lahat basta wag lang siya, I'm contented just to have her by my side.
Sa araw araw na ginawa ng Diyos ay nararamdaman kong mas lumalalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Sa araw-araw na nakikita ko siya ay mas gumaganda siya sa paningin ko. At sa araw-araw na iyon ay nakikita ko ang pagbabago niya. Hindi na siya mahiyain katulad ng dati kundi malaki na ang kompeyansa sa sarili na nagustuhan ko naman.
Ngunit kasabay ng nararamdaman kong ito ang takot dahil sa nakikita kong kaya na niyang tumayong mag-isa, kaya niyang wala ako sa tabi niya. Pero bakit nga ba niya ako kakailangan kung puro lang sakit ang binigay ko sa kanya? Bakit gugugustuhin pa niyang bumuo kami ng pamilya kasama ako?
The fear of losing her was eating me up. The fear that Serena might run away again without me noticing it. Takot ang nananaig sa akin ngayon. Hindi na ko alam ang gagawin ko para lang mapakita ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Kahit na nagpractice na ako paulit-ulit sa utak ko ng sasabihin ay nawawala at naiiba ang lahat pagkaharap ko si Serena.
Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat na kailangan niyang malaman simula't sapol. Gusto ko sabihin sa kanya ang nararamdaman ko dahil pakiramdam ko ay sasabog na ako ngunit hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung paano ko siya mapapaniwala sa lahat.
Napabuntong hininga ako uli at nakakailang buntong hininga na ako. Napatingin ako sa cellphone na nagvibrate sa bulsa ng slacks ko. Sinagot ko ang tawag kahit wala akong ganang sagutin iyon pero dahil importante wala na akong nagawa.
"Yes Trish," Nakinig ako sa sinabi ng nasa kaibilang linya. "Ikaw na ang bahala, alam kong naibigay ko na ang lahat ng kailangan mo. I'll meet you, maybe, tomorrow." Binaba na ko na ang tawag at muling napatitig sa kawalan.
Lumapit ako sa mesa kong mahogany at kinuha roon ang picture frame. Tinitigan ko ang mukha ni Serena na nakangiti at pakiramdam ko na nakatingin din sa akin. Kinuha ko na rin sa tabi ko ang wedding ring niya na hindi niya sinusuot kaya naman ay dinadala ko na ang singsing kung saan man ako magpunta.
Pinaikot ikot ko iyon sa daliri ko, gusto kong isuot uli ni Serena ang singsing niya dahil iyon ang marka na mag-asawa kami at akin lang siya. Nilagay ko ang singsing sa bulsa at lumabas na ng opisina ko, dumiretso na ako sa private elevator at agad na pumindot papunta sa parking lot.
Ayaw na kong magtagal sa opisina dahil hindi ako makapag-isip roon at hindi ako makahinga ng maayos. Tinanggal ko na ang necktie ko at nagsimulang magdrive papunta sa isang kilalang bar. Wala akong pakialam kung hapon pa lang ngayon, gusto ko lang uminom ngayon at mag-isip.
"Pare. Long time no see." Napalingon siya sa nagsalita sa likuran ko. Nakalimutan ko pagmamay-ari pala ito ng isa kong kabarkada noong college, si Vince. Hindi na ko maalala kung kelan ako huling nagpunta sa isang bar, siguro last last last month? Hindi na ako sigurado. Binalik ko ang tingin sa iniinom na brandy, isang lagok ko lang ang isang baso.
"Whoa, pare. Hapon palang gusto mo ng maglasing?" Amuse na amuse pa nitong tanong sa akin. Umupo siya sa tabi ko at sinenyasan ang isang bartinder.
"Gusto kong malasing." Simpleng sabi ko sa kanya. Tumayo ito at tinapok ako sa braso.
"We have our private vip rooms, sa itaasiyon, tara doon tayo mag-usap. Tagal na din nating di nagkita eh." Tumango na lang ako at sinundan siya. Huminga ako ng malalim, maglalasing ako ngayon. Gusto konh lunurin ang sarili sa alak.
"So how have you been Pare? Obviously hindi ka okay ngayon kasi iyang klase ng pag-inom mo akala mo magpapakamatay ka na gamit ang brandy." Sabi naman niya at napailing-iling lang siya sa akin, hindi ako madaling malasing kaya kahit ngayon medyo nakakarami na ako ng inom ay tipsy pa lang ako.
"Life's been hell Vince." Sabay lagok sa basong may laman ng brandy. Naglagay ako ng yelo sa baso at nilagyan uli ito ng brandy.
"Hell? Akala ko hiwalay na kayo ni Serena?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"No, we're not and that will never happen." Sambit ko, kinuyon ko ang kamay na may hawak-hawak na baso.
"And why would that not happen? Eh iyan ang gusto mo simula ng matali ka kay Serena. Wait don't tell me-- you are inlove with her." Sabay pa turo ng kamay sa akin. Ganoon na ba ako katransparent? Bakit ang ibang tao alam na mahal ko siya pero ang taong mahal ko mismo hindi iyon makita kahit pinagduduldulan ko na?
"Yeah. How can I not? She is incredibly amazing, beauitiful as hell, she has a good heart and she loved a guy like me." Sabay buntonghininga, nagiging habit ko na ito.
"Malala na iyan pare pero loved? Past tense? Hindi ka na niya mahal? Paano nangyari iyon eh patay na patay iyon sayo?" Sabay lagok din sa brandy na iniinom niya.
"People change and clearly she changed." As a matter of fact, she really did.
"Bilog nga talaga ang mundo." Sabi pa niya sabay iling-iling. Aba nang-inis pa ang loko na ito. Hindi ko na lang ito pinansin at bumalik uli ang tingin ko sa iniinom na alak.
"I want to ask you this Vince. May minahal ka bang babae, iyong seryosong-seryoso ka sa kanya." Tanong ko. Nabigla siya sa tanong ko. Siguro lasing na ako dahil kung ano ano na lang ang lumalabas sa bibig ko.
"Yeah I have pero katulad mo ay nasaktan ko din siya ng ilang beses bago ko naisip na mahal ko din pala siya. Muntik na din siyang mawala sa akin, muntikan na din siya maagaw ng iba sa akin but the I fought for her. I fought for what I feel and I got her once again, thank God." Saad naman nito habang nakangiti pa. This guy in front of him is the example of guy in love kahit pa mukhang tanga habang ngiting-ngiti sa akin ay may nararamdaman ako pagkainggit sa kanya.
"Good for you." Sabay lunok sa alak. His mind is filled with the faces of Serena na nakangiti, nakasimangot, galit, umiiyak at kung ano-ano pang pinapakita niyang mukha sa akin.
"Ano bang pinoproblema niyo eh mag-asawa na rin naman kayong dalawa? May assurance ka na Pare." Sabi pa nito sabay tapik ng balikat ko. Assurance? Hindi ko magawang isipin na assurance ang pagiging mag-asawa namin dahil kahit ganoon naman ang relasyon naming dalawa ay hindi ko hawak ang puso niya.
"You will never understand me Vince. I want her to love me again! Hindi assurance na mag-asawa kaming dalawa dahil pwede niya akong iwan uli at hindi na muling magpakita sa akin kailanman." Sabi ko sa kanya. Muling napahilamos ang dalawa kong kamay sa mukha ko. I just want her to love me again like in the past.
"Make her." Sagot niya.
"Akala mo ganoon kasimple iyang sinasabi mo? Ginawa ko na iyan pero wala pa din."
"Then gawin mo uli hanggang sa mahalin ka niya uli. Ganoon lang naman iyon kasimple Devon, ipakita mo at dapat sincere iyang inaakto mo dahil kung hindi ay wala talagang mangyayari sayo." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Anong pwede kong gawin?" Tanong ko kanya. Nagkaroon bigla ng sense para sa akin ang sinasabi ni Vince. Parang nawala ang pagkatipsy ko.
"Ligawan mo," sabi n'ya habang tumango-tango.
"What? Court her? Parang iyan na ang ginagawa ko eh."
"You're not even sure sa sinasabi mo. Lagyan mo naman kasi ng effort pare, iyong mapapansin niya talaga. Alam mo naman ang mga babae madaling mamatay sa kilig," turan niya sabay tawa.
"May mga hinahanda na akong surprise para sa kanya. Hindi pa ba sapat iyon?" Tanong ko.
"You want her to love you again right? Mag-eefort ka. Aba noong ako nangligaw noon kay Shaina dumagak muna ata ng dugo bago ako sinagot uli. Ginamitan pa ako noon ng judo moves." Natatawa niyang kwento sa akin, parang naimagine ko naman ang sinabi niya.
"This is now what we call Oplan make her fall for at your knees and suc-- I mean what again?" Sabi ni Lance na ngayon ay lasing na din ata katulad ko. Natatawa sila pareho sa mga pinagsasabi nila.
Ah, mahaba-habang operasyon ang mangyayari.