Chapter 7 Grandchild

Kaiden’s POV

“You need to settle down, hijo. I want a grandchild.” Wika ng isang babaeng nasa mid 50’s, pero kung ang hitsura ang pagbabasehan ay hindi mo mahahalata na ito ay may katandaan na. Sa pananamit ay elegante, ang mukha ay mababakasan ng katapangan ngunit sa pananalita ay napakahinhin nitong pakinggan.

Tumayo ang binata mula sa mamahaling sofa na kinauupuan nito, nakakunot ang noo. Parang nabingi at halos di makapaniwalang bumaling sa babaeng nagsalita. Karlene Hermosa- Figueroa ang kanyang ina.

“Mom, I’m still enjoying my life. And besides, wala pa naman ako sa 30’s para madaliin niyo ni Dad magka pamilya.” Mahinahong turan ng binata sabay simsim sa kopitang may lamang red wine na hawak ng kanyang kaliwang kamay.

Muling ibinuka ng kanyang ina ang bibig, nais tumutol ngunit hindi ito tinuloy. Sa halip ay ibinaling nito ang tingin sa lalaking may edad na ngunit mababakasan parin ng pagkagandang lalake, matikas ang pangangatwan. Tahimik itong nagbabasa ng mga files na nakakalat sa isang napaka eleganteng lamesa- ito ay si Sairus Figueroa ang kanyang ama.

“Sairus! I want a grandchild. Talk to your son.” Mahinahon man ay may diin parin at kababakasan ng owtoridad ang bawat salitang binitawan ng ina.

Agad dumako ang tingin ng kanyang ama sa kanya. Hindi mabasa ang emosyon sa mukha nito kaya halos pagpawisan ang binata sa kinatatayuan habang naghihintay sa isasagot ng ama.

Tumikhim muna ang kanyang ama bago nagsalita. “Two months from now is your birthday, right?” panimula nito na syang ipinagtataka niya. July 23 is his birthday. It’s now day 19 of May. Anong konekta ng birthday ko? Takang tanong niya sa sarili.

“You only have two months to invite your beloved girl in your birthday so that we can finally meet her.” Pagpapatuloy ng kanyang ama.

Ibubuka niya sana ang bibig upang tanungin ang ama kung nagbibiro ba ito, pero sino nga bang lolokohin niya. Obviously, his father is not joking. Hindi mababakasan ng pagbibiro ang mukha ng ama. Blangko ang ekspresyon at may diin ang bawat salitang binibitawan kaya’t kahit hindi tanungin ay alam niyang hindi ito nagbibiro. At isa pa, hindi mahilig makipag biruan ang ama, lalo na kapag ang kagustuhan o kasiyahan ng kaniyang ina ang pinag uusapan.

He manages to get himself together. “And if I refuse to do so?” mababang boses na tanong niya sa ama.

“Then we don’t have a choice but to arrange a marriage for you. You know how badly our business partners wants you to marry their daughter just to merge and expand their business. Your mom will gonna choose who you’ll gonna marry.” Tila walang emosyong sabi ng ama.

Halos manlamig ang binata sa kinatatayuan dahil sa sinabi ng kaniyang ama. Sa sobrang pagkadismaya ay wala siyang ibang nagawa kundi ikuyom ang kamao at magmura ng magmura sa isip.

Gustuhin man niyang umapila ay alam niyang wala din itong patutunguhan. Magsalita man sya ay wala rin itong saysay kaya’t kahit ayaw niya ay pinili nalang niyang itikom ang bibig at manahimik.

Isang minuto. Dalawa. Tatlo. Hanggang sa maglima ay wala paring nagsasalita maski isa sa kanila.

“Hon, you’re gonna be late to your meeting.” Pambabasag ng ina sa katahimikang lumukob sa loob ng silid na kinaroroonan nilang mag anak. Halos mapabuga sya ng hangin ng marinig ang tinuran ng ina.

Agad namang napatingin ang kaniyang ama sa bisig kung saan nakalagay ang mamahalin nitong relo.

“So, now that it’s clear. We have nothing to talk about. We’re going now.” Malamig na sambit ng ama.

Tinapik muna siya nito at saka ito naglakad palabas ng opisina niya.

“Baby, We just only want the best for you.” Ani ng ina pagkalapit sa kanya. He just sighed in disbelief. Wala naman syang magagawa.

“See you at home, hijo. Please, take care.” Malambing na sambit ng ina at saka siya niyakap. Gumanti lang sya ng yakap, ngunit hindi parin umiimik. Ilang segundo lang silang tumagal sa ganong posisyon at umalis narin ang ina.

Napasabunot naman sya sa buhok at saka pasalampak na naupo sa kaniyang swivel chair.

“Fuck.” Untag niya at saka pinagpupukpok ang ibabaw ng lamesa. Hindi pa sya nakuntento at pinaghahawi niya ang laman ng kaniyang mesa. Wala syang pakealam kahit mga importanteng papeles pa ang mga nakalagay dito. Fuck this life.

At nang mahimasmasan ay agad niyang kinuha ang phone sa bulsa at may kung anong tinipa doon.

Maya maya lang ay may kumakatok na sa pinto ng kanyang opisina.

“Get in.” iritadong sambit niya. Salubong ang dalawang makapal na kilay at tila nag isang linya ang korte ng bibig.

“Ahm…Sir, what can I do for you?” nakayukong tanong ng kanyang sekretarya.

“Cancel all my meeting today.” Malamig na saad niya sabay kuha ng coat na nakapatong sa swivel chair niya.

“Okay, noted Sir.” Magalang na sagot nito at saka yumuko upang magbigay galang dito.

“Man, you look wasted!” pansin ni Aaron na kakarating lang… hindi ko ito pinansin, patuloy lamang ako sa pag-inom ng alak.

“Kagabi pa yan nandito, gusto ata lunurin ang sarili sa alak.” Wika naman ni Jake habang nagpupunas ng mga baso.

“Kaya pala tawag ng tawag si tita Karlene at Kyla sa akin kagabi hinahanap itong si Kaiden.” Pagsingit ni Chandler.

Masyadong occupied pa ang isipan ko. I need to think how to save my freedom. Damn it!

“C’mon dude… hindi mareresolba ng alak ang problema mo. Alam kung mahirap yang problema mo pero nag aalala na sayo ang kakambal mo.” Sabat ni Aaron.

Sinabi ko kasi sa kanila ang nangyare and he’s right… wala akung mapapala kung magpakalasing ako dito buong araw, walang mangyayare.. hindi nun mareresolba ang problema ko.

“Then what should I do? Man, I don’t want to settle down. Wala pa sa plano ko ang magpakasal at lumagay sa tahimik. Fuck! I don’t even want a girlfriend for fuck’s sake. Sakit sa ulo ang mga babae.” Saad ko at saka muling tinungga ang hawak na alak.

“Why don’t you try to find someone who can act as your fake girlfriend.” Suhestyon ni Tyron.

That’s what I’m thinking too. Pero parang mahirap yon. I don’t want an attachment. Ah nevermind. I might try it. I should find a girl that will be fit for the role.

But first, I should check my twin first. Kyla’s calling me since yesterday after I tell her what Mom wants.

She’s also worried about me getting married to the girl I don’t even know. She even suggested na siya nalang daw ang magbibigay ng grandchild kay Mommy. What the hell right? She’s crazy. We’re still studying. Yes, I have been running a business for years now but I’m still learning. Hindi pa nga ako graduate ng Business Ad, and they want me to settle? No way!

I really need to find a girl who’s willing to be my fake girlfriend.