Chapter 6 Underwear

Raine’s POV

Ten thirty na pero wala parin ang magaling kong amo. Nalinis ko na lahat ng kasuluksulukan ng condo niya. Buti nalang ay hindi na ako nagluto ng pagkain niya. Mukhang di naman sya dito kakain.

Eleven thirty na ng napagpasyahan kong matulog. Wala naman sa kontrata ko ang hintayin sya umuwi kaya matutulog na ako. And besides antok na antok na din ako. Di naman ako masyadong napagod dahil hindi naman makalat ang condo.

Pagkapasok ko sa kwarto ay dumiretso na ako sa napakalambot kong kama. Nagdasal muna ako at tsaka ako natulog.

Six thirty a. m ako nagising. Naghilamos lang ako at saka nag toothbrush. Isinuot ko ang simpleng itim na t-shirt na umabot hanggang ibabaw ng tuhod ko, maong short naman ang pang ibaba ko. Nagmukha akong naka bestida dahil halos hindi makita ang maong short na suot ko. Wala naman binigay na uniform si Kaiden, at wala rin naman sa contract na may kailangan sunding dress code. Kaya okay na siguro tong suot ko. Itinali ko lang nang pa messy bun ang buhok ko at saka ako lumabas ng kwarto.

Napansin kong nakaawang ng kaunti ang pintuan ng kwarto ni Kaiden. Sa pagkakatanda ko ay sinarado ko iyon kagabi.

Didiretso na sana akong kusina para maghanda ng breakfast ng mapansin kong may nakakalat na damit sa sahig malapit sa pinto ng kwarto ni Kaiden.

“Balahura pala ang lalaking to, kung saan saan nalang makapag tapon ng damit niya.” Saad ko saka tinulak ng bahagya ang pinto ng kwarto niya para mapulot ang mga nakakalat na damit.

Napansin kong may nakadapa sa kama, malamang si Kaiden. Anong oras kaya siya nakauwi? Ah ewan. Bahala sya sa buhay niya. Basta gagawin ko ang trabaho ko.

Pinulot ko isa isa ang damit niya, dahan dahan lang ako dahil baka magising ang halimaw. Naalala ko na isa sa bilin niya ay ayaw niyang ginigising siya lalo sa umaga.

Hawak ko na ang pinakahuling damit na nakakalat sa sahig ng biglang may magsalita sa harap ko.

“Why are you holding my underwear?” isang baritonong boses ang narinig ko. Agad akong napatingin sa harap at bumungad sakin ang dalawang hita na medyo mabalbon.

A-Ano daw? Underwear? Hawak ko daw? Agad nanlaki ang mata ko ng napagtantong underwear nga ang hawak ko.

Napasigaw ako sa gulat. Ramdam na ramdam ko din ang pag akyat ng lahat ng dugo ko patungo sa mukha ko.

“Fuck! Old maid. Don’t shout.” Inis na saad ni Kaiden kaya napalingon ako sa gawi niya. Nakatayo sya sa harap ko at…at wala syang suot na kahit ano. As in wala. Kitang kita ko ang hotdog niya. Ohmygod! Lalo akong napasigaw.

“Y-Yung ano mo…yung a-ano shit! Yung ano mo takpan mo! Aaahhhh!” lalo akong nagtitili, hindi ko na alam saan lilingon. Hawak ko parin ang underwear niya. Shit! Bakit ba hindi ko naisip na nakahubad sya? Nakakalat nga yung damit niya oh. Ang bobo mo naman Raine!

“Tsk! Get out of my room.” Asik niya at saka naglakad pabalik ng kama niya.

Nag angat ako ng tingin, at grabe kitang kita ko ang matambok niyang pwet. Pucha! Ang mata ko hindi na virgin. Ohmygod! Bakit ang kinis ng pwet niya? At ang tambok pa huhu. Mas makinis pa yata sya sakin. At yung ano niya, yung hotdog niya grabe bakit ganon kahit tulog ang laki parin. Waahh! My innocent mind! Wag mo akong iwan. Ayaw kong mabahidan ng kamunduhan ang utak ko dahil lang sa lalaking to. Jusko!

Dali dali akong tumayo at naglakad palabas ng kwarto ng halimaw ng bigla na naman siyang magsalita.

“Leave my underwear alone, old maid.” Nang mapagtanto ang sinabi niya ay lalo akong pinamulahan ng mukha. Nabitawan ko ang hawak king mga damit, pero naiwan ang underwear niya sa kaliwa kong kamay.

Potek! Agad kong kinalma ang sarili at nagkunwaring di apektado. Pero sa loob loob ko ay parang gusto ko nalang maglaho. Nakakahiya!

“Oh ayan! Sa susunod kase ilagay mo sa lalagyan ng mga maruruming damit ang damit na hinubad mo.” Sermon ko dito at saka ibinato ang underwear niya sa kanya.

Pagkabato ko ng underwear niya ay saka ako naglakad ng mabilis palabas ng kwarto ng bwisit na lalaking yon.

“Lord please, kunin mo nalang ako.” Bulong ko habang pinapaypayan ang sarili.

Ilang minuto pa akong nakatulala bago nagpasyang magluto. Inihanda ko na ang pagkaing niluto ko sa mesa.

Nagsangag lang ako ng kanin at saka nagprito ng bacon, egg at hotdog. Nagtimpla din ako ng kape. At nag toast ng bread.

Tapos ko na ihanda ang pagkain ng sumulpot si Kaiden sa kusina. Presentable na siyang tignan. Nakasuot ng baby blue na polo at black na slacks yata yon. Basta parang naka office suit siya.

Okay, gwapo siya. Ang gwapo niya talaga. I won’t deny it. Hindi ako ganon ka impokrita. Pero hindi non mabubura na maniac sya at antimpatiko. Hmp!

“Handa na ang breakfast niyo, Sir. Kumain na po kayo dyan.” Sabi ko dito.

Kaiden’s POV

Damn! I’m having a boner because of that old maid. Fuck, I can’t believe it. Bakit kase ganon lang ang suot niya?

Lantad na lantad ang mahaba at maputi niyang hita. Is she even wearing a short under that freaking shirt? Fuck!

The way she tiptoe while entering my room, damn it! She looks cute. Takot na takot siyang wag makagawa ng ingay. Hindi niya manlang napansin na gising na ako at pinapanood siyang pulutin isa isa ang mga damit kong nakakalat sa sahig.

Nalimutan ko na ilagay sa basket dahil sa pagmamadaling makapaglinis ng katawan kagabi. After that fucking incident in the car of that girl, naubos lahat ng lakas ko.

But after I saw my underwear in that Old Maid’s hand. Fuck! Agad nag init ang katawan ko. I just imagine fuckin— no. No way! Stop it Kaiden. You’re not gonna fantasize that girl. Not even in your fucking dream. Saway ko sa sarili ko.

Kaya sinadya kong tumayo kahit alam kong wala akong damit. I just wanna tease her.

“Why are you holding my underwear?” tanong ko dito at saka tumayo sa harap niya. Showing my proud buddie. It’s a good thing na hindi nag react ang buddie ko. Baka isipin pa ng old maid na’to na pinagnanasaan ko siya. No way!

Pansin ko ang panlalaki ng mata niya. Gusto kong matawa but I chose not to. Mukhang di pa nags-sync in sa kanya na underwear ang hawak niya. Pfft!

Nang mapagtanto niya ang sinabi ko ay agad siyang nagsisigaw. Damn!

“Fuck, old maid. Don’t shout!” medyo iritado ko na ring sabi dahil shit ang sakit sa tenga.

“Y-Yung ano mo…yung a-ano shit! Yung ano mo takpan mo! Aaahhhh!” lalo siyang nagtitili. Sobrang pula ng mukha niya, hindi niya rin alam kung saan titingin. Nanlaki ang mata niya habang nakatingin sa alaga ko.

Pfft— she look stupid. Hindi ko na kayang pigilan ang tawa ko.

“Get out of my room.” I gathered my strength to act like I’m pissed.

Tumalikod na ako para di niya mahalatang natatawa ako. Ang sarap niya pagtripan. Fuck! Hahahaha.

Nang makabalik ako sa kama ay agad akong naupo. I just watch her panicking, nagmamadali siyang tumayo at naglakad.

Palabas na siya ng mapansin kong hawak niya parin ang underwear ko. “Leave my underwear alone, old maid.” Sabi ko na naging dahilan ng pagkatigil niya sa tapat ng pinto ko, nabitawan niya rin ang iba kong damit. Pero hawak niya parin yung underwear ko. Pfft!

Damn! I really wanna laugh hard, seeing her face this red is crazy.

“Oh ayan! Sa susunod kase ilagay mo sa lalagyan ng mga maruruming damit ang damit na hinubad mo.” Panenermon nito at saka ibinato ang underwear sa direksyon ko. Muntikan pang tumama sa mukha ko. Fuck!

Nang makalabas siya ay saka ako humagalpak ng tawa.

“The heck! That was priceless. So epic hahahahaha.”

Napatingin ako sa relo na nasa bedside table ko. Damn may meeting pala ako ng 7:30. It’s almost 7 now.

Agad akong naligo at saka nagbihis. Pagkalabas ko ng kwarto ay agad kong naamoy ang niluluto ng old maid na’yon. Mukhang masarap, mabango eh.

Nakahain na sa lamesa ang fried rice, hotdog na may egg at bacon. May coffee na rin na nakahanda at toasted bread.

I’m late so I’ll just take the coffee.

“I’ll just take the coffe and that bread.” Sabi ko at saka naupo. Inabot niya naman ito at saka tumalikod para magligpit. I didn’t even invite her to eat with me. Busy ako sa phone ko, checking my schedule and kung sinong mga ka meeting ko today.

Raine’s POV

Inabala ko ang sarili ko sa paglilinis ng mga pinag gamitan ko sa pagluluto. Hindi ako lumilingon sa gawi ni Sir Kaiden dahil hanggang ngayon ay rumrehistro parin sa isip ko yung ano niyang malake at pwet niyang matambok. Jusko!

“Fuck!” inis na sabi nito. Napalingon naman ako sa kanya, mukhang nakatanggap siya ng message sa phone niya at hindi iyon good news.

Nagkibit balikat nalang ako at saka tinuloy ang ginagawa. Pilit kong iwinawaksi sa isip ko ang nakita ko kanina.

“I’m done. I have to go. Kung may lakad ka or may kailangan puntahan, don’t forget to lock the door.” Bilin nito na ikinatango ko lang.