Chapter 2

"Anais!" Rinig kong tawag ng magaling kong asawa sa akin.

Nagmamadali ko naman itong nilapitan dahil mahirap na baka saktan niya na naman ako.

Halos madapa pa ako sa pagbaba sa hagdan dahil kulang na lang ay tumalon ako para lang makalapit agad ako sa kaniya.

"B-babe a-andiyan k-ka n-na p-pala" mautal utal kong wika.

Tiningnan naman ako nito ng masama na normal na nitong ginagawa sa araw araw na ginawa ng diyos.

"Wag mo kong matawag tawag na babe di kita kilala!" Singhal nito sa akin pagkatapos ay dinuro duro pa ako nito.

Hinablot ako nito ng marahas at biglaan ako nitong sinampal. Halos mamanhid ang mukha ko sa sobrang lakas ng pagkasampal nito sa akin.

"Ganiyan lang ang nararapat sayo hanggat hindi ka natututo na hindi mo ako pwedeng tawagin ng kahit ano, wag na wag mo ding mababanggit ang pangalan ko dahil nasusuka ako pag naririnig kong binibigkas mo ang pangalan ko" singhal nito sa akin at itinulak ako nito ng malakas sanhi ng pagkaupo ko sa sahig.

"A-aray!" mahinang daing ko. tatayo na sana ako pero yumuko siya ulit para sampalin ako sa kaliwang pisngi.

Napaiyak ako ng sobra dahil sa sakit na

natamo ko sa pagkakasampal niya ang sakit sobra.

"S-sorry! h-hindi n-na m-mauulit" mahinang bulong ko pero alam ko namang narinig niya.

"Ano iiyak ka na naman?! Lintik na buhay ito! Kala mo madadaan mo pa ako sa mga drama mo? tangina anais tapos na ako diyan! Tapos na ako sa mga panloloko mo! Kala mo ba magiging masaya ka? Tangina pwes nagkakamali ka, ikaw nagpumilit ng kasal na ito kaya dito ka rin mamatay."

Sigaw nito sa akin at tinapunan ako ng masamang tingin pagkatapos ay naglakad na ito paalis ngunit huminto din at kumuha ng vase sa gilid niya at walang sabi sabing ibinato ito malapit sa pwesto ko.

Napahiyaw ako sa sakit dahil may mga tumalsik sa akin na pira pirasong bubog ng vase pero hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin kahit na nagdurugo na ang ilang parte nang katawan ko.

Tuloy tuloy itong lumabas ng bahay.

"sana dito ka lang sa bahay aalis, wag kang aalis sa buhay ko please dito ka lang sa akin" mahinang bulong ko na punong puno ng lungkot.

Tiningnan ko ang sarili ko na parang naawa dahil sa itsura ko ngayon mukha akong kawawa.

Tumayo na ako at dahan dahang naglakad papunta sa kusina, isinawalang bahala ko na lamang ang sugat ko sa paa na kanina pa dumudugo maging ang siko at braso ko.

Kumuha na ako ng kawali at isinalang ko ito sa kalan naglagay na ako ng mantika sa kawali at sunod sunod ko ng inilagay ang bawang sibuyas at kanin.

Nagluto na rin ako ng ham at hotdog habang nakasalang ang mga niluluto ko ay nagtimpla muna ako ng kapeng iinumin ni Riguel hindi kase umaalis ng bahay 'yon hanggat hindi nakakapag kape.

Habang hinahalo ko ang kape ay hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa singsing na suot ko.

Napakaganda kase nito parang kahit ano pa man ang gawin sa akin ni riguel ay napapawi ang lahat ng sakit kapag nakikita ko ang singsing na tanda na kasal siya sa akin

Napangiti na lang ako habang hinahaplos haplos ko ito, tila ba kinikilig ako pag naaalala kong kinasal kame at ako ang asawa niya.

Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako nakatulala sa wedding ring ko, kung hindi pa ako naka amoy ng nasusunog ay hindi pa ako babalik sa ulirat.

Nagmadali akong lumapit sa stove at napatampal na lamang sa noo ko ng makita kong sunog na sunog na ang piniprito ko.

Nakarinig ako ng yabag na papasok sa kusina at nakakasiguro akong si riguel iyon dahil mag aalmusal na siya.

Narinig ko na nagtulak na ito ng upuan at nagaantay na nang ihahain sa mesa.

Nagbutil butil ang pawis ko na agad ko namang pinunasan, wala na akong choice at isa pa wala na ring oras para magluto pa ulit dahil malilate na siya sa office.

Agad kong isinalin sa plato ang mga sunog na hotdog at ham yung sinangag nga lang ang medyo maayos ayos kaya napangiwi na lang ako.

Pumunta na ako sa mesa at inihain ko na ang mga pagkain sa kaniya. Naabutan ko itong nagbabasa ng diyaryo kaya siguro ay hindi pa ito nagrereact sa luto ko.

Hindi ako umupo sa tabing pwesto nito, nanatili lamang akong nakatayo sa gilid niya.

"K-kain k-ka n-na" kinakabahang wika ko at itinago ko pa ang dalawang kamay ko sa likod ko at nag cross finger.

Ibinaba naman nito ang diyaryo na binabasa at tumingin sa nakahain na pagkain at agad namang kumunot ang noo nito at biglang napalitan ng pagkainis.

Hinampas naman agad nito ang lamesa na sanhi ng pagkagulat ko.

"Tanginang buhay ito! Wala ka na bang alam gawin na tama? pagpiprito lang di mo pa kayang magawa?" asik nito sa akin.

Kinuha nito ang plato na may laman na pagkain at itinapon ito sa sahig.

Napayuko na lamang ako dahil sa kahihiyan. Napakasimpleng pagpiprito lang di ko pa magawa nakakahiya ako.

"Ano? yuyuko ka lang diyan? Kainin mo iyan!!!" sigaw nito sa akin habang nakaturo sa mga pagkain na nasa sahig.

"H-ha?" kinakabahang tanong ko.

"Bingi ka ba? ang sabi ko kainin mo iyan!" pag uulit nito.

"P-pero m-madumi n-na i-yan" naluluhang sagot ko sabay kagat sa labi upang maiwasan ang paghikbi.

"Wow! nandidiri ka diyan? eh mas madumi ka pa nga diyan diba? Ilan nga ulit lalake mo? Tell me ilang nga ulit sila" pang iinsulto nito sa akin at sinabayan niya pa ng nakakalokong tawa.

Yumuko na lang ako ulit dahil di ko na maiwasan ang luhang tuloy tuloy na naglalabasan sa mata ko.

Naramdaman kong hinablot nito ang batok ko at sapiliting idinukdok ang mukha ko sa sahig.

"R-riguel n-nasasaktan a-ako, p-please t-tama n-na" pagmamakaawa ko sa kaniya dahil madiin ang pagkakahawak nito sa batok ko.

"Kakainin mo ba iyan oh papatulugin kita sa labas? Pumili ka na madali akong kausap!" sigaw nito sa akin at patuloy pa rin ang pagdukdok nito sa akin sa sahig.

Hindi na ako nanlaban pa at unti unti ko pang inilapit ang mukha ko sa sahig hanggang sa tumapat na ang bibig ko sa isang piraso na hotdog. Pikit mata ko itong kinagat kahit awang awa na ako sa sarili ko.

Para akong aso na nagaabang lang sa pagkain ng amo. Tama aso nga ako at si riguel ang amo.

Nang malasap ko ito sa bibig ko ay napahagulgol na lang ako ng iyak at biglang nakaramdam ako na binitawan na ni riguel ang batok ko at tumayo na ito.

"Linisin mo yang kalat mo ng magkasilbi ka sa pamamahay ko, di yung palamunin ka na nga perwisyo ka pa" saad nito at kinuha na ang coat niya sa may sala maging ang susi ng kotse at lumabas na nga ng bahay.

Agad kong hinawi ang luha sa mukha ko at nilinis na ang mga naiwang kalat ni riguel.

"Hays! hanggang kelan ba kami ganito?" saad ko na parang may kinakausap ako.

Inikot ko ang paningin ko at tumingin kung meron ba akong mabubuting ting at napangiti ako nung maisip ko na mag de-decorate na lang ako ng kwarto namin ni riguel.

"Tama, tama maganda yung naisip ko" bulong ko sa sarili ko at tinapos ko na ang winawalis kong kalat.

Agad akong pumunta sa bodega at kumuha ng mga walis tingting at walis tambo, kumuha na rin ako ng hagdan baka sakaling kailanganin ko.

Hirap na hirap akong buhatin yunh hagdan dahil napakalaki nito pero kinaya ko naman at matiwasay ko itong naipasok sa kwarto namen ni ni riguel.

Luminga linga muna ako sa bawat sulok ng kwarto at napangiwi.

"Napaka boring talaga ng kulay ng kwarto namen nakakawala sa mood" saad ko at kinuha na ang mga bitbit ko at inilapag sa center table.

Nagumpisa na akong maglinis ng kwarto iniba iba ko din ang mga pwesto ng mga muwebles dahil napapangitan talaga ako sa mga pwesto nito.

Nang mapansin ko na may malaki pang pwesto sa gitna ng bintana ay naisipan kong palagyan iyong ng salamin kaya agad agad akong tumawag ng tao para bumili ng salamin.

Ilang minuto lang ay may bumusina na van at tinungo ko na agad iyon, marahan nilang inilabas ang salamin at iniakyat iyon sa kwarto namen ni riguel.

"Uhm kuya careful po baka po mabagsak niyo tsaka baka masugatan po kayo" paalala ko sa mga nagbubuhat ng salamin.

Iminuwestra ko naman kung saan nila iyon ilalagay. Matapos non ay inaya ko muna silang mag meryenda ngunit tumanggi naman sila kaya binigyan ko na lamang sila ng tip sa pagbubuhat nila.

Malawak akong napangiti ng makita ko ang binili kong salamin napakaganda kase nito at nababagay lang sa kwarto namin.

Pagkatapos ko itong sipat sipatin ay ipinagpatuloy ko na ang paglilinis.

Pumunta naman ako sa walk in closet at inilabas ko ang mga maleta ko para kunin doon ang mga iilang damit ko at inilipat ito sa drawer namen ni riguel.

Pinagtabi ko ang mga damit namin kaya naman kilig na kilig ako ng mahawakan ko ang mga coat niya. Inaamoy amoy ko pa iyon at sa sobrang kilig ko ay napatili na lang ako.

"Shit! bakit ang bango? nakakaadik!" Tili ko habang patuloy pa din ang pagsinghot sa coat ni riguel.

Matapos kong mabaliw baliw sa pag amoy sa coat ni riguel ay tumayo na ako upang palitan ang kobre kama namin.

Pagkatapos non ay kumuha na ako ng damit at naligo na.