Chapter 3
Panibagong araw na naman.
Panibagong araw ng pakikipag sapalaran sa buhay may-asawa.
Bumangon na ako sa kama ko na may ngiti sa labi.
Nag inat inat muna ako bago ako pumasok sa loob ng banyo.
Naghilamos at nagsepilyo pagkatapos ay nagpunas na ng mukha.
Lumabas na ako ng banyo at tiningnan ng orasan sa tabe ng side table ko.
Alas kuwatro pa lang pala ng umaga. Sobrang aga pa.
Well, hindi na bago sa akin ang gumising ng ganito kaaga, ayoko kase ng nali-late kumain ng agahan yung napaka yummy kong asawa kaya sanay na ako na ganitong oras ako gumigising.
Nagtali muna ako ng buhok at tiningnan ang itsura ko sa salamin.
Nakapang tulog pa din ako pero di ko na naisip na magpalit pa.
Wala din namang sense kase di niya din naman ako napapansin.
Pagkatapos kong tumulala ng ilang minuto sa salamin ay naisipan ko na ding bumaba.
Pagbaba ko pa lamang ng hagdan ay madilim na paligid kaagad ang bumungad sa akin.
Ang totoo takot ako sa dilim pero tintiis ko lang kase mas komportable si riguel na pinapatay ang ilaw ng buong bahay namen kapag matutulog na kame.
No choice ako kundi bumaba at hanapin ang switch ng ilaw.
Nang makapa ko na ito ay pinindot ko na ito at ganon na lang yung pagkabigla ko nang makitang may parang gumagalaw sa sala.
Natatakot man ako ay nilapitan ko iyon. Na sana ay hindi ko na lamang ginawa.
Nakita ko doon si riguel na may kayakap na babae sa mismong sofa namen.
Nagulat man ako ay tinatagan ko ang loob ko yumuko na lamang ako at nagmadaling tumalikod at tumungo na sa kusina.
Pagdating ko ay napaupo na lamang ako at doon na nagsibagsakan ang mga luha ko.
Marahas ko iyong hinawi at pinigil ko ang pagiyak inayos ko muli ang buhok ko maging ang luha sa mukha ko ay pinunasan ko.
Nagpatuloy na lamang ako sa paghahanda ng almusal dinamihan ko na din ito dahil may bisita siya.
Nagbake na din ako ng cake at cookies dahil namimiss ko na gumawa nito.
Muli akong tumingin sa orasan at nakita ko na five thirty na pala kaya binilisan ko na ang kilos at naghain na ako ng pagkain sa lamesa.
"Good morning love!" bati ko sa kaniya na may kasamang ngiti na pagkatamis tamis.
Nag bow na din ako ng very very light para perfect ang datingan ko, ganon kase sa mga korean novela diba?
"Anong good morning ka diyan? Sino ba ang masisiyahan kung mukha mo yung mabubungaran sa umaga!!" mariing asik nito sa akin.
Nag urong na din siya ng upuan para sa babae na kayakap nito kanina.
Halatang pagod si are mo ghorl papungas pungas pa eh. Sarap salaksakin. Pagod na pagod ka te??
"Ah sige next time di na lang ako babati" saad ko at inihain ko na ang almusal niya. Oo almusal niya lang di ko ipaghahain yang babaeng linta na yan no.
"Oh, di ka pa ba aalis? ano panonoorin mo pa kame?" Wika nito sa akin habang nilalagyan ng kanin ang plate ng babae niya.
"Enjoy your food, kung may kailangan ka sabihan mo lang ako ha?" saad ko na na may kasamang ngiti.
"Mag eenjoy lang ako kung aalis kana" wika nito na may kasamang ngisi.
Nakatayo pa rin ako sa harapan nila wari'y kinakabisado ko ang mukha niya.
"Sabing lumayas ka na, di ka ba nakakaintindi?!" Sigaw nito sa akin.
Ayaw ko man pero napilitan akong umalis at dumiretcho na lamang sa maid’s room. Oo tama kayo sa maids’ room ako natutulog.
Napatingala na lamang ako sa kisame at tuluyan na namang bumagsak ang mga luha ko, habang inaalala ko ang mga nakaraan.
Hindi ako nag isip, masiyado akong naging padalos dalos sa mga desisyon ko. Masiyado akong nabulag.
Alam ko naman na may mali na pero pinagpatuloy ko pa din.
"Mom, Dad. Please gusto ko talaga si Riguel, I love him so much that i want to spend the rest of my life with him" umiiyak na saad ko sa harapan ng mga magulang ko.
Alam kong papaburan ako ni Dad si Mom lang talaga ang panira.
"P-pero anak" alanganing wika ni mommy.
See? Walang ka support support sa aken.
Napa taas ang kilay ko sa tinugon ni mommy. Bakit? Bakit ba sila ganiyan? Gusto ko lang naman si riguel.
Gusto kong sakin na lang siya, Gusto kong makasal na kami para wala na akong maging kaagaw at kakumpitensya sa kaniya.
Masama ba iyon? Masama bang hangarin yung taong gusto ko? Masama bang gustuhin ko na gustuhirin ako ng taong gusto ko?
Gusto ko sakin lang siya. Sa akin lang buong pagkatao niya. Kami lang ang dapat para sa isa't isa. Kami lang hanggang dulo.
Ganon ko siya kamahal na parang nakakabaliw na. Ganon ko siya kamahal kahit sobrang hirap at ang sakit sakit na.
Halos natataranta na si mommy sa mga inaakto at sinasabe ko. Habang si Dad naman ay marahang humihigop sa kopita niya.
Kay daddy ako nagmana dahil gusto ko lahat ng naisin ko ay makuha ko agad.
Magandang paraan man yan o hindi dahil si daddy naman ang laging sumasalo sa akin pag may gulo ako.
"Sige mom, pag di mo ako pinayagan na ikasal kay Riguel magpapakamatay ako hindi mo na ako makikita kahit kelan, so the choice is your mom" saad ko habang may kasamang nakaka lokong ngiti.
Walang nagawa si mommy kundi sundin ang gusto ko, dahit takot siya na mawala ako sa kaniya.
"Riguel, hindi na ako magpapa ligoy ligoy pa, gusto kong pakasalan mo ang anak kong si Anais Kione" Mahabang litanya ni daddy.
Ngiting ngiti naman ako sa mga narinig ko para bang may kung ano sa dibdib at tiyan ko. parang gusto ko na lang tumambling sa tuwa. Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko
Pagkarinig pa lamang doon ni riguel ay agad siyang napatayo na hindi ko na din kinagulat.
Inimbitahan namin ang buong pamilya nila upang ipaalam ang magaganap na kasal.
"Ayoko!!! Sino ka ba para pangunahan ako bakit ka ba nakikipag usap na parang simpleng bagay lang ito sayo?" Mariing sigaw nito kay daddy pero sa akin naka titig ng masama.
"I didn't ask you for this, I command you. In fact tinutulungan pa nga kita, kayo ng pamilya mo. All you have to do is marry my daughter so that we will settle" pinal na wika ni daddy na punong puno ng awtoridad.
"Bakit ko iyan papakasalan, kilala ko ba iyan? Di ko din siya kilala kaya wag niyo nang ipilit pa." Anas nito kay daddy.
"A-anak" pag singit ni tita sherfa ang nanay ni Riguel.
"A-anak, nakausap na namin sila. Pag di ka pumayag sa inaalok nilang kasal malulugi tayo, sila ang pinakamalaki ang na invest sa kompanya natin, Mahihirapan tayo anak pag nawala sila. Hindi lang tayo maging ang mga empleyado natin, pano na lang ang pamilya nila? Maraming umaasa sa atin anak" Maramdaming wika ni tita sherfa kay riguel.
Pasimple naman akong ngumiti nat tila ay nanalo ako sa lotto, ay mali mas higit pa to sa premyo sa lotto.
"Mom, I can't do this" Mahinwng bulong nito na punong puno ng kalungkutan at pag mamakaawa.
Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ngunit isinawalang bahala ko na lamang ito.
lilipas din naman ito. Ngayon lang ito bukas at sa susunod wala na.
"Excuse us, we will just talk about that in a private" wika nito at hinablot na ang kamay ko papunta sa garden ng mansyon namen.
Pabalya niya ding binitawang ang kamay ko.
"What are you trying to do huh?!" sikmat nito sa akin at itinulak ako sa pader na ikinadaing ko ngunit parang wala lang sa kanya iyon.
Dahil punong puno nang galit ang mata niya, namumula na rin ang mukha niya.
"Why? why should i stop? I love you that's why i'm doing all of this shit!" Sigaw ko sa kaniya.
Hindi ako titigil hanggat hindi ko siya nakukuha, Mababaliw ako pag di siya sa akin napunta.
"For fuck’s sake anais! alam naman naten pareho na hindi kita gusto at never kitang magugustuhan kaya wag mo na ipilit!" sigaw nito sa akin.
"I know!!!!!! Hindi mo na kailangang ipangalandakan alam ko na, Alam ko naman na pero ano bang magagawa ko? Mahal kita eh.
Mahal na mahal kita kaya ko ginagawa lahat ng kabulshitan na ito" Pasigaw kong wika habang tuloy tuloy na umaagos ang luha ko.
Ang sakit, ang sakit sakit. Para bang pinapatay ka ng paulit ulit.
"I'll give you what you want pero asahan mo na ganti at pasakit ang mararanasan mo, pagsisisihan mo 'to sa buong buhay mo." Bulong nito sa akin na puno ng diin.
Pagkatapos ay umalis na siya at hinayaan niya akong nakatulala at umiiyak sa gitna ng garden.
We've been married for 4 years pero sa apat na taon na iyon ay hindi ko nararamdaman na asawa niya ako at asawa ko siya.
Isa lang akong basura sa harap niya. Isa lang akong punching bag na kapag may galit siya o wala siya sa mood ay sa akin niya ibubuhos ang galit niya.
Sa akin niya isisisi ang lahag kahit wala namang akong ibang ginawa kundi ang intindihin siya.
Nakakapagod pero tinitiis ko lang.
Even though its hurt like hell, I'll stay with him no matter what.
I'm Anais Kione Fortaleza-Vergara and I am Certified Martyr and a Battered Wife.
Welcome to my roller coaster life.