CHAPTER 51 THE PRINCESS IN WOOLAND
Ikatlong Persona
Hindi maalis ang malawak na ngiti mula sa mga labi ni Flyn habang hawak niya ang isang aklat. Habang nakaupo sa isang maliit na upuan ay nasa kaniyang harapan ang mga paslit na nakangiting nakikinig at nakaupo sa damuhan.
Sa ilalim ng matayog na puno sila'y nagkumpulan. Nakangiting nagbabasa ang binata sa harap ng mga paslit. Upang mas bigyang buhay ang pagsasalita niya'y pinalutang niya ang aklat sa kaniyang kamay. Sa simpleng bagay na ginawa niya'y napanganga niya ang mga paslit. Bakas sa mukha ng mga ito ang pagkahanga habang nakatingin sa kaniya.
"Ang munting prinsesa'y napunta sa panibagong mundo. Ang mundo na ito'y puno ng hugis kabute na mga tahanan. Ang paligid ay puno ng mga puno na kakaiba sa paningin ng dalaga sapagkat ang mga ito'y paikot at ang mga dahon nito'y kumikinang." Nakangiting sabi ni Flyn at kasabay ng galaw ng kaniyang kamay ang paglipat ng pahina ng aklat.
An image suddenly projected from the book he was holding. The image showed houses look like large mushrooms. Trees that look weirdly curled and bloomed with exotic fruits that are appetizing to look at. Ang binabasa niya'y nasisilayan ng lahat habang nakalutang ang aklat sa ere.
"Sa paglalakad ng prinsesa'y una niyang naisip na kakaiba ang itsura ng mga tahanan. Ang bubong nito'y tila isang kabute't ang buong paligid ay bago sa kaniyang paningin."
Ang imahe sa kanilang harapan ay biglang nagbago. Lumitaw ang imahe ng kaniyang binabasa. Sa harap nila'y kita ang mga kakaibang tahanan na mukhang higanteng kabute't dahil dito ay lalong napahanga ng binata ang mga paslit. Sila'y interesadong makinig at noong oras na 'yon ay tila ayaw na nilang umuwi.
"Maingat niyang hinakbang ang kanyang mga paa. Nanatili ang tingin niya sa mahahabang damo sa lupa. Ito'y kakaiba sapagkat ito'y dalisay. Walang kulay at tila isang salamin."
As he snapped his fingers, pictures of magnificent crystal clear flowers appeared before them. Lumawak ang ngiti ng binata nang makita ang tuwa sa mukha ng mga paslit. Kinumpas niya ang kaniyang mga kamay upang ipakita sa mga ito ang susunod na pangyayari.
An image of a red haired guy with his clone beside him appeared. One was wearing a red attire, while the other's was blue and was taller than the princess. Mamula-mula na parang isang kamatis ang mukha nito habang nakatingin sa dalaga.
"Huminto sa paglalakad ang prinsesa dahil dalawang lalaki ang humarang sa kaniya. Sa unang tingin palang ay kilala niya ito. Ang dalawang lalaki'y may iisang mukha. Ang pula nitong buhok at ang hawak nitong pamaypay ay pamilyar sa kaniya. Tama! Ang taong ito ay walang iba kundi isa kanyang mga kaibigan!" Masigla niyang sabi't saglit na nilipat ang tingin sa madla.
"Hindi maintindihan ng prinsesa ang nangyayari. Saan siya napunta't bakit nandito ang kaniyang kaibigan? Ang tanong sa isip niya'y nasagot nang magsalita ito." Kunot-noong binasa ni Flyn ang mga susunod na salita mula sa aklat at ginawang mas mababa ang kaniyang boses.
"'Hahayaan kitang makalagpas sa daan na ito' sabi ng isang kulay pula ang suot. 'Kung masasagot mo ng tama ang aking tanong!' sigaw ng kulay asul ang suot. Gusto niyo bang malaman kung ano ang kaniyang tanong?" Mapaglarong sabi ni Flyn. Umusbong ang kuryosidad sa isip ng mga paslit dahil sa kanilang narinig. At karamihan sa kanila'y walang tigil ang pagtango.
Samantala'y naiinip na tinapunan ng tingin ni Koen ang kaniyang kaibigan habang ito'y nakaupo sa harap. Inis niyang tinakpan ang kaliwa niyang tainga gamit ang kaniyang kamay. Taliwas sa ugali niya ang kahiligan ni Flyn sa mga bata. Ang totoo'y kanina pa siya naiirita sa mga ito.
"Ngumiti ka nga riyan. Baka matakot ang mga bata sa pagmumukha mo." Iritadong lumingon si Koen sa gawi ni Glo habang nakaupo ito sa kaniyang tabi.
"Ang sabi ko'y matutulog ako pero hinila niyo ako rito. Ugok." matigas na tugon ni Koen. "Ang hirap mamuhay sa nayon na ito. Masyadong aktibo ang mga tao. Bakit ba kasi rito pa tayp napadpad sa paghahanap ng espesyal na barko na 'yan." dagdag na reklamo nito't napakamot sa batok.
Sila'y nagising ng umaga't nagsibak ng kahoy. They knew that Flyn will cook for them. Habang ito'y naghahanda ng mga sangkap ay narinig niya mula kay Shaja ang tungkol sa pagbabasa't para sa mga bata mula sa kanilang nayon. Ginaganap ito tuwing hapon. Koen's group knew what will happen next.
Sa huli'y boluntaryong sinabi ni Flyn na nais niyang ibahagi ang paborito niyang kwentong pangbata. Ito ay galing sa paborito niyang aklat. Minsan niya ring pinangarap na maging isang mahusay na Maestro.
"Makinig ka na lang at manahimik." siniko ni Glo ang kaniyang taligiran. Tinikom ni Koen ang kaniyang mga labi't binalik ang tingin sa harapan.
Napansin ni Koen na sa direksyon niya nakatingin si Flyn at ngumiti ito sa kaniya. Umayos siya ng upo't inisip na baka'y nakakahiya nga kung ang inaakto nito. Pansin niyang nanatili ang tingin ni Flyn sa kaniya na para bang kabisado na nito ang lahat ng nakasulat sa aklat.
"Ang nakasuot ng pula'y humakbang paharap at hinugot ang hawak nitong pamaypay. 'Ang taong gusto ko'y mas matangkad sa akin!' sigaw nito at tinutok ang kaniyang pamaypay sa prinsesa." Muling napalitan ang imahe sa kanilang harap. Taas kilay itong tiningnan ni Koen dahil sa 'di malaman na dahilan ay nanlalabo ang kaniyang mga paningin.
"Ang nakasuot na asul naman ang sunod na humakbang! At ang sabi niya'y 'Ako'y mas matangkad sa taong gusto ko!'" Kinumpas ni Flyn ang mga kamay niya't hinayaang nakalutang sa ere ang aklat. He placed his finger on his chin. Saglit siyang huminto't ginala ang kaniyang paningin sa madla na tila ba isang tao ang kaniyang hinahanap.
"Hmmm. Ano kaya ang tamang sagot?" Tumingin si Flyn sa direksyon ni Koen at siya'y napangiti. Tinapat niya ang kaniyang palad sa aklat at ang pahina nito'y gumalaw.
"Ang sagot na binigay ng Prinsesa'y mali ngunit kahit na ganoon ay siya ay hinayaan pa ring makadaan." saglit siyang tumigil sa pagsasalita. "Sa pagtakbo niya'y isang lalaking may puting buhok ang kaniyang nakita. Nako! Hindi pala ako nag-iisa! sabi niya sa kaniyang isip."
Lumipat ang tingin ng binata mula sa malayo't mula sa kaniyang puwesto'y kita niya ang paglalakad ng kaniyang kasama na si Errol. Muli niyang binasa ang hawak niyang aklat at napangiti.
"Lumingon ang prinsesa ang lalaking may puting buhok at nagulat siya dahil ito'y may mga tainga ng pusa sa ibabaw ng kaniyang ulo. At ito'y may buntot din ng pusa! Hawak nito ang isang kumikinang na espada!" Sunod na dumako ang kaniyang tingin sa direksyon ni Glo.
Namangha ang lahat nang lumabas ang imahe ng isang gintong espada. Ito ay mahaba't kakaiba at sa gitnang bahagi nito'y may isang malaking diyamante.
Isang diretsong tingin ang ginanti ni Errol nang makita niyang nakatingin sa kaniyang direksyon si Flyn. Siya'y natigilan nang kumirot ang kaniyang puso't agad niyang pinatong ang palad niya sa kaniyang dibdib. Ginala niya ang kaniyang paningin ngunit 'di niya mahanap ang dalaga. He knew what he just felt. . . She is in danger.
Mabilis na tumakbo si Errol dahilan upang mapadaan siya sa gilid ni mga bata. Isang malawak na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Flyn nang basahin niya ang susunod na mga salita mula sa aklat.
"Ang pusang lalaking ito'y nakasuot ng unipormeng gawa sa pilak, na para bang sundalo ng isang kaharian. Bago pa makapagsalita ang dalaga ay lumuhod ito sa kaniyang harap! At sinabing. . . 'Ako'y nandito upang protektahan ka't ialay ang aking buhay sa iyo.'" Lumipat ang tingin ng binata sa mga bata't siya'y napangiti.
"At doon nagtatapos ang unang kabanata ng kwentong Princess In Wooland." Lumawak ang ngiti ni Flyn habang nakatingin sa likod ni Errol na ngayon ay tumatakbo palayo sa kanila. Nagpalakpakan ang mga bata't ang iba sa kanila'y nagbigay ng mga bulaklak sa binata. Ang mga batang babae naman ay niyakap siya.
Samantala'y habang tumatakbo si Errol ay iisang bagay lang ang laman ng kaniyang isip. Masakit man ang paa niya't puno ng sugat ang kamay ay wala siyang pakialam mapuntahan lang ang dalaga.
All he cares about is her safety. He exists to protect her. To lose her is his biggest fear.
Alysa Espanosa
Humakbang ako palayo't nanatiling taas noong nakatingin sa aking harap. Pilit kong tinago si Shaja sa likod ko't nanatili siyang nakakapit sa laylayan ng aking damit. I turned my gaze above to see the blazing Pheonix. For unknown reason, I felt strong when its around.
"Kung akala mo'y makakatakas ka'y nagkakamali ka. Ika'y hahabulin kahit saan ka magpunta." Nakangisi niyang sabi habang nakatingin sa akin. My forehead knotted because what I heard.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo. Lubayan mo kami." matapang kong sabi rito. Imbes na lumapit ito sa amin ay isang nakakalokong ngiti ang binigay nito sa akin, na mas lalo kong pinagtaka.
"Ika'y hindi ba nagtataka kung paano nagkaroon ng isang kapangyarihan ang katulad mong galing sa ibang mundo? Naisip mo ba kung saan galing ang kapangyarihan mo?"
Sa sinabi niya ay tinikom ko ang mga labi ko. Lumingon ako sa likod ko't kitang-kita ko ang pagtataka mula sa mukha ni Shaja habang nakatingin sa 'kin.
Kung p'wede lang na 'di ako magsalita ay gagawin ko. Ayaw kong marinig ni Shaja na ang mundong ginagalawan nila ay 'di totoo't kathang isip lamang. 'Di ko alam ang gagawin ko 'pag nalaman nilang hindi sila totoong tao at ang mundong ginagalawan nila'y nakasulat lang sa isang manuscript.
"Ang mundong ito'y 'di lang nag-iisa. Sa katunayan ay may kabilang mundo na kung saan malayo sa mundong ito. Ang mundo kung saan lahat ay totoo."
Nakangising nagsalita ang lalaking ahas at tumingin kay Shaja. Nakipagtigasan ako ng tingin sa kaniya't hindi ako kumurap. 'Wag niya akong subukan dahil hindi ko siya uurungan.
"Manahimik ka. Hindi ko tinatanong." matigas kong sabi. Nagsalubong ang mga kilay ko dahil tumawa ito.
"H'wag kang makampante sa mga kasama mo dahil hindi ako ang unang ahas na nakasalamuha mo." Isang makahulugang ngisi ang ginanti niya sa akin. Pinigilan ko ang sarili kong gulungan siya ng mata. Kung may gusto siyang sabihin ay diretsuhin niya nalang ako.
"Sa sitwasyon mo'y hahabulin ka ng mga taong sakim sa kapangyarihan. Mga taong hindi kuntento kung ano ang meron sila." Tumaas ang kilay ko dahil sa sunod nitong sinabi. Kanina ko pa iniisip kung bakit niya alam ang tungkol sa akin. This snake man knew a lot of things. May sinasabi rin ito na hindi ko maintindihan kung ano.
What did he just say? Hahabulin ako kahit saan ako magpunta?
Akmang magsasalita siya uli't naputol 'yon nang itaas ko ang kaliwa kong kamay. Sumabay ang hangin sa galaw ng aking kamay. I don't know what is happening but the moment I knew that I have powers, I decided not to watch people fight for me anymore.
Please... lend me strength to control my abilities.
"Air." bulong ko't dinama ang galaw ng hangin. Sa lakas nito'y tinaas ang buhok ko't halos takpan na ang aking mukha. Nagtataka akong tumingala sa taas dahil 'di gumagalaw ang Pheonix. Nakatingin lang ito sa gawi ko na para bang inoobserbahan ang bawat galaw ko.
"A-re!" Lumingon ako sa harap ko't isang itim na apoy ang aking nakita. Sa gulat ko'y hinawi ko ito gamit ang palad ko ngunit kami'y tumilapon sa ere. . Narinig ko ang sigaw ni Shaja at habang ako'y nakapaikit ay kita ko pa rin ang pulang ilaw.
Dumilat ako at nasilayan na ako'y napapalibutan ng pulang liwanag. Lumutang pababa ang katawan ko na para bang isa akong sanggol na maingat na binaba ng kaniyang ina sa higaan. Muli akong tumingala at diretso naman ang tingin sa akin ng Phoenix.
Nakatayo akong bumagsak at una kong hinanap si Shaja. Napapalibutan kami ng kadilim at ang tanging nagsisilbing liwanag namin ay ang umaapoy na pakpak ng Pheonix sa taas. Tiningnan ko ang mga palad ko. I felt this way before. . . Ganito ring ang pagtataka ko nang ako'y nasa loob ng kubo na 'yon. At nabigla kung paano nasira ang sandamakmak na plato.
Now I knew it. I can use magic too.
Lumingon ako sa kaliwa ko't agad na tumakbo nang makita ang mukha ni Shaja. Siya'y nakahiga't walang malay. I opened my palm and saw a crystal smoke coming out from my hand. Lumipad 'yon at pinalibutan ang katawan niya hanggang siya'y lumutang sa ere. Ngunit nanginig ang kamay ko at tumilapon ang katawan niya papunta sa direksyon ko.
Oh, shit!
Napapikit ako't ramdam ko ang pagtama ng panga niya sa mukha ko.
Nanatili akong nakayakap sa kaniya habang ako ay nakahiga patagilid. Malakas ang pagbagsak ko't nagtaka ako dahil isang makating bagay ang dumako sa pisngi ko.
Pagdilat ko ay hindi kadilim ang bumungad sa akin kundi isang makulay na paligid. Maingat kong hiniga si Shaja sa lupa't agad na nagkasalubong ang mga kilay ko.
All I can see are huge mushrooms. Makulay ang mga ito at ang mga puno ay kakaiba. The trees are glowing with vibrant colors and bloomed with unusual fruits. Pati ang mga damo't bulaklak sa paanan ko'y kakaiba dahil ang mga ito ay mukhang salamin.
Where is this place?
"Nako. Mukhang 'di mo alam kontrolin ang kapangyarihan mo. Tsk. Tsk. Sayang naman at gusto muna kitang paglaruan bago kainin." Nandiri ako sa sinabi nito kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Nasaan ako?" asik ko. "Saan mo ako dinala?" dagdag ko't mas lalo akong nawalan ng pasensya dahil nagkibit balikat ito. Tinaas ko ang kamay ko't hinampas ang ere. I saw how air blades rotate in the atmosphere. Pakanan itong umikot papunta sa direksyon ng lalaking ahas.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagagawa ko ang mga ito. Habang nakatingin sa kawalan ay sumagi sa memorya ko kung paano masunog ang rosas sa mesa noong kami'y kasama nila Tobias.
That's right. It looks like that I can summon fire too.
"Nice try!" Mapanuksong singhal ng lalaking ahas habang nakatayo sa sanga ng isang puno. Naningkit ang mga mata ko sa itsura ng puno. Ito'y kulay asul at paikot. At ang mga dahon nito ay kumikislap. What is this place?
"Wala kang karapatan na paglaruan ako ng ganito. Sino ka?" maangas kong sabi habang nakatingala't nakatingin sa kaniya.
"Hindi mo ba nakikita? Ako'y isang ordinaryong kalahating tao't ahas. Kumpara sa iyo'y ako'y isang patusok na bato na iniiwasan ng lahat. Ika'y isang diyamante na inaasam ng lahat." Gumalaw ang buntot nito't ang mga kamay niya'y nakahalukipkip.
"Ang dami mong sinabi. Ang sinabi ko lang naman ay kung sino ka." tugon ko sa kaniya at siya'y humalakhak.
"Nakakatawa ka. Ang tapang mo naman." Natatawa nitong sabi.
Sa inis ko'y tinapat ko ang palad ko sa kaniya. Sa isang iglap ay lumiyab ang isang maliit na bolang apoy mula rito. Huminga ako nang malalim at pansin kong lumaki ito ng isang pulgada.
Bago ko magawa ang susunod kong atake'y dalawang liwanag ang dumaan sa aking harapan. Ang isa'y kulay puti at kulay berde. The blinding lights move as fast as a thunder. Pumikit ako saglit at sa pagdilat ko'y nakita kong nakatayo sa gilid ko sila Eaton at Errol.
"Yo! 'Musta?" Nakangising sabi ni Eaton habang naktingin sa akin. Pansin kong nakapikit ang kanan nitong mata. His green eye color looks vibrant too. Isang diretsong tingin naman ang binigay sa akin ni Errol habang hawak niya ang isang espada.
"Sa harap ng Prinsesa'y lumitaw ang kaniyang tagapagtanggol kasama ang alipin nito." Mas lalong nangunot ang noo ko nang biglang nagbago ang tono ng lalaking ahas na para bang nagsasalaysay ito sa harap ng mga tsikiting.
"Hoy! Hindi ako alipin!" singhal ni Eaton at ako'y nagtaka dahil nakapikit lang sa isa niyang mata. What is he up to?
"Talaga? Hindi ba? O. Sige. Sabi mo e." tugon ng lalaking ahas. Imbes na mainis si Eaton ay pansin kong ngumisi ito't nagkibit balikat din ito.
The snake man placed his palm on us and I noticed that Eaton did the same. The posture of his body and the position of his hand are the same. Eaton mirrored all his movements.
A crystal ball formed in his palm. It was red and glaring. Eaton copied this too. 'Di ako nagkampante dahil pansin kong nakangisi lang ang lalaking ahas habang ito'y nakatingin sa amin.
Tinaas ko rin ang palad ko dahilan upang mapatingin sa direksyon ko sila Eaton at Errol. Bakas sa kanilang mga mukha ang pagtataka dahil sa inaasta ko. Lumiyab ng apoy ang palad ko at kitang-kita ko ang pagtataka sa mukha ni Errol.
I wish we could get out of this place and for everything to end.
In a flash, red light was emmiting from my body. And the last thing I saw was the Pheonix turned into a small jewel before entering my body.