CHAPTER 50 THE COLOR OF EMOTIONS

Alysa Espanosa

Naningkit ang mga mata ko't nilapit ang makapal na aklat na hawak ko sa aking mukha. Sumandal ako sa aking upuan at napabuntong hininga bago ipatong ang aklat sa mesa. Naninigas pa ang kamay ko nang hawakan ko ang pluma sa harap ko't sinubukang gayahin ang unang letra na nakasulat rito.

"Ang Cantaga ay mapayapa," bulong ko't binasa ang unang pangungusap na nakasulat sa aklat. Sinubukan kong gayahin ang mga letra nito at unang titik palang ay pinagpapawisan na ako.

Ang makapal na diksiyonaryo'y luma na kaya naman ay nahihirapan akong makita ang mga letra nito. Iba na rin ang kulay ng papel at ito'y naging kayumanggi na. Kahit ganito'y desido akong alarin ang mga letra nila rito.

"Ah, ga, ka, na." muli kong bulong habang binabasa ang dalawang titik na pinagsama. Tulad ng una kong ginawa'y sinulat ko ang mga ito sa papel na nasa kanang bahagi ko't ginaya. Binaba ko ang hawak kong tinaas ang papel kung saan ako nagsusulat at ito'y nilapit ko sa aking mukha.

My penmanship is as messy as my mind. I hate it.

Napabuntong hininga na lang ako't nagpahinga. Nanatili ang tingin ko sa kawalan habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin. Ako ay nakaupo sa ilalim ng matayog na puno at sa harap ko'y nakapatong ang mga aklat, papel at pluma sa ibabaw ng isang mahabang mesa. I scanned the story book in front of me. Naparami yata ang mga hiniram kong aklat.

Alam ng lahat na walang silid aklatan ang Nokkan at ang totoo'y hindi sapat ang pundasyon ng mga kubo upang maging aklatan, kaya naman ay sa ilalim ng mga puno nagbabasa ang mga tulad kong nais humawak ng mga aklat.

Hindi mawala sa isip ko ang sinabi sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit masyado akong apektado. Frankly, I don't give a damn what people say, but this case is different. Naigulong ko na lang ang mga mata ko dahil muli kong na-alala ang nakakalokong ngisi ni Eaton. How could they know that I can't write these letters?

"Can they read minds?" Tinagilid ko ang ulo ko't napaisip. Natatandan ko na binanggit sa amin nila Eaton na hindi sila tao't katulad ni Glo'y espada  ang tunay nilang anyo ngunit bakit parang ang dami nilang kayang gawin?

Tinapat ko ang hawak kong pluma sa aking mukha't tinutok sa ere. I moved it playfully like I was holding a wand. Isang kakaibang usok ang nakita ko sa ere kaya napakurap ako. Muli kong tinaas ang hawak kong pluma at ako'y gumihit ng bilog sa ere. I saw white smoke that looked liked it was following my hand's movement and even the movement of the wind followed it.

"A-re! Ano'ng ginagawa mo rito?" Agad kong tinakpan ang papel sa aking harap gamit ang hawak kong aklat. Nanlalaki ang mga mata ko't habang nakatingin siya sa aking mukha'y pilit kong tinatago ang mga aklat sa aking harap.

"Nagpapahangin." simple kong sagot at isang pilit na ngiti ang binigay ko kay Shaja. Napakagat labi na lang ako dahil naningkit ang mga mata niya habang nakatingin sa tinatakpan ko.

Sa pagdating niya'y napunta sa iba ang atensyon ko't mabilisan akong tumingin sa ere't kumurap. 'Di ko alam kung totoo ba ang nakita ko kanina. This isn't the first time I've seen something bizarre. I need to figure out what's happening to me.

"A-re. Ano iyan? Ano iyan?" Siniksik ni Shaja ang sarili niya sa akin at takpan ko man ang mga aklat sa harapan ko'y wala ring kwenta dahil maliit ang mga kamay ko. Sa huli'y napabuntong hininga na lang ako't hinayaan siya sa gusto niyang gawin. Katulad nga ng inaasahan ko'y kinuha niya ang mga aklat na nakapatong sa harapan ko.

"Hindi ba'y para sa elementarya ang aklat na ito?" Nagtataka niyang sabi't habang nakatingin sa pinakamaliit na aklat na kinuha ko. Ito'y isang pulgada lang ang kapal at kulay asul ang pabalat. Binuklat niya ito kaya naman ay nahulog ang inipit kong papel kung saan ako nagsusulat kanina.

Napamura na lang ako sa isip ko't napapikit. Agad kong pinulot sa lupa ang nahulog na papel at mabuti na lang ay naunahan ko siya dahil handa akong makipag-agawan sa kaniya kung nagkataon. Pinatong ko ang papel sa hita ko't agad akong umupo.

Binaliktad pa ni Shaja ang hawak nitong aklat at base sa kaniyang mukha'y parang nagtataka ito sa kinuha kong aklat. Nanatili akong nakaupo upang obserbahan siya. Isang nagtatakang tingin ang natanggap ko sa kaniya't pinatong niya pabalik sa mesa ang aklat.

"Balak mo rin bang magturo ng mga paslit ngayong hapon?" Ako naman ang nagtaka dahil sa sinabi niya ngunit 'di ko iyon pinahalata sa kaniya. Nanatiling blanko ang mukha ko't diretso ko siyang tiningnan sa mga mata.

"Ano ang ganap mamayang hapon?" Palihim kong kinuha ang tinago kong papel sa aking hita't pinatong pabalik sa mesa nang hindi niya nahahalata. Tinapunan ko siya ng tingin at siya'y umupo sa damuhan habang ako'y nakaupo sa upuan.

Nagpatuloy ako sa pag-aayos ng mga aklat. Walang kaso sa akin na naudlot ang pag-aaral ko ng mga letra nila rito. Ang issue lang sa akin ay ang pagsulpot ni Shaja na parang kabute.

"A-re. . . Kilala mo kung sino ang salarin sa nangyari sa kubo, 'di ba?" Nakuha niya ang atensyon ko dahil sa naging tanong niya ngunit hindi ako tumigil sa pag-aayos ng mga aklat. Namawis ang mga palad ko't tumingin sa kaniya. I'm doomed.

"Paano mo naman naisip na kilala ko ang salarin?" diretso kong sagot at gusto kong palakpakan ang sarili ko dahil hindi ako nautal. Tiningnan ko siya't isang emosyon ang aking nakita sa kaniyang mga mata't 'di ko matukoy kung ano. Why is she looking at me this way?

"Kilala mo, A-re. Kilalang-kilala mo ang buong pagkatao ng salarin sa kubo." Makahulugan niyang sabi't muntik na akong pumikit dahil sa kaniya. Alam ko ang ibig niyang sabihin. Hindi ako tanga.

Pagkatapos ng ilang segundo'y hindi siya nagsalita kaya nanahimik na rin ako. Inasikaso ko ang pagtingin sa mga hiniram kong aklat. Alam ko kung ano ang pinapahiwatig niya kanina at wala akong balak sumagot. Kung ano man ang nangyari sa kubo'y ako at ako lamang ang nakakaalam. I got trust issues because people got lying isssues.

Tinapunan ko siya ng tingin at nahuli ko itong nakatitig sa akin. Isang pilit na ngiti ang ginanti niya sa akin at nilihis ang tingin niya sa ere. Shaja's body language tells me that she's composing herself to speak. Panay ang tingin nito sa mga hawak kong aklat na para bang naghihintay ito ng tamang pagkakataon na magsalita.

"A-re. . . Hindi mo kailangang magtago sa amin." Sa sinabi niya'y agad akong lumingon sa kaniya. My forehead knotted. Isang nagtatakang tingin ang binigay ko sa kaniya't nakuha niya naman ang ibig kong sabihin. Kailangan bang lahat ng tungkol sa akin ay sabihin ko sa iba?

Do people here not know of privacy? Hindi ko pa alam ang totoong rason sa nangyari sa kubo't kung galing ba sa akin ang hangin na iyon o hindi. Mahirap bumitaw ng salita kung 'di ka sigurado sa isang bagay.

"Hindi ako magtatago ng kahit ano sa iyo, A-re. . . Ang totoo ay tuwing pinag-uusapan ang nangyari sa kubo ay nakikita ko ang pagbabago ng kulay mo. Ika'y nagiging kulay lila at paglaan ng ilang segundo'y nagiging kulay asul." Tinapunan niya ako ng tingin at niyakap ang kaniyang mga binti habang nakaupo.

Sinabi na sa akin ni Shaja ang mga kulay na nakikita niya't kung ano ang ibig sabihin ng mga ito kaya alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. I know what she means. Purple and blue are colors that corresponds negative emotions. Pwede niya naman akong diretsuhin at sabihin ang gusto niyang sabihin.

"Spill it." madiin kong sabihin at 'di inaalis ang aking tingin sa unang pahina ng aklat na binuklat ko. "Kung may gusto kang sabihin sa akin ay sabihin mo na habang nandito pa ako." dagdag ko. Nanatiling walang emosyon ang aking mukha.

Kahit 'di ako lumingon sa kaniya'y alam kong nakatingin siya sa akin. Siguro'y nagtataka siya dahil nagsalita ako ng Ingles dahil alam kong 'di nakakaintindi ng wikang iyon ang mga nakatira sa nayon na ito.

I don't care. I can say whatever I want. I can do whatever I want. No one can stop me.

"A-re..." bitin niyang sabi kaya 'di ako nagdalawang isip na lumingon sa kaniya. Binaba ko ang aklat na hawak ko at hindi rin ako kumurap habang nakatingin sa kaniya. Hindi ko aalisin ang tingin ko sa kaniya hanaggang hindi siya nagsasalita.

"K-kilala ko ang salarin sa nangyari sa kubo," nauutal niyang sabi't umiwas ng tingin sa akin. "Ang salarin ay walang iba kundi ikaw, A-re." Binalik niya ang tingin niya sa akin upang titigan ako sa mga mata. Tinitigan ko siya't katulad ng dati'y 'di ako nagsalita.

"May pruweba ka ba na ako ang salarin?" diretso kong sabi at bago pa siya makapagsalita'y ako rin ang sumagot sa tanong ko kanina.

"Pruweba mo ang kapangyarihan mo, 'di ba? Nakikita mo ang emosyon ko. Alam mong ako ang totoong salarin sa nangyari sa kubo kaya para saan pa't tatanungin mo ako? Para marinig mo na manggaling mismo sa akin ang totoo?" walang preno kong sabi dahilan upang itikom niya ang kaniyang mga labi.

Mula sa aking puwesto'y napansin ko pa ang pamumuo ng luha sa kaniyang mga mata. Sa isip ko'y napasapo na lang ako ng noo dahil mukhang iiyak na siya sa tabi ko. Yeah, right as I thought. . . That's why I seldom speak because people always understood me.

"Huwag ka namang magalit sa akin, A-re." Nabasag ang boses niya't ano mang oras ay iiyak na siya sa harapan ko. "P-pasensya na dahil gusto ko lang naman kumpirmahin kung hangin ba ang kapangyarihan mo... dahil ikaw ang unang taong nakita kong nagtataglay ng kapangyarihan na 'yan." Tinago niya ang mukha niya gamit ang itim at mahaba niyang buhok.

"Hindi ako galit." maiksi kong sabi. "Ang sa akin lang ay ikaw at ikaw lang ang makakaalam kung nagsasabi ba ng totoo ang isang tao o hindi. Kung tatanungin mo sila'y maari silang magsinungaling sa iyo." dagdag ko.

She pouted at me. Paglaan ng ilang segundo'y nagulat ako dahil tumalon siya sa akin at niyakap ang beywang ko. Hindi ako nakapagsalita't ramdam ko na lang na basa na ang suot ko dahil sa luha niya. Napahilot na lang ako ng sentido. Sana'y 'di na lang ako nagsalita kanina. Sinasabi ko na nga ba eh.

Katulad ng magiging reaksyon ng isang tipikal na tao'y hinaplos ko ang likod niya habang nakabaon ang ulo niya sa aking hita. Napatitig na lang ako sa likod niya't napaisip sa sinabi niya kanina.

I am the first person she witnessed controlled the wind.

Bukod sa nangyari sa kubo noong nakaraang araw ay isang pangyayari rin ang sumagi sa isip ko. 'Di ko ba alam kung totoo ba ang mga nakikita ko noong oras na iyon o hindi. Tuwing naiisip ko'y nalilito ako't lalo na dahil isang mukha ng lalaki ang tumatak sa isip ko.

That moment I saw everything  around me paused, like time itself was frozen. And the bizarre thing is I saw a man from afar, staring at me, like he was the one controlling time.

Natigilan ako sa pag-iisip nang tumahan na si Shaja at pinunasan ang kaniyang luha. I smiled at her. Kinuha ko ang mga dala kong aklat dahil sigurado akong may gusto ring umupo sa puwesto ko kanina't magbasa. At tulad nga ng iniisip ko'y isang batang lalaki ang pumunta palapit sa amin. Nakangiti ito't dala ang maliliit na aklat na sa tingin ko ay story book.

"Tapos na ang pagbabasa ko rito't babalik na ako sa mga kasama ko." Kumapit sa braso ko si Shaja at ako naman ay nakatingin sa harap. Habang naglalakad kami'y pansin kong uminit ang panahon at napagtanto kong siguro'y masyadong napatagal ang pagbabasa ko.

Mukhang apektado yata ako sa sinabi ni Errol na hindi ako marunong magsulat. Sa totoo lang ay gusto kong suntukin ang mukha ni Eaton. Pasalamat siya at marunong ako magpigil. I rolled my eyes out of irritation from thinking about him. 'Wag niyang sagarin ang pasensya ko.

"A-re. . . Nahihirapan ka ba sa pagsusulat dahil marunong ka ng wikang banyaga?" Lumingon ako sa gawi niya't nakita kong nakatingin siya sa akin na para bang inaabangan niya ang magiging sagot ko.

"Oo. Iba ang letra ng wikang banyaga at doon ako nasanay." sagot ko. Pilit kong tinatak sa isip ko na  hindi kasinungalingan ang sinabi ko sa kaniya.

Noong sinakop din ng mga Amerikano ang Pilipinas ay pinalitan ng aking ninuno ang alibata. Kung aaralin ng mga Pilipino ang sinaunang baybayin ay tiyak mahihirapan ang lahat dahil nasanay ang mga ito sa letrang ingles.

"Kaya pala'y binabasa mo ang aklat ng elementarya. Ang aklat na dala mo kanina'y tinuturo ng tatlong taon sa elementarya. Ang mga una hanggang tatlong baitang ay 'di nagbabasa't nagkakabisa sa paaralan, kundi sila'y tinuturuan muna ng magandang asal." Nanatili ang tingin ko may Shaja dahil sa kaniyang sinabi. Noong unang punta ko rito'y nahalata kong nakangiting nagtatakbuhan ang mga bata na para bang wala silang iniintindi sa loob ng eskwela.

"Kung hindi sila nag-aaral ay ano ang ginagawa't pinagkakaabalahan nila?" Nagtataka kong sabi sa kaniya dahil interesado ako sa nalaman ko at ngumiti naman siya sa akin.

"Sila'y naglilinis ng kubo o 'di kaya ay nakikihalubilo sa iba. Sa paraan na ganito'y naniniwala ang mga maestro na mamumulat ang mga estudyante sa realidad dahil hindi lahat ng bagay ay natututunan sa loob ng silid alaran." Taas noong sabi ni Shaja. Sa lawak ng ngiti't paraan ng pagsabi niya sa akin ay alam kong natutuwa ito. I can say that she is really proud of her village.

Binuka niya ang palad niya't sa isang iglap ay lumitaw sa kaniyang kamay ang isang bagay. Hugis rektanggulo ito't gawa sa kahoy at isang puldaga ang lapad. I got a hunch that it's a box and I was right. Habang lumulutang ito sa palad ni Shaja ay bumukas ito. The box opened like it was a treasure chest.

"Ano 'yan?" Nagtataka kong sabi't nabigla pa ako nang may mga lumutang palabas mula sa kahon. Ang mga ito'y dalawang puldaga ang laki't sa gitnang bahagi'y nakaukit ang mga letra ng Cantaga. These things look like flat chess pieces. Tumingin ako kay Shaja habang nakanganga dahil 'di ko talaga alam kung ano ang pinapakita niya. Nagmumukha akong ignorante.

"Ito ang bagay na ginagamit ng mga elementaryang nasa baitang isa at ginawa ang bagay na ito upang maisaulo nila ang mga letra. Kung gusto mo'y maari kong ibigay ang bagay na ito sa iyo, A-re." I raised my eyebrows but she smiled in response. Bumalik sa palad niya ang kahon at pati na rin ang mga laman nito.

"Sigurado ka?" My forehead knotted. Natawa naman siya sa sinabi ko't hinigpitan ang kapit niya sa braso ko.

"Oo naman, A-re. Naniniwala akong makakatulong 'yan sa iyo." sagot niya sa akin habang naglalakad. Lumiko kami't bumungad sa akin ang mga batang naghahabulan. Kung titingnan sila'y bakas sa kanilang mukha na 'di sila problemado. At ang tanging iniisip lang nila'y ang paglalaro.

"A-re. Maari ko bang malaman ang kapangyarihan mo?" Sa ikalawang pagkakataon ay narinig ko uli ang tanong ni Shaja. Ngumiti siya sa akin.

"Hindi ako tinatablan ng kahit ano'ng klase ng mahika." And I'm immune to black magic too. Nanlalaki ang mga niyang lumingon sa akin na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Talaga?!" sigaw niya't isang ngiti ang ginanti ko sa kaniya. "Ganyan din ang abilidad ng kaibigan ko, A-re! Ngunit teka... bakit nakikita ko ang emosyon mo?" Katulad niya'y nagtaka rin ako sa sinabi niya. Naningkit ang mga mata niya habang nakatingin sa akin at natawa ako dahil kumukurap pa siya habang nakatingin sa akin. Ewan ko ba sa batang ito, hindi ko maintindihan kung minsan.

"Ano'ng mga sinasabi mo?" Natatawa kong sabi sa kaniya't ginaya ko ang pagkurap niya. Nilapit niya naman ang kaniyang mukha sa akin at ngayon ay 'di siya kumurap.

"Parehas kayo ng abilidad ng kaibigan kong si Lufa ngunit tuwing tinitingnan ko siya'y hindi ko nakikita ang kaniyang emosyon. Kapag siya'y nakatayo sa mataong lugar ay tanging siya lang ang walang kulay, A-re." Natigilan ako dahil sa sinabi niya't sa dami ng iniisip ko'y ngayon ko lang napagtanto 'yon. Kung hindi ako tinatablan ng mahika ay bakit nakikita ni Shaja ang emosyon ko?

"Siguro'y hindi mo pa natutuklasan kung paano kontrolin ang kapangyarihan mo." Isang pilit na ngiti ang ginanti ko sa kaniya. Ang totoo'y hindi ko rin alam kung paano ako nagkaroon ng kapangyarihan.

"Pero hindi mo ba alam kung ano talaga ang kapangyarihan mo, A-re? Isang kapangyarihan na walang katulad! Sigurado akong mayron ka non!" Panay ang iling ko sa kaniya't kulang na lang ay takpan ko ang bibig niya, dahil pinagtitinginan na rin kami.

"Hindi ko alam e." sagot ko. Lumiko kami't isang kakaibang pakiramdam ang bumungad sa akin. Napahinto ako sa paglalakad at lumingon sa likod namin. Nanatili ang tingin ko mula sa malayo. Something feels odd.

"A-re. Ano'ng problema?" nagtatakang sabi ni Shaja at nang lumingon ako sa kaniya'y isang ahas ang nakita ko sa paanan niya. Mabilis ko siyang hinila palayo't tumakbo palayo. Ngunit paghakbang ko'y agad na nagbago ang paligid. Naglaho ang mga puno't mga tao sa paligid at napalitan ng dilim.

"A-are! Ano'ng nangyayari!" Natatarantang sigaw ni Shaja at natigilan ako dahil isang tunog ng ahas ang aking narinig. Sa harap namin ay unti-unting lumitaw ang isang kakaibang nilalang.

"Balita ko'y masarap ang mga dalagitang mula sa ibang mundo."

Nanuyo ang lalamunan ko nang marinig ko ang malalim nitong boses. At nanigas ang katawan ko nang makita ko ang itsura nito. Ito'y may matipunong katawan ngunit ang ibabang bahagi ng katawan nito'y buntot ng ahas. Nakatitig ito sa akin na para bang takam na takam.

"Dito ka lang sa likod ko." matigas kong sabi kay Shaja at hinawakan ang kaniyang kamay. Ramdam ko ang takot niya dahil nanginginig ang kaniyang kamay at pinagpapawisan.

"Ano'ng kailangan mo?" buong tapang kong hinarap ang nilalang sa aking harapan. Ramdam ko ang kabog ng dibdib ko ngunit 'di ako nagpalamon ng takot. Tinitigan ko ito sa mga mata at tinagilid nito ang kaniyang ulo.

"Ikaw." diretso nitong sabi. "Ikaw ang kailangan ko upang maging ganap na tao. Sa dami ng mga nilamon ko'y hindi 'yon sapat nasa loob mo ang bagay na kailangan ko." Nilabas nito ang mahaba niyang dila't dinilaan nito ang kaniyang ibabang labi.

"Wala sa akin ang hinahanap mo! lubayan mo kami!" sigaw ko't natawa ito sa kaniyang kinatatayuan. Umiling ito habang nakatingin sa akin na para bang nagpapalusot lang ako sa kaniya.

"Kung hindi mo alam ang sinasabi ko'y puwes akin na lang ang bagay na iyan!" Halos tumigil ang oras ko nang binuka nito ang kaniyang palad sa tapat ko't kitang-kita ko kung paano lumabas sa kaniyang kamay ang mga ahas.

Nanatili akong nakatayo sa tapat ni Shaja at siya'y tinago ko sa aking likod. Pumikit ako't tinaas ang kanan kong kamay at sa isang iglap ay isang malakas na hangin ang humati sa ahas sa aking harapan. Ngunit hindi 'yon ang kinagulat ko dahil isang kakaibang liwanag ang nagmula sa aking dibdib.

Ang liwanag na ito'y kulay pula at ako'y napapikit. As I opened my eyes I saw a large phoenix floating in front of me. Its wings are enormous and spread out in the air. Its whole body was blazing in the air. Tumingala ako sa ere upang tingnan ito't ito'y nakatingin ng diretso sa akin.

Bumaba ang tingin ko sa aking dibdib dahil ito'y naglalabas ng kakaibang pulang liwanag. Isang nagtatakang tingin ang binigay ko kay Shaja at katulad ko'y naghahanap din siya ng kasagutan habang nakatingin sa akin.

Binalik ko ang tingin ko sa harapan at hinarap ang malaking ibon.

The Blazing Pheonix. . . The guardian of fire is floating in front of me. And I don't know why but I feel like its here to protect me.