CHAPTER 49 THE HIDDEN LETTERS

Tasho

Tinulak ko ang kariton na puno ng mga kahon. The cart that I'm pushing is full of wooden boxes. Sa loob naman ng mga kahon na ito'y mga baso't platito na binebenta rito sa maliit na pamilihan ng Macedonia. Lumipat ang tingin ko sa madumi't payat kong kamay. Sa gulo ng aking buhok ay kapanipaniwala na ako'y isang pulubi sa mata ng iba.

Tsk. Hindi ko aakalain na aabot ako sa puntong babaguhin ko ang itsura ko't magpapanggap na isang pulubi.

Ang suot kong mahabang damit ay luma na't ang pulang kulay nito'y kumupas na. Bukod doon ay magtitiis din akong maglakad na walang sapin sa paa para sa tungkulin ko sa mundong ito. Huminto ako't tinuon ang aking atensyon sa isang grupo.

Mula sa aking puwesto'y kita ko ang mukha ni Flyn. I knew that antique ceramic plates will caught his attention. Katulad nga ng inaasahan ko ay huminto siya sa paglalakad at tumayo sa harap nito. Kahit malayo ako'y alam kong ang disenyo ng mga platong ito'y mga bulaklak.

Among them, Flyn loves antique furniture and plates. He knows people who lived for decades too.

Sa pagpapanggap ko bilang naglalako at iba't-ibang tao rito'y napansin kong mahilig ito sa mga makalumang bagay. Kumpara sa mga kaibigan nito ay siya lamang ang interesado sa mga makalumang bagay. Ang totoo'y alam ko na kung 'di dahil sa kahirapan ay siguro'y nakapagtapos ito ng pag-aaral.

"Ika'y nag-aalok ba sa mga dala mo kapalit ang salapi?" Lumingon ako sa aking gilid at bumungad sa akin ang isang matandang lalaki. Katulad ko'y madungis ang itsura nito't pati na rin ang kaniyang buhok. Ang pinagkaiba lang naming dalawa'y siya'y isang maglalako dahil maayos manggas at mahaba niyang gamit. At siya ay nakatayo sa loob ng kaniyang stall.

Nanginginig ang kamay ko't ang noo ko'y nangunot. Hindi naman mahirap kunin ang isang pirasong platito kaya ba't ganito ang aking nararamdaman? Right as I thought, I'm not good in transforming into an old man like her.

Kumpara kay Emiria ay ramdam ko ang panghihina ng aking katawan ngayong pinili kong isang matanda ang aking pisikal ng itsura. I feel ache all over my body. . . so this is how it feels to be old.

"Ayos ka lang ba? Ako'y may nasabi bang hindi maganda?" Hindi ko napansin na ako'y nakatulala na sa ere kaya agad kong binalik ang aking paningin sa kausap kong maglalako.

Pinagpatuloy ko ang binabalak kong gawin na ibigay sa kaniya ang isang pirasong platito. Ang isang ito'y ang pinakamamahalin sa lahat dahil gawa ito sa totoong ginto't sa gitnang bahagi ay may disenyo itong ibon. Isang ibon na nakabuka ang pakpak. It is the blazing Phoenix or also known as the guardian of fire.

Inabot ko sa kaniya ang platitong 'yon at agad kong napansin ang pagbabago ng kaniyang mukha. Noong una'y duda pa siya kung gawa ba sa totoong ginto ang hawak ko't pagkahawak niya'y ito'y kaniyang nakumpirma. Siguradong sa bigat nito'y natukoy niya agad na gawa nga sa totoong ginto ang inabot ko. Lihim akong napangisi dahil sa kaniyang reaksyon.

"Saan mo nakuha ang bagay na ito?" Hindi makapaniwalang sabi niya at kitang-kita ko ang pagningning ng kaniyang mga mata. Nilihis ko ang aking tingin sa kaniya't hinaplos ang mga baso't platito sa aking harapan.

"Ako'y walang tahanan kaya'y nawili ako sa paglalakad mula sa iba't-ibang lugar. Ang platitong 'yan ay bigay sa akin ng isang biyudang may mabuting kalooban. Ang sabi niya'y siya'y isang pulubi rin dati at tinulungan ng ibang tao kaya'y binabalik niya sa mga katulad ko ang tulong na kaniyang natanggap." sabi ko habang nakatingin sa platito na hawak niya.

Isang matamis na ngiti ang ginanti sa akin ng maglalako na animo'y nakakataba ng puso ang sinabi ko. Tinago ko ang ngisi sa aking mga labi dahil hindi naman totoo ang mga sinabi ko. Ang totoo'y gawa-gawa ko lang ito upang makumbinsi siya na ako'y isang totoong pulubi.

"Sandali't ikukuha kita ng pilak. Kukunin ko ang platitong ito." Nakangiti niyang sabi at gusto kong palakpakan ang aking sarili't ako'y napangisi nang talikuran niya ako. Nagpanggap lang akong pulubi'y nagkapera na ako. Tsk. Easy money.

Habang nakatayo't hawak ang tinutulak kong wooden cart ay binalik ko ang aking tingin sa isang grupo na aking minamanmanan. Hanggang ngayon ay nakatayo pa rin sila sa harap ng isang market stall. Mula sa aking puwesto'y kita kong nakatayo si Koen sa harap ng mga pamaypay... I knew that he is thinking of replacing his fan.

Malaking pagkakamali at tiyak na na magsisisi siya kapag ginawa niya 'yon.

Halos tawagin ko na lahat ng santo habang nakatingin sa direksyon ni Koen. Malaki ang mawawala sa kaniya 'pag pinalitan niya ang kaniyang pamaypay. Ito'y walang katulad. Ito'y kakaiba sa lahat. At higit sa lahat ay 'di niya pa nadidiskubre ang totoong kapangyarihan nito.

Kaya 'wag mong palitan ang pamaypay mo, gunggong.

"Sampung pilak. Katumbas ng dalawang karne't limang itlog." Nakangiti kong tinanggap ang mga pilak na inabot sa akin ng maglalako. I put it inside my belt pouch. Pagkatalikod ko'y agad akong ngumisi. Kahit mabigat ay wala akong paki basta'y madami akong salapi.

Muli kong tinulak ang wooden cart na dala ko habang nakatingin sa grupo ni Neo. Laking gulat ko dahil ang matandang babaeng naglalako'y binato ang isang plato sa mukha ni Errol. I can still see that the bowl is made by ceramic. Paglaan ng ilang minuto'y hinarangan siya ni Koen kaya natamaan naman ang kaniyang pisngi.

Humakbang ako't lumapit sa kanila. Gusto kong sumingit ngunit sa itsura ko'y lalala lang ang lahat. Dinuro ng maglalako si Errol at may sinabi ito't base sa itsura ng kaniyang mukha'y alam kong 'di maganda ang lumabas sa mga labi nito. Pinagpawisan ako dahil mukhang alam ko na kung ano ang sinasabi niya.

This is not the right time for them to know about Errol's past.

Pinikit ko ang mga mata ko't binuka ang aking palad katapat ng aking dibdib. Ramdam ko ang enerhiya mula sa aking katawan. At sa pagdilat ko'y lumabas ang gintong usok sa aking palad. Hindi ko akalain na ito ang pangalawang beses na buburahin ko muli ang alaala nila rito sa Macedonia.

Ginala ko ang aking paningin at nakitang lahat ng mga tao'y tila naging isang estatwa. Kahit ang paggalaw ng mga ibon at pagbagsak ng mga dahon mula sa puno'y huminto. Sa pagkakataon na ito'y aaminin kong napilitan akong patigilan ang oras. Tinapat ko ang palad ko sa direksyon nila Alysa ngunit natigilan ako dahil ito'y nakita kong kumurap at tumingin sa aking direksyon.

Agad kong binaba ang palad ko nang kami'y magkatinginan. Kinumpas ko ang mga kamay ko't sa isang iglap ay ako'y nawala sa aking kinatatayuan. Nanlalagkit ang katawan ko nang sumandal ako sa pader at ramdam ko ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.

I know that I shouldn't feel this way. It is our fate to fix everything in this world. Ngunit ang pinanghahawakan ko'y parang unti-unting nadurog dahil sa nangyari kanina. I can't compete with her, she is the main character. 'Di ko matukoy kung bakit nakita ko siyang lumingon sa akin kahit pinatigil ko ang oras. It looks like that she becoming aware of everything.

I'm afraid that someday she will discover everything about her capabilities.

Alysa Espanosa

Hinilot ko ang noo ko't pinikit ang aking mga mata. Tiniis ko ang mabato at matigas na pader na sinasandalan ko. Naiinip kong tiningnan ang mga lalaking kasama ko sa maluwang na silid na ito't napabuntong hininga.

"Aray! Nananadya ka ba! Ha!" naiinis na sigaw ni Koen at kulang na lang ay manapak siya. Ngumisi naman sa kaniya si Eaton at binaba ang hawak niyang tela. Sila'y nakaupo sa isang pahabang upuan at nakaupo naman sa kanan si Errol. Napansin kong panay ang tingin niya kay Koen at mukhang nag-aalala ito.

Katulad nga ng usapan namin nila Tobias ay magkikita kami rito sa gawaan ng gatas. Ngunit malayo ang itsura ng lugar ng pinuntahan namin sa imahe na nasa isip ko. I thought of going to a milk factory full of automatic milking machines but I was wrong. . . Well, this fictional world is truly different.

Kami'y nasa likurang bahagi't tanging nakita ko pagkapasok ay mga taong may buhat na malalaking lalagyan at ito'y puno ng gatas. Ang sabi sa akin ay ang mga gatas na ito'y nagmula sa mga baka. The city of Macedonia is really famous for its milk production.

"Huwag kang malikot. Mabuti nga'y hindi nabasag ang panga mo kanina. Nakakamangha ang katigasan ng mukha mo." Mapanuksong sabi ni Glo habang nakahalukipkip. Hinugot ni Koen ang kaniyang pamaypay at ito'y binato niya kay Glo ngunit sinalo ito ni Flyn.

"Para kayong mga bata. Nakakahiya kila Tobias." Napailing na lang si Flyn at isang ngisi naman ang ginanti ni Eaton at muling dinampi ang hawak nitong tela sa mukha ni Koen.

Sa likurang bahagi namin ay nakaupo ang dalawang lalaki na kung 'di ako nagkakamali ay sila Tobias at Owen. Sa pinakalikod naman at ang laging nag-iisa'y si Castor. Nakatingin ito sa kawalan at hindi ko alam kung may paki ba sa amin o wala.

Tinagilid ko ang aking ulo't sinandal sa pader. Nanatili akong nakatingin sa kawalan at kahit nagsasalita ang mga kasama ko'y tila wala akong naririnig. Ang tanging laman ng isip ko ay ang matandang naglalako sa pamilihan. Sa unang tingin palang sa kaniya ay may kakaiba akong naramdaman na hindi ko matukoy kung ano.

Mas lalo akong napaisip dahil sa inakto nito. Hindi man lang siya nagdalawang isip na batuhin ang isang matigas na plato sa mukha ni Errol na para bang napakalaki ng galit nito sa kaniya. Kitang-kita ko ang pinaghalong galit at takot sa kaniyang mga mata.

She said that Errol is a monster.

Nanatili ang tingin ko sa isang vase na nakapatong sa mesa kaharap nila't naningkit ang aking mga mata. Sa isang iglap ay lumiyab ang rosas nito. Natigilan ako't agad na tumayo ang aking mga kasama't ako'y napaiwas ng tingin. Napatulala na lang ako dahil sa nangyari. What the hell just happened?

"Ano'ng nangyari!" natatarantang sabi ni Flyn ngunit nanatiling kalmado sila Tobias. Inangat ni Eaton ang kaniyang palad at tinapat ito sa maliit na apoy at sa isang iglap ito'y nawala. Agad silang tumingin sa akin dahilan upang mas lalong kumabog ang dibdib ko sa kaba. Napatayo rin sa kaba't pagkalito sila Antonio at Shaja.

The way they look at me tells that they know that I made the fire.

Iniwasan ko ring tumingin kay Shaja na nakaupo sa tabi ko dahil sigurado akong nakikita niya ang emosyon ko. Binalik ko ang tingin ko sa mga kasama ko't akmang may sasabihin si Eaton ngunit sinenyasan siya ni Tobias.

"Pasensya na. Hindi ko nakontrol ang kapangyarihan ko," mahinahong sabi ni Tobias kaya nangunot ang noo ko. Nagkatinginan kami't mas lalo ko siyang pinagkunutan ng noo. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya dahil sigurado akong ako ang may kagagawan ng apoy na lumitaw kanina.

Why is he covering for me? I'm sure I'm the one who made the fire.

Hinawi ni Tobias ang kaniyang kamay sa ere't isang kakaibang bagay ang nakita namin. Ang abo ng rosas ay lumutang sa ere't nagsama-sama. Misteryosong bumalik ang nasunog na parte ng oras at ako'y tumingin kay Tobias dahil sa pagkalito. It looks like that he has the ability to restore something.

"Pasensya na. Nakakahiya sa may-ari na sinira ko ang magagandang oras niya." Isang ngiti ang ginanti ni Tobias. Mukha namang walang nagtaka sa sinabi nito't pilit kong tinatago ang kaba na nararamdaman ko.

Una ay 'di mawala ang kakaibang hangin na tila sanhi ng pagkaihan ko sa ere noong ako'y nasa loob ng kubo. Ngayon naman ay nakipagtitigan lang ako sa rosas ay bigla na lang itong lumiyab. Kutob ko'y galing ang lahat ng 'yon sa akin at hindi ko matukoy kung paano.

"Natapos niyo ba ang pagbabasa sa pinadala naming liham?" Nakangiting sabi ni Tobias sa amin. "Naghintay kami ng liham pabalik sa inyo mula sa mga blankong papel na binigay namin." dagdag niya. Tiningnan niya kami isa't-isa at pinagkunutan ko naman siya ng noo. Pansin kong mukhang nagtataka rin ang mga kasama ko sa sinabi niya.

"Ito ba ang papel na tinutukoy mo?" Kinuha ni Glo ang papel mula sa kaniyang bulsa't pinakita ito. Samantala ay nagtaka ako dahil gano'n din ang ginawa ng iba't tanging ako ang walang natanggap na papel sa amin.

"Wala akong natanggap na papel," diretso't nagtataka kong sabi. Isang makahulugang ngiti naman ang natanggap ko mula kay Eaton habang ito'y nakaupo sa gilid ni Koen.

"Ooops! Sorry! Naubusan kami ng papel." Sa tono ng pananalita ni Eaton ay alam kong sarkastiko siya't sinadya nilang wala akong matanggap. 'Wag niya akong utuin dahil 'di ako uto-uto.

"Kung naubos e 'di sana isang pirasong papel lang ang natanggap namin." Pambabara ko sa kanya at mas lalong lumawak ang ngisi niya. Isa-isa kong silang tiningnan at kahit si Castor na blanko ang mukha ay tinitigan ko.

Alam nilang hindi ka marunong magsulat gamit ang mga letra ng Cantaga.

Natigilan ako't agad na lumingon sa direksyon ni Errol nang marinig ko ang boses niya sa loob ng aking ulo. Pakiramdam ko'y ito ang unang beses na narinig ko uli ang boses niya. Kumalma ako kahit na pakiramdam ko'y namumula na ang mukha ko dahil sa inis.

Umiwas ako ng tingin sa kanila dahil mananahimik muna ako saglit. Pero kung puro kalokohan ang isasagot nila sa amin at pilosipo ang isa nilang kasama ay magiging prangka ako.

Paano nila nalaman na hindi ako marunong magsulat?

Saglit kong tinapunan ng tingin si Errol ngunit siya'y nakatingin sa ibang direksyon. Pinagkunutan ko siya ng noo dahil parang hindi niya naririnig ang tanong sa loob ng isip ko. Isa pa ay pinagtataka ko rin kung paanong nakakabasa ako ng letra nila rito ngunit hindi ko alam magsulat.

"Pasensya na. . . ngunit talagang naubusan kami ng papel. Nagtungo kami sa kabilang bayan ng Macedonia at doon namin binili ang mga papel at pluma kapalit ang limang pilak. Ngunit pagbalik namin upang bumili pa ng isang pirasong papel ay ubos na ang mga binebentang papel ng isang magloloko kung saan kami bumili."

Nanahimik ako't siniksik sa aking kokote ang lahat ng sinabi niya dahil hindi ko akalain na pati papel ay binilibili rito. Bad news for them. Nagsayang sila ng salapi sa pagbili ng blankong papel dahil hindi naman namin alam kung para saan 'yon. We are not aware that we should write back to them using those papers.

"Maari na ba naming makita ang liham na sinasabi niyong naging blangko?" Mahinahon na sabi Tobias.

Binuka ni Flyn ang kaniyang palad at lumitaw sa kaniyang kamay ang liham ni Casco. Ito'y lumutang sa ibabaw ng palad niya't unti-unting lumutang patungo sa direksyon ni Tobias. Tumayo si Eaton at naglakad papunta sa direksyon ni Tobias at pinagsiksikan ang kaniyang sarili.

Napansin ko ang pagbabago ng kanilang mukha na tila ba sa unang tingin palang ay alam na nila ang misteryosong nangyari sa pagkawala ng mga letra sa liham ni Casco. Naningkit ang mga mata ko habang nakatingin sa kanila. Sinasabi ko na nga ba e. Madami silang alam na hindi namin alam.

"Ang liham na ito'y galing ba sa isang batang nagngangalang Casco?" Nakuha ni Eaton ang atensyon naming lahat at sinandal ang kaniyang ulo sa balikat ni Owen.

"Oo. Paano mo nalaman?" sagot naman ni Glo at hindi ko siya masisisi sa tono ng pananalita nila dahil nakakapagtaka talaga na sa isang tingin palang ay alam nila kung kanino galing ang liham na pinakita namin. Siningkitan ko na lang sila ng mga mata't ngumisi sa akin si Eaton. Kung hilain ko kaya nguso mo, tingnan natin kung makakangisi ka pa sa akin. 'Wag niya akong subukan.

Isang kakaibang liwanag ang lumabas mula sa palad ni Tobias at lumutang sa ibabaw nito ang liham ni Casco. Umayos siya ng upo't hinarap ang kaniyang katawan sa amin. Magkasalubong pa rin ang mga kilay ko dahil naiinip ako sa mga kinikilos niya. Ang dami niyang pakulo. 'Di ba p'wede na sabihin niya na lang ng diretso kung ano ang nalalaman nila?

"Ang pagkawala ng mga letra sa liham niyo'y sinadya." maiksi niyang sabi't napataas ang kilay ko. "Gamit ang isang tubig na may tinunaw na asukal ay kaya nitong burahin ang tinta ng isang liham. Ito'y binubura sa pamamagitan ng pagdampi ng isang telang nilublob sa isang tubig na may asukal."

"Ang ibig mong sabihin ay ginawa 'yon ni Casco sa liham na pinadala niya sa amin?" nagtatakang sabi ni Flyn.

"Oo. Halata ang konting bakas ng mga letra sa likurang bahagi ng liham na ito. At lilitaw lamang ang mga letra kapag ito'y tinapat sa isang berdeng liwanag." Sa isang iglap ay lumabas ang kakaibang kulay berde na liwanag sa kaniyang palad. At unti-unting lumitaw pabalik ang mga letra sa liham ni Casco.

Napanganga na lang si Koen at kahit si Shaja ay namangha sa tabi ko. Lumingon pa ito sa akin at kita ko ang pagningning ng kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin.

"Are. Sino si Casco? Ilang taon na siya?" Nagtatakang tanong ni Shaja at pansin ko ang pamumula ng kaniyang mga pisngi. I patted her head. Hindi ko na lang siya sinagot.

Alam kong madidismaya lang siya kapag nalaman niya ang katotohanang sampung taong gulang palang si Casco. Sa buong durasyon na nakatayo siya sa tabi ko'y ngayon lang siya nagsalita at 'yon pa ang maririnig ko mula sa kaniya.

"Sa paraan ng pagtatago ng mga letra na ito'y nakilala ang pinakabatang craftman na si Casco. Ang totoo'y kami ang ilan sa mga espada na inayos niya. At kung masisira rin ang anyong espada ng kasama niyo ay maari kayong dumiretso sa kaniya." dagdag ni Tobias at tumingin kay Glo.

"Ha? Ano? Nagsayang kami ng oras at sa huli'y malalaman namin na sinadya palang alisin ang letra sa liham niya! Tsk! Ano ba 'yan!" Pagrereklamo ni Koen at napakamot ng ulo.

"Siguro'y ginawa niya ang bagay na 'yon dahil nagbabakasakali siyang makakarating kayo sa bansang Estrela sa mabilis na panahon. May pagkakataon na ibang tao ang makakabasa ng liham niyo't maaring ibenta ang mga impormasyon na nakasaad doon." Lumutang ang liham pabalik kay Flyn.

"Ang problema ay hanggang ngayon ay hindi pa namin nahahanap ang espesyal na barko't mag-iisang linggo na kaming nasa Nokkan! Tsk!" komento ni Koen at mukhang siya ang pinakaproblemado sa aming lahat.

"Huwag kayong mag-alala dahil sigurado akong nakasulat sa liham na 'yan ang lahat ng impormasyon na kailangan niyo." Tumango ako dahil nakuha ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Nanatili ang tingin ni Flyn sa liham habang katabi nito si Glo.

He had me fooled too. I never thought that a method of hiding letters like this exists. Casco is indeed a wise child.