Chapter 8
Mabuti nalang at mukhang nakisama sa akin ang panahon, hindi na siya naging maarter sa pagbili ng mga gamit na nasa mahaba niyang listahan hinayaan niya ako na ako na ang bahala sa bibilhin niya pero syempre may pangako akong binitawan.
“Kung may mali man sa item na maibigay ko i charge niyo na lang sa akin kapag bumalik ka rito,” bititawan kong salita sa kanya upang mapadali ang trabaho ko dahil ang sama ng pakiramdam ko.
Mukhang nagmamadali rin siya, hindi kasi siya umiimik at panay tingin sa kanyang cellphone mukhang may hinihintay na importanteng mensahe doon at ipinagpasalamat ko iyon dahil less inis ako pero parang nalulungkot ako.. parang hindi ako sanay na hindi ko marinig ang pang-aasar niya. Weird.
“Nasa delivery truck na ang lahat ng binili mo, pina double check ko na rin sa cheaker para walang aberya sa mga items,” saad ko dito. Doon niya lang ako hinarap at isinilid ang kanyang cellphone sa bulsa ng pants niya.” Ito ang resibo,” dagdag ko at inabot iyon sa kanya.
“Thanks,” kaswal na saad niya at tinanggap iyon at nagtungo sa counter upang magbayad.
Napabuntong hininga nalang ako at sinundan siya ng tingin. Gusto ko sana itanong sa kanya kanina kung bakit niya iyon ginawa kagabi, ang pagsabi niya kay Patrick na girlfriend niya ako. KUng bakit niya ako tinulungan sa ikalawang pagkakataon. Pero mukhang hindi maganda ang mood niya kaya nanahimik nalang ako isa pa masakit rin ang ulo ko at masama ang pakiramdam ko baka lalong sasakit ang ulo ko kapag iinisin niya ako.
Nag half day lang ako dahil subrang sama ng pakiramdam ko para akong matumba at nahihilo ako sumabay pa ang paninikip ng dibdib ko. Bumili lang ako ng lugaw dahil iyon lang ang kayang tanggapin ng sikmura ko. Pagdating ko ng bahay kinain ko iyon at uminom ng gamot bago magpahinga. Bago ako ginupo ng antok ang seryosong mukha ni Kenzo ang aking huling nakita.
“Hello, Steph ‘bat napatawag ka?”inaantok na tanong ko ng sagotin ko ang tawag ni Stephanie.
“You’re sick, why?” nag alala na tanong niya.
“Nalipasan lang ako kagabi,” saad ko. “ Pero maayos na ang pakiramdam ko hindi na ako nahihilo medyo masakit lang kaunti ang ulo ko.”
Dinig ko ang kanyang pagbuntong hininga sa kabilang linya. “Next time, huwag na magpalipas ng gutom,” she sigh again. “Hindi ko ito sinabi sa parents mo at sa kapatid mo for sure magwawala ang mga iyon kapag nalaman nila na nagkasakit ka.”
Maliit akong ngumiti, hindi ko na pala kailangan mag alala. “ Thank you so much, Steph. Don’t worry hindi na iyon mauulit.”
“Okay. Oh, by the way regardless sa pinakunsulta mo nakuha ko na ang result at base sa resulta wala kang sakit sa puso, wala kang problema sa puso. You’re heart is healthy. Maybe, iyang kakaibang naramdaman mo is a sign of a people who is in love.”
It is? But how? And in love with who? Kasi sa pagkaalam ko broken hearted parin ako at wala sa plano ko ang umibig muli kaya paanong in love ako? Wala rin akong ibang lalaki na nakakausap bukod kay Patrick at kay… “Kenzo.”
No. No. Hindi.. hindi ko siya gusto. Paano ko siya magustuhan gayong naiinis ako sa kanya sa tuwing nagtatagpo ang landas naming dalawa? Inis lang ang nararamdaman ko sa kanya at wala ng iba. I swear.
Itaga ko sa puso kong sawi na wala akong gusto sa batang pulis na may matambok na puwet. Kahit pogi siya, nakakainis kasama at nakakapikon hinding-hindi ako magkakagusto sa kanya. Sakit lang iyon sa ulo at sa puso. Puro lang naman siya pang aasar at nang iinis. “At namimiss ko na iyon.”
“Oy! Anong na miss?” saad ni Gianna na bigla namang sumulpot at umupo sa tabi ko. “Sino ang na miss mo?”
“Si Engineer Patrick ba o iyong poging pulis?” sabat ni Stella.
“Wala sa dalawa,” wika ko.
Nilagyan ko ng headset ang aking tainga ng hindi ko marinig ang sasabihin nila. Everytime I hear his name my cheeks burning up and my heart beats faster. SIguro nga ay tama sila na may gusto ako sa kanya pero ayaw ko lang tanggapin.
Hindi ko kasi matukoy kung anong klaseng pagkagusto ang naramdaman ko para sa kanya kase hanggang ngayon nakakulong parin ako sa bangungot ng nakaraan. Maybe I like him because he is good looking, na kahit nakakainis at nakakapikon siya ay komportable ako na kasama siya. Siguro kaya ko siya gusto kasi nawawala ang sakit dito sa puso ko kapag kausap ko siya.
Isang buwan na ang nakalipas noong huli ko siyang nakita, iyong namili siya dito sa store at hindi na nasundan ang pagkita naming dalawa. Sa isang buwan na iyon umaasa ako na sana isang araw makita ko siya, kahit makita lang siya panatag na ako.
Wala ring binabanggit ang kapatid ko about sa kanya baka nalipat siya ng destino kaya kahit anino niya ay hindi ko makita. Inaamin ko, namimiss ko na siya, gusto ko siyang makita na kahit buong araw niya ako inisin, sirain ang araw ko ay okay lang basta makita ko lang siya.
“Ate, nagkayayaan pala ang tropa ko na gumimik sa sabado ng gabi, iinom lang, chill in sa bar.. ano kasi.. isama sana kita,” naka kamot sa kanyang ulo na saad niya. “Ang stress mo tingnan.. at sa tingin ko need mo ng relax.”
“At sa tingin mo maka relax ako sa loob ng bar?” malditang wika ko.
________
“Feel na feel mo eh, no?” my brother said in a sarcastic tone. “Relax na relax may beer pang hawak.”
“HUwag mo akong guluhin mag enjoy ka na lang riyan,” sabat ko.
“Oh, nandito na pala tropa ko,” tumayo siya upang salubongin ang mga tropa niya.
“Ate, mga tropa ko si Aljon, Jerome at Cedrick. Ate ko pala, tol.”
Nakipagkamay ako sa kanilang tatlo. “I’m Elies.”
Bakit wala si Kenzo? Nabanggit sakin ni bunso na magkaibigan sila pero bakit wala siya dito? Hindi ba siya kasama? Baka tama nga ang hinala ko na nasa ibang lugar na siya naka destino. O, baka boyfriend duty siya ngayon.
“ Enjoy kayo. Bunso sa counter lang ako uupo,” pigilan niya sana ako ngunit mabilis akong naglakad paalis doon.
Aghh! Ano ba itong nagyayari sa akin, bakit parang na dismaya ako na wala siya dito? DApat magsaya ako ngayon, mag relax, kalimutan ang lahat ng gumugulo sa isipan ko pero bakit narito ako sa isang sulok naka upo, mag isa at malungkot?
Tutunggain ko na sana ang botelya ng alak na hawak ko ng matigil sa ere ang kamay ko nang makita ko ang pamilyar na bulto ng katawan ng isang lalaki na kausap ang kapatid ko. Naka leather jacket ito ng itim, denim black pants at naka boots. Para siyang detective sa kanyang porma.
Sa kakatitig ko sa kanya hindi ko namalayan na naglalakad na pala ito at patungo siya sa direksiyon ko. Hindi ko magawa na iiwas ang aking tingin, parang napako ang mata ko sa kanya hanggang sa huminto siya sa harapan ko. At pakiramdam ko mabibingi ako sa lakas ng kabog ng puso ko.
"Umiinom ka pala.”
Napaiktad ako sa gulat ng magsalita siya.” Ha?” parang tanga na usal ko.
“ Naka ilang bote ka na?” tanong niya na nakatingin parin sa akin, bigla tuloy akong nailang.
Ako na ang umiwas ng tingin dahil pakirramdam ko matutunaw ako sa tingin niya. “Hindi pa ako naka inom,” sagot ko dito sa mahinang boses.
“Akala ko naparami ka na ng inom, doon ka na lang raw sa table namin sabi ng kapatid mo.”
“Sige, susunod ako.”
“Nope, sumabay kana sa akin baka may mambastos pa sayo dito, mapa away pa kami.”
“Fine,” pagsuko ko saka bumaba sa upuan. Kinuha ko ang bote ng alak ngunit inagaw niya iyon at inilayo sa akin.
“Hindi bagay sayo ang uminom, tara na.”
Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. PInagsiklop niya ang palad naming dalawa habang naglalakad pabalik sa table nila at hindi na ako nag abala pang tanggalin iyon.
“God. Bakit ganito ka bilis ang tibok ng puso ko?” sambit ko sa aking isipan nakatingin sa nakasiklop naming mga palad.