Chapter 13

Kenzo Juaquin pov.

Na istatwa ako sa aking kinatayuan ng marinig ang malamyos na boses ni ELies habang kumakanta. Para akong dinuduyan sa ganda ng boses niya. Ngunit gaya ng kagawian ko iniinis ko siya pagkatapos para matakpan ang saya at kilig na naramdaman ko.

Malaki ang ngiti ko ng padabog na pumasok si Elies sa loob ng bahay pagkatapos ko siyang asarin. I’m sorry babylabs, ito lang ang paraan ko para mapalapit sayo. Ito lang ang paraan ko para makausap kita ng matagal.

“Paano ka sasagotin niyan kung palagi mong ginagalit at inaasar?” wika ni J. A nang makaupo ako sa tabi niya.

May ngiti parin sa labi na tiningnan ko ang pintuan ng silid ni Elies. “Ewan, tol, pero mas gusto ko na ganito muna kami. Baka kasi layuan niya ako kapag nagtapat ako sa kanya. Baka hindi niya ako tanggapin.”

Tinapik niya ako sa balikat.” Ikaw ang bahala, tol. So, ano ngayon ang gagawin mo?”

“E, te-text ko siya. Magpanggap akong stranger at kapag malaman ko na pwede na siyang magpaligaw doon ko na sasabihin sa kanya ang nararamdaman ko.”

“Good luck , tol. Suportado kita.”

“Salamat , tol.”

Hindi ko siya pwedeng madaliin, baka mabigla siya kapag nalaman niyang may gusto ako sa kanya. BAka umiwas siya, lumayo ayaw ko naman mangyari iyon at isa pa baka hindi pa naghilom ang sugat sa puso niya na kagagawan ng ex-boyfriend niya.

Me: Hi, miss Buenavedez. How are you?

Mensahe ko sa kanya. Napailing nalang si J. A nang makitang malaki ang ngiti sa aking labi habang hinihintay ang reply niya.

“Malala ka na,” umiiling, nakangisi na wika niya. Maya-maya tumunog ang cellphone ko at nag reply siya.

Elies: Okay lang naman ako. Sino to?

Me: You're the one.

Elies: Nice name. Anong apelyedo mo?

Me: In me.

Napalingon ako kay J. A nang sikuhin niya ako.” Ang corny mo, tol, promise.”

Elies: Okay. Goodbye, YTOIM.

Me: What YTOIM?

Elies: In short of You're The One In Me.

“Kadiri ka,” usal ni J. A nang tumawa ako sa reply ni Elies.” Uminom ka ng kumalma ka,” wika niya at inabot sa akin ang bote ng alak.

“Ito naman parang hindi ka naman dumaan sa ganitong stage,” natatawa na wika ko.

Me: WYD?

Elies: Ha?

Me: What you're doing?

Elies: Texting to the stranger.

Me: Ouch. Stranger talaga?

Elies: Yup. Bye.

“Pustahan tayo, ang mukha ng ate ko habang ka text ka, nakabusangot ang mukha, magkasalubong ang kilay at nakanguso sa inis,” saad niya. “Lalabas na ‘yan maya-maya.”

HIndi nga siya nagkamali dahil ilang saglit lang lumabas nga si Elies sa kanyang silid suot ang naka busangot na mukha, magkasalubong ang kilay at nakanguso ang kanyang natural na mapulang labi tulad ng sabi ni J. A. Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng kaba, kaba na hindi ko alam kung ano ang tunay na dahilan.

“Bunso may binigyan ka ba ng number ko?”

“Wala naman ate dahil ayaw mong ipabigay iyon. Bakit?”

“Wala, may nag text lang,” nakabusangot parin ang mukha niya.

“Oy. May textmate ka na, sungit?” panunuksong sabat ko, naka iwas ng tingin sa kanya.

“Wala kang pakialam, makulit.”

Doon lang ako nag angat ng tingin ng padabog itong umalis sa aming harapan, nagkatinginan kami ni J. A at nag kibit-balikat ng malakas niyang sinara ang pintuan ng kanyang kwarto.

“Wala pa ngang kayo pero may call sign na, sungit, makulit. Naks, road to forever ‘yan,” nang aasar na wika ni J. A.

I called her masungit kasi ganon siya sakin sa tuwing makita niya ako and she called me makulit dahil kinukulit ko siya at inaasar. Ang sweet nga, e. Bihira lang ang ganitong may call sign kahit hindi naman kayo magka anu-ano. Tinuturing niya nga akong salot sa buhay niya kapag nasa bahay niya ako.

“Alam mo, tol…wag mo sanang masamain ha. Pero, baka gusto mo ng tulong para mapadali ang paghanap mo kay Dina?” sinserong saad ko.” Bilang kapalit na rin sa suportang binigay mo sa akin para sa ate mo.”

Mahina itong napabunga ng hangin at umiling.” Sapat na sa akin ang kasiguraduhan na hindi mo sasaktan ang ate ko. Huwag mo akong alalahanin, kasalanan ko naman ang nangyari kaya ako ang hahanap ng sulosyon. Huwag kang mag alala ikaw ang una kong lalapitan kapag kailangan ko ng tulong.”

Hindi ko talaga siya mapilit. So, I respect his decision kasi iyon ang gusto niya. Saglit pa akong nanatili bago naisipang umuwi dahil wala yatang balak na tumigil sa pag inom ang kasama kong sawi sa pag-ibig.

Me: Bakit hindi ka nag reply?

Busy ka ba?

Baka tulog ka na.

Good night. Sweet dreams.

Ma panaginipan mo sana ako.

Inilapag ko ang cellphone ko ng wala akong reply na natanggap mula sa kanya. Baka tulog na nga siya. May ngiti sa labi at masaya ang puso na pinikit ko ang aking mata. Ganito pala ang pakiramdam kapag in love ka.

Me: Good morning.

Gising ka na?

Tanghali na a. Hindi ka pa ba gising?

Panay sulyap ko sa aking cellphone habang nagluluto kung may reply ba siya. Kagabi pa siya hindi nag re-reply sa text at kating-kati na ang kamay ko na tawagan siya pero pinigilan ko dahil baka na boku niya ako kapag narinig niya ang boses ko.

Me: Reply ka naman kung gising ka na.

Halos mabilaukan ako ng tumunog ang cellphone ko at nakita kong nag reply si Elies.

Elies: Obvious naman siguro na ayaw kitang ka text kaya hindi ako nag re-reply sa mga text mo.

- At saka kahit anong oras ako gumising wala kang pakialam.

Pakiramdam ko nasa harapan ko siya at pasinghal niyang sinasabi sakin ang text niya.

Me: Open the door.

Elies: Ha? Bakit?

Me: Buksan mo ng malaman mo.

Napa ayos ako ng upo dito sa loob ng kotse ko ng makita ang gulat at pagtataka sa mukha ni Elies pagbukas niya ng pinto ng bahay niya. Nag text ulit siya.

Elies: Flowers? Sayo galing ‘to?

Me: Yup. Nagustuhan mo ba?

Elies: Yes, of course. Ito ang favorite flowers ko, tulips.

Ngumiti din ako nang makitang nakangiti ito na inaamoy ang bulaklak na bigay ko at pumasok muli sa loob ng kanyang bahay.

Me: Yeah, I know.

Elies: Paano mo nalaman? Stalker ka no?

Me: Hindi no.

Elies: E, bakit alam mo ang favorite flower ko?

Me: Because I know you.

Elies: Sino ka ba talaga?

Me: Soon, baby, malaman mo rin.

Elies: Kailan yong soon?

Me: Kapag handa na ako.

Elies: Handa saan?

Me: Handang masaktan, even if you reject me.

Elies: Paano ka nakasiguro na i reject kita, hindi mo pa nga alam.

Me: Basta, soon. Malaman mo rin.

Pasensiya ka na kung ganitong set up ang paraan ko para ipakita sayo na gusto kita, natatakot lang ako na baka lumayo ka oras na malaman mo ito at natatakot din ako na baka hindi mo ako tanggapin dahil mahal mo pa ang ex-boyfriend mo. Natatakot akong ma reject dahil sa iyo lang ako nagkagusto ng ganito ka lala, na gagawin ang lahat ng paraan para mapasaakin ka sa tamang panahon.

Muli kong tinanaw ang saradong bahay niya bago umalis. Sana dumating ang araw na magkaroon ako ng lakas ng loob na sabihin sayo ang nararamdaman ko para sayo pero sana kapag dumating ang araw na iyon parehas na tayo ng nararamdaman.

Naging libangan ko na ang pagpadala ng bulaklak sa kanya tuwing umaga. Minsan ako mismo ang naglalagay sa tapat ng bahay niya. Ganon nalang ang saya ko nang malaman ang oras ng pasok niya sa trabaho dahil may oras pa ako na ipagluto siya ng agahan, minsan snacks niya sa trabaho. Pero kapag nagkikita kami para kaming mga aso at pusa hindi magkasundo.

“Bakit ka nakasimangot d’yan, hindi ba nag reply ang textmate mo?”

Pang iinis ko sa kanya. Linggo ngayon at narito ako sa bahay niya tumatambay kasama si J. A.

“Tss. Hindi no,” naka irap na sagot niya.

“E, ano iyang sinisimangot mo?”

“Kasi ginugulo na naman ako ng ex ko,” frustrated na sagot niya.

“ Wag mo nalang pansinin.”

“IYon nga ang ginagawa ko. Akala ko titigilan na niya ako pagkatapos noong pagsulpot mo sa pag uusap namin pero hindi.. bumalik na naman siya para gulohin ako.”

“A, ex-boyfriend mo pala ang mukhang paa na ‘yon? Sinaktan ka ba niya?”

“HIndi naman, medyo masakit lang ang braso ko sa higpit ng pagkahawak niya kanina.”

“Patingin,” saad ko at hinawak ang braso niya, tiningnan kung nagkapasa ba.” Gusto mo upakan ko?”

Napasinghap siyang binawi ang kanyang braso.” Tss, ‘wag kang hambog baka lumipad ka lang kapag sinuntok ka.”

“Woah! Grabe ka. Wala ka bang tiwala dito?” saad ko sabay pakita sa maskulado kong braso.

“Hahaha. Iyan na ba ang pinagmalaki mo? ANg liit.”

“Maliit pa ‘to?” hindi makapaniwalang sambit ko.” Naka sampong barbel na ako na binuhat maliit parin sa paningin mo?”

She smirk. “Hambog ka kasi.”

“Pero napatawa kita,” seryosong wika ko.

“Tss, parang iyon lang big deal na sayo.”

“Big deal na iyon sa akin dahil lagi kitang nakikitang naka busangot.”

"Kasi iniinis mo ako.”

“Okay, hindi na kita iinisin basta ngingiti ka na.”

Pinag cross niya ang kanyang braso. “Depende,” taas kilay na wika niya. Ang maldita talaga.

“Wow, may pakulo. Okay, ito tingnan natin kung hindi ka tatawa.”

Sinubukan ko mag joke pero hindi umipekto sa kanya kaya nagpa feeling magician ako at tawang-tawa siya dahil puro palpak ang pinapakita ko.

“Ito na, seryoso. Totoo na’to.” wika ko.

“Siguraduhin mo lang, dahil kung hindi-,” natatawang pagbabanta niya.

“Liligawan kita.”

“WAg na nga lang.”

Pag tanggi niya. Tatayo na sana siya nang hawakan ko ang kanyang kamay upang pigilan siya. Saglit siyang natulala sa ginawa ko, nang mahimasmasan binawi niya rin agad ang kamay niyang hawak ko.

“Ito na, seryoso na talaga,” saad ko. Kumuha ako ng piso at pinahawak muna iyon sa kanya. “Watch,” kinuha ko ulit sa kanya ang piso, inikot ko iyon sa kanyang ulo at inilagay sa kanyang tainga, maya-maya kinuha ko iyon ng dahan-dahan na ikinagulat niya.

“Woah! Paanong nangyari?” namamangha na usal niya.” Walang rose na bulaklak dito.”

“This is what we called magic,” I said. “For you,” sabay lahad sa kanya ng isang tangkay ng bulaklak.

“Salamat,” naiilang sa wika niya.

“Elies, can i court you?” biglaang tanong ko, gusto kong bawiin ang sinabi ko pero huli na, narinig na niya.

Bumuntong hininga siya at maliit na ngumiti. “Kenzo, tapatin kita ha. Pasensiya ka na pero hanggang kaibigan lang ang maibigay ko sayo. .. hindi pa kasi ako totally moved on.”

“I understand,” mahinang sagot ko halos wala ng boses dahil sa pagkabigo.

“Sorry, talaga.” wika niya at nagmadaling pumasok sa kanyang kwarto.

Daig ko pa ang pinagbabaril ng suspect na hinahabol ko sa sakit na naramdaman ko sa puso ko at sa ego ko. HIndi ko ma tanggap na ni reject ang pagtapat ko ng naramdaman ko sa kanya. Kasi ang buong akala ko may gusto rin siya sa akin kahit kaunti sa kabila ng samahan namin pero nagkamali pala ako dahil ako lang pala ang patay na patay sa kanya.

So, I guess this is my first heartbreak.