Chapter 14
Kenzo Juaquin pov.
“Anong nangyari kay Marasigan? Isang linggo na 'yan na parang pasan ang buong mundo ah.”
Rinig kong wika ni Cedrick kay Jerom, hindi ko sila pinansin at nag bingi-bingihan lang. Wala naman silang alam tungkol sa naramdaman ko para kay Elies, mabuti na rin iyon dahil ayaw ko marinig ang mga panunukso nila.
“May pinupormahan ba ‘yan?” tanong ni Aljon.”Ganyang kinikilos niya alam ko ng problema sa chiks ‘yan e.”
“Wala naman akong napapansin na may pinupormahan ‘yan,” si Jerom.
“Buenavedez,” tawag ni Aljon.” Anong nangyari dito sa bestfriend mo? Na kulangan ba ‘to ng alak sa katawan?”
“Kulang lang sa action ‘yan. Matagal na kasi iyan hindi sumabak sa bakbakan,” kaswal na sagot ni J. A habang busy ang kamay sa pagtipa sa computer. Nag bulong-bulungan naman ang tatlo hinuhulaan kung bakit ako nagka ganito.
Nang ma reject ako ni Elies parang nawala ang kalahati ng pagkatao ko. Wala na iyong excitement sa tuwing gigising ako sa umaga, gumigising lang yata ako dahil sa trabaho ko, pasalamat nalang ako na wala kaming operation dahil baka hindi ko magawa ng maayos ang trabaho ko.
Ayaw ko iyong ni re-reject ako dahil nawawalan ako ng tiwala sa sarili ko na magkaroon ako ng isang seryosong relasyon. Kaya minabuti kong umiwas sa kanya, hindi na ako nangungulit sa kanya sa text, hindi na ako pumupunta sa bahay niya para makita siya. Wala na, sumuko na kaagad ako dahil ayaw ko namang ipagsiksikan at ipilit ang sarili ko sa kanya gayong kaibigan lang ang tingin niya sa akin.
“Kanina pa beep ng beep ang cellphone mo. Sino ba iyang makulit na ‘yan at naririndi ako sa tunog ng cellphone mo.”
Hindi ko napansin na natulala na pala ako sa lalim ng iniisip ko. HIndi pa ako makabalik sa aking huwesyo kung hindi pa ako binato ni J. A ng isang rolyong tissue.
“Huwag mo kasing iwasan, ikaw din, ikaw lang rin ang mahihirapan.”
Napatingin ako sa kanya at tiningnan ng may pagtataka, nag sumbong ba si Elies sa kanya na nagtapat na ako ng naramdaman ko at ni reject niya ako kaya ako nagkaganito? Wala naman akong sinabi sa kanya pero bakit alam niya?
“Action speaks louder than voice.”
Mukhang may alam nga siya. Hindi nalang ako kumibo dahil baka marinig ng tatlong kumag ang pinag usapan namin panigurado wala akong takas sa pang aasar nila.
Elies: Hi. Busy ka ba?
Kamusta ka na?
A, ganun hindi nag rereply.
Hey!!
Reply ka naman o, need ko ng kausap.
Please.
Maliit akong ngumiti ng mabasa ang sunod-sunod niyang mensahe.
Me: Ahm. Hi.
Wala pang isang minuto nag reply siya kaagad.
Elies: Busy ka ba? Bakit ang tagal mong mag reply?
Me: Nagpapamiss lang at na miss mo nga ako. Hindi mo ako matiis na e-text, e.
Elies: Tss. Kapal mo, need ko lang ng kausap kaya ako nag text.
Kagat ko ang aking ibabang labi pinipigalan na mapangiti sa text niya, for sure naka busangot na naman ang mukha nito.
Me: Oh, bakit? Akala ko ayaw mo akong ka text e.
Elies: Kasi nagtapat sa akin si Kenzo last week, remember yong sinabi kong guy na makulit?
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa text niya. Minsan na niyang binanggit sa akin si Kenzo noong panahong nagpalitan pa kami ng text messages dalawa. Sa tuwing maka uwi ako sa bahay iyon kaagad ang topic niya. Kaya kinakabahn ako ngayon dahil hindi ko akalain na muli naming pag uusapan si Kenzo which is ako naman iyon.
Me: A, iyon pala. So, anong ginawa mo?
Elies: Sinabi ko sa kanya na kaibigan lang ang tingin ko sa kanya.
Me: Kaibigan lang ba ang tingin mo sa kanya?
Elies: Oo, ewan, basta hindi ko alam. AT saka baka kagaya lang siya ng ex-boyfriend ko.
Me: Bakit hindi mo subukan para malaman mo?
Elies: Hindi naman kasi ganoon kadali iyon e. Kapag nasaktan ka kasi takot ka ng magmahal ulit baka sa susunod subra pa ang sakit na maramdaman mo.
Me: KUng sabagay tama ka. Pero ikaw lang naman ang nakakaalam niyan kung masasaktan ka ba o liligaya sa piling niya.
Elies: Ewan, basta hindi pa ako ready.
Me: Ibig sabihin kahit ako hindi mo papayagang manligaw sayo?
ELies: Sa tamang panahon, kapag nahilom na ang sugat sa puso ko.
Me: Hihintayin ko iyong tamang panahon. Kahit kulubot na ang balat natin at puti na ang mga buhok , hihintayin parin kita.
Elies: Woah, paano kung mauna akong mamatay sayo?
Me: Edi, susunod ako sayo.
Elies: Hahaha, baliw ka na niyan.
Me; Baliw sa sayo, baby.
Elies: Bye na nga, baka mabaliw ako sa kalukuhan mo.
Me: Okay na sana ‘yong mabaliw rin ako kaso may karugtong pang kalukuhan mo.
Elies: Hahaha, ewan ko sayo. Bye, salamat sa pag reply.
Me: Walang anuman. Bye ingat.
Buo na ulit ako at masaya pagkatapos naming magpalitan ng mensahe ni Elies. Naintindihan ko na kung bakit niya ako tinanggihan pero nangangamba ako at nagseselos dahil may karibal ako…karibal ko ang sarili ko.
“Kaya pala ganyan ka.”
Napamura ako sa aking isipan sa gulat ng marinig ang boses ni J. A sa likuran ko. Nakatayo ito magka cross ang braso at naka tingin sa cellphone ko, nakikibasa.
“Malala na talaga ang tama mo sa ate ko lalo kang naging corny may pa ‘susunod ako’ kapang nalalaman,” nandidiri sa saad niya.” At saka huwag mong tawaging baby si ate ang laswa pakinggan mas matanda siya sayo, oy!”
Napatanga nalang ako at walang maisagot sa huling sinabi niya. Ano naman ngayon kung mas matanda si Elies sa akin? Age doesn’t matter naman pagdating sa pag-ibig at saka hindi naman ako minor de edad, anong nakakalaswa doon sa pagtawag na baby? HIndi naman halata sa 27 na siya.
“Akala ko ba boto ka sakin? Bakit kumukontra ka na ngayon?” paghamon na tanong ko sa kanya.
“Una, dahil mayaman ka, isang tagapagmana at malaki ang sweldo kapag namatay ka may benepisyo pang makuha ang ate ko kaya botong-boto ako sayo,” kaswal na sagot niya na lalong ikinatanga ko.
“Mag set na ba ako ng arranged marriage sa inyo?” dagdag niya na ikinapikon ko.
Dinampot ko ang aking baril at kinasa iyon, nataranta siyang tumingin sa akin nakataas ang dalawang kamay nang itutok ko iyon sa kanya. Napatayo na rin sina Cedrick, Jerom at Aljon nang makita ang sitwasyon naming dalawa.
“Magdala ka ng abogado ora mismo papakasalan ko ang ate mo,” saad ko sa matigas at seryosong boses.
“Te-teka, ibaba mo nga muna iyang baril mo,” tarantang saad ni Cedrick.” Patay tayo kapag naabutan tayo ni chief dito.”
Agad na kinuha ni Aljon ang baril ko at inilayo iyon sa akin.”Ano bang nangyayari sa inyo , bakit.. bakit may tutukan ng baril?”
“Mag best friend kayo diba? Bakit?” madamdaming usal ni Jerom.
UMupo ako ulit sa aking upuan at dinampot ang cellphone ko.”ANg nerbiyoso niyo naman, normal lang sa akin ‘yan. Ganyan kami maglambigan,” saad ko. “Huwag mong kalimutan iyong sinabi mo,” nagbabanta na sabi ko kay J. A.
“Binabawi ko na, baka ako ang unang mamatay kapag nangialam ako,” natatakot kunyari na sagot niya.
“ May hindi ba kami nalalaman?” curious na tanong ni Jerom.
Makahulugan na tiningnan nila akong apat, napabuntong hininga ako at sinabi sa kanila ang totoo.
“Nililigawan ko ang ate niya,” sagot ko sabay turo kay J. A.
Tumayo ako at iniwan ang tatlong kumag na nakatulala sa loob at pinoproseso ang sinabi ko. Kailangan kong maka alis, ayaw kong marinig ang sasabihin nila. Kasalanan ‘to ni J. A, e.
“Hoy! Marasigan, saan ka pupunta may tanong pa kami!” rinig kong sigaw ni Aljon.
“Lover boy bumalik ka dito.” si Jerom.
“MAy inuman tayo sa sabado, same place, same hour. Huwag kang mawawala,” pahabol na sigaw ni J. A.
“Ulol niyo!” sigaw ko pabalik sa kanila at pumasok sa loob ng kotse ko. “Nakakahiya ka Kenzo, daig mo pa ang babae kung kiligin,” kastigo ko sa sarili ko.