Chapter 12

Elies Abegail pov.

Pakiramdam ko kasing kulay na ng kamatis ang mukha ko sa subrang pula nito. Sino ba ang hindi pamulahan ng mukha sa ma bulaklakin na salita ng binatang pulis na ito? Tuluyan ko nang iniwas ang mukha ko sa kanya at dumistansiya baka marinig pa niya ang malakas na kabog ng puso ko na siya ang dahilan.

Base on my peripheral version nakatingin parin ito sa akin. Tumaas ang sulok ng labi ko, akala ko ba kaya siya lumapit sa akin dahil tutulungan niya ako sa pag ihaw, bakit nakatayo lang siya at……. nakatitig sakin?

“Ehem,” basag ko ng katahimikan.” Bumalik ka na doon, kaysa dito ka tapos aasarin mo lang ako.”

Napakamot ito sa kanyang ilong at inagaw sa akin ang pamaymay.” Ako na rito, tapos ikaw ang bumalik doon, makihalubilo ka sa ibang tao para hindi ka tatandang dalaga.”

Biglang kumulo ang dugo ko at umusok ang ilong ko sa subrang inis sa sinabi niya. Talaga namang nakakapikon siya, hindi nakakatuwa. Inagaw ko sa kanya ang pamaypay at pinagpapalo siya sa subrang inis.

“Alam mo, nakakainis ka, nakakapikon. Kumukulo dugo ko sayo. Ka inis ka!”

Todo sangga naman siya sa mga palo ko at mas lalo akong nainis dahil tumatawa siya.. nag eenjoy dahil nagtagumpay siyang inisin at pikonin ako.

“What? Tama naman sinabi ko a,” wika niya at sinalo ang kamay ko. “As far as I know, 27 ka na. May stable job at income kaya lang…single.”

Hindi ko napigilan ang pag ikot ng mata ko.” Ano naman ngayon kung single?” mataray na saad ko. “Kaysa naman taken pero niloloko lang pala. Kaysa naman mayroong boyfriend pero kaliwa’t kanan naman ang karibal mo. Mas mabuti pa ang maging single wala kang alalahanin na boyfriend na manloloko at paasa.”

Binaklas ko ang kamay ko na hawak niya at nagmadaling pumasok sa loob ng bahay. HUmahangos akong sumalampak sa aking kama, hindi ko napigilan ang maging sensitive at maapektuhan, naging big deal sa akin ang salitang ‘single’.

Kanina lang masaya ako nang marinig na wala siyang girlfriend pero agad ring pumasok sa isip ko, paano kung sinabi niya lang iyon kanina para hindi maghanap ng babae ang kaibigan niya para ipares sa kanya. Paano kung rason niya lang iyon dahil loyal siya sa girlfriend niya or baka takot lang siyang makarating sa girlfirend niya ang kalokohan niya rito habang nasa LDR status sila?

Ma bilang na lang ang mga lalaking matino sa ngayon, ang loyal sa kanilang partner, na ikaw lang ang mahal dahil kapag sila naka hanap ng mas better sayo papalitan ka lang nila agad na ang tingin sayo isang damit na pinaghubaran dahil na dumihan.

Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili, pinag-isipan kung babalik pa ba doon sa labas. Ngayon ako tinubuan ng hiya sa inasta ko sa harap ni Kenzo. Marunog kaya siya magluto ng inihaw? Natapos niya kaya iyong niluluto ko? Tatayo na sana ako para lumabas pero bumalik ulit ako sa pagkahiga ng marinig ang tawanan nila.

“Hindi ko na pala kailangan bumalik doon, masaya naman sila na wala ko. At hindi naman ako mahalaga para sumasama at ma kompleto ang tropa nila. Kapatid lang ako ng kaibigan nila at hindi ako kasama sa tropa kaya hindi na kailangan na nandoon ako,” mapakla sa wika ko sa kawalan.

Sa break up na nangyari sa amin ni Patrick, may epekto sa akin na hanggang ngayon ay dala-dala ko pa. Naging sensitive ako kahit sa maliit na bagay, madaling ma disappoint, madaling masaktan at umiyak. Naging praning sa mga bagay-bagay na marinig ko na may kinalaman about relationship.

Gaya nalang nang sinabi ni Kenzo kanina, naging big deal iyon sa akin agad, tinarayan ko pa siya at tinalikuran. Napasabunot ako sa aking buhok, kung anu-ano na naman ang iniispin ko. Kinuha ko ang bote ng rum na tinago ko sa cabinet at tinunga iyon. Kailangan kong i relax ang isip ko baka ano na naman ang gagawin ko sa sarili ko.

Nang makaramdam ng hilo binalik ko iyon sa cabinet kung saan ko tinago at humiga na. Salamat sa alak dahil hindi nagtagal nakatulog rin ako ng payapa na walang bumabagabag sa aking isipan.

Kinabukasan paggising ko malinis na ang labas ng bahay kung saan sila nag inom kagabi. Malinis rin ang labado kahit isang baso walang hugasin at ang kapatid ko wala rin dito siguro umuwi na sa apartment niya. Sino kaya naglinis dito? Knowing naman sa kapatid ko madaling malasing iyon.

Naghanda ako ng aking almusal at doon kumain sa kwarto habang nanonood ng k-drama. MAlinis naman ang bahay ko kaya walang general cleaning at buong hapon akong mag movie marathon na walang kasamang distorbong kapatid.

“Ma, bakit ho?” bungad ko ng sagotin ang tawag niya.

“Wow. I miss you too din, anak. Kaya mahal na mahal kita e, kasi lagi lang nag a-update sa akin, lagi kang tumatawag, nag te-text, nag vi-video call hindi kagaya ng kapatid mo na tatawagan lang ako at magpakita sa akin sa tuwing iiyak dahil rin sa kagaguhang ginawa niya.”

Inilayo ko ang cellphone sa aking tainga nang marinig ang mahabang talumpati ni mama. Nawala nga pansamantala ang kapatid ko pumalit naman ang nanay ko. Panginoon po, kahit isang araw lang gusto ko pong tumahimik ang buhay ko.

“Ito naman si mama tampo agad. Sorry na, ‘Ma. I love you and I miss you so much,” malambing na wika ko, natawa ako nang marinig ang pagsinghap niya.

“MAtagal ko na kayong hindi nakakasama,” malungkot ang boses na saad niya.” Gusto ko na kayong makasama ng kapatid mo.”

“Sus. Sure ka, Ma? Baka kaya mo lang kami gusto makasama para usisain kami tungkol sa love life namin e.”

“A, e parang ganon na nga. Ano? Nakipagbalikan ba si engineer sayo? MAkatanggap na ba ako ulit ng surprise gift? ANg kapatid mo, umiiyak parin ba gabi-gabi dahil sa kagaguhan niya? Bakit kasi ang malas niyo sa pag-ibig, saan ba kayo nagmana? Hindi naman kami ganyan ng papa niyo.”

“ANg tsismosa mo , Ma. “ nakanguso na saad ko.” Kulang nalang ipatarpulin mo ang pagiging malas namin ng kapatid ko sa pag-ibig e.”

“Tss. Oo na, titigil na. Na miss ko lang naman kayo e.”

I sigh ng marinig ang malungkot niyang boses. “Don’t worry, Ma uuwi rin kami d’yan. Hindi lang talaga pwede sa ngayon at si bunso naman busy rin. Uuwi rin kami d’yan ,’Ma.”

Saglit pa kaming nag usap bago ko ibinaba ang tawag dahil baka iiyak naman ang artistahin naming ina at mapauwi kami ng wala sa oras. Isang oras lang naman ang biyahe pauwi ng New Baveda wala lang talaga ako balak na umuwi doon dahil ang ending ayaw na ako pabalikin dito ni papa. Ang gusto kasi nila doon lang kami sa poder nila but I and J. A mas gusto namin na maging independent ang mamuhay sa sariling sikap na walang tulong galing sa aming mga magulang.

_____________

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ng kapatid at dito na naman siya nakitulog sa apartment ko. Dalawang linggo na siya rito natutulog at dalawang linggo narin na gabi-gabi kong nakikita si Kenzo. Noong una, masaya ako kasi makita ko siya, makasama kahit saglit lang pero lumipas ang mga araw naiinis na ako.

Sino ba ang hindi ma inis kung sa tuwing narito siya sa bahay ko lagi niya akong inaasar, kinukulit at ginagalit lalo na kapag naririnig niya akong kumakanta lagi niya akong pinupuna na hindi maganda ang boses ko, tulad ngayon.

“Woah! Nakakabingi,” wika niya sa aking likuran matapos akong kumanta.

Na hurt ako, slight lang pero mas lamang ang inis na gusto ko siyang kalbohin.

“Edi,’wag kang makinig,” inis na wika ko at umalis sa aking kinaupuan.

“Pwede naman kitang turuan kung gusto mo," pahabol niyang sambit nang magmartsa ako pabalik sa loob ng bahay.

Nilingon ko siya at nginisihan.”No need. Good day Mr. Marasigan and thanks dahil nasira mo ang araw ko,” saka padabog na naglakad ulit papuntang kwarto.

Ahh!!! Kainis siya. Shit, siya. Pero tangina bakit masaya ang puso ko?