Chapter 40 - Special Chapter

"Kuya! Mama is waiting na outside," sigaw ni Milan sa labas ng kwarto ko.

"Palabas na! Call your Kuya Lev na," sigaw ko din dahil magsususot pa ko ng t-shirt ko pero nagmamadali s'ya masyado.

"Actually, Kuya Lev is already there na kanina pa. So be fast na Kuya Jash," saad n'ya at narinig ko ung yabag n'ya palayo.

Hays! Ano pa bang aasahan ko kay Lev, eh lagi naman nauuna. Kinuha ko na lang ung bag ko kung saan, nando'n ung mga essential at iba pang gamit ko. Tapos lumabas na at bumaba para makapunta ng parking kung saan nag iintay sila Mama.

Pagpasok ko ng kotse. Agad kong nakita ung nakabusangot na mukha ng kapatid kong pinaglihi ata ni Mama sa sama ng loob. He's just 13 years old pero akala mo matanda dahil sa pagiging masungit n'ya. Si Milan naman 11 years old, medyo maarte 'to dahil spoiled kay Papa pero hindi naman talaga.

"Ang bagal ni Kuya," saad n'ya pero di ko pinansin yun dahil sa tawa ni Mama.

"Lev, hindi naman mabagal ang Kuya Jash mo. Mabilis ka lang kaya mukhang mabagal si Kuya," saad ni Mama at ngumiti sa akin tapos nagdrive na.

Papunta kami ngayon sa medical mission nila Mama. Kung saan din kami natulong nila Lev lalo na pag walang pasok sa school. I'm now 19 years old, 3rd year college. Med Tech ang course ko kaya din ung mga napag aaralan ko sa school ay nagagawa ko sa medical mission nila Mama.

"Jash, tawagan mo nga si Papa mo, tell him na papunta tayo ng medical mission," saad ni Mama while driving.

"Yeah! I will call him at baka kung saan na naman po tayo hanapin nun," natatawang sabi ko na tinawanan lang ni Milan at Lev.

Last time we go to Medical Mission. Mama forgot to tell Papa that we are going there, so ang aming Papa na head over heels aming Mama, tinadtad ng tawag ung mga phone namin, pero dahil busy kami, hindi namin na pansin, napansin na lang namin yun ng pauwi na kami. Kahit si Mama, hindi n'ya din naalala. Kaya naman pag uwi namin, sobrang gulo ng bahay. Hindi naman nagwala si Papa pero magulo at nando'n din sila Tito Gelo.

Pinapunta daw sila ni Papa do'n dahil hindi kami sumasagot sa phone at gusto nang mag report sa police. Grabe talaga yun. Di namin alam kung matatawa kami nila Lev nun pero nakita namin ung mukha ni Papa na sobrang nag alala at yung yakap n'ya kay Mama. Ngumiti na lang kami. Ayaw na talaga ni Papa na mahiwalay si Mama sa kan'ya lalo na 5 years kaming nawala ni Mama sa kan'ya.

Kinuha ko na lang ung phone ko at dinial ung number ni Papa.

[Jash] bungad n'ya sa akin.

"Pa, on the way kami papuntang Medical Mission. Kasama ko po sila Mama, Lev at Milan," saad ko.

[Okay! Maybe I'll go there after my lunch meeting. Ingat kayo. Pakisabi sa Mama mo na wag mabilis magdrive] saad n'ya kaya natawa ako. Hindi naman mabilis si Mama magdrive.

"Yes Pa. I'll tell her. Bye po. Ingat ka din. Love you," paalam ko sa kan'ya.

[Thank you, Anak. Bye! Love you too] paalamaalam n'ya din at binaba na nga ung tawag.

"Okay na, Ma. Wag daw po mabilis mag drive sabi ni Papa. At I love you daw," saad ko. Naikinangiti ni Mama.

"Okay," saad n'ya pero nakangiti. Sabay kaming napatawa tatlo dahil alam naming kinikilig si Mama.

Isa pa to sa nakakatuwa kila Mama at Papa. They alway shows us how they love each other. Kaya hanggang ngayon. Naniniwala pa ako sa forever dahil sa parents ko. Bakla man pakinggan pero totoo ung sinasabi ko. They are my inspiration when it comes to love. A love that last! Kaya hanggang ngayon din naniniwala pa ko sa pag asa na gagaling din ang babaeng matagal ko ng mahal. Kahibangan man pero umaasa ako.

Nakarating kami sa venue ng Medical Mission. Kung saan ang mga nandito ay mga cancer patients. May mga bata at mga dalaga, may mga matatanda din. We do our routine bago lapitan ung mga may sakit. Sanitize our hands, wear our facemask.

"Ow! Eto na pala si Dra. Javi ih. Ay kasama mo na naman etong tatlong anak mo na maganda ang lahi," saad ni Dra. Perez. Natawa lang si Mama tapos tumingin samin. Inilagay ung mga dala naming food at goods para dito.

"Ma, can we go now to them?" tanong ni Milan na mukhang may bibigyan na naman ng laruan.

"Go, Anak," saad lang ni Mama habang nag susuot ng doctor's gown n'ya at nag lalagay ng stethoscope sa leeg. Mag uumpisa na si Mama sa pag checheck ng mga patient n'ya.

"Hi Kuya Jash. Si Lev po?" tanong ni Aika. Anak ng doctor na kasama ni Mama. Kasing edad lang 'to ni Lev.

"Ayun oh! May inaayos ata," turo ko kay Lev na nasa likod ng kotse. Tumango naman s'ya at ngapasalamat bago tinakbo si Lev.

Nakita ko pang magliwanag ung mukha ni Lev nang makita n'ya si Aika. Patay tayo dyan!

"Hoy! Sino ang tinitignan mo?" tanong ng nasa likod ko kaya tinignan ko yun. Paglingon ko si Mama.

"Si Lev, Ma. May crush na. Dito na ko, Ma. Puntahan ko lang po si Sha," saad ko, 'di naman nakaligtas sa akin ung ngiti ni Mama ng nakakaloko. Tss! Pareho sila ni Papa.

"Sige na! Mamaya balik ka. At tulungan mo ko do'n sa mga magdodonate ng dugo. Okay?" tanong n'ya kaya tumango na lang ako at ngumiti.

Pumunta ako sa loob at umakyat sa kwarto ni Sha. Ang babaeng mahal ko, matagal ko na siyang mahal.

Pagpasok ko, nakita ko ang babaeng maganda sa akin paningin, kahit nakabonet na s'ya at makamalaki ang itim sa ibaba ng mata, maganda pa din talaga s'ya. Kahit pumayat na s'ya at mapapansin mo na ung mga buto n'ya. s'ya pa din ung Shalyn na kilala at minahal ko nung una kaming magkita. Ung mga mata n'ya na puno ng pag asa.

"Lawrence," tawag n'ya nang makita n'ya ko. Ngumiti ako. s'ya lang ang natawag sa akin ng Lawrence.

"Sha, kumusta? May dala akong books para sayo," saad ko habang nalapit kay Sha at ibinaba ung bag ko.

"Salamat pero baka 'di ko na yan mabasa," mahinang sabi n'ya kaya napahinto naman ako. Alam ko naman yun. Ramdam ko na yun. Narinig ko na din na pinag uusapan yun nila Mama at nung kasama n'yang doctor dito.

Mahina na si Sha at any minute, iiwan na n'ya ko, kami. Pero ayokong pang hinaan ng loob. Ayokong umiyak sa harap n'ya. Dahil ginawa ko na yun gabi gabi. Simula nung nalaman ko na unting panahon na lang.

"Mababasa mo pa to, Sha. Promise," saad ko at pilit pinapasigla ung boses ko. Ngumiti lang s'ya sa akin.

"Sige na nga. Lagay mo na lang dito," saad n'ya. Kaya naman nilagay ko ung mga books na dala ko. "Kumusta ang school mo, Law?" tanong n'ya.

"Okay naman. May exam ako next next week. Midterm na. Pero don't worry nakapagreview na ko kahapon. Kaya wag mo kong papaalisin," biro ko sa kan'ya. Pero totoo yun na nakapagreview na ko. Dahil hindi papayag si Mama at Papa na sumama kaming magkakapatid kung hindi pa kami nakapag review.

"Oo na. Hindi ka naman isasama ni Dra. Javi kung hindi ka pa nakakapag review. Even Tito Louie," natatawang sabi n'ya kaya natawa din ako.

"Ikaw, Chingu? Kumusta ka?" tanong ko sa kan'ya.

"Pagod pero lumalaban pa. Pero baka 'di ko na matagalan," saad n'ya at ngumiti. I just hold her hands.

"Kaya mo pa. Kayanin mo pa please... Hindi ako makakapunta dito next week dahil sa mga school works pero after ng exam ko. Dadalawin kita. Please..," paki usap ko sa kan'ya at hindi ko na namalayan na tumutulo na ung luha ko. Namalayan ko na lang yun dahil pinupunasan n'ya ung pisngi ko.

"Susubukan ko, Lawrence. Wag ka na umiyak. Please... Ayokong nakikitang umiiyak ka eh," saad n'ya kaya huminga ako nang malalim. "Baba tayo," yaya n'ya sa akin kaya naman pinunasan ko ung mukha ko at kinuha ung wheelchair n'ya at dahan dahan s'yang binuhat. Inayos ung dextrose n'ya at tinulak s'ya para makapunta sa baba.

Pagdating namin do'n madaming tao, buti na lang sinuotan ko s'ya ng mask n'ya. Nakita ko na din sila Lev at Milan na natulong do'n sa pila at registration. Tinuruan din kasi sila ni Mama kumuha ng BP para daw pag may nakita silang kailangan ng tulong. Makakatulong kami. Kahit yun lang daw. Pati mga first aid tinuro ni Mama.

"Jash," tawag nang pamilyar na boses. Paglingon ko si Papa.

"Pa, kakadating nyo lang po? Akala ko po after ng lunch meeting," tanong ko sa kan'ya nang makalapit s'ya.

"Medyo, naglambing ang Mama mo na sabay tayo maglunch kaya pumunta na ako. Alam mo namang hindi ko mahindian yan," sagot n'ya at tumingin kay Sha. "Hi Sha. Kumusta ka?" bati ni Papa kay Sha.

"Hi Tito. Lumalaban pa po," saad n'ya. Ngumiti naman si Papa. Mapalad ka na pag nakita mo ang ngiti ni Papa. Dahil samin lang yan nangiti.

"Laban lang tayo, Sha ha," saad ni Papa at tinapik ung balikat namin pareho. "Puntahan ko lang Mama mo. Hindi pa ko nakikita nun," saad n'ya, tumango na lang ako. Naglakad na nga si Papa papunta kay Mama at nakita ko naman ung liwanag sa mata ni Mama ng makita si Papa.

"Ang sweet talaga ng parents mo, Batas," rinig kong sabi ni Sha. Natawa ako nang unti dahil sa tinawag n'ya sa akin. Batas tagalog ng Law.

"Oo nga eh. Kainggit," saad ko kaya tinignan n'ya ko.

"Mag jowa ka na kasi," saad n'ya kaya tumingin ako sa kan'ya. "Nauubos na ang oras mo sa akin, Batas. May babaeng para sayo at hindi ako yun. Unti na lang ung panahon ko. Nararamdaman ko yun. Please be ha-" pinutol ko na ung sasabihin n'ya.

"Masaya ako sayo, Sha. Wala akong paki kung maubos ang oras ko sayo. Mahal kita, alam mo yan. Please... Let's not talk about this now," saad ko at tumayo para ihatid s'ya sa kwarto n'ya dahil mag lalunch na din pero bago pa kami makapasok. Tinawag kami ni Milan.

"Kuya, Ate!" tawag n'ya samin. Kaya nilingon ko s'ya. Nakita ko naman sila Papa. May dalang take out food.

"Akyat na kayo? do'n na tayo kain sa room ni Sha," saad ni Mama na akbay ni Papa.

"Okay lang sayo?" tanong ko kay Sha. Minsan kasi nahihiya pa s'ya eh. Tumango naman s'ya kaya naglakad na kami papunta ng room n'ya. Sha is an orphan. Mga nurse na lang at ung mga volunteer dito ang nag aalaga sa kanya.

Pumunta kami sa room n'ya at kumain. May sarili s'yang food na ibinibigay ng hospital. While eating nagkakatuwaan lang kami dahil inaasar namin si Lev about kay Aika. Sobrang busangot naman si Lev dahil do'n.

Natapos kaming mag lunch at nagpahinga na si Sha. Sabi ko na lang sa kan'ya, babalikan ko s'ya after ko sa task ko.

Kaya naman bumaba na ko at tumulong kila Mama. Habang busy kami sa mga volunteers biglang may lumapit kay Mama at natataranta.

"Dr. Fernandez, si Shalyn po. Nasseizure..," saad nun kaya naman dali daling tumayo si Mama. Natigil naman ako sa ginagawa ko pero nabalik din ng tapikin ni Papa ung balikat ko.

"Finish that then go after your Mom," saad n'ya kaya ginawa ko yun at patakbong sumunod kay Mama.

No... Sha... Sabi mo lalaban ka pa... Wag naman ngayon... 'Di pa ko handa...

"Check her vitals and her bp always," bilin ni Mama do'n sa nurse na kasama n'ya. Nakita ko naman si Sha na may mga tubo na naman sa bibig at ang daming tissue na may dugo sa stainless tray na hawak nung nurse.

"Ma, what happened?" tanong ko sa kan'ya pag alis nung nurse.

"Umaakyat na ung dugo sa brain n'ya, Anak. Baka hindi na n'ya kayanin," saad ni Mama at bakas ko ung lungkot sa bawat salitang lumalabas sa kan'ya.

'Di ko naman napigilang hindi umiyak dahil do'n. Ang sakit talaga! Akala ko ung nangyari sa akin nung bata ako na lagi kong hinahanap si Papa at the middle of the night, masakit na. Akala ko hanggang do'n na lang ang sakit pero ang makitang nahihirapan ang taong mahal mo. Mas masakit pala!

Nagstay lang ako sa kwarto ni Sha, hindi na s'ya gumising. Hanggang aalis kami, hindi na dumilat ung mata n'ya. Nagpaalam na lang ako sa kan'ya at hinalikan ung kamay n'ya.

"Antayin mo ko ah. I'll visit you again. Promise..," saad ko at lumabas na ng hospital. Ako na ang nagdrive ng kotse ni Mama dahil nando'n na sila sumakay ni Milan kay Papa. Kami ni Lev ngayon ang magkasama.

"Kuya, Ate Sha will be fine. Aantayin ka nun. Cheer up," saad n'ya sa akin. Ngumiti lang naman ako sa kan'ya. Katulad talaga to ni Papa ng ugali. He's sweet sa mga taong importante sa kan'ya.

"Yeah! She will be fine," saad ko.

Lumipas ang araw at busy talaga ako sa school. Walang araw na wala akong ginagawa. Pati review, kaya hindi ako nakakadalaw sa ospital. Iniisip ko pa din si Sha. Sabi naman ni Mama. Tinanggal na ang mga tubo na nakakabit sa kan'ya.

Last day of my exam in my major subjects. Narinig ko si Mama na nagmamadali at parang may hinahabol na oras.

"Lou, Alis na ko" she's just wearing pants and a polo shirt and slippers?

"Ingat ka, love. Careful sa pagdadrive. Use your emergency siren," saad ni Papa.

Emergency siren? Bakit gagamit nun si Mama?

"Pa! Anong meron bat gagamit si Mama ng emergency siren?" tanong ko nang makalapit ako kay Papa dahil aalis na din ako at papasok.

Bakas naman ang gulat kay Papa.

"May emergency sa hospital. Aalis ka na?" tanong n'ya bigla.

"Opo, last day po ng exam ko," saad ko. "Ahm. Pa, punta po pala ako ng hospital after po ng exam ko. Puntahan ko po si Sha," paalam ko sa kan'ya. Tumingin naman sakin si Papa nang deretso.

"Sige, ingat ka," saad n'ya lang at ngumiti ng tipid.

"Alis na po ako," paalam ko at bumaba na. Sakto naman pag baba ko. Dumating sila Kuya Lance at Nalia.

Sumakay na ko sa kotse ni Kuya at pumunta ng school. Nasa iisang school lang kami pero iba iba ang course namin. Accounting si Nalia, si Kuya Lance naman IT, ako nga ay Med Tech.

Pumasok na ako ng room ko at nagexam pero 12nn. Pinatawag ako sa Dean's Office. Emergency daw. Kaya naman pumunta ako at nakita ko do'n si Papa. Malungkot ung mga mata n'yang nakatingin sa akin.

"You are excuse to your exam today. Kunin mo na lang sa monday. Pakita mo lang 'to," saad ni Dean at inabot sa akin ang papel na nagpapatunay na excuse nga ako. Tumango na lang ako at inaya na ko ni Papa umalis. Nagpasalamat lang din s'ya.

Sumakay na ko sa kotse ni Papa at bumiyahe kami. Alam kong tahimik si Papa pero hindi ko ata gusto ang pagiging tahimik n'ya ngayon. Kasi kinakabahan ako! Ano bang meron at bigla akong pinull out sa exam ko. Naguguluhan ako pero nawala yun nang makita ko kung saan kami pupunta.

"Pa," naiiyak na tawag ko.

"Jash. Ikaw na lang ata inaatay ni Sha. Kaya kita pinull out sa exam mo. Sorry.. Tumawag kasi ang mama mo," saad n'ya. 'Di na ko umimik pero naluluha ako. Pinunasan ko ung mukha ko nang makarating kami sa hospital.

Pumasok kami pero ang bigat ng pakiramdam ko. Parang kada hakbang ko may sumasaksak na sa akin na sa puso ang deretso. Ang hirap huminga.

Pero kahit ganun nagawa ko pa ding makapunta sa room n'ya at pumasok. At do'n ko nakita ung babaeng mahal ko na sobrang pumayat, malumalim ung dark circles sa ilalim ng mata n'ya. May oxygen na din na nakalagay sa ilong n'ya. Ung tunog ng machine alam mong bibigay na. Nagtama ang mata naming dalawa. Pilit akong ngumiti kahit nag iinit na ang sulok ng mata ko.

"Ba-tas.," mahinang tawag n'ya. Dahil din do'n napalingon si Mama sa akin at hindi ko man s'ya tignan alam kong malungkot s'ya.

"Anak, usap muna tayo sa labas," saad n'ya sa akin kaya tumango lang ako tapos humarap kay Sha.

"Babalik ako ah. Intayin mo ko," saad ko at ngumiti. Tapos sumunod kay Mama. "Ma, magpapahinga na ba s'ya?" tanong ko nang makalabas kami. Nakatingin lang si Papa samin.

"Anak, nakalimang seizures na s'ya sa loob ng ilang oras. Her heart stop earlier, pero bigpang bumalik. Ikaw ata ang inaantay n'ya, Jash. She needs to rest now. Mahihirapan lang s'ya kung hindi pa natin s'ya pagpapahingahin," saad ni Mama kaya tuluyan na kong umiyak. Niyakap lang ako ni Mama na umiiyak din. Hinahagod n'ya ung likod ko at pilit akong pinapakalma.

"Ma.. Ang sakit..," ayun lang ung nasabi ko kay Mama habang yakap n'ya ko. Hindi ko mapaliwanag ung nararadaman ko at gusto ko lang umiyak nang umiyak.

Naramdaman ko din ung kamay ni Papa na tinatapik ako.

"It's okay to cry, anak. Alam naming masakit but we need to do this. Shalyn, need to rest," saad n'ya. Magsasalita pa sana ako nang biglang makarinig kami ng ingay galing sa kwarto ni Sha.

"Dr. Fernandez, seizure!" Sigaw ng nurse kaya agad na tumakbo si Mama. Nakitakbo na din ako at nakita ko si Sha na dumudugo ang ilong at may dugo na din na lumalabas sa tenga n'ya. Kaya kahit alam kong hindi pwede pumunta ako sa gilid n'ya.

"Sha... Please... Calm down..," iyak na kausap ko sa kan'ya. "I'm here na. Sabi ko intayin mo ko eh... Calm down na please..," pilit kong sabi

Medyo kumalma s'ya kaya dahan dahang tinurukan s'ya ng kung ano ni Mama. Pinunasan ung mga dugo na lumabas sa kan'ya. Kumuha na din ako ng tissue at dahan dahan pinunasan ung tenga n'ya habang umiiyak.

"Sha.. I love you.. mahal na mahal kita. I know I will find a woman like you or different from you but you always have a special space in my heart. Kahit anong mangyari. The moment I saw you kahit bata pa ko nun, crush na crush kita. I will miss you... Don't fight na… You can now rest... Wag mo na pahirapan ang sarili mo. I know I always say na lumaban ka at kayanin mo pa pero this time, stop na na please... I will miss you Jagiya chingu. Saranghae, Shalyn unnie," naiiyak kong kausap sa kan'ya habang hinahaplos ung pisngi n'ya na may dugo pa galing sa ilong n'ya.

Nakadilat lang s'ya pero hindi s'ya nagsasalita. Pero nakita kong may tumulong luha sa mata n'ya.

"Mag iingat at mag aaral nang mabuti si Batas. Pangako! Hm... Pahinga ka na," saad ko at ngumiti habang natulo pa din ung luha ko. Kinuha ko ung kamay n'ya at dinala sa pisngi ko. "Mahal kita," ayun lang at dahan dahan din pumikit ang mga mata n'ya.

And the next thing I knew. Tumutunog na ung machine na nagsasabing wala na s'yang heart beat. Inilayo ako ni Papa sa kama habang umiiyak. Binibigkas ni Mama ang time of death ni Sha. Nakayakap lang ako kay Papa at patuloy na naiyak.

Amg charity nila Mama ang nag asikaso ng lahat ng kailangan sa burol at libing ni Sha. Buong lamay nando'n ako at hindi umalis, natutulog na lang din ako do'n kasama si Mama at Tita Jands. Kung ano ung iyak ko nung araw na nawala si Sha, ganun din ung iyak ko sa libing n'ya. Ang sakit talaga sobra. Pero kailangan kong umusad dahil nangako ako kay Sha. Kaya naman after 1 month ng pagkulong ko sa kadiliman. Lumabas ako ng kwarto.

Hindi din ako ginugulo nila Mama at ng mga kapatid ko dahil alam nila ung nararamdaman ko pero nung lumabas na ako ng kwarto. Nakita ko agad si Mama.

"Hi Ma," bati ko sa kan'ya. Bahagya pa s'yang nagulat nung makita ako.

"Jash," naluluhang tawag n'ya sa akin pero ngumiti lang ako at nilapitan s'ya sabay yakap. "Anak..," iiyak na tawag n'ya.

"Ma, I'm okay. Magiging okay din. Thank you for letting me know Sha. She's now in good hands," saad ko.

Tama.. magiging okay din ako! Mana ako kay Mama eh at para sa alaala ni Sha.

"I know you will. Salamat sa pagpaparamdam sa kan'ya ng pagmamahal," saad naman ni Mama. Iyakin talaga to si Mama.

"KUYA!" Napabitaw kami ni Mama sa yakap nang sumigaw ung dalawa kong kapatid. At agad na tumakbo sa akin. Si Lev kahit masungit to, wweet naman to. Lalo na si Milan!

"It's okay, Kuya. Ate Sha is now in a happy place," saad ni Milan.

"I know," saad ko at ginulo ung buhok n'ya.

"Yeah! Ate Sha is here pa naman. Dyan oh," saad naman ni Levin sabay turo sa dibdib ko kung nasaan ang puso ko.

"Ang korny mo, Kuya Lev but I agree to him," saad ni Milan.

"Edi korny ka na din. Because you agree to him," biro ko sa kan'ya.

"Ahm! Okay! Magandang korny," saad n'ya kaya hindi namin napigilang hindi tumawa.

"Sarap naman marinig ng tawa nyo," saad ni Papa kaya tinignan namin s'ya. At nakatingin s'ya sa akin.

"Si Milan kasi, Pa. Magandang korny daw s'ya. Dapat korny lang yun," asar naman ni Lev kaya hinampas s'ya ni Milan.

"Lev! Wag mong asarin si Milan. Kahit korny yan, baby ko yan," saad naman ni Mama sabay yakap kay Milan na yumakap din kay Mama tapos dinilaan si Lev.

"You okay?" tanong ni Papa nang makalapit na s'ya samin. Tumango lang ako.

"Magiging okay po," saad ko kaya naman niyakap ako ni Papa.

"I know you will. Welcome back, Jash. Masakit man pero may matutunan ka. Mana ka sa mama mo eh," saad n'ya tapos humiwalay.

"Salamat pa," saad ko lang after that welcoming sa akin ulit.

Bumalik ako ng kwarto hindi para magkulong kun'di para maligo. Pupuntahan ko si Sha.

Nagsabi lang ako kila Mama at umokay naman sila. At sinabing mag ingat ako, I use my dad's car. Since mukha naman hindi s'ya aalis dahil nakayakap s'ya kay Mama nung magpaalam ako. Sila talaga ang dahilan kaya naniniwala akong makakakita din ako ng babaeng para sa akin.

"Jagiya Chingu. I miss you but I know you're happy now. No more pain and tusok na ng karayom. Isang bwan after kong magluksa sayo, nakalabas na ko. bumungad agad sila Mama sa akin at masaya ako dahil nandyan sila para pagaanin ang loob ko. I will be okay, Batas kaya to! Don't worry too much about me. Mahal kita at kahit makakita ako ng babaeng bagong mamahalin, nandito ka pa din sa puso ko. because you are my first love," nakangiting sabi ko sa puntod n'ya nang makarating ako. Nagstay lang ako saglit do'n bago nagpaalam. "Paano? una na ko, ay! pwede favor? kung nakikita mo naman ung babaeng pwede kong mahalin ulit. bigyan mo naman kami ng way para magkakilala. Bye Sha," paalam ko at umalis na.

Dumaan muna ako sa mall bago umuwi. bibili lang ako ng pwedeng kainin. Pumunta ako sa isang ice cream parlor at habang nakapila. may babaeng humawak ng kamay ko.

"Please... Kunwari jowa kita. kailangan ko lang. please..," saad n'ya kaya tumango ako.

Bigla naman may tatlong babaeng lumapit samin at tinignan ung babaeng nakahawak sa kamay ko. Tapos tumingin sa akin pero nanlalaki ung mata nung tatlo nang makita ako.

"OMG? Si Fernandez yan 'di ba? ung nakatop sa quizbee?!" rinig kong bulong nung isang babae. Tumingin naman sa akin ung babaeng nakahawak ng kamay ko at malaki din ang mata. Lalayo sana s'ya pero hinigpitan ko ung hawak ng kamay n'ya.

"Where are you going, baby? bibili pa tayo ng ice cream," nakangising sabi ko.

I know I'm still sad because of Shalyn pero hindi naman masamang magbiro. s'ya naman nauna e.

'Hay! Sha! Kung eto man ung favor na hinihiling ko sayo. Thank you. May pag titripan ako. Batukan mo na lang ako sa panaginip ko pag dumalaw ka.'

---------------