Chapter 39
4 years later
Louie's POV
"Louie! Bilisan mo. Baka malate tayo. Ay naku!" inis na sigaw ni Loe dahil nasa loob pa ako ng bahay at sila naman nila Jash ay naglalakad na papuntang kotse.
"Yeah! Coming," sigaw ko pabalik. May hinanap lang naman ako. Nung nakita ko na agad din naman akong lumabas at sumakay sa kotse.
Tinignan ko isa isa ung mga anak ko pati ung asawa kong nakatingin din sa akin. Ang ganda talaga! Sarap ikiss!
"Let's go na, Pa. The kids are waiting for sure," saad ni Jash
Si Jash na halos binata na din talaga. He's now 13 years old.
Si Lev naman ay 6 years old, going 7. At ang Milan namin ay kaka4 years old lang.
"Sus! May gusto ka lang makita do'n eh," biro ng Mama n'ya sa kan'ya. Ngumuso lang naman si Jash tapos tumutok sa pinapanuod ng mga kapatid n'ya.
We're going to the orphanage where the kids have cancer because our Mom is one of the doctors sa charity na kasama s'ya. Kaya we also volunteer na sumama para makatulong.
Nagdrive na ko papunta do'n sa medical mission namin, eto na din ung bonding namin minsan. Bumalik na din kasi si Lorraine sa pagiging doctor n'ya but this time less work na s'ya. Dahil nasa emergency na lang s'ya nakafocus.
Nang makarating kami sa lugar ng pagdadausan. Jash, Lev and I are carrying the food na pinahanda namin. Si Loe at Milan naman ay nagpunta na sa mga kasama namin.
Binaba lang namin ung mga dala namin kung saan nakalagay ung iba pang pagkain tapos hinayaan ko na silang pumunta do'n sa mga bata. Katulad ng rules bago sila makipaglaro they need to sanitize their self hindi lang para sa kanila para na din do'n sa mga bata na kakalaruin nila, nakafacemask din. Rules yun ng mga doctors na kasama ni Loe.
Nilapitan ko lang si Loe at tinanong kung may kailangan s'ya. Wala naman daw kaya naman, tumulong nalang ako sa iba at tinitignan ung mga anak ko.
Nakakalungkot ung mga batang may sakit. Hindi lang bata may teenager din. Mga kaage ni Jash. Kaya nakita ko may kasama si Jash na dalawang babae at isang lalaki na pareho n'ya ay nakamask.
Ung isang babae at lalaki mga nakabonet kaya alam kong mga pasyente din sila, ung isang babae sigurado akong katulad ni Jash, sinama lang din s'ya.
Nagtuloy lang ung medical mission hanggang sa hapon na natapos. Umuwi lang kami saglit para magpahinga at para na din kuhain ung mga gamit namin tapos bumyahe na kami pabatangas.
Hinayaan ko lang matulog ung tatlong bata sa likod. Si Loe naman tinignan ko at nakatingin s'ya sa labas.
"Okay ka lang, love?" tanong ko sa kan'ya habang nakatingin sa daan
"Yeah, just tired. Ikaw okay ka lang? Baka inaantok ka, pwedeng ako naman magdrive," saad n'ya
"Okay lang ako. Sabi mo pagod ka, kaya take some rest," saad ko na lang bago s'ya sinulyapan.
"Okay! Excited ako," saad n'ya at alam ko na ngayon na nakangiti s'ya.
"Ako din. Pupunta ka?" tanong ko sa kan'ya. "Pwede namang iwan ung tatlo kila Dad," dagdag ko pa.
"Oo! Baka hanapin ako, nakakahiya naman. About naman do'n sa huli mong sinabi. Nakausap ko na sila Dad about dyan and they agreed. Si Jash kay Louis ata matutulog," sagot n'ya naman. Tumango tango na lang ako at napangiti.... Ibig sabihin...
"So... Solo natin mamaya ung suite?" tanong ko at mukha atang nahalata n'ya na nakangisi ako dahil nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin s'ya sa akin kaya biglang natawa.
"Alam ko na yang nasa isip mo, Louie-tots! Pagbibigyan kita basta babalik ka ng suite na hindi lasing," saad n'ya pero mahina lang at sapat para marinig naming dalawa nang hindi nagigising ung tatlo.
"Sure! Basta hindi ka iinom ng beer at wine lang ang iinumin mo. Deal?" tanong ko.
"Deal!" masigla niyang sabi kaya nagtawanan na lang kaming dalawa tapos nagkwentuhan.
Nakarating kami sa pupuntahan namin ng matiwasay at nakapagcheck in na din. Pero dinala muna namin ung tatlo sa grandparents nila.
"Bukas na po namin sila babalikan," nakangiting sabi ko. Natawa lang si Louis dahil naiintindihan n'ya ata ung ibig kong sabihin. G*go din to eh! Tumikim ng estudyante n'ya. Pero he confessed to his Ate Javi na isang beses lang at hindi na naulit.
"Okay! Sige, enjoy kayong dalawa," saad ni Mommy.
"Opo," saad ko at tumingin kay Louis. "Hindi ka sasama?" tanong ko dahil alam ko dapat kasama s'ya.
"Makakakita ba ko ng chiks do'n, Kuya?" tanong n'ya. "Hindi 'di ba? Kaya dito na lang ako. Tabihan ko na lang si Jash," saad n'ya at nakipag apir kay Jash nung nakalapit na ung mag iina. Nagbilin pa yan si Loe kaya natagalan eh.
"Ikaw! Wag mong tuturuan ng kung ano ano si Jashua, Louis ah! Lagot ka sa akin," saad naman ni Loe kaya humalakhak si Louis.
"I won't do anything, Ate. Promise!" nakangiting sabi n'ya at kumindat pa. Tinuro lang s'ya ni Loe.
Nagpaalam na kami kila Mommy tapos naglakad na papunta sa suite namin at nag ayos. Dahil pareho kaming may pupuntahan pero magkahiwalay ng hotel room.
Natapos kaming mag ayos at nakita ko ung ayos ng asawa ko parang ayoko na lang pumunta, parang gusto ko na lang s'yang papakin nang papakin. Maiintindihan naman siguro ng mga kasama ko yun.
She's so f*cking hot and sexy in her dress! It's a silver silk spaghetti strap, mid thigh length dress! Kitang kita ung hubog ng katawan n'ya at hindi mo aakalain na tatlo ang anak nito, apat kung isasama ko pa ung angel namin. Mula sa dibdib n'ya hanggang bewang! Ay talaga namang walang lalaking hindi mapapalingon dito o mapapastay ng tingin. Mapalad ako na asawa ko to at natitikman ko ung nasa loob ng damit na yan.
"Louie! Para mo akong kakainin sa tingin mo," saad n'ya na nagpabalik sa ulirat ko. Pero napangisi ako. Gusto ko talaga s'yang kainin.
"Gusto naman talaga kitang kainin. Ang sexy mo!" gigil na sabi ko sa kan'ya. "Kailangan bang gan'yan ang dress mo?" tanong ko pa habang nakayakap na sa likod n'ya at inaamoy na ung leeg n'ya.
"Oom... Sila nagprovide nito kaya wala akong magagawa kung hindi isuot to. Even this heels... And stop licking me, Louie... I'm getting wet..," paungol na sabi n'ya dahil 'di talaga ako nakatiis at dinidilaan ko na ung leeg n'ya.
"Sorry.. I can't help it. Pwedeng paisa?" tanong ko sa kan'ya. Kahit ayoko ng quick parang gusto ko ngayon.
"No! Dahil inaantay na nila tayo do'n pareho. Kaya..," saad n'ya at bahagyang umalis sa yakap ko. "Pumunta ka na do'n at ako din ay pupunta na samin," saad n'ya at ngumiti. "Bye, love. Kita kits mamaya. Wag kang mambabae do'n. Sinasabi ko sayo!" banta n'ya sa akin. As if naman na mambabae ako.
"Opo! I love you," nakangiti ko na lang na sagot sa sinabi n'ya.
"I love you too," nakangiti din yang sagot at tuluyan na ngang nagpaalam. Ako naman kinalma na lang ang sarili at umalis na. Pareho naman kaming may card key kaya kahit sino samin ang mauna, okay lang.
Naglakad na ko papunta hotel room na pagdadausan ng party na pupuntahan ko at pagpasok ko do'n nakita ko ung ibang mga kaibigan namin.
"nandito na si Louie the lover boy!" sigaw nung classmate namin nung HS. Kaya ung apat kong mga kaibigan ay nagsilapitan na sa akin.
"Late ka!" singhal sa akin ni Liam sabay abot ng beer. Kinuha ko naman yun at iminom.
"Galing pa kaming medical mission nila Loe kaya late na kami nakadating tapos muntikan pang maudlot ung pag punta ko dito. Kasi naman... Nevermind!" singhal ko at uminom ulit ng beer.
"Si Javi panigurado ang magpadelay dito," saad ni Gelo kaya natatawa akong tumango.
"At alam kong naging pasakit din sa puson nyo ung mga asawa nyo," saad ko sa kanila kaya mas natawa sila dahil do'n. Mga nagsipang ayunan sila eh.
Medyo matagal na din ang nalagi namin dito pero walang pormal na program puro lang inuman at kwentuhan. Bukod kila Gelo may nga nakakwentuhan din kami na mga classmate namin.
"So... Kumusta ang pagiging pamilyado?" tanong samin ni Andrew. naging kaibigan namin nung college. Kalaro sa basketball. Ngumiti naman kami sa tanong n'ya.
"Masaya," maikling sabi ni Van habang nakangiti.
"Nakakawala ng pagod," nakangiting sagot naman ni Liam.
'Di naman kami nagsalita ni Gelo. Masaya, Nakakawala ng pagod, masarap kasi may mga nagmamahal sayo na alam mong hindi ka iiwan.
"Hindi ko akalain na ang mga heartthrob noon sa campus, magsesettled sa isa. Nakakagulat na halos lahat kayo pamilyado na," natatawang sabi ni Bleach na katulad ni Andrew kalaro din namin sa school.
"Oo nga eh. Eto nga si Louie, kapatid lang pala ni Angelo ang magpapatunaw ng kasungitan." singit ni Andrew. Natawa lang kami sa sinabi n'ya.
"When you found the right one for you, you will understand why I become like this," natatawang sabi ko at uminom ulit ng beer.
Natawa lang sila Gelo dahil nga alam nila ang pinaghirapan ko para makuha si Lorraine.
Nagkwentuhan lang kami ng mga nangyari samin. May iba din naman na may asawa na, may iba naman na pachill chill lang.
"Louie, inom pa. Nakatatlo ka lang ata, beer in can pa," saad ni Van at inabutan ako ng medyo hard ata.
"Okay na ko do'n. Hindi ako pwedeng malasing. May usapan kami ng asawa ko," saad ko at hindi tinaggap ung binibigay n'ya.
"Under ka 'tol? Naku! Mahirap yan. Nakakawala daw ng pagkalalaki un," saad ni Greg. Nakita ko naman na tumaas ung kilay ni Gelo.
"Hindi ako under at kahit under ako, wala akong paki alam sa sasabihin ng ibang tao. Asawa at mga anak ko lang ang importante sa akin. At mas mawawala ang pagkalalaki ko pag naglasing ako," mahinahong sagot ko kaya tumahimik naman sila.
"Tama na. Wag nyo na pilitin kung ayaw. Mas gusto n'ya ung usapan nila ni Javi," saad ni Liam.
Habang tumatagal ang kwentuhan, ung iba samin may mga tama na ng alak. Kami naman nila Gelo, wala naman. Hindi rin pala uminom 'tong isang to.
"Bakit hindi ka nag lasing?" tanong ko sa kanya. Tumingin naman ang g*go at ngumisi. Mukhang alam ko na kung bakit?!
"Sscore ako. Usapan namin ni Alice yun eh," natatawa n'yang sagot. "Ikaw? Bakit hindi ka nag lasing?" tanong n'ya sa akin. Nginisian ko lang din s'ya kaya tumawa nang malakas.
"Same! Wala ang tatlo e. Nakila Mommy kaya solo namin ung suite," natatawang sagot ko sa kan'ya.
"Ptcha! Aanakan mo na naman ung kapatid ko? Tatlo na yan oh! Maawa ka do'n," saad n'ya pero tinawanan ko lang s'ya
Hindi naman kami magkakaanak pa ulit. Ayaw pa din ni Loe. She's taking pills kaya safe yun.
Natapos ang party at hinatid muna namin ung dalawa sa suite nila, pagkatok namin do'n. nando'n si Leah at Nat kaya nagkan'ya kan'ya na kami ni Gelo.
Pagpasok ko ng suite. Dumeretso ako ng kwarto at nakita ko ung damit na suot ni Lorraine kanina na nasa itaas ng kama so ibig sabihin nasa shower room na s'ya. Kaya naman I remove my clothes at pumasok din ng shower room.
And there I saw my beautiful wife. Nag init ako bigla sa pwesto n'ya. Kitang kita ko ung kaninang natatakpan ng telang nag painit sa akin kanina. Ung kurba! Hayop! nandyan pa din... Hindi ko alam kung lahi lang siguro nila na hindi gaano tumaba atska nagwowork out din to eh. Sabay kami minsan.
Pagkatapos kong paglandasin ung mata ko sa buong katawan n'ya, tumingin ako ulit sa mukha n'ya na sakto naman na lumingon s'ya.
"Lasing ka?" tanong n'ya sa akin. Ngumisi lang ako habang nalapit.
"Uminom ka ng beer?" balik na tanong ko. Umiling naman s'ya at ngumiti.
"Hindi...," sagot n'ya na naging ungol dahil nakalapit na ko sa kan'ya at nakagawa na agad ng hakbang na magpapaungol sa kan'ya.
"Hm.. hindi rin ako lasing... Ang bango mo.." gigil na sabi ko habang pinaglalandas ung labi ko sa leeg n'ya habang ung mga kamay ko naman pinaglalandas ko sa katawan n'ya.
Hindi naman nagtagal at sabay naming pinagsaluhan ang mainit na gabi na kaming dalawa lang ang nakakaramdam.
Kinabukasan, pareho kaming nagising sa katok na malamang mga anak namin ang may gawa.
"Bangon na. nandyan na ung mga binuo mo," biro sa akin ni Loe kaya natatawa akong nagdilat ng mata at nakita ko s'yang nagbibihis ng damit.
Simpleng damit lang pero iba ang epekto. . Tumayo na din ako at nagsuot ng damit pati cotton short. Naghilamos lang ako tapos lumabas na din. Nakita ko na ung mga binuo ko na nakayakap sa Mama nila lalo na si Milan.
"Kumain na kayo ng breakfast?" tanong ko sa kanila at humalik sa pisngi ni Milan. Tapos umupo sa tabi ni Lev.
"Hindi pa, Papa," sagot naman ni Jash sa kaliwa ko.
"Edi breakfast na tayo. Sila Mommy? Nagbreakfast na?" tanong ko kay Louis.
"Panigurado kasi naglibot libot muna kami nitong tatlo bago kami pumunta dito," sagot naman n'ya sa akin.
"Edi tara! Breakfast na tayo. Baka sila Kuya hindi pa din nakakapag breakfast," saad naman ni Loe kaya nga lumabas na kami at nagpunta sa restaurant ng hotel at kumain. Sakto nga nakasabay namin ung mga kaibigan namin nila Gelo at sila Gelo.
Ngayon lang nila makikita si Loe ng personal dahil noon pa man hanggang pictures lang nila nakikita. Kan'ya kan'ya sila ng komento sa mga asawa namin. Maliban lang kay Nat at Alice dahil kilala naman nila ung dalawa.
Natapos ang breakfast at bumalik kami ng kwarto para mag ayos na para sa big event. Ang dahilan kaya kami nandito.
Ngayong araw ang kasal ni Kiefer. 1 year ago nabalitaan namin na nabubusy ung isang yun sa isang babae at hindi namin s'ya gaano nakakasama. Ayun naman pala kasi halos sinusundan ung babae na yun. She is Dana, isang cabin crew sa barko, nakilala s'ya ni Kiefer nung hiniram s'ya para maglayag, nag inuman at may nangyari. s'ya ung nakauna do'n sa babae kaya halos mabaliw s'ya dahil gusto n'yang panagutan, ayaw nung girl dahil wala naman daw mabubuo dahil ewan. Hanggang sa hindi tinigilan ni Kie, sinundan n'ya kahit kakababa n'ya palang ng barko, aakyat ulit s'ya basta makita ung babae. At ayun! Ang pagiging makulit ni Kiefer ay nauwi sa kasalan.
Biruin mo nga naman ang dating hinahabol ng chiks, sa bandang huli s'ya ang naghabol. Kasama kami sa entourage pati ung mga bata.
Anniversary namin ni Lorraine nung ipinakilala n'ya samin si Dana at tumawang tuwa nga ang Lorraine dahil sa wakas ay may love life na si Kiefer, kami din naman. May times pa na nagselos si Dana dahil sobrang close ni Kie at Lorraine pero nung kinausap n'ya ako. I just tell her na magkakasama na kasi kami since college at lagi kaming nakila Gelo at kapatid lang talaga ang turing ni Kie kay Loe.
Natatandaan ko sinabi ko yun sa asawa ko at parang nalungkot s'ya kasi hindi naman n'ya intention. Ang ginawa n'ya imbes na kay Kiefer s'ya lumapit, nakipag close s'ya kay Dana at ngayon para na silang bff. s'ya ang Maid of Honor ni Dana, si Lev naman ang ring bearer, flower girl naman ang prinsesa ko at si Jash kasama sa groom's men, ayoko nga dahil parang tatay n'ya na ung nando'n pero dahil kasama n'ya si Lance, okay na din. Si Nalia ang partner nilang dalawa dahil ayaw nang maghiwalay halos ng tatlo na yun.
Medyo nababahala na nga kami baka mamaya mag away ung magpinsan dahil sa babae pero mukhang hindi naman dahil nung kahapon na nakita ko si Jash kasama ung batang babae na sinama din ata. Mukhang hindi sila mag aaway ni Lance. Atska lagot s'ya sa Mama n'ya.
Hindi ako ang Best Man kun'di ung kapatid ni Dana. Wala s'yang kapatid na babae kaya si Loe ang pinili nila pareho. Wala naman akong nagawa dahil ayokong sirain ang mahalagang araw ng kaibigan namin dahil lang sa simpleng hindi ko makapartner ang asawa ko.
4pm ng hapon ang ceremony, kaya naman inihanda na ni Loe lahat ng isususot namin. The color motif is silver. Kaya ung mga gown ni Loe at Milan ay silver. Samin naman the suit and the touser is silver, necktie is black and white long sleeve on the inside.
After ayusin ni Loe ung mga suot namin, nagstay na lang kami sa living room at do'n nagkatuwaan at magkwentuhan. We just keep on telling to Lev that his part is the one of the important scene because he holds the symbols of Kiefer's wedding.
Dumaan pa ang oras at kumain muna kami ng lunch, after tinawag na si Lorraine for their pictorial katulad ng samin ni Jash.
Hours had passed, nakabihis at nakaayos na kami nila Jash, si Loe na lang ang inaantay namin para sabay sabay na kaming bababa. Nang matapos na si Loe, hindi na ko nagulat na maganda s'ya sa ayos at gown n'ya. Kagabi nga sa dress n'ya.
Sabay sabay na nga kaming bumaba at bago magumpisa lumapit kaming lima kay Kiefer na halatang kinalabahan.
"Hoy! Wag kang kabahan. Hindi ka naman tatakbuhan nun," saad ni Van. "Congrat! Sa wakas! Habulin mo si Louie. Makakaapat na ata to. Ay mali! Makakalima," dagdag n'ya pa pero tinawanan ko lang.
"Hahabulin ko talaga yan. Isang putok, dalawa agad," biro naman nitong walang kwentang groom na to! . Joke lang. Malaki ang utang naloob namin lahat kay Kiefer, ako para do'n sa DNA test na ginawa kay Nalia at ung pag sulsol n'ya sa akin na buntisin si Javi. Isa s'ya sa tumulong sa operation ni Gelo at ni Lance. Madami pang iba. Kaya masaya kami para sa kan'ya.
"Sira ulo to si Kuya Kie! Wag mo namang pahirapan si Ate Dana! Mahahabol mo naman talaga si Louie kasi nandyan lang yan oh," saad ni Lorraine kaya natawa kami. Painosente!
"Mukha mo, Javi! Painosente ka! Pero alam mo! Inis ako sayo ngayon," saad naman ni Kiefer na ipinagtaka namin kasi umirap talaga s'ya.
"At bakit naman?! Arte nito ni Kuya," saad naman ni Loe at tinaasan pa ng kilay si Kiefer.
"Kasi! Ang ganda mo! Baka mas maganda ka pa sa bride ko," bulong n'ya na sapat para kami lang ang makarinig. Nagkan'ya kan'ya naman kami ng mura sa kan'ya. Hayop kasi! Ikumpara daw ung asawa ko sa bride n'ya!
"Ptcha talaga!" bulong ni Van
"Tarantado!" bulong ni Liam.
"Hayop talaga!" bulong ni Gelo.
"G*go!" bulong ko
"Imposible yun. Sinasabi mo lang na maganda ako kasi hindi mo pa nakikita si Ate. Anyway! Thank you! And I'm happy for you Kuya!" sagot lang ni Lorraine. Tapos yumakap kay Kiefer.
After namin s'yang kausapin umayos na kami dahil inannounce na mag uumpisa na.
Nag umpisa ang wedding at gusto naming tumawang apat dahil kitang kita namin na umiiyak si Kiefer. Ang palabirong at malokong Kiefer na kilala namin umiiyak! Well hindi ko s'ya masisisi dahil nung araw din na kasal namin ni Lorraine at nakita ko s'yang lumalakad papunta sa akin, sobrang saya na naiiyak din ako dahil sa wakas kasama ko na s'ya at hindi nawawala sa akin.
Tinignan ko ngayon ung babaeng iniisip ko. How beautiful she is. She's smiling from ear to ear and I know na katulad namin masayang masaya s'ya para kay Kiefer dahil sa wakas lahat ng Kuya n'ya may pamilya na at masaya na. Yun naman ung lagi n'yang hiling ang maging masaya ang pamilya n'ya/namin.
Natapos ang ceremony at nasa reception na. Nagkaroon ng program at mga message sa bride at groom. Saming magkakaibigan ako ang naging representative. Nagkaroon pa ng bato bato pick kuno para lang ako ung maging tagapagsalita namin. Tumayo ako at nagsalita, I congratulate them both and told them that we're always there for them.
After that reception bumalik kami sa hotel room namin at nagpahinga. Pero ako hindi pa nakatulog agad kaya lumabas ako ng kwarto namin at kumuha ng wine sa kitchen.
Ung suite na binigay nung kaibigan ko ay dalawa kama, may living room at kitchen. Uminom lang ako nung wine na kinuha ko habang nainum ako napatingin ako sa biglang tumabi sa akin.
"Nagising ka ba ni Papa?" tanong ko sa anak kong binata. s'ya ung tumabi sa akin.
"Hindi po, Pa. Hindi lang po ako makatulog kanina pa," saad n'ya at ngumiti, nagtango tango lang ako.
"May problema? May bumabagabag sayo? Kung kapatid ang pinoproblema mo. Wala na akong magagawa do'n, anak. Sila na ung nilabas ni Mama eh. Kung hihingi ka naman ng kapatid. Si Mama ang kausapin mo," saad ko kaya natawa s'ya bigla.
"Papa! Hindi yun. Lagot ako kay Mama pag nanghingi ako ng kapatid," natatawang sagot n'ya. Hindi naman ayaw ni Loe, siguro hindi pa sa ngayon ulit. "Pa, may itatanong po ako. Wag nyo po sasabihin kay Mama ah. Baka kasi pagalitan ako nun," saad n'ya kaya napatango ako.
"Sige, ano ba un?" tanong ko sa kanya at humarap ang maayos sa gawi n'ya.
"Ahm.. Ano po... kailan po kayo nagkacrush kay Mama?" nahihiya n'yang tanong. "I mean ilang taon na po kayo nung nagkacrush kayo kay Mama?" paliwanag n'ya nung nakita n'yang napataas ung kilay ko.
"Hmm.. I got crushed on your Mom when I was I guess... 18-19 like that.. wait! 17.. yeah! 17. That's the first time I saw her," saad ko at ngumit nang maalala ko na naman ung unang beses ko s'yang nakita.
"Oww... Will Mom get mad if she finds out that I already crush on a girl?" tanong n'ya kaya bahagya akong matawa.
"Of course not! Hindi naman naiiwasan na magkacrush ka sa isang tao. Because crush define paghanga. Hanga sa kagandahan n'ya, sa katalinuhan n'ya. Why? Tell me, Anak. May crush ka na? Who's the lucky girl?" tanong ko sa kan'ya.
"Meron po," saad n'ya at ngumiti.
"Hindi naman si Nalia to 'di ba?" paninigurado ko dahil baka mamaya mag away talaga sila ni Kuya Lance n'ya. Bahagya s'yang matawa at umiling.
"No, Pa! Actually, yes before Kuya Lance said that he had a crush on Nalia. I let him have Nalia," saad n'ya at ngumiti. May pag let go agad?! 13 lang talaga to!
"Okay! So sino s'ya?" tanong ko ulit.
"Ahm... Pa, What if Mama had the same illness like Lola Aki, and you don't know kung kailan s'ya mawawala. What will you do?" tanong n'ya na nagpakaba sa akin at napaayos ako lalo ng upo. "Pa! What if lang naman po. Hindi ko sinabing meron talaga s'ya.," saad n'ya at yumuko.
"if your Mom had the same illness like Lola Aki. I will give her the attention she deserve, I will love her, I will take care of her, I will spent my days with her, I'll do everything to make her happy," saad ko at hindi ko napigilang hindi magteary eyed do'n... Wala naman daw sakit ung mama nila kaya okay na ko... Baka lang naman daw?! Pero teka nga! Bakit n'ya ba natanong to. "Bakit ba bigla mong natanong yun? Kinabahan naman ako do'n, Jashua!" iritable kong sabi dahil kinabahan talaga ako.
"Sorry, Dad. Ahm... The girl I crushed on, has a cancer..," saad n'ya at malungkot na ngumiti. "but even though she has a cancer, she's still beautiful, her eyes still smiling like she doesn't have a cancer, still have hopes... That someday, everything will be alright," saad n'ya, nagulat naman ako dahil akala ko ung crush na sinasabi n'ya ay ung isang babae na parang kasama din ng kateam ni Loe. Hindi pala yun kun'di ung batang babaeng nakabonet.
"She's right, Jash. Everything will be alright. Be friends with her habang nandyan pa s'ya because that's what she need is afriend who will treats her like a family," paliwanag ko sa kan'ya. "What's her name?" tanong ko.
"Her name is Shalyn. She's the girl I'm with yesterday, Pa," saad n'ya at ngumiti. "Kaya din po lagi akong sumasama kay Mama pag may pagkakataon because I want to spend time with her. Shalyn is smart, Pa. Masarap kakwentuhan at kausap," nangiti n'yang sabi kaya napangiti na din ako.
My First Born. He already had a crush and I'm sad because he experience it to a girl who has limit in her life. But I know in that experience he will learn a lot.
After we talk, sabay na kaming nagpunta ng kwarto para mahiga. Hindi pa din ako agad nakatulog pero alam kong si Jash tulog na.
"Binata na ang panganay mo," saad ng katabi ko kaya halos mahulog ako sa kama! Akala ko kasi tulog pa s'ya!
"Love! Nakakagulat ka!" inis na bulong ko. Natawa lang s'ya pero mahina lang. "Yeah. He is. I'm kinda sad because of that... but he will learn a lot from it," saad ko at niyakap s'ya.
"Yeah, I actually notice how he stares at Shalyn. He looks like you. The way you look at me when you snatched my first kiss. ganern!" singhal n'ya kaya this time ako ang natawa dahil sa pinaalala na naman n'ya yun.
"Pinaalala mo pa! Anyway, wala na bang pag asa si Shalyn. I mean hindi ko s'ya gustong gumaling para kay Jash but for her also," saad ko dahil baka may pag asa pa.
"Gusto ko din siyang tulungan pero wala na talaga, love. She's in her stage 3 brain cancer," saad n'ya kaya mas nalungkot ako, pero alam kong mas nalungkot si Lorraine lalo na at si Shalyn ang nagiging inspirasyon ni Jash ngayon.
Para sa lalaking kasal sa isang babaeng doctor, walang araw na hindi ko nakikitang hindi s'ya nalulungkot sa mga pasyente n'ya. Hindi n'ya pinapahalata pero naapektuhan s'ya sa mga nangyayari sa ospital.
"Jashua, will be very sad if Shalyn will be gone," basag n'ya sa katahimikang meron kami.
"He is but Jash is brave. Masakit nga lang dahil bata pa s'ya," saad ko at tinignan si Loe na nakatingin sa akin.
"Alam mo. Noon pa man ayokong umiiyak si Jash dahil ayokong maranasan n'yang umiyak dahil iniwan s'ya," saad n'ya at parang may hugot yun. "But! Mag kaiba ung amin. Ikaw bumalik ka, si Shalyn, hindi na."
"Ayoko din na umiiyak s'ya kaya nga hangga't maari noon habang hindi pa ko ayos dito, hindi ako nagpakita dahil ayokong umiyak kayo at isiping iiwan ko kayo," saad ko at humigpit ung yakap sa kan'ya. "Kaya! nung nahawakan ko na kayo ulit! hindi na talaga ako nag atubiling, hawakan kayo nang mahigpit. Dahil ayoko nang mawala kayo sa akin." dagdag ko pa. Nakatingin lang naman s'ya at ngumiti.
"I love you. Louie. Hindi ako nagsisisi na hinayaan ulit kita pumasok sa buhay ko," saad n'ya.
"I love you more, Lorraine. I will always be grateful na pinapasok mo ko sa buhay mo. Sa buhay nyo ng mga anak natin," saad ko at hinalikan s'ya.
Wala akong pinagsisisihan sa mga ginawa ko. Kasi lahat worth it! Ang guluhin ang mundo ng isang college student na si Javielle Lorraine, ang kunin ang first kiss, ang sunduin s'ya, ang pagkuha sa kainosentehan n'ya. At ang pasukin ang mundo n'ya ng paulit ulit ay hindi ko pag sisisihan. She will always be the woman I love.
+++END++++
----------