Chapter 31

3 years later

Javi's POV

'Paging Dr. Fernandez and Dr. Valdez, please go to the emergency area.'

Rinig kong usal ng speaker kaya agad akong tumayo at kinuha ang hospital gown ko at nagtungo sa Emergency Room ng hospital.

"Bakit kaya tayo pinatawag?" tanong ni Dr. Valdez sa gilid ko.

"Hindi ko din alam, Ry. Baka may emergency na naman," saad ko kaya naglakad na kami pareho.

Oo. Naging emergency surgeon ako, general surgeon kung baga. I can perform any surgery but my main focus is Neurosurgeon.

"Hi," bati ko du'n sa nurse na nakaduty sa frontdesk ng ER.

"Why did you call us?" tanong ni Ry.

"There's a patient here need to consult you, Dr. Fernandez and Dr. Valdez, si Nurse Kai po need ng tulong sa patient na kakarating lang. Medyo matigas po ang ulo," saad ni Nurse Joy.

"Ow. Kaya mo na yan, Ry." pang aasar ko kay Rylite. Tapos humarap ulit kay Nurse Joy. "Asan yung magkoconsult?" tanong ko sa kan'ya.

"Nasa clinic po ni Dr. Ge, pediatric patient po kasi. Punta na lang daw po kayo," saad n'ya, kaya magpaalam na ko sa kanila at lumakad papuntang clinic ni Gerald.

Nang makarating na ako sa clinic n'ya. Kumatok muna ko bago pumasok.

"Dr. Gerald, need mo daw ako?" bungad ko sa kan'ya.

Agad naman s'yang ngumiti nung nakita n'ya ako.

"Hi Dr. Pretty. Yeah, pasok ka," saad n'ya kaya naman hinakbang ko yung mga paa ko palapit sa table n'ya.

May patient s'ya.

Naupo naman ako sa gilid n'ya bago tinignan ang pasyente n'ya. Pagtingin ko isang magandang babae at parang kasing edad nila Louie tapos yung bata mga parang kasing edad ni Jashua.

"Dr. Fernandez here is a Neurosurgeon, we can consult her about the symptoms you see in your son and I refer her to you because she's one of the best here in our hospital," saad ni Dr. Gerald kaya naman tumingin ako ulit do'n sa bata.

Sa pangalawang tingin ko bahagya akong magulat dahil magkahawig kami lalo na nung ngumiti s'ya sa akin pero parang mas kahawig ni Kuya pero wala namang anak na iba si Papa, sabi n'ya yun samin.

Nabalik ako sa wisyo nang biglang tapikin ako ni Ge.

"You can tell me all the symptoms you see. So we can also have a proper test for him," saad ko do'n sa mother. "What's your name, young man?" tanong ko.

"Angel Lance de Jesus po," saad nung bata. Napangiti naman ako.

"My brother is also lance. Anyway, Lance, Do you feel anything? Pagkautal, lost of balance and pananakit ng ulo?" tanong ko sa kan'ya

"Minsan po. Inaasar po akong lampa dahil po sa lagi akong natutumba," saad n'ya kaya napatango tango ako.

"When was the last time you had a extreme headache?" tanong ko sa kan'ya.

"Kanina Doc. Kaya po kami napasugod dito. He almost fainted dahil sa headache n'ya," saad nung mother n'ya.

"Okay, I advise him to take an MRI and other tests such as a CT scan. But priority ang MRI because of his recent headache. I will note to your endorsement," saad ko at naalala ko. Wala nga pala ako sa clinic ko. "Wait! Wala nga pala ako sa clinic ko. Is it okay with you Ma'am, if we go to my clinic? Nandoon kasi yung recommendation letter ko. Sorry," saad ko pero pumayag din naman sila kaya iginaya ko sila papunta sa clinic ko.

Habang naglalakad. My phone suddenly chimed because of my husband's message.

'From: Lou

Love, we're here at your clinic, pinapasok na kami ng nurse na nakaduty sayo.'

usal do'n sa message n'ya kaya napangiti ako 'ska hinarap ang mga kasama ko.

"Dito po tayo," saad ko at iginaya sila paliko sa clinic ko.

Nang nakarating na kami. 'Di na ko kumatok kaya nagulat naman yung tatlo dahil pumasok ako. Tapos pinanlakihan ko sila ng mata. Ibig sabihin may kasama akong patient kaya wag silang magulo.

"Pasok kayo. Take a seat," saad ko at nagtuloy tuloy pero nahinto ako ng biglang magsalita si Louie.

"Alice? Sh*t! Alice! Ikaw nga!" saad n'ya at tumayo bigla. Nagulat din naman ako kaya napatingin ako do'n sa mother ni Lance.

"Ikaw si Alice?" usal ko at tumango s'ya at nagulat din.

"Yes," maikling usal n'ya 'ska tumingin kay Louie. "What are you doing here?" tanong n'ya.

"She's my wife," turo lang ni Louie sa akin. "Gelo's sister," dagdag n'ya pa.

"Javielle?" Humarap n'ya sa akin at ako naman ang tumango ngayon.

Halata sa mukha n'yang nagulat s'ya.

"Yes, kaya pala may hawig kami ni Lance at mas lalo na kay Kuya Gelo," saad ko at nakangiting tumingin kay Lance na nakikipaglaro na kila Jash at Levin. "But we can talk that later... for now lalong dapat kong madaliin ang MRI ni Lance," saad ko at naglakad papuntang table ko.

"Why? Anong nangyari sa kan'ya? MRI 'di ba katulad yun ng test kay Gelo?" tanong ni Lou.

"Yes, kung tama ang hinala ko, he might have the same condition like Kuya Gelo that's why I need to urgent his MRI," saad ko at itinype na yung name ni Lance and put a note that urgent result needed at print yun.

"Teka! Same condition? Bakit? Anong nangyari kay Gelo?" tanong ni Ate Alice. Hindi ko siya nakilala. Twice lang naman din kasi kami nagkita. "Louie, what happened to Gelo? Is he okay?" tanong n'ya kay Lou na nakatingin sa akin.

"Kuya suffered from a brain tumor like our mom." malungkot na usal ko. "I don't like the idea but I guess Lance has the same condition as Kuya."

"Nasaan si Gelo ngayon? Hindi pa naman s'ya patay 'di ba? Tell me please.. He need to see our son. Hinahanap s'ya ng anak n'ya," saad n'ya at biglang umiyak.

"Hinanap n'ya kayo, Ate," saad ko. Eto yung isang ayokong maranasan noon ang umiyak at mawalan ng pag asang magkita si Jash at Louie, ang mabuo ang pamilya namin. "Hinanap n'ya kayo, Ate. Hanggang sa magkasakit s'ya. Kayo yung ginawa niyang inspirasyon para magpagaling at magpaopera."

"Javi, nasaan s'ya?" naiiyak na tanong ni Ate Alice. Sakto naman na lumabas yung recommendation ko kaya kinuha ko yun.

"Dadalhin namin kayo ni Lance sa kan'ya pero wag kayong mabibigla, you need to prepare yourself. But first, dalhin mo na si Lance sa Laboratory. Ipakita n'yo lang yan at mabilis kayong maasikaso," saad ko dahil ayokong patagalin na malaman ang result ng MRI ni Lance.

"Okay, aasikasuhin ko muna si Lance but to be honest I want to freak out on what you say, Javi. Ayoko ng idea na pumapasok sa utak ko.. Hindi naman nitso ang haharapin namin ni Lance, tama?" paninigurado n'yang tanong pero yumuko lang ako. "Oh ghad! What happened to his operation? Tell me, Javi."

"Ate, please... Si Lance muna," saad ko at nilapitan s'ya para mapakalma.

Ilang minuto ang pinalipas namin bago ko s'ya pinasamahan sa Nurse na nakaduty sa akin sinabi ko lang na hihintayin ko sila. nung nakalabas na si Ate Alice, agad akong kinurot sa tagiliran ng asawa ko.

"You are so naughty! Pinatay mo yung kuya mong buhay na buhay at kaya pa kong bugbugin pag sinaktan kita. Pinatay mo sa isip ni Alice." Naiiling na usal n'ya. Natawa lang ako.

Yes. Kuya Gelo is alive and kicking pa! . Dr. Jung revived him. While Yoo San finish the stitching. I just want to know if Ate Alice is still in love with my brother and of course kung may balak ba siyang ipakilala si Lance kay Kuya Gelo. Aba! Kawawa kaya yun si Kuya. 1 week after ng surgery n'ya gusto na agad bumalik ng Pilipinas para hanapin sila pero magaling magtago si Ate Alice kaya ngayon lang namin sila nakita. Sakto pa dito sa hospital kung saan ako nagtatrabaho.

"I didn't mean that. I just want to know if she has a plan to introduce Lance to Kuya," saad ko at lumapit sa baby ko. "Hi Levin, baby," saad ko at binuhat ang baby boy ko. His 2 years old.

Opo, 2 years ago lang ako ulit nabuntis. Ahm... Actually 3 years naman na talaga. Pero may naging problema. Nung may nangyari ulit samin ni Louie, nakabuo agad siya pero need alisin ang bata dahil nasa labas s'ya ng sinapupunan ko. Nasa tube lang s'ya, kung hindi s'ya aalisin pareho kaming malalagay sa alanganin kaya kahit masakit saming dalawa ni Louie. We need to sacrifice our baby.

Hindi kami agad gumawa ng baby dahil masakit pa samin pareho lalo na sa akin pero nung nakarecover kaming pareho sa tulong ng isa't isa at ng pamilya. Sumubok ulit kami at do'n na nga nabuo si Levin Marshall M. Fernandez. Our little boy.

"Sus! Namiss mo lang mama mo kasi gusto mo dumede," saad naman ng Papa n'yang yumakap sa likod ko. Wala naman na kong pasyente ngayon dahil malapit na din matapos ang duty ko unless may emergency.

"Mama!" masayang usal ni Levin.

Si Jash naman humalik na din sa pisngi ko. Ang Kuya Jashua namin, malaki na.

"Sila na lang ba inaantay natin?" tanong ni Louie.

"Yes po. I will call Kuya pala," saad ko at binaba na si Levin para makapaglaro ulit sila ni Jash. Tapos kinuha ko yung phone ko.

I dial my Kuya's number, na agad naman n'yang sinagot.

[Jav. Bakit?] tanong n'ya sa akin.

"Kuya, can we meet at Mom's grave? Please... Then let's eat dinner together... Please…" paglalambing ko sa kan'ya.

[Sige na, kita tayo do'n. Tapusin ko lang 'tong ginagawa ko] usal n'ya kaya napa'yes ako!

"Okay, Kuya. Thank you! Bye!" paalam ko sa kan'ya.

Inantay lang namin sila Ate Alice para isurprise si Kuya at ganun na din si Ate. Bad lang ako kasi pinaiyak ko pa s'ya.

Nang makabalik sila. Umalis na kami agad. Sinabi na din sa akin na first thing in the morning isesend sa akin yung result.

May kotseng sarili si Ate Alice kaya naman nakaconvoy lang s'ya samin. Nakarating kami sa pinag libingan ni Mama, parating pa lang si Kuya kaya magagawa ko yung plano ko.

Nagpunta kami sa puntod ni Mama na medyo hindi pa nalilinis kaya malabo. Nagulat naman ako nang biglang umiyak si Ate Alice kaya sinamaan ako ng tingin ng asawa ko. I didn't mean this to happen, ano ba?! Sasabihin ko sana na kay Mama ang grave na 'to pero she cried already.

"Nakakainis ka naman Gelo! Iniwan mo kami! Pagkatapos mo kong itaboy noon, ngayon iniwan mo kami. Paano mo makikilala ang anak natin kung iniwan mo kami. Ikaw pa din naman yung mahal ko, Gelo! Nakakainis ka! Paano na si Lance at Ako?" iyak n'ya sa puntod ni Mama.

"Anong meron? Bakit naririnig ko yung pangalan ko?" Napalingon naman ako nang biglang magsalita si Kuya sa likod ko. Sasagot sana ako kaso naunahan na ko ni Ate Alice.

"Gelo naman! Mahal kita pero please wag mo kong multuhin. Pero kung nandito ka talaga..." She trailed what will she say and hold Lance hand. Takte! Yare talaga ako kay Kuya. "Eto yung anak natin. Si Angel Lance, halos ipinangalan ko siya sayo dahil kamukha mo s'ya. Gelo! Bat di mo kami inantay?" Pakilala n'ya kay Lance.

Dahil naman do'n nakaramdam ako ng kurot sa tagiliran ko.

Si Kuya naman tinignan ako ng parang gulat at tinuro si Ate Alice.

"S-Si A-Alice yan?" nauutal na tanong n'ya. Tumango lang ako sa kan'ya kaya naman inilang hakbang n'ya lang yung mag-ina n'ya sabay niyakap.

Gusto ko tumawa pero sinamaan ako ng tingin ni Louie. Kasi naman halos mahimatay si Ate Alice nung naramdaman n'ya yung yakap ni Kuya.

Hindi ko talaga intensyon yun! Kasi naman bigla siyang umiyak! pero masaya ako dahil nakita na namin sila Ate Alice ang malaking problema lang namin ngayon ay yung sakit ni Lance.

Sana hindi katulad ng kay Kuya ang sakit n'ya sana simpleng sakit lang ng ulo at walang problema. Pero naputol yung hope na meron ako nang biglang napahawak si Lance sa ulo n'ya at sumisigaw na umiiyak.

"Ahhh! Mama! Ang sakit!!!" sigaw nya kaya dali dali akong tumakbo sa kanya.

Umiiyak naman na pinapakalma ni Ate Alice si Lance samantalang si Kuya nagtataka sa mga nangyayari.

"Lance!" sigaw ko nung nakalapit ako. "Kuya! pakalmahin mo si Ate Alice. Ako na dito," sigaw ko kay Kuya na nakatulala. Tinignan ko naman yung mga anak ko na nakayakap sa Papa nila.

"Tita Javi... Wala po akong makita.. Ang sakit po ng ulo ko.." umiiyak na usal n'ya.

"Lance, Tita Javi is here. Hold my hand," saad ko at inabot yung kamay ko. "Good! Now, close your eyes. Magbibilang ako ng 20 tapos inhale exhale," saad ko at tumango s'ya. Kaya inumpisahan ko na yung pagbibilang hanggang sa natapos kami. Unti unti kong pinadilat kay Lance yung mata n'ya.

"Nakikita mo na ko?" mahinahong tanong ko sa kanya 'ska s'ya nagdahan dahan na tumango at do'n nakahinga ako nang maayos. "Punta ka na kila Mommy mo," saad ko sa kan'ya habang hinahaplos yung pisngi n'ya.

"Javielle, anong nangyari kay Lance?" lapit sa akin ni Kuya habang nakayakap si Lance kay Ate Alice.

"Kuya, hindi ko pa talaga alam pero kaya kami magkita dahil nag consult sila. At ako ang doctor na nirefer sa kanila about sa condition n'ya," nalulungkot na usal ko at kinuha yung phone ko tapos tumingin ulit kay Kuya. "Lance might have the same condition like yours," saad ko at itinapat yung phone ko sa tenga ko.

-------------